Sunday, August 8, 2010

Sunday

Sunday.

Wala lang. Gusto ko lang mag update ng blog. Kung inaasahan mong may ma hihita ka dito, malas mo kasi wala kang mahihita. Chupi!

Late ako nagising kanina dahil medyo naparami ang inom noong sabado, naginom ako magisa habang na nood ng debede.

Matapos kong pag trabahuhin ang dvd ko sa matagal nyang pag kakahimlay, buti naman gumagana pa sya ng matiwasay. Tinapos ko na ang Avatar: The last Airbender na cartoons, ang ganda ganda pala ng cartoons na ito lalo na yung mga fight scenes, kaya pala ang haba ng pila 'nung movie dahil kung tinapos mo ang cartoons mag eexpect ka talaga ng magandang adaptation.

So yun nga, late ako nagising ng Sunday morning.

Syempre una sa lahat nag simba muna si Jepoy ng Sunday, you know, to start the week right. Praise and Worship, tapos pray, tapos nakinig kay Pastor ng message at nag take down notes. Oo, nag take down notes ako, potashet ka ayaw mo maniwala?! 1 John 2:11 pa nga ang txt eh, don't make me scan and put my notes here. Joke! 'Yun nga, since postponed ang lakad ko ng Sunday dahil nakalimutan kong mag send ng confirmation txt dahil sa amats eh, hindi natuloy ang lakad.

Kaya naman after ng Church nag punta ako ng...Saan pa nga ba?! eh 'di sa MOA. Sorry naman, yan lang ang kilala kong Mall kasi ayoko ng lumayo pa. Lunch time ang tapos ng Church Service namin kaya medyo ang paningin ko sa mga nakakasalubong ko ay chicken wings na.

kahit na tomguts na'ko tiniis ko muna ito dahil gusto kong mag pagupit kasi bad hair day na. Lumago na ang dating semi kalbo kong bunbunan. Namili ako ng pinaka cheap na pagupitan tapos na sales talk ako ni kuya kaya nag pa shave narin ng bigote dahil itchy na at malago na masyado parang forest lang. Pota kala ko free may charge pala, Nyeta!. Pero ayos naman ang services ni Manong. Kaya binigyan ko sya ng tip na 50 pesos pang lunch nya.

Matapos ang 30 minutes lalo na akong pumogi, fresh na fresh ang haircut (blog ko 'to ako lang pogi sa blog ko walang kokontra, lol)

Kahit puro tae na ang ginigiling ng small and large intestines ko, inuna ko pa ang pamamasyal sa Power books dahil gusto kong pumayat na now na. JOke! Dahil mahilig ako sa books.

Habang umiikot ako sa mga book shelves, sakto naman nilapitan ako ni ate. Kilala ko sya. Sya yung parating nag sales talk sakin at nakaka kwentuhan ko sa 'twing pumupunta ako doon. Ngayon ko lang na pag tanto. Oo assuming ako. Feeling ko kras nya ko. JOKE!

Dahil likas naman akong friendly at magaling naman ako sa small talks at higit sa lahat ang pogi-pogi ko lalo dahil bago akong gupit, para lang akong si Jose Rizal na pinataba. Oo, Joese Rizal hair style ako ngayon, in na in Puta! ' Tumingin si Ate sa akin ng malagkit at nilapitan nya ako ahahaha, ikukubli ko nalang sya sa pangalang...ay lets call her Ate nalang pala, nag bago na isip ko.

"Hi Sir, ano pong book hinahanap nila, ito sir try nyo"

"Ah, wala naman. Nag titingin tingin lang, wala kasi akong pambili"

"Sir Sale naman eh, tsaka parati kitang nakikita dito Sir" *nag smile sya*

"Binabantayan mo ko? May Kras ka sakin noh"

"Ahahha Sir naman, ito po meron na pong paper back copy ang Book 6 ng Ranger's Apprentice, ito yung binili mo last time diba?"

"Wag mong ibahin ang topic, at baket mo alam na Ranger's Apprentice ang binili ko last time, tagal na 'nun ah? Stalker much? JOKKKKE!!"

"Sir talaga..."

