Wednesday, August 18, 2010

Flashback

Ang post na ito ay pag babaliktanaw ko sa aking hampas lupa days. Ito ay noong ako'y nasa kolehiyo palang, kung saan ay sariwang-sariwa pa ako (parang talakitok lang sa palengke 'twing 5am, fresh!) at tunay na tunay na hindi pa mulat sa kamunduhan ang aking young body, ang alam ko lang ay mag solve ng mathematical problems at gumawa ng prototype circuit (Nerd!). Parang kelan lang naman ito, mga 2 years ago lang.

Fine!!!! 3 years ago.

Fine!!!! 4 years. Okay, Forget it, basta hindi naman kalayuan mula sa taon na 'to, wag na nating bilangin pa. Medyo nega 'yung post ko kahapon kaya, balik nanaman ako sa mga munting kwento na hindi mo kakapulutan ng aral. Wala rin itong kwenta, pero kung mapilit ka sige basa lang.

Hindi ko alam kung magastos ako or talagang kapus lang ang alowance ko. Kada isang linggo meron akong isang libong piso na bigay ni Mama bilang allowance ko noon. Inclusive na lahat doon pati pamasahe ko papuntang school at pauwi ng boarding house, kasama narin ang pang chibog at pamasahe paluwas at pauwi ng Pampangga. Syempre, minsan kelangan kumain ng chicharon sa bus paluwas ng Maynila, kasi baka mainggit ako sa ibang pasahero habang naririnig ko ang mga kagat nila sa malutong na chicharon kaya required na bibili din ako ng isa, so, bawas na din 'yun sa overall baon ko. Madalas nga, sumusungkit ako ng century tuna at pansit canton sa tindahan ni Mama para maka-bawas narin sa gastusin ko sa loob ng isang lingo sa Maynila. Syempre pag nag pa-photocopy ako ng mga hand outs and stuff dagdag pa iyon sa gastusin, so kamusta naman ang pag didildil ko ng asin 'nun?

Ang hirap talaga ng buhay ng isang istudyanteng galing ng probinsya, lalo pa't hindi naman ako galing sa mayamang angkan. Alam na alam kong sa kada linggong baon kong isang libong piso, isang libong pag titiis din ang ginagawa ng aking Mama at Papa lalo pa't sabay pa kame ng utol kong nag college, isang taon lang kasi ang agwat namin, masyadong nag lumandi si Mama noon at nasundan ako kaagad ng walang proper spacing, masyadong na mesmerize si Mama sa alindog ni Papa kaya ganun. So, hirap talaga ang aking loving parents noong college days namin financially.

Kung tutuusin sapat naman ang isang libong piso, pwede na kung baga. Average na baon ito ng isang student na taga probinsya (sa tingin ko). So walang puwang ang pamomokpok, bisyo at bulakbol kung tight ang budget. At kelangan pag mag jo-jollibee or mcdo dapat-value meal one parati at bawal i-large ang coke and fries. At dapat isang beses lang ito sa isang linggo or else, kakailanganin kong ibenta ang mura kong katawan sa recto. JOke! as if may bibile ahahah.

Noong baguhan ako, lagi nalang akong na sho-short. Ewan ko ba hindi talaga akong magaling sa pag bubudget, dapat siguro nag accounting ako. Salamat nalang sa adobong nasa garapon na ipinapadala ni Mama at nakaka lipas ang lunes hanggang byernes na adobo ang kinain ko. Hindi naman halata sa katawan kasi nga mataba naman ako pero hot naman hahaha. Minsan, nag yaya ang mga ka boardmate ko na mag disco sa may Vito Cruz, Arts Venue (Oo Uso pa noon time ko. Sige na kayo na bata!!!!) ang entrance fee ay 150 pesos tapos hindi pa consumable ito, kaya kinakailangan pa naming bumili ng alak, so napalaban ang bidya nyo ng malupit. Lunes palang noon. Nag saya ako ng isang gabi, nag hirap ako ng four days malas pa pag may lab ng saturday morning, inulam ko tuloy ang pansit canton ng one week. Isang flavor palang noon ang pansit canton pero kebs pansit canton at mainit na kanina Solb! Minsan nag papacute ako doon sa katabi naming dorm na mga girls at umeeffect naman ang charm ko, kaya binibigyan nila ako ng luto nila tuwing gabi, ang tangi ko lang gagawin ay pasayahin sila sa aking mga hirit at kwento (CLOWN?!). hihihi

