Friday, August 13, 2010

Walang Kwenta

Hindi ko inakala na darating ako sa punto na wala na akong makwento dito sa blog ko. As in buta. Betlog. Zero. Nadah.Kamote. Or marahil dumarating lang talaga sa punto na nag sasawa na ko sa ginagawa ko. Hindi katulad noong panahong nag sisimula palang, ganador mag sulat talaga. Araw araw may update. Ngayon tamad na talaga me. Masyado na akong busy sa mga taping and all tv appearances. Jowk!

Pero minsan may isang pwersa parin na nag tutulak sa akin na i-click ang create new post para mag simulang tumipa ang aking mga daliri ng mga walang kwentang kwento. Ito siguro ang ispiritu na nanggagaling kay Buddha.

Baket Buddha?

Wala lang, masarap lang sabihin ang Buddha-bless-you,may masabi lang. Nangengelam ka?!

Sa totoo lang pag napapalingon ako sa hit counter at sa site meter ng bahay ko na ito, parang napapatulo ang luha ko sa kaliwang mata dahil sa sobrang tuwa, akalain mong fourty thousand something na ang hits ng website na ito na ako lang naman ang nag babasa. Oo, maliit kumpara sa mga bigtime na blogger, pero, nakaka tats lang ng konti dahil may nag tya-tyaga palang mag click para mag basa kahit wala namang sense ang laman ng bahay na ito. Sainyo ako'y nag pupugay mabuhay maskoman (corny!!!)

Sa katotohana siguro eh, thirty thousand doon ako naman ang nag click ng nag click. Yep yep, ganoon siguro ako ka pathetic. LOL

Kanina pagbukas ko ng facebook ko habang nag titingin-tingin ng mga old pictures bigla 'kong naisip itxt ang mga dati kong tropa at office mates.Oo, aaminin kong na miss ko sila ng slight. Kaya tinxt ko sila

"Hoy mga Putangina nyo, ilibre nyo ko pag dating ko dyan ha. Ilabas ang red carpet mula sa Airport hanggang hotel.. Lunurin nyo ako sa alak."

may mangilan-ngilan naman na nag reply.

"Putangina mo rin, kung mataba ka parin eh, ayaw ka nanamen makita! nakakasuya.. Go to hell"

"Ayaw ka nanamen makita Potashet ka! Wag mo kaming hanapin, hindi ka nanamin love"

"Who U?"

Yan ang response na nakuha ko. Napaka encouraging noh? Alam ko naman na biro lang nila ito dahil hindi ang tipo ko ang kaya nilang tiisin at ganun-ganunin nalang. Ang buti buti kaya ng puso ko at mabuti akong kaibigan.

At dahil mabuti ang puso ko pag bukas ko ng fb kanina nag delete ako ng mga friends sa friendlist ng mga nonshowbiz friends, joke! binura ko lang 'yung mga dummy account na nasa list ko pampasikip lang kasi sila sa list ko. Kaya kung sakaling nababasa nila ito, shout ko sa kanila to, kung gusto nyo lang naman makita ang pictures at makichismis sa facebook stat ko eh, sabihin nyo nalang at se-sendan ko nalang kayo ng screen shot. Hindi ako suplado, hindi rin naman ako artista para mag inarte. Ganun lang talaga hindi pwedeng add ng add ng friends hindi naman alansya ang facebook the more the merrier.

Kung ano ano nanaman pinag sasasabi ko dito. Pasensya na. Pumupuslit lang kasi ako ng oras para mag post sa opisina. Hindi nga ko masyadong makapag tweets, potashet! At dahil wala akong update naisipan kong gumawa ng isa.

Naiirita much na ako sa trabaho ko. Gusto ko ng mag resign. Kaso ayokong maging bum. Ang dami dami kong gustong isulat tungkol sa trabaho pero hindi nalang kasi baka may nag mamasidmasid na kinauukulan. I need a break. I need a vacation. One week pwede na. I'm exhausted and so tired. Oo medyo petiks ang aking trabaho pero alam mo 'yun feeling na napromote na 'yung buong mundo ikaw hindi parin. Putangina!!!!!

I hate et!

35 comments:

  1. nakailang mouse ka para makamit ang 30K na hits sa blog mo? ganun din gagawin ko, hahahaha.

    bakasyon ka muna. o kaya mag SL ka, one week na Sex Leave.

    ReplyDelete
  2. ang arte arte mo! uminom na lang tayo! hindi ko na kayo iindianin. promise! :)

    ReplyDelete
  3. oh! related sa new blog post ko fb-topic na yan' : D

    ReplyDelete
  4. alam mo jep..pareho tayu ng nararamdaman ngayun...nag resign na nga ang mga kasama ko at ako nalang ang naiwan..pero ito parin.tanga tangahan na umaasa na mapropromote. Kani kanina lang sa kubeta naisip ko na, if i cant find the promotion i want here, why stay? di ba english? naintindihan mo naman ba?ahaha

    basta ako rin. hindi na nakapagsulat. Im so fcking sad.

    tama ka...hindi naman frenster ang facebook na paramihan ng freds. duh d ba?ahahaha

    ReplyDelete
  5. Tama si super balentong, SL or VL, na 1 week ay sapat na.

