Kahit kelan Hindi ko pinag kaila na mataba me kitang-kita ibidinsya. Respeto lang sa mga manlalait ha?!
Nabuhay akong chubby mula ng bata pa ko. Cute nung maliit, pinag kakaguluhan lahat ng tao. Mga tindera at Sunog-Baga boys gusto 'ko bigyan ng candy parati, ako nag papa-gaan ng umaga nila sa tuwing bibili kame ng pandesal ni Papa. Lahat ng mga tao sa palengke pinag aagawan ako. Kung kaya ko lang sila bigyan ng autograph noon ginawa ko na. Pag wala kameng pang-ulam sa lunch dadalhin lang ako ni Mama sa Tindera ng isda tapos sasabihin ko lang, "Penge isda!"
Boom...Coco Crunch!
Fiesta na sa bahay namin.
Pero habang tumatanda tapos dumadagdag ang timbang. Nagiging lesser din ang cuteness! Ugliness na ang nangingibabaw, hatechet!
Nung grade school nga ako ayaw ako isali sa agawang base ng mga kaklase kong sing iitim ng uling at putik (bitter parin?!) dahil mabagal nga daw ako tumakbo. Mga hayop! Sila na ang the flash! Sila na ang sing bilis ng Kuneho tumakbo. Letch!!! Kung kaya ko lang ibuhol ang intestines nila sa ngala-ngala nila eh gagawin ko talaga. Pero, dahil model student mey noon pa man, tinitiis ko ang lahat ng bullying nila Ate Charo kahit masakit. Arte lang!
Lumipas ang maraming taon. Mga 3 years.
Lumipas din ang madaming sinigang, jollibee, mcdo na nakain me kaya lalong nadagdagan ang timbang me. Nung high school pag may tirang pansit sa Canteen pinapatawag ako ng teacher namin, sabi kainin ko daw yung tira. Hello! Isang planggana kaya yun?! Mataba lang ako pero hindi ako hipo! Besides kung Spagetti yun eh baka pwede pa, pero pancit?! Yuck! I don't eat that...Nakakasakit na sila! Sobra na! Gusto ko nang mag pasagasa ng tren sa railway papuntang Hogwarts habang lulan ng tren ang mga wizard students.
Fast forward to future...
Mataba parin.
Naging achiever naman ako. Hindi naman masyadong naging hindrance ang katabaan ko para mag blossom ang aking career at personal life. Nakakatulong naman ako sa maraming tao at malinis naman ang puso kong sing dalisay ng fountain of youth. Pero naman! Gusto ko nang pumayat pagod na kong maging mataba ate Charo. Arte lang ulet.
Pag lapag ko ng Singapore pinangako ko sa sarili kong mag papapayat na me. Para maging uber hot and steamy naman me. Kaso ang hirap-hirap! Mas masarap talagang mag kutkut ng Cheetos habang na nood ng tv at may Coke sa side. At higit sa lahat ang hirap mag tiis ng gutum lalo na pag ang dami mong pambili. Juk!
Dito sa Singapore parang sinusumpa ang matataba dito. Bihira ang matataba dito na local. Sa primary school pag overweight ang bata doble ang PE nya. More more jogging sya pati sa hapon. Ang hirap tuloy bumili ng longsleeves. Yung isang longsleeves na size 14 pinilit kong isuot. Tumalsik ang butones pag upo ko. Na depress me ng two minutes.
Kaya nag decide akong gumawa ng paraan kahit pakonti-konti. Nahilig akong mag badminton
Nahilig akong mag swimming LOL
Nahilig akong mag high Jump at tumakbo
Nakahiligang kong kumain ng konti (Plastic!)
Perooooooooooooooooo...
Hindi parin me pumapayat ate Charo. Nakaka longkot lang ba! Sabagay, wala pa namang 2 months ko itong ginagawa. Inisip ko nalang nag eenjoy din naman ako. Kung hindi ako pumayat ng malupet. Kebs!
Pero isa lang talaga pangarap ko kung baket gusto kong pumayat.
Gusto kong mag tucked-in ng maayos. Ang hirap mag tucked-in pag malaki tyan! AHEYRET!
di ko naranasan maging mataba. payat ako since birth. ganunpaman, seryoso, wala naman silang pakialam kung mataba ka. laslasin mo pulso ng mga yun hehehe
ReplyDeleteAstig ka talaga mag post Kuya Jepoy napangiti mo nanaman ako. Badminton din ang ginagawa ko para pumayat pero parang wala ding epekto eh hehe..
ReplyDeleteJepoy, naisip ko agad si Aaron sa scene noong bata ka at humihingi ng isda hehe...
ReplyDeletePero alam mo, at least may ginagawa ka. Inspired ka ba? Nguiguilty nga ako pag nakatunganga lang ako sa laptop ko tapos nakikita ko nagsuswimming ka na naman!!! hehe!
Tsaka alam mo, may difference naman na e ! :)
And ang pinakamaganda e MAY GINAGAWA KA NGA. Dun pa lang, makikita mo at least may determinasyon. O di ba :)
papa jepoy...ok lang yan cute ka naman eh... ganun talaga life meron kc tayo pambili ng burger kaya lapang kung lapang....:(( jogging kana lang sabay kain ng kanin at ulam na sinigang :))) huwag kana mag tak in... di na uso un:))) ingat plagi...:)))
ReplyDeleteHaha kayang-kaya mo yan. Kapag nakamit mo na ang iyong ideal weight, hahabol-habolin ka na ng mga kababaihan (at pati na rin ng kalalakihan para itanong kung ano ang ginawa mo hehhehe).