Oo ganun lang ang usapan namen assuming lang ako. Ahahaha. Tinatamad na kong mag kwento. Kaya tatapusin ko na 'tong walang ka kwenta kwentang post ko. Natatae na kasi ako.

Nakaramdam ako ng gutum kaya naisip kong kumain muna dahil hindi nga rin pala ako nag breakfast kaya kelangan ng kumain, hulaan nyo kung ano inoorder ko? Eto picture


Oo na plastic kung plastic. Masama bang mag paka health buff???! Habang kinakain ko yan. Nalungkot ako ng mga 10%, kaya dinagdagan ko ang lunch ko neto.

Gudlak!!! Mini burgers lang naman eh. pwede na rin siguro. Ahahaha!

Sa lahat ng nakaabot hanggang dito. Congratulations dahil ang tyaga nyo. Pasensya at wala talaga akong sustansya mag sulat, Oo parang gulay lang merong sustansya.

Dito na nag tatapos ang entry na 'to.

Finish!


33 comments:

  1. Waaaaaah ginutom ako sa inorder mong food! Nagutom akonbigla' MOA pangatlong bahay mo' yan noh? Hehe

    ReplyDelete
  2. @Wait

    Onga, extension na to na bahay namin pag Weekend ahaha

    Happy Birthday pala sa'yo WAIT, banchetto na to!

    ReplyDelete
  3. Advance naman sa 23 pa bday ko sabay kami ni Roanne : )
    Una pala ako nag comment hehe : D
    Bancheto? Di ka nga makapuslit eh Hahaha

    ReplyDelete
  4. Parang gusto ko naring tumambay sa MOA pag umuwi ako, baka makasalubong kita at makapagpa-autograph sa inyo ng bonggang bongga.. hehehe

    sarap nung burjer.. Full of Calories inside hehehe..

    Happy sunday bossing jepoy...

    ReplyDelete
  5. wow si ate memorize binili mo!!! tama lang mag-assume hahahha!

    ganda nung unang inorder mo a. hahahahhahahha! pero mas masarap ung sumunod. ginutom ako. thank u a =p

    ReplyDelete
  6. haha nagsalad nga, nag 4 na mini burgers naman.
    TGIF yan no?

    ReplyDelete
  7. Naniniwala ako jan. Kailangan nga ng sigla at sustansya sa pagbablog. At sa ngayon, nakikiuso ako, malnourish ang Yow sa pagbablog. Haha. ikaw din malnourish sir jepoy.

    Orayt! Nagiging malnourish ka din once in a while.

    ReplyDelete
  8. Flying pig ba yan jepoy? san ka kumain!?

    ReplyDelete
  9. okay na sana yung naunang inorder kaso biglang naging burger! kinaya mo parekoy ang liit ng mga mini burgers?!

    ReplyDelete
  10. Tsk tsk tsk hindi mo ko sinama!

    ReplyDelete
  11. may lihim na pagtingin si sales lady seo. baka ilibre mo daw sya ng pagkain. hehhehe

    ReplyDelete
  12. Hi poging poging nilalang,

    Ipinagpalit moko sa burjer! How dare you! Yousonofa!@#$%^! Hehe. Next time wag ka nang magpakalango sa alak ha ng tayo'y makapamasyal sa Luneta habang kumakaen ng mani at sitsaron!

    Hahahahaha! Have a great week ahead!

    Khaye

    ReplyDelete
  13. @Poldo

    Sabihan mo lang ako pag uuwi ka, alam mo naman kelangan ibook before hand ang schedule ko, with all the shooting and tv appearances, hayst! ahahaha

    Happy Lunes Polding...God Bless!

    @Stephy

    I think kelangan ko na ng tulong mo para matupad ko na ang pangarap kong maging macho! Waaaaa! Help! LOL

    Kasi naman ung unang inorder ko, walang lasa ung isang salad ung meron small pasta nalungkot me much...