    May case ako dati na i need a break, aun, sabi ko may sore eyes me. :p 1 week na pahinga but during that time, na miss ko din work. :p

    ReplyDelete
  6. Hoy ang bi-B.I. nyo! Bat nyo pinag e-SL si Jepoy wala naman syang sakit! TSK! KJ much? Hehe!

    Seriously, lahat naman tayo nabuburn out sa mga trabaho naten. Kaya instead na lalong maburyong, change of mindset nalang dapat. Tuwing umaga ganito ang sabihen mo "I love my job! I love my job!", repeat 3x. Isa sa umaga - lunchbreak at bago mag uwian. :)



    P.S. Mag SL ka na tapos maglakwatsa tayo! Hehe!

    ReplyDelete
  7. ==K====

    Napareply ako bigla dahil sa comment mo. Mag lalakatwatsa talaga tayo! Hintayin mo ang txt ko, Orayt! Dun tayo sa masisiyahan tayo ng husto..Like go cart plus movies plus pancake! *wink*

    ReplyDelete
  8. Very inspiring post. Keep it up. LOL

    Na-meet ko na si Bulakbolero at Roanne kagabi. Nilibre kami ni Roanne ng beer. Pagdating mo dito sa Singapore ilibre mo din kami ha. :)

    ReplyDelete
  9. "Kainan na!!"

    yan lang nagpapagaan ng loob ko pag feeling ko pagod na ako. ^_^

    ReplyDelete
  10. Jepoy,
    Ang landi landi mo.
    Regards,
    Oliver

    P.S.
    I didn't like the structure. I should have skipped this.

    Dapat ung PS talaga ung comment ko sau, kaso nagkaroon ako bigla ng opinion sa comment mo kay -=K=-
    =p

    ReplyDelete
  11. @SUper Balentong

    Pre matibay ang one and only mouse ko at praktisado ang daliri ko kaya, walang effort sakin yang 30K na yan.hahahaha

    Sex leave, sus! ang bastus bastus mo i heyreet!

    @Caloy

    Puro ka nalang hindi iindianin, tapos bigla ka nalang ni ha ni ho walang pasabi, hindi ako makamove on sa tatlong beer na nasayang sa bucket na inorder namin dati. ahahhaha

    Tara na!

    @Wait

    Honga nabasa ko yung entry mo, pareho tayo siguro ng iniisip ahahhaa

    ReplyDelete
  12. @Maldito

    Haist kaibigang maldito, relate much! Paki tagalog nga yung part ng english di ko masyadong na relate...

    I blog mo na ang frustration mo bilis!

    @Khantontantra

    Salamat sa magandang example mo. Sa totoo lang nakapag file na ako ng leave na one week kaso next month pa ito. Gusto ko sana now na...

    @Gasdude

    Baket ganun meron na rin pambabara factor sa umpisa ng post?! Hmp!



    Hoist umayos kayo ni bulakbolero ako ilibre nyo pambihira. TSaka ayoko ng alak, gusto ko pag kain ung masarap at ung may desert pag tapos ng main course ahaaha (demanding much)

    Alam kong pareho kaong consultant ni bulakbulero kayo wag nyo kong baratin. hihihihi

    ReplyDelete
  13. @Dark lady

    Alam mo ikaw ang may pinaka magandang suggestion sa lahat. Buti ka pa. Dahil dyan eto ang kapalit.

    *Smack*

    @Oliver

    Oliver mas malandi ka sakin. Potashet ka! Nakita ko ang birthday pictures ni Sachi hindi ako invited, i heyreeet! (kamaganak?!)

    ReplyDelete
  14. Break muna bossing jepoy!
    Magbulaybulay muna at saka bumalik sa regular activities..

    Oh di kaya yun nga yung suggestion nung iba.. sex leave muna.. LOL

    Good day bossing jepoy! :)

    ReplyDelete
  15. "Putangina mo rin, kung mataba ka parin eh, ayaw ka nanamen makita! nakakasuya.. Go to hell"


    --- natawa ako sa reply na yan jepoy... :-D

    --- nakarelate ako sa huli mong pangungusap... :D

    ReplyDelete
  16. oo artista ka na...dapat special page na fb mo haha!

    andami ko ring friends ganyan nararamdaman... hang on ka langgggg! :)

    ReplyDelete
  17. hay..... parang pareho tayo jepoy. mula sa blogging at sa friends at sa work. lol

    ReplyDelete
  18. jepoy fly na tayo sa singapore! tara. dun na tayo magwork :D

    ReplyDelete
  19. ako din nagdelete ng friends at wala na din akong maikwento sa blog ko.. T_T GRABE.

