Wednesday, June 29, 2011

Hari ng Sablay...

Gusto ko sana mag emo netong madaling araw na ito. Kakatapos ko lang mag laundry ang hirap mag sampay! Bigla kong na-miss ang labandera namin sa panahong ganito. Na miss ko sya hindi dahil hinahaplos nya me sa sensitive part ng katawan ko pag napapagod na me. Tulad ng braso ko at likod...

You dirty mind, beoyaaaaatch! Na-miss ko lang ang fact na may nag lalaba para sakin at may halong haplos na walang malisya. Oo, walang ngipin yung labanedera namin. Umayos ka!

Ayoko mag rant...

Gusto ko lang mag emo. hihihihi

Ganto kasi 'yun. Let me open my heart to you kahit ngayon lang. heart to heart talk itwu! Juk. Paano ba hindi maging torpe?! LOL nakalimutan ko na yatang magkumapal ang pez pag dating sa pag didiskarte hindi na me marunung. Baket kaya pag gustong-gusto mo ang isang babae mas mahirap mag start ng conversation. Eh napaka eloquent ko naman, kahit sino kaya kong kausapin kahit Psycho kaya ko. Puro nalang ako epic fail. Siguro kasi alam ko naman na wala akong pag asa at natutuwa lang ako pag nakikita ko sya. LOL langit sya lupa me. Charot!

Hindi ako sanay mag kwento ng mga ganito ka personal pero for the sake of madaling araw na at tamang hindi makatulog let me write my sablay moves konti lang at wag nyong asahan na mauulit pa ito. Idedelete ko rin to mamya. LOL ang dami sinabe?!

ito ang mga sablay moments ko. Realtime itwu!

1. Couple of months or weeks ata kumatok ako ng pinto ng bahay nila dahil taeng-tae na me. Punyeta diba?! Pag bukas ng pinto sya ang tao. Na starstruck me, wala words na lumabas sa cute kong lips...Syempre na tame-me ako sabi ko makiki ihi lang me pero ang totoo natatae na me. Yung basang basa tae! Eh napansin kong nakabihis na sya at aalis na ng bahay. Ang phone in question is... Sino mag lock ng kandado? Wala so nag hintay sya. Ang sabi ko iihi lang ako eh medyo napadami ng tae nag hintay sya. Kumatok ng CR sabi nya mauna na daw sya at pasensya na...Sabi ko Sige thanks ha!

:-(

2. Pagtapos ng Church usually sabay-sabay kaming nag lunch. Dahil sutil ang mga brothers ko, nag laan ng upuan kung saan mag katapat kame. Awww! Kinilig me ng konti. Yung parang highschool pero syempre kalma lang. Hard to get me. hawak ko ang tray na may lamang dalawang ulam kanin at sawsawan na may patis at suka.

Guess what kung anong nangyari?!

Nabitawan ko ang tray nahulog ang patis sa harap nya nakita ko nabasa yung paa nya pero hindi sya nag react. Parang gusto kong matunaw at kainin ng lupa nung araw na yun. I hate it.

Ako na mamatay na Single!!!!!!!! Kayo na makulay ang pagibig. Kulay rainbow!


28 comments:

  1. LOL! Alam ko gusto niya magkaroon ng iPhone4 White. At dahil mayaman ka... Wala lungs... :))

    ReplyDelete
  2. Papa Je try mo sa guy baka dun di ka sablay.

    Dyowa ni Edmilyn

    ReplyDelete
  3. lablayp ba yan sa madaling araw?!! ahahah! be natural lang..minsan kasi pansin ko ang mga guys great pretender pag may kursunada o pinopormahan na chikababes....swabe lang yun ang mas ok..humble pero may kasamang pakyut! hahaha!

    itulog mo na nga yan! pag gising mo mag toothbrush ka at say hiii to her with fresh breath! puro kasi ang baho ng meet up nyo! ebak at patis! ahahaha

    ReplyDelete
  4. haha..bentang benta saken yong mga senaryong ganito. Ganun talaga kung kelan dpat mag pa impress tsktsk saka naman puro kapalpakan.. ahehehe 'think positive dude!

    good luck =)

    ReplyDelete
  5. dalawang sablay pa lang naman yan jepoy. hindi pa naman 100.

    go lang ng go. Parang sa pelikula at some novels, ang kasablayan minsan ang mga memorable moments between 2 lovers :D

    ReplyDelete
  6. i feel for you ;(

    ReplyDelete
  7. Natawa ko sa natapon na patiz.nasa bus pa nmn ako while reading thjs.siguro sabi ng anapeyz y me tawa.lol

    Wag kana matorpe,kaya mo yan.girls are naturally pakipot and if you didnt move wala mangyayari.