    @Oliver

    Sige tawanan mo pa ko, Nyeta ka! Baket mo alam na TGIF?! Hindi ko na nga sinabi eh, sinabi mo pa! Hmp! Meron kasi akong discount card dito ng 20% meron akong frequent card kaya sayang naman diba...Hihihi

    ReplyDelete
  14. @Yow

    baket naman malnourised?! Di naman ah. Hindi kaya ako maka comment sa blog mo. Binlocked mo ba ko? ahahha

    @Kumagcow

    Oo flying pig nga ahahah. Sa TGIFriday's lang yan sir.

    @NObenta

    Koya wala kasing lasa ung salad nalungkot me much...

    @Glentot

    Puta ka!Tinatawagan kaya kita hindi ka sumasagot arte arte ka!

    ReplyDelete
  15. @Khantotantra

    Sa tingin mo nga rin sir?! Ahahaha Sige libre ko sya one time ahahhaa, landi much?!

    @K

    Sus, pinag palit mo sa bahay nyo! kala ko nasa makati ka. Hmp! ahahaha Mamasyal tayo sa luneta habang mag ka holding hands na may pa swey-swey, tapos mag susubuan tayo ng pish balls. Don't labit? hihihi

    ReplyDelete
  16. di kaya destiny you si ateng powerbook? :p

    grab na grab na!!

    opportunity hihi.

    ginawa kong wallpaper ang miniburgers.

    ReplyDelete
  17. soulmate kayo ni ate, jepoy! promise! haha!

    teka, saan ka kumain?

    ReplyDelete
  18. hoho.mini burgers ba talaga yun? :D

    naiinggit ako,di ako makapag-update ng blog. 5:1 ata ang ratio natin. Huhuhu. Nakalima ka na at magsisimula sa pang-6, ako isa pa din.

    Manic monday sir!

    ReplyDelete
  19. wow. parang hindi naman mini burgers yan parekoy. ang laki eh. hehe. nagutom tuloy ako :P

    ReplyDelete
  20. kapag may gustong mang hunting sayo, sa MOA lang sila magtungo.hahaha..

    Dati may picture ng bagong gupit, now na curious ako sa maala rizal mong haircut. ^_^

    ReplyDelete
  21. pwede bang dalaw tayong pogi? kahit lamang ka ng 5 points okay lang, bahay mo 'to e. haha

    gaano ba ka mini yang mini burgers na yan? define mini nga sayp aber?

    if i know, nung nilapitan ka ni ate, nasabi mo sa sarili mo na 'sex na'to'

    ReplyDelete
  22. never been to MOA ang layo kasi hahaha anyway..ang cute ng mini burgers..healthy pa..hehehe kaso di ako kumakain ng gulay hahaha

    ReplyDelete
  23. uso na ba talaga ang Rizal look? dami ko kasi nakita ganyan ang style ng buhok eh..

    ReplyDelete
  24. Napa wow ako sau nung mkita ko na puro veggies ang nasa unang pic...pero may kasunod p palang pic...LOL...

    ReplyDelete
  25. TGIF -- this coming weekend. Game? Hehe : D

    ReplyDelete
  26. pascan nga ng notes mo. basahin ko lang. di ako nagutom sa larawan sa taas. parang kambing lang na puro gulay.

    ReplyDelete
  27. wow! yum yum naman! i love it...

    ReplyDelete
  28. Hays kaylan kaya ako makakatungtung ng MOA na yan?

    ReplyDelete
  29. sigi tuloy tuloy mo lang ang diet mo, tapos panghimagas mini burger with melted cheeeze. ang importante happy ka at honest sa gusto mo.

    ReplyDelete
  30. sigi tuloy tuloy mo lang ang diet mo, tapos panghimagas mini burger with melted cheeeze. ang importante happy ka at honest sa gusto mo.

    ReplyDelete
  31. sigi tuloy tuloy mo lang ang diet mo, tapos panghimagas mini burger with melted cheeeze. ang importante happy ka at honest sa gusto mo.

    ReplyDelete
  32. sa lahat ng nag comment na hindi ko na commentan ng isa isa maraming tenchu sa pagbabasa, ingat kayo! *Smack*

    ReplyDelete
  33. mukhang natuwa sa post mo si diamong r. gigil mode sa pagcomment. tatlo agad. haha

    ReplyDelete