Minsan naman. Yung drawing manual ko nahulog sa underpass at baha nun, eh bawat student sa drawing class namin dapat meron nun. Oo, required ito. No choice. Pikit mata akong bumili at hindi ko siningil si Mama kasi ako naman ang may kasalanan sa nangyari, nahiya me much. Ang ginawa kong action plan ay bumili ng half rice at humingi ng sabaw para makalipas ang lunch time ko sa School. Minsan nagalit sa'kin 'yung mahaderang serbidorang panget na madaming pimples at malaking mata at mahabang buhok na ginawang shampoo ang agua oksenada para maging blond, ang sabi nya wag na daw akong kakain dun kung half rice lang at hihingi ng sabaw, kasi mapapagod lang daw syang mag hugas ng pinggan tapos tatlong piso lang naman ang ibabayad ko. Naawa me much sa sarili ko noon kaya dinagdagan ko ng kalahating adobong sitaw ang order ko. 10 pesos 'yun. So all in all 13 pesos ang lunch meal ko plus sabaw. And then, dalawang pisong yosi. Solb! Ready na mag calculus. Pero ang talim ng tingin ko kay ate edi kung hindi ako nag adobong sitaw 3 pesos lang ang gastos ko. Half rice lang. Kawawa much!

Pero, noong week na 'yun wala ata akong naipasang exams kaya sabi ko, hindi na ako magpapakagastos at gagamitin ko ang aking allowance wisely.

Pero bigo ako.

Nag yaya ang mga classmates kong rich kids na mag star city daw. To be honest, noong panahong iyon hindi pa ako nakakapunta kahit isang beses, sa tv ko lang sila napapanood noon, kaya naman excited ako sumakay ng bump car. So nag rides all you can kame. At ang allowance ko ay nag rides all you can din parang bulang nag laho, syempre kumain pa kame dun. Hotdog lang kinain ko. Ang hirap maging hampas lupa! Nag hirap talaga ako ng isang linggo. Lugaw lang kinakain ko sa halagang limang piso. Dun sa may tapat ng UST 'yun. Nalimutan ko na ang pangalan, minsan binibigyan ako ni Ate ng libreng isaw. Di ko alam kung kras nya ko or naawa lang sya sakin. Buti nalang mabait si utol at hindi nya na titiis ang kuya nya. Binibigyan nya ko ng tilapya na libreng pakain sa dorm nila. Minsan pinadadalaw nya ko doon ng oras ng kainan para pakainin ako ni Pastor. Kaya nakaraos ako ng isang linggo.

Fast forward ngayon.

Nagiging magastos nanaman ako. 'Yung utol ko kakarampot ang sweldo ang daming pera sa bangko. Samantalang ako medyo karampot lang ang sweldo walang masyadong savings. Baket ganun pag konti pera nakaka raos naman, pag dumami pera nagiging mataas din 'yung standard ng pamumuhay. Dati kalahating ulam at half rice solb na solb na ko. Ngayon dapat dalawang ulam, isang karne at isang gulay, half rice. Fine! one rice, tapos coke tapos dessert. At higit sa lahat hihihiram ko lang ang librong binabasa ko noon. Ngayon panay bili. Makakita ng bagong gadget na ngangati bumili. May seatsale sa eroplano na ngangati pag book. Haist life! Kelangan mag tipid para sa future.

I heyreeet!

62 comments:

  1. sobra akong naaliw and naka relate ng todo sa wento mo..nagpumilit din kc ako mag aral sa skul doon sa taft and vito cruz (hindi st.scho lol)e di nman kami kayamanan haha kaya ayun pag nagkayayaan din ang barkada lagi akong nagpapa libre bwahahha freeloader ako lol :P

    ReplyDelete
  2. @Soltero

    So green archers ka?! ikaw na! la salista! kaya pala nose bleed ako sa blog englishing much...

