Thursday, August 26, 2010

Wedding..

Naimbitahan ako sa isang piging pangkasalan 'nung Saburdey. Dahil chibugan at libre ito, hindi ko na syempre pinalampas pa ang opporturnity of a lifetime. Sumama na me para makakain ng masarap at libre.

Sa mga nakalipas na kasalang napuntahan ko the past years eh, kadalasan ako ay nabibigyan ng assignment na maging host or Emcee sa reception. Magaling daw kasi ako mag English pag scripted. May accent pa at 'twang. Bunga narin siguro nang napaka daming accent neutralization training ko noong panahong nag ca-call center pa ako.Pero, hindi pala iyon ang totoong reason kung baket ako napipiling maging emcee. Gusto lang pala nila na pasiyahin ko ang mga bisita sa pamamagitan ng pagkain ko ng buhay na ostritch at pag lunok ko ng 50 pcs na blade. Joke! Gusto nilang maging buhay na buhay at masaya at interactive ang wedding reception dahil sa pagiging likas kong comedian at dahil mataba ako, para narin akong free mascott ng piging, so makakatipid sila talaga. May mascott na may emcee pa. Hindi ko nga alam baket feeling nila nag papatawa ako parati eh, hindi naman kaya, hekyusm! Siryoso kaya akong tao. Sus!

Sa kasalang ito, isa lamang akong simpleng panauhing may dangal. Ang gusto ko lang gawin ay mag camwhore at kumain ng masustansyang food. At dito mag sisimula ang kwento ko ngayon.

Alam nyo naman na pag wedding reception 'diba merong palaro ek ek, right? Kapag ako ang emcee, marami akong pakulo para lalong nakakakilig at maging masaya ang game subalit pag ikaw pala ang kasali sa actual stupid games eh, nakakapag init ng ulo, lalo pa't nag ro-roll and video at hindi maampat ang flashes ng mga camera para macapture ang moment. Nahiya me. Gustong gusto mong matapos na ang game para matapos na ang kahihiyang pwede mong idulut sa sarili mo.

Simple lang ang laro. Ihahagis ng groom ang garter tapos, kung sino ang makakasalo ng garter eh, eliminated na sa game. Well, what do you know?! Ako lang naman ang hindi na eliminate. Ang bibilis mang hablot ng garter ng mga kasali sa games, hayok na hayok ma eliminate. Putangina! All eyes are on me now. Nahiya me talaga. Ayoko pa naman na ako ang sentro ng atensyon, Puta! nakaka shy. Buti sana kung napaka gandang lalake ko and hot, kaso hindi naman masyado. Slight lang. Ahahaha! Seriously, nahiya me.

So eto ang nangyari sa final stage ng game. Ang tawag nila mirror game. Simple lang ang rule. Gagayahin ko ang gagawin ng groom sa wife nya tapos i mimirror ko ito sa partner ko. (Salamat stibi sa kuha na walang face trace)

Bago ang picture nayan, ikinabit ko muna ang garter sa legs ni Ate *Evil Grin* at bago ako lumuhod para ikabit ang garter sa legs ni Ate nag sayaw muna ako papalapit sakanya. WTF!!!!! *Embarassing mode ON* Hiyang hiyang hiya me talaga. Kahit maiitim ako nag blush ako hanggang betlog.

Akala ko pagkatapos ng game na ito makakatikim ako ng isang mag asawang sampal mula kay ate. natakot me. Sumusunod lang naman ako sa rules ng game at gusto ko lang maging masaya at memorable ang wedding ng officemate ko. Akala ko maiiyak si Ate sa aking matatamis na halik. hak hak hak! Buti nalang mahinahon si Ate at malawak ang pangunawa.

At para walang awkward moment, nakipag shake hands ako at sinabi kong, "thank you for being good sport." Oo, napa english ako ng kaunti.

Sa susunod pag nag karoon ng ganitong games tatakas na me, kunayari tatae lang ako. Okaya yosi break muna. basta kahit ano. Nakakahiya maging sentro ng atensyon ng mga ganitong event lalo pa't hindi mo kilala ang mga taong nasa paligid.


45 comments:

  1. ahhahahahahhaa.....eh bakit kahit na nakatalikod si ate..mukhang diring diri siya? wala man lang ka emo emopsyon....kahit humawak lang man sa leeg mo..hmmpfft!!!


    ahahahahhaaa....kaya nga ayoko sa mga parties na may stupid game..ahaha

    ReplyDelete
  2. Hoy Maldito talagang naisip mo pang dapat humawak si ate sa leeg ko?! Ahahaha naiiyak na nga si ate nung hahalikan ko sya. Ahahha muka ba kong manyak? napaka viriginal kaya ng itsura ko. SUs! Tangina mo! ahaha

    ReplyDelete
  3. libreng tsibog na... libreng kiss pa. la ka na dapat reklamo. hehehe

    unless di kagandahan si ate. hehehe

    ReplyDelete
  4. kiss sa cheek? kiss sa lips? o kiss sa chips(cheek+lips)?

    swerte... :D

    ReplyDelete
  5. di ba dpat simple kiss lng? baket parang SINIBASIB mo si ate! bwahaha :P

    as always nakaka enjoy e2ng post na to! :P

    ReplyDelete
  6. wew..swerte libre kiss! mahiyain ka pala kuya jepoy. Lols.