    ReplyDelete
  20. i miss you Jepoy.... pag natapos ang midterms ko, shot tayo....

    di ko na binasa post mo ha, walang kwenta eh... nieta ka...

    pero miss na talaga kita muahahahahaha

    ReplyDelete
  21. natawa ako.. bakit sa kaliwang mata lang tumulo ang luha mo? ibang emosyon ba ang makakapagpatulo ng luha mo sa kanang mata?

    baka nga bakasyon lang nag kailangan mo para makapagsulat ka ulit... bakasyon na... go!

    ReplyDelete
  22. Dali na magsulat ka na about work hindi ka naman isusumbong ni Stibi!

    ReplyDelete
  23. @Poldo

    I know, salamat brader! wag na mag sex leave masama yun ahahha

    Good din day din sa'yo Poldo.

    @Marco Paolo

    Natawa din ako sa response nila eh, okay, medyo na buset pala ahahha.

    Ikaw din may konting inis factor sa opis?! Haist. Kampay!

    @Stephy

    haist! sana naging kasing yaman ako ni Stephy para makapag cruise din ako.. hihihihi Peace Teveliztera

    ReplyDelete
  24. @Tong Tong

    Batang tong tong kala student ka palang?! Haist relate much nalang tayo...

    @Supladong Office boy

    Tara na nga sa bansa kung saan mabibigyan ng kulay ang mga skills natin sa pamamagitan ng dolyar na sweldo...hahahha

    @Keso

    Sus ang dami mong kwento kaya ayaw mo lang mag share. Tara na moa nalang tayo libre kita hihihi

    ReplyDelete
  25. @YJ

    Himishu too binibining YJ, sige pag tapos ng midterms mo mag aral kang mabuti para hindi laging groggy mata mo orayt?! ahahaha

    Ingats kaw YJ

    @Yanah

    Kasi ganun talaga ang best drama actor ahahaha.

    Haist, kelangan ko talaga ng bakasyon. Gusto ko ung merong kumikinang kinang na sand at babaeng nakabikini ahahha

    @Glentot

    Ayoko dahil mag susumbong si Stibi, alam mo namang may relasyon sila ng boss ko. Ooops, i didn't say that ahahhaha. JOke!

    ReplyDelete
  26. hi jeff, grabe sobrang namiss ko ang blog mo....hindi ko masabing namiss kita kasi hindi pa naman tayo nagkikita, hehe.antagal na since nung last na nabasa ko, at ganun pala kapag sunod sunod mong binasa ang mga posts ng isang blog, makikita mo ang isang trend, at ang trend na ito ay parang nawawalan ka na ng ganang mag blog? why?
    basta sulat ka lang ha? kahit hindi ako makapag-open everyday, i'm hoping to see updates in your blog. chat tayo pag may time ka ha? smile!

    p.s. i saw your new pics with your new haircut. cute!

    ReplyDelete
  27. ay bakit nawala ung comment ko? :(

    ReplyDelete
  28. Quarter life crisis lang yan, boy. Wag ka mag-alala, lilipas din yan.

    Tagay! Miss na tayo ng Pier 1. :0

    ReplyDelete
  29. buddha bless you! lols
    sana nga makapag-bakasyon ka ng bonggang-bongga!

    ReplyDelete
  30. Whoa! Ako nga naka 1k na hits lang masaya na eh. Haha.
    Pahinga na yan Sir.
    Hindi rin maganda na puro trabaho.

    ReplyDelete
  31. Hope you find inspiration... you write very REAL pa naman... hehe =) and yes naka bookmark ka saken kaya i visit your site very often...iba din kasi yung MADRAMA MUCH ang buhay tapos madami NANGENGELAM LOL

    ReplyDelete
  32. nak ng... parang ganito din yung post ko.

    ReplyDelete
  33. @Weng

    Thanks for the comment I appreciate it, kita mo pala yung pics hehehe.


    @Citybuwi

    Tenchu, tara tagay na!

    @Sly

    Oist, tagal mong nawala ah, musta pre. Honga makapag bakasyon nga sa Europe ahahaha

    ReplyDelete
  34. @At Yow

    Hayaan mo't dadami din ang hits mo sa kaka click ko, masipag naman ako mag basa ng post eh.

    @Graphic Designer

    Fine! Ako na ang tamad, at ako na ang hindi nag susumikap! CHe!

    @Kumagcow

    Tenks for taking time to read, I really appreciate it. Well nasasabi ko lang naman na tinatamad ako pero at the end of the day. I still love to write yun nga lang walang kwenta ahaha

    @Bulakbolero Sg

    Honga nabasa ko at nag comment na ko...

    ReplyDelete