Open Letter to Mom
Mama,
Happy Birthday Ma! I love you so much. This is not the most emotional letter you would be receiving from me. Well, actually mabibilang mo lang naman talaga sa kamay mo kung ilang beses ako sumulat. Sabi nga sa kasabihan action speaks louder than words.
Alam mo na hindi ako naging masamang anak. Hihihi Hindi rin naman ako naging sobrang buti. Tamang timpla lang. Ikaw din kaya hindi perfect! Umarti?! Pero kahit na hindi ka perfect given the chance of choosing another mom ibubulong ko kay Papa Jesus na ikaw ulet.
Hindi ako mahilig mag thank you sayo. Diba nga pag abot mo ng pera tatalikod kagad ako. Or kikiss lang ako okay na. But this time hindi ikaw yung dapat mag thank you sa tuwing may inaabot ako. Maliit na bagay lang yun kumpara sa nabigay mo sakin.
Mama naalala ko nung hinatid mo ko sa first day of school ko. Very vivid pa un sakin. Natapon ko yung juice sa uniform mo tsaka sa uniform ko pero sabi mo okay lang yun. Dapat wag ako matatakot sa school kasi big boy na ko. And that dapat maging valedictorian ako kasi sabi mo matalino ako.You were there the whole time hanggang sa first recitation ko. You were celebrating with me. Thank you for the encouragement. Sorry kasi best in attendance lang ako nun.
Mama everytime nangungutang ka pambayad ng tuition fee ko nung college nadudurog ang puso ko, pag nakikita kitang iniiyakan ang ibang tao pero wala akong magawa, hindi ko masabi how thankful and grateful I am kasi kahit kahihiyan na sa mga kamaganak natin can afford eh hindi ka na ngingiming mangutang. Hindi kaman kasing talino tulad ng mga nanay ng classmates ko na dean sa college or kung ano-ano pa man proud na proud parin ako sayo.
Mama Happy Mothers day pala! Alam mo mas ngayon ko navalue kung gaano ka kaimportante sakin kahit sa sobrang liit lang na detalye. Remember nung papaalis ako paunta Singapore. Umiiyak ka, iniabot mo sakin yung med kit. Kumpleto my bioflu, tuseran lahat meron. Nagamit ko sya ngayong may sakit ako. Ang difference lang walang nag papahid ng vicks sa likod ko. Pasensya ka na dahil wala akong kwenta kausap kanina. Ayoko ko kasing maiyak sa office at ayokong nararamdang naiiyak ka kaya tinapos ko na kagad yung call.
Ang daming reasons kung baket ako proud and love kita, malamang hindi mo naman mababasa to kasi hindi marunung mag internet pero at least alam ng lahat ng proud ako sayo at love na love kita. Sana iinumin mo parati yung gamot mo sa highblood. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko sa pictures na magkasama kayo nila Papa. Pasensya na kelangan ko talagang mag abroad kahit hindi naman kailangan dahil gusto ko lang gawin to para mas ma enjoy nyo ang buhay habang malakas pa kayo.
Mama salamat sa maraming sinigang na favorite ko. Maraming salamat dahil tumatabi ka sa akin pag mataas lagnat ko kahit masikip sa kama. Salamat kasi inuna mo pa-aiconan kwarto ko kasi alam mo ayoko ng mainit. Salamat kasi isusubo nyo nalang binibigay nyo pa sakin. Salamat binigay nyo mga materyal na bagay na halos hindi nyo naman kayang ibigay. Salamat kasi may Cake ako nung grade 1 kahit wala naman tayong pera. Salamat sa mga bagay na naibigay nyo na halos ikahirap natin para lang matugunan ang dreams ko. Hindi ko matatapos to dahil natulo na yung sipon ko. Gagawa nalang siguro ako ng mas maayos na sulat para sayo. Gusto ko lang mailabas sa pamamagitan ng lathalang malapit sa puso ko edi itong blog ko.
Mama I love you so much! Pasensya na sa mga pagkukulang ko. Tinatry ko naman punuan eh. Ingat's parati Happy Mothers day! sana nagustuhan nyo yung flowers at cake. I miss you! Kitakits soon wag ka mag pabili ng LV hindi ko kaya bilhin yun. Mwah!
Happy birthday Ma! May you have more wonderful years to come! Shopping tayo!
Love,
Jepoy mo!
Birthday and mother's day. Kahit hindi pa full effort at uulitin mo pa to para sa better version, nakakatouch na. Naaalala ko tuloy nanay ko. Tsk. Happy Birthday sa Mommy mo Jeps. Get well soooooon.
ReplyDeleteAwww sweet namang anak! hehehe
ReplyDeleteHappy birthday sa mother mo at advance happy mother's day na rin...
papa jepoy!!! ano ba yan kaaga aga pinapaiyak mo ako... huhuhu... super sweet ng sulat na yan para kay mama................... mo :)) kung mabasa man niya ito im sure super proud din cya sau dahil ikaw ang naging anak niya ... happy bday and mader day na rin..:))
ReplyDeletehangswetswey nomon!!
ReplyDeleteumiyak ka nunh sinusulat mo 'to noh? Hehe
Happy birthday sayong mother dear :)
...and happy mother's day sa lahat ng mommies :))
naiyak naman ako dito. huhuhu nakakarelate ako lalo na dun sa tuition thingy. haaay..mothers will always be the best. no one could ever replace them.