    Seriously, Oo ako din lagi papalibre buti nalang mababait mga tropa kong rich kids ahaaha

    ReplyDelete
  3. naalala ko tuloy ang college days ko.. buti nga sayo jepoy isang libo e... sa kin limang daan lang. :-D

    ReplyDelete
  4. mahirap pag friends mo may kakayahan bumuli tapos pag ikaw hindi. parang mapapatingin ka sa orders at binibili nila. :(

    ReplyDelete
  5. Ako malaki lagi baon ko dati. P300-500 a day. Kaya kitamo, napariwara ako nung college days ko! Lagi akong nasa inuman sa likod ng Uste. Bad bad bad! Bilib ako sayo at napagkasya mo yun at nakapag aral ka ng mabuti. Idol talaga kita! :) Dahil madame ka ng pera ngayon, pwede bang penge ako? Hahahaha!

    ReplyDelete
  6. malaki na nga yang 1000 per week lalo na sa kapanahunan mo.piz. ako ay 500 per week lang, kasama na lahat. buti nalang mura yung mga karinderya sa labas ng skul namin. may kinakainan kami ng mga tropa. sabaw lang ulam na. madalas, solb solb sa 10petot na lunch (gulay + kanin+libreng sabaw). minsan 8petot lang (itlog + kanin +libreng sabaw). hehe.

    kaya ngayon miss ko na ang karinderya ni aleng ebeng. mura na. libre nood pa ng NBA tuwing lants taym.

    ReplyDelete
  7. hello! ayos ah... ganun talaga pag maraming pera, nagiiba ang lifestyle ng tao. pero kapag tama lang ang sweldo okay naman... sobrang magastos naman. hahaha! :D

    bisita ka naman sa page ko:

    http://www.emoteramuch.blogspot.com

    ReplyDelete
  8. Nakaka-relate ako. Hindi din naman kasi kami mayaman. Kapag wala akong pera sa school, bumibili ako ng 1 cup rice at 5 pisong fish ball. SOLB!

    ReplyDelete
  9. im back!! haha kakatawa naman college days mo..ako kahit hindi sa Manila nag aral lagi pa rin akong nashoshort sa allowance :)) buti na lang pwedeng umuwi at maglunch sa bahay kunwari na lang gusto ko lang sila makasalo sa pagkain LOL

    ganun nga yata talaga, pagtaas ng sweldo pagdami ng gastusin..hehehe konting tipid lang para may madukot pag emergency :)

    ReplyDelete
  10. ewan ko ba ako din maxadong ng magastos ngayon hays! tama ka tipid tipid for the future...

    Pero dati nung nag-aaral p ako yung 500 pesos ko a week may naiipon p ako nun...

    ReplyDelete
  11. huhuhuhu. buti ka kuya jepoy, tapos na. Ako hampaslupa pa din..

    Starcity? Sa maniwala ka at sa hindi. Limang taon mahigit na ko dito sa syudad pero never ko pang nasilayan ang star city. Hahahaha..

    ReplyDelete
  12. Pareho tayo. wala tayong moneysaving skills. ganyan ata talaga mga pogi, hahaha.
    Pero nagbabagong buhay na ako, haha. unti unti na akong nakakaipon (at ito nga magagastos ko na nman, so wa epek din, ahhaa)

    ReplyDelete
  13. Shet! ramdam kita bossing jepoy.. lalo na dun sa half cup of rice den sabaw lang... whew!

    Ang hirap talaga ng ganyan. Mas lalo pang nagdagdag hirap e yung mga kaklase e puro bigtime hindi tuloy makasabay, nang yayari nagiging loner nalang pagdating sa gimikan..

    Ang pinakamasklap na nangyari sakin nung college days ko kulang na nga sa pera nahoholdap pa! shit life!

    ReplyDelete
  14. Mag-aatempt akong magcomment kahit panay naman akong nagbabasa dito.

    Nakarelate din ako dun sa pagtira sa boarding house/apartment nung college kahit malapit lang ang kolehiyong pinasukan ko. Buhay pansit canton, tipid mode at lahat. Hampas lupa, tulo ang dugo din kami. eheheheh

    Ngayon ganun parin kung mas matipid noon mas mas mas matipid ngayon.