    ReplyDelete
  7. Sa maalala ko, isang beses lang nagyari sa akin yun nung unang beses akong nasama sa kasalan at gaya ng inaasahan eh mangyayari ang ganung laro kaya simula nun tuwing may kasalan na nadadaluhan ko at bago pa dumating ang larong ganyan eh nakakulong na ako sa CR kahit ispecial mention pa nila ako para lumabas eh di sila nagtagumpay! Lolz

    ReplyDelete
  8. at least na kalibreng pagkain ka at kiss! :))

    ReplyDelete
  9. Busog at sulit pala ang inabot mo... Hehehe burp at dighay?

    ReplyDelete
  10. natawa ako sa komento ni maldito... diring diri daw oh...

    ayos ang picture mo ah...

    ReplyDelete
  11. Hindi ko alam kung bakit naiyak si Ate, totoo ba yun? Kasi maraming babae ang magkakandarapang magkaroon ng pagkakataon na makahalik mo.

    (Ayan, maayos ang koment ko, pambawi sa balahurang koment ko kahapon.)

    ReplyDelete
  12. Sus! if i know bossing jepoy! haha...

    Sa tanan ng aking life cycle, hindi pa ako nakakasama sa isang Kasalan at lalong lalo na sa ganyang game.
    hanggang kiddie party lang kasi ako eh hehehehe

    Sa kasal mo nalang ako makikijoin pwede ba bossing jepoy??? hihihi

    ReplyDelete
  13. Popoy Inosentes8/26/10, 10:36 AM

    eh bakit magkaholding hands yata kayo nung groom habang sinisibasib mo ang lalamunan ni ate? bwahahahaha. :P

    ReplyDelete
  14. parang tungong tungo si ate ah...LOL

    oks lang yan sogbu naman ata..dessert daw yung kiss..

    ReplyDelete
  15. waah yan din ang hate ko n part dati sa wedding reception,,,
    oks lng yan jepoy nakiss mo naman si ate at good sport naman cya hihi,,,
    libre kiss na and masustansyang food^_^

    ReplyDelete
  16. matindi ka rin pala eh boss jepoy.

    may libreng food na may libreng kiss pa at suot garter eheheh

    ReplyDelete
  17. wow, this was the wedding we were chatting about, right? looks like you really enjoyed it, and i'm not talking about the food! hehehe

    ReplyDelete
  18. aha, kaya ka pala loverdude ha! yan ba ung may pakisskiss pa sa nose? =p

    ReplyDelete
  19. haha. kunwari ka pa idol. gustong-gusto mo naman. saka bakit parang nandidiri si ate? choosy? haha. baka naman kasi binigla mo? haha.

    ReplyDelete
  20. hindi ako sigurado jepoy, mukhang enjoy ka.

    hindi ako sigurado dahil hindi kita, hindi kita mukha mo, pero mukhang tirik ang mata mo.. dahil sa??

    ReplyDelete
  21. bat sa noo mo hinahalikan si ate? LOL

    ReplyDelete
  22. ayos!libreng pagkain na libreng kiss pa!hahaha ^_^

    san ba kayo nagkiss ni ate?ayieee!

    ReplyDelete
  23. LOL! Natawa ako sa comment ni Popoy! Nyahahaha! :)

    ReplyDelete
  24. @Gillboard

    Oo solb na solb sa chibog, yung kiss wala lang naman yun extra narin ahahah. Ayos lang naman si Ate average. Choosy pa ba ko?!

    @Khantotantra

    Wow bago sakin yang chips ah ahaha. Swerte talaga brad! LOL

    @Soltero

    Wolongya SINISIBASIB talaga?! Natawa ko dun pota ahahahha

    ReplyDelete
  25. @Goyo

    Oo mahiyain talaga ako sa personal, kaya nga ko nahilig sa blog kasi dito lang ako walang hiya pero sa personal mahiyain me. Unless wala masyadong tao or nasa small crowd lang pede na...


    @Xprosaic

    Sa tingin yung mga ganitong game talaga, hindi naman gusto ng mga tao. Sinu ba kasi nag pauso net ahahaha


    @Siper Jude

    Oi mukang first time ka dito sir ah. Salamat sa pag daan at pag comment. Oo libre kiss at pag kain hehehe

    ReplyDelete
  26. @Anonymous

    Oo busug at sulit na sulit pero more than anything, that was for my officemate. Suporta baga. Burp at dighay? Diba parang isa lang yun? hehehe Salamat sa pag daan...

    @MarcoPaolo

    Wag kang mag papaniwala dyan kay Maldito ahahaha Pero tama ka diring diri si Ate, hello! ang bangobango ko naman kaya ahahaha

    @Salbehe

    LOL. Okay, bumawi talaga. Ayos lang naman kahit anong comment, kanya kanya naman ng opinion eh. Salamat sa pakikibasa.