    Gora ka na!let me know if i can help;)labas tayu

    ReplyDelete
  8. No guts no glory yang ang isipin mo! ;)) Wala kang mapapala sa pagiging torpe mo baka maunahan kapa ng iba diyan sige ka. ;)

    Try and try until you succeed

    ReplyDelete
  9. isipin mo na lang ganito, at least ok lang sya na makasama ka. Baka naman marami ka ng good points sa kanya, wag mo na lang masyadong isipin ung bad points mo.
    enabler ako? hahaha

    ReplyDelete
  10. hays.. ikaw na jepoy... ang nakakapagpaligaya sakin sa mga post mo.

    ReplyDelete
  11. Kilala ko kung sino to, hndi ko sasabihin..hehehe.. ang alam ko idol nia sa kobe kaya dapat tuloy tuloy na ang pagpapapayat you.. inumin na ng sabay sabay ang hydro at mag swim na sa pacific ocean papuntang pinas at magsign up as player ng PASAY SLASHERS basketball team.. GOW!

    ReplyDelete
  12. Kailangan mo bang gumawa ng kahit na anong moves.Di pa ba sapat ang maging sikat at maging jepoy lang.Wohh.

    ReplyDelete
  13. madami pang oras Jepoy para makabawi. Go lang ng go! :D

    ReplyDelete
  14. yak! walang lovelife?! lol

    ReplyDelete
  15. pareng jepoy maaga pa naman para sumuko ako din madalas sablay eh,db nga nobody's perfect..
    kya pa yan may oras pa naman!

    ReplyDelete
  16. yun nga cute e..yung sumasablay!bwhahahahaha!!!anyway, palagay ko kaya ka nahihya kasi sa kanya tnatry mong iimpress sya at the same time ayaw mo mphya sa knya.may pressure kumpara sa ordinaryong tao...hahahaha!!good luck jepz.zna paguwi mo bukod sa HUNK ka na may KASALAN na.LOL!!!

    UNGAZ

    ReplyDelete
  17. insert hari ng sabalay song here..
    buti na nga lang at hindi sa mukha natapon ang patis....dahil kung nagkataon, siya na mismo magbubungkal ng lupa para sau,ahahha.

    paturo ka kay gasdude o! i know maraming alam yan.ahahaa

    ReplyDelete
  18. hahahaha nako, isipin mo lang hindi mo siya type. ayun and everything wil be ok.

    comment din ng isang single. amputcha

    ReplyDelete
  19. E kumalma ka nga lang kasi. Yung normal mo lang, kapag kasi nahiya ka lalo sa harap niya, lagi ngang may mangyayaring masama. Matetense ka! Hahaha. Isang payo mula sa isa pang consistent na Torpe!

    ReplyDelete
  20. tawa ako ng tawa dito. dahil sa kwento mo, may naalala tuloy akong experience ko. di ko alam kung related siya pero baka makatulong pre: http://akoaysalbahe.wordpress.com/2011/06/30/bus-story/. Haha!

    ReplyDelete
  21. Haaynako, wag ako ang tanungin mo sa ganyan dahil sa isa rin akong torpedo. Tsaka, ako ang nilalapitan dahil pogi me at may billboard ako sa Guadalupe.hehe
    Anyhow, inihaw, my best advice is to just be yourself. When you try to impress her by being someone you're not, chances are sasablay ka nga. (Hindi ko napanindigan ang inglis)

    ReplyDelete
  22. Ahahaha. Ang tanga ko, habang binabasa ko to kala ko sa labandera mo ikaw may gusto.Buti nalang naunawaan ko sxa sa mga sumunod na paragraphs Ahahah sensxa sensxa

    ReplyDelete
  23. Wow, parang young love sweet love lang Jepoy! Natatawa ko na kailangan sa inidoro pa nya ikaw makijebs. That's really love! Haha!

    Sana maging happy ending tong love story na to for you and the special girl. : )

    ReplyDelete
  24. yun o! pumapag ibig ka jepoy? ;)

    ReplyDelete
  25. accidents do happen, pero wag ka magpaka-trying hard para mapansin, eh sa bibo mong yan, hindi ka pa ba niya mapapansin.. be yourself and enjoy life.. yiheee!

    ReplyDelete
  26. single ka kasi ikaw at si glentot ang nakatadhana...uuuuuuuuuuy.....hahaha!

    ReplyDelete
  27. @Anonymous

    HIndi ka nag basa ng post noh?! skip reader!!! CHUPI!!!!

    ReplyDelete
  28. Paano na si GANDA!!! Yung crush na crush mo sa chat tapos nung nakita mo sa personal eh deadma sa banga na! yung araw-araw nating hinahalukay ang pics sa FB noon para pagtawanan.

    ReplyDelete