    Be blessed sir!
    Mipadalan kumu!
    Astig ka!

    ReplyDelete
  15. ako din ka-relate,, hehe. ako naman nakilala ng mga serbidora na 'dagdag-sabaw'. bale, 1 rice + 1/2 ulam + sarsa ng ibang ulam, pak!

    well,, good thing okay naman na ngayon,, napay-off na! i know you are too! cheers to the good (not so) old times!

    ReplyDelete
  16. Buong akala ko isang kang iskul bukol.. joke he he he he

    ReplyDelete
  17. @buti k nga 1k baon mo a week, ako 1K for 1 month. kumusta naman? naranasan ko pa ngang mag ulam ng pee wee para sa tanghalian at hapunan. hayz ang hirap ng buhay!

    ReplyDelete
  18. kung kayo e sabay ng utol mo, kami e sabay-sabay nung dalawa ko pang kaaptid nung magcollege!

    pero magaling ako sa financial management noon, ang 350 natitipid ko pa at nakakaipon ng pangchicks! (di pa ako marunong tumoma nun e!lol) pero now.... tsk!

    lumalaki ang sweldo, lumalaki din naman ang expenses at cost of living!

    ReplyDelete
  19. and HE's back!!!
    now, you're really blogging again! hehehe....
    panalong panalo ang mga anecdotes, at madaming nakarelate, including me syempre......sabi nga nila, your needs are directly proportional to your resources....so true!
    ok boring na tong comment ko hehehe....anyway, keep it up!

    ReplyDelete
  20. oo nga, pansin ko din, kapag lumalaki ang sweldo, lumalaki ang gastos. minsan yung mga kumpleto pa sa gadgets.

    ReplyDelete
  21. hahaha! kuya jepoy, college days...masarap ung sa wall or sa kantunan...para makasurvive, ginagawa ko ung plates ng mga classmate ko sa drawing..solb! malakas tayo kumain sa pansitan dati...palabok, pansit, banana que, sarap! thanks for the memory rush!

    ReplyDelete
  22. I'm in my last year in college
    (at oo, hamak bata ko sayo sir. haha.) at talaga namang delubyo ang pagbubudget ng baon.
    Ang sakit sa kilikili na ang dami
    nakakakit na bagay sa mundo pero
    kailangan mo magtipid. Pinaglabanan
    ko ang tukso. At sa labanan namin,
    mega talunan ako.
    Pakingsyetnessment!

    ReplyDelete
  23. waaaaah! maswerte ka pa nga kuya eh!

    yung lunch namin dito jusko po 50.oo iilang takal lan mga tatlo
    e napaka liit nang sandok na ginagamit

    pati yosi eh 3.50 marlboro light

    kea minsan hnd nko naglulunch eh!!

    yosi na lang saka gulaman
    nag stop din ako ng school waaaaah!

    O.A. ko na
    pero totoo yon ilang araw ko din
    tiniis ang pag chi chicken fillet
    kc libre na ung drinks sa mcdo eh
    pag fillet ung binili mo
    minsan nga wala eh kaya yosi at gulaman na lang.

    kea un dhl kapos kme sa money nagibng school ako at course kng
    san mas mura :( balik sa 1st yir

    ReplyDelete
  24. See Jepoy? hindi ka nagiisa much! heheh

    Pareho kame ng school ni Kuri, mukha akong mayaman pero hindi naman LOL minsan kasi nasa pagdadala lang yan eh... pwede naman sabihing DIET much kahit na wala ka pambile LOL

    Ganun kasi ako nuon ata, nauna porma kesa kain, pero anlaki ko pa din... metabolismation transform!

    =)

    Pero you turned out ok naman ah.. make necessary moves na lang na makaipon ka Jepoy, wag masyado mag mall kasi lagi ka nalalapit sa gastos much pag ganun!

    ReplyDelete
  25. @Marco Polo

    Eh taga maynila kalang naman ata, eh ako namamasahe pa. Susme!

    @Khantotantra

    Oo mahirap talaga, pero ayos lang kasi mababait naman mga friends ko kasing bait ko lang hihihi

    pero minsan parang naawa ka sa sarili mo. Kawawa much!