ReplyDeletePano ba yan, magpapapansit daw si Glentot dahil bertdey niya!?!?!
(magpapaka-anonymous ulit... ipasalubong mo na lang yung mga chocolates na hindi mo kakainin :D)
Best wishes on this great adventure!
ang buhay nga naman habang ang iba ay tinutukso dahil sa kapatayatan at walang pinangarap kundi ang tumaba ikaw naman gustong magpapayat.
ReplyDeleteOh yeah, i like the first photo ang cute.
tumalsik ang botones pag upo. nangyayari yan sa sakasama ko. Ako ang pumulot ng butones tapos nilagay ko sa harapan niya di niya pinansin parang nagalit siya.
I CAN REALTE TO THAT, ATE CHARO.
ReplyDeleteNANGINGIBABAW ANG UGLINESS. TOINK
Ikaw na talaga ang model student pareng jepoy!
ReplyDeleteDont worry kayang kaya mo yan. Discipline lang alam kong madami ka nun. :)
isumpa mo muna ang cheetos and coke isipin mong madumi silang pagkain at magkakasakit ka kapag kumain ka nun. ok?
At in the end magiging steaming hot ka na.lol
Okay lang na majubis ka Jepoy, cute ka naman e ... Pautang nga! LOLOLOLOL. :D
ReplyDeletechubby is KEWL! chubby is US! :D
ReplyDeleteKaya mo yan jepoy! I believe in you! Naks... Ok lang naman kumain ng gusto mo, in moderation nga lang... tsaka kung di kaya ng powers ang badminton, kahit mag-walking ka lang 30 mins per day, ayos na yun! ;) ingat ka lagi jan...
ReplyDeleteHindi tayo mataba jepoy, BIG BONED lang hehe
ReplyDeletego go power rangers! pasasaan ba at papayat ka rin. papayat rin ako. papayat tayong lahat :D
ReplyDeletegoodluck :)
Hi Kuya Jepoy, ako din chubby na huggable =) haha. maraming nagsasabi na kamukha ko daw si Jugs, which is favorable naman sakin haha. wag mung intindihin yung ibang tao, basta't masaya ka ok yun. hehe ^^,
ReplyDeleteHi Jepoy, I think this is the story I will always remember you with.
ReplyDeleteI think it's admirable that you are working hard to get the body that you want. I know it is not easy, and I hope you persevere.
I have a fat friend, and he tells me, he reverts to being funny or comical as a way to deal with his weight.
I know people have body issues; I guess we all feel we are never enough. I'm too thin, too fat, too tall, too short.
But I think at some point we can be happy with the body we have, and be comfortable in it, and love it. =)
Kane
Kacute mo pa rin kaya kahit ganyan ka Jeps, floppy. Haha. Joke lang. Kaya yan, mataba din dati ang kapatid ko at asawa. Inalis nila ang carbs sa diet nila, not totally wala na pero di na sila nagrarice at spaghetti. Haha. Basta any source of carbs. Konting konti lang talaga. Tapos dadamihan na lang nila kain ng ulam tsaka sandamakmak na fruits at veggies. Super effective. Payat na payat din ako dati at tumaba ng ganto. Pero kaya pa namang ihandle. Haha. Good luck Jeps.
ReplyDeleteYou Guys, thank you for your wonderful comments I lily lily appreciate et.
ReplyDeleteEverycomment counts, I promise pag nag karoon ako ng marmaing time I'll visit all your blogs wala lang talaga masyadong time.
Thanks for the encouragement pakiss nga *SMACK*
hangkyut mo tologo ser jepoy!
ReplyDeletego lang ng go keri yan!
your sense of humor drives me nuts ng bongga!! XD
chubby, majubis or manas at marami pang iba,are only but an adjective, it does not define YOU... i dont think it's fair to limit yourself with those descriptive words.
ReplyDeletei admire your efforts and determination, though it may not come in an instant, you'll soon reach that "nakakapasong aura". ang importante masaya at healthy ka!
kung sino man ang lalapastangan sa punong-babaylan ay masasaktan! :) cheer up!
Ahahaha dadating din ang araw luluhod ang mga pantalon nyong maluluwag!!!konti pa tignan nyo oh humpak na face nyo ahaha
ReplyDeletePogi!!!!
ReplyDeleteSooner or later mawawala din yan dali lang kaya papayat dito. Try sports, try dragonboat.
i feel you jepoy! katulad mo isa rin akong matabang tao simula pagkabata. Pero dahil sa tibay at lakas ng loob kayang kaya nating magpapayat at makakapagsuot din tayo ng damit na hindi nasisira ang butones at napupunit ang likod pag bumahing or umubo! :D
ReplyDeletekeri yan, slowly but surely ika nga. who knows, mga after 4 months saka lalabas ang results
ReplyDeletesus! papayat ka din, kaw ba naman tumabkbo ng 12KM every other day? Kampai!
ReplyDeleteganda ng raketa ang cool ng kulay cute ka kuya jepoy wag ka mag alala heheh
ReplyDeleteganda ng raketa ang cool ng kulay cute ka kuya jepoy wag ka mag alala heheh
ReplyDeleteBabasahin ko sana kaso naman yung unang-unang picture ang sakit sa eyes! Naclose ko tuloy yung browser sabay delete ng history.
ReplyDeleteSo, Sporty ka na pala ngayon! Pwes ikaw na ang healthy! hahaha! Mag Oatmeal ka nalang...
ReplyDeletebat ganun? mas madaming beses akong natawa kesa naawa. siguro papayat ka rin nasa disiplina mo lang yan. mas mahirap lang kasi matagal kang sanay sa lifestyle mo(gulo ko!)
ReplyDelete