ReplyDeleteang bait ng mom mo for all that she did. di lang sia ilaw, sandalan mo din at energy booster.
ReplyDeletehppy bday sa kanya at makiki-advance hppy mothers day na din.
di ko alam kung pumasok yung comment ko kasi naging symbols ang text na lumabas after clicking publish.
ReplyDeleteang bait ng mom mo kasi andami nia naging sacrifice to let you know na uber mahal ka nia. Di lang sia ilaw, naging pillar din at energy booster.
Avance happy mothers day at happy birthday sa mom mo :D
happy birthday and happy mother's day to your mom! natouch ako sa sulat mo, muntikan na akong maiyak.. *salute*
ReplyDeletepagkagising ko, eto talaga bumugad saken at yung luhang pumatak sa mga mata ko na ang naging panghilamos ko. hahaha. iba talaga pag nanay na ang usapan.. nakakatouch.
ReplyDeletehappy birthday to her pati advance happy mother's day!
P.S. Hindi daw LV ang gustong ipabili ni Mama mo, kundi Hermes at Prada.. para naman maiba! LOL
happy mother's day kay mama mo.
ReplyDeletehappy birthday na din.
ang galing naman ng pagkasulat. candid pero galing sa puso. nice. im sure maiiyak sa tuwa si mama mo nito. ^___^
happy bday to ur mom and happy mother's day to all the moms. :)
ReplyDeleteipabasa mo sakanya ito :)
sobrang natouch naman ako sa letter mong ito sa iyong mudang.. so hindi pa pala ito emotional na letter? Napaluha na nga ako dito pano pa pag tinodo mo na? Ramdam na ramdam yung pagmamahal mo sa kanya pramis.
ReplyDeleteHappy Birthday and Happy Mothers' Day sa iyong mommy! :)
Sweeeeeettt.. :)
ReplyDeleteako din, plano ko ulit sulatan si Nanay ngayong darating na Mothers Day. Ingat, DON Jepoy. :D
Aayyyy...naiyak naman ako dun.Miss ko tuloy ang mama ko.it's been 13years. :(
ReplyDeleteSweet naman ni big man. Happy birthday to your mom and happy mother's day sa lahat ng nanay.
" Pasensya na kelangan ko talagang mag abroad kahit hindi naman kailangan dahil gusto ko lang gawin to para mas ma enjoy nyo ang buhay habang malakas pa kayo."
ReplyDeletepag dating dito nawala na ako. di ko na tinuloy ang mga sinulat mo mamaya na ulit.
Kasi ito ang napapasaya sa akin ngayon ang malaman na marami pang mga anak na may mithiing ganito sa buhay.
pagpalain ka ni papa Jesus jepoy.
happy maders day ke mama mo. \m/
ReplyDeleteat talagang tinablan ako sa letter mong piglet ka. HAHAHAHA! gagawan ko din ermat ko.
ReplyDeletenice! mabuting biik este anak..hehehe
ReplyDeleteanonymous reader ^^, kudos idol!
nice letter
ReplyDeletehappy birthday sa mama mo at happy mothers day na rin
Best post in this blog. :)) Happy birthday Misis Besinio! Ipagluto niyo din po kami ng sinigang pagpunta niyo dito sa Singapore! :))
ReplyDeletebuset ka, Jepoy, nainggit ako kasi di ganyan nanay ko ka-generous pero mararamdaman mo yong pag-aalaga niya in her own small way. Di ka magaling magsulat but the honesty more than makes up for it and thus it turns out to be brilliant. Nasinghot nga ako habang nagbabasa.
ReplyDeleteErgo. . . magaling ka na rin, wala nang ligoy pa.
God bless you, Jepoy!
ReplyDeleteHappy birthday and happy mother's day to your Mom! :D
may kurot sa puso tong post na to! iba kasi sa akin pag nanay ang pinagusapan. nadudurog ako automatic! happy birthday kay mother dear mo!
ReplyDeletei was crying while reading this... thanks! dati pinapatawa mo ako... ngyon pinaiyak mo nmn ako... pero napangiti pa rin ako about the LV...
ReplyDeletenga pala no...tnx sa post dahil naalala ko..
ReplyDeleteapir! gusto din tuloy gumawa ng lab letter :P
ReplyDeletethanks for your comment peeps appreciate it. Iisaisahin ko sana kayo kaso pagod me. Thanks sa mga naka relate :-D
ReplyDeleteiprint mo to jepoy at padala sa nanay mo..im sure matutuwa siya..hehehe...hahay..miss ko na rin nanay ko.
ReplyDeleteNag-eemo ka sa Araw ng mga Ina! Happy Mother's Day sa mama mu.
ReplyDeletenice letter,very touchy. :(
ReplyDeletebuti kapa me mother, ako i grow old without her,kea dapt tlga natin i appreciate mga nanay sa buhay natin...
Cried..
ReplyDeleteang ganda naman (pati yung letter mo sa tatay mo na hindi na ko nagcomment, dito na lang para isahan), damang dama, eto nagba-back-read pa rin hehe adik na sayo :)
ReplyDelete