    @Khai

    Honglokiloko naman ng alowance mo aday, sayang na idate mo sana me dun sa likod ng uste para makalibre ako ng inom hihihi

    ReplyDelete
  26. @Bulakbolero sg

    Susme, kaya 500 ang baon mo kasi malapit ka lang sa school tsaka mura lang pamasahe mo pauwi ng bulacan, samin kaya mahal.

    Yung 1000 hindi naman masasabing maliit, hindi rin naman malaki kasi nga mahal pamasahe ko kaya. 300 pamasahe papunta at pauwi ng province. Edi 700 nalang. 100 a day tatlong beses sa isang araw kasya ba yun? Susme! mahirap much!

    @Emotera

    Oi mam first time ka dito ah. Salamat sa pag dalaw at madadalaw ko rin ang carpet mo later.

    @Gasdude

    Parang hindi naman halata sa kutis mong nag uulam ka ng 5 pisong fish balls, sus! ang yomon yomon mo kaya mahal ng tuituion sa USTe

    ReplyDelete
  27. @Heartlesschiq

    Welcome back.

    Oonga nga masyadong madaming gastos pag sumusweldo na pero ang worst hindi naman masyadong mataas ang sweldo pero bongga ang gastos. Shetness...

    @Jag

    Oo nga masyadong kang magastos sana manlang minsan mag pa kape ka. Nag japan ka na lahat lahat hindi ko pa naramdaman ang pa kape mo. Aheychooouuu..

    @Goyo

    Dibale matatapos din ang pag hihirap mo pag naging engineer ka na. HIndi mo pa nasisilayan ang star city dahil sa generation nyong mga college hindi na uso star city, samin lang ang uso un ahahah

    ReplyDelete
  28. @Oliver

    Masyadong tayong magastos kainis much. Kelangan na talaga ng matinding action plan dito... Gusto ko naring mag bagong buhay.

    @Poldo

    Akala ko ako lang ang gumagawa nun, grabe much ang dami pala natin. Ang hirap hirap natin...

    @Pong

    CABALEN!!!!!

    Musta na ka ken Boi?! Tumbukan da ka balungos! ahahaha makapag kapangpangan lang..Salamat sa pag comment sir, baket walang link ang blog site mo? Ikaw ba yung syota ni Super Balentong? ahaha

    ReplyDelete
  29. @Gesmunds

    Relate na relate much ba. Ang dami pala nating ganoong style ah. Im surprised hihihi

    Yes medyo okay ng slight ahahha. Cheers to the old times..

    @Alkapon

    Koya hindi po ako iskul bukol nag aral po me ng mabuti...

    @Kuri

    1k for one month?! Eh kasi nakatira ka naman sa maynila at may inuuwian ka para kumain ng masustansyang pag kain kuri boi, ako wala ahahha... Pee wee talaga, sarap! LOL haist!

    ReplyDelete
  30. @AIM

    ikaw na ang magaling sa financial management! Ikaw na ang madaming ipon pang chicks! Ikaw na!!!! hihihi

    Agree ako na pag lumalaki sweldo lumalaki expenses talaga

    @Weng

    Hindi naman ginanahan lang ng konti hehehe. Directly proportional nga talaga sa resources, I so agree. Hindi naman boring ang ganda nga eh hihihi

    @Super Balentong

    Sobrang laki na kasi ng swldo mo Super Balentong kaya malaki ang gastos mo sa mga gadgets... Penge nga pan jabi lang ahahhaa

    ReplyDelete
  31. @Yna

    You're here Tin!!!!! nahiya ako ng sobra dahil natagpuan mo ang blogsite ko WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! I miss you guys at ang ating Tambayan sa Mapua..

    @Yow

    Sige na ikaw na ang bata!!! Marami ka pang kakaining bigas hahahahhaha


    @Harvey Assen

    Ang mahal naman ng decent meal dyan, green archers karin ba tulad ni koya Soltero?! Sige kayo na mga la salista! Mga mayayaman ahahhaha

    Salamat sa pag kokoment

    @Kumagcow

    naku school mate pala kayo ni koya kuri...

    Sinasabi ko rin dati na diet ako kaso tumutunug ung tyan ko sa gutum, shy me much sa mga classmates ko kaya kumakain nalang ako ng half rice at sabaw hihihi...