    God Bless!

    ReplyDelete
  27. @Poldo

    Pre ano nanaman?! Hayaan mo pag nasa marrying age na ang mga officemates at batchmates mo mag susunod sunuran yan... Unless mauna ka...

    Sige invite kita ahahaha

    @Popoy Inosentes

    Sa dinami dami naman mapapansin yun pang holding hands ahahaha. 'yun kasi ang instruction ng putang emcee ang panget tuloy sa picture. Feeling ko gusto mong makita nakawak ako sa pwet ng groom noh? Tsk Tsk tsk..Joke! Salamat Popoy Dacuycuy

    @Hartlesschiq

    kaya tungong-tungo si Ate kasi nasa background ang bf nya ahahaha. Nagalit kaya bf nya. Eh, hello sumusunod lang ako sa instruction, hindi ko yun kasalanan...

    ReplyDelete
  28. @Unni Gl4ze

    Hayaan mo sa kasal ni Cheppy tayo naman bwahihihihi

    @Pong

    Hindi ako matindi Sir! Tama na sakin ang libreng food. I did not ask for anthing extra. Chos!

    @Weng

    Yes this was it. Baket hindi ka na online, I miss you. Buzz me when you can. Thanks...

    ReplyDelete
  29. @Oliver

    loverdude sabi ng mga officemates ko, sila ata ang may pakana ng lahat. basta ko gusto ko lang kumain ng masustansyang pag kain. Yes that shot was actually a kiss to her nose. ahahaha

    @Mr Night crawler

    Hindi naman gustong gusto. Gusto lang ahahha

    @Super balentong

    Ano nanaman tong pakulo mo koya, tirik talaga ang mata? hindi naman masyado sus...ahahahha

    ReplyDelete
  30. @Silentassasin

    Hindi sa noo brad, sa nose ahahaha. Pang lola naman kasi ung noo...

    @Superjaid

    Ayos na ayos super jaid hehehe

    @Gasul

    Ako rin natawa eh sabi ko hohohoho LOL

    ReplyDelete
  31. eh pota, bakit hawak kamay mo yung lalake?

    ReplyDelete
  32. Baket galit na galit ka andy? LOL Kasi yun ang instruction ng host, baket gusto mo sa pwet ako ng groom humawak? Bwahahaha

    ReplyDelete
  33. hahaha nakakatuwa :)

    pa plug kung gusto tignan
    ang blog ko eto po

    www.harveyassen.blogspot.com

    thanks :)

    ReplyDelete
  34. Hahaha! Blockbuster ulit ang post mo kuya..Kahit antok na antok nako, tinapos ko talagang basahin...at nawala antok ko..sheesh! First kiss kuya? Hehehe! Joke!

    ReplyDelete
  35. @Harvey

    Orayt, I'll visit your blog...

    @Tin

    Hala nandito nanaman ikaw nahiya me. waaaaaaa! Masyado na kong matanda para sa first kiss tint hahahaha. I wish ito nga ang first kiss ko para may picture ahahaha

    ReplyDelete
  36. Congratulations Mr Besinio for being a good sport!! Clap Clap..

    Pero kulang ang kwento ni Jepoy, alam nyo bang hindi lang isang kiss yan...nakaTATLONG matatamis na halik si jepoy.

    Kaya next time Jeff dapat marunong ka makipagbox out kapag agawan ng garter. peace!

    ReplyDelete
  37. Steven FOng!!!! Kelangan sabihin ang last name ko??!!! Sus! Tae dami mong sinabi.... ahahaha

    ReplyDelete
  38. ang saya saya nyan siguro lalo na kung kumain ka muna ng kare kare w/ alamang bago ang dayukdukan portion!

    baba mo pa lang Jepoy kilala ko na,hihihi

    di pa ako nakakaranas mapasali sa mga ganyang kamanyakan...gusto ko din nyan,hihihihi

    ReplyDelete
  39. ang saya naman, okay naman pala. di lang pala chibs ang libre sa ganito, makakalibre ka rin pala ng kiss.

    ayus!

    ReplyDelete
  40. Enjoy na enjoy si koyah o sa pananamantala este panghahalik kay ate. lol.

    ReplyDelete
  41. Salamat sa pagshare nito. :)

    ReplyDelete
  42. Nasaang gawi ang 'Hiya me much' part? Parang gusto din anamn. Haha. Nakasulit nga sa pagsama. Nabusog bukod sa nutritious food. Haha.

    ReplyDelete
  43. haha! buti na lang hindi pumalag si ate. mas nakakahiya un! nakatikim ka naman eh. solb na un! bwahahaha!

    ReplyDelete
  44. @Mrytea

    Salamat sa pag dalaw ha, first time ka po dito. Thanks ha. God Bless!

    @Jag

    ako kaya ang sinamantala, ang hina hina ko kasi eh..

    @Yow

    Very nutritious talaga ng food ahaha

    @Chiklets

    Oo nga buti hindi sya pumalag kundi yari!

    ReplyDelete