    Promise by the end of this year lalaki ang ipon ko ng 40% ahahhaa

    ReplyDelete
  32. Disco??? Yuck so last decade! Bwahahahaha

    Kilala kita at alam ko ang ugat ng kawalan mo ng savings, KAIN KA KASI NANG KAIN SA FRIDAYS BURGOO CABALEN ETC. Tapos libre ka pa nang libre kahit sa mga hindi mo kilala!

    ReplyDelete
  33. @Glentot

    hindi ako nalilibre hekyusmeeeeeee! Che! I schedule mo na ang bible study natin nila Joanna bilis!!!!

    ReplyDelete
  34. ahahahhaa..shit ka jepoy..ahahahaha..natawa ako dun sa 13 pesos meal..ahahaha..

    dahil sa kwento mo feeling ko talaga ako na ang pinaka dukha na tao sa pilipinas noong college ako. imagine, 20 pesos a day...so 100 a week compared mo sa 1k..shit. wag ka nang magtanong kung pano pa ako nakakakain...salamat naman at naging working student ako. Sa awa ng Diyos binigyan niya ng ref ang office..nakaw lang ako ng kunti sa foods dun.ahahahhaa..

    hay...atleast nag eenjoy na tayu sa kinikita natin jep..hahays......hahays nalang tlaaga.

    ReplyDelete
  35. bottom line, mayaman ka na ngayon at sige pang ipamuka mo sakin na inindian ko kayo, wawasakin ko buhay mo! hahahaa!

    ReplyDelete
  36. Popoy Inosentes8/19/10, 4:37 PM

    nahiya ako. wala akong savings. ano nga pala yung savings? hahahaha shit. siguro kelangan ko na nga talagang magipon. haaay. less gastos, less social life. :|

    ReplyDelete
  37. naks. flashback. pero at least 1k baon mo dati for 1 week, ako 500 kasama na projects pagkain at pamasahe dun. pero di ko kinaya ang 20 pesos a day ni maldito. ung 100 a day nag wawan two tree na nga ako beynte pa kaya.

    at tama ka. mas dumadami gastos pag dumadami pera. so wala din ipon. lol.

    ReplyDelete
  38. alam mo Jepoy masuwerte ka nga eh... ako, nung hampas lupa days ko, panay ang chupa ko may maisubo lang.....

    bwahahahahahaha

    ReplyDelete
  39. Hirap talaga kapag kinakapos..Ika nga sa isang quote "If u Wanna know the value of money, try borrowing some"
    nice post man!

    ReplyDelete
  40. @Maldito

    Seryoso ka ba dyan sa 20 petot? Grabah naman 'yown! At least nakapag working student partime pokpok ka, so medyo mayaman ka na nun.

    Hay at least nga ngayon eh medyo maluwag na kaya na natin mag jabi ahahhaa Kampay great maldito!!!!

    @Caloy

    FIne umemo ka na ngalang ulet ahahha! And also, hindi ako mayaman im so poor kaya.

    @Popoy

    kaya ka walang savings kasi ang landi landi mo bili ka ng bili ng bagong shoes. Sus!

    ReplyDelete
  41. Toilet thoughts

    haist buti nalang hindi na tayo masyadong mahirap ngayong panahon na ito. Konti nalang...

    @YJ

    Ayan ka naman eh.. bashtush mo fphow!

    @Silentassasin

    Thanks pre, agree ako sa kinowt mo. At least merong realization ng value ng money para maka pag save para sa future...

    ReplyDelete
  42. hirap talagang magbudget lalo na kapag rich kids ang mga friends mo..nakakarelate ako dito super!pero good thing di pa naman ako nakaranas na gutumin ang sarili kasi kapag nagkataon eh wala na akong ipapayat pa..hehehe

    ReplyDelete
  43. Schoolmate at batchmate ko yan si Kuri iba lang ang course ko... ECE much yan eh ako CoE much... mahirap pa Engineering dami binibili.. plates stuff etc..

    Ako ginawa ko nasa remote area ang bank ko, kaya di ako makawithdraw, bankbook lang bawal ATM LOL kaya 7 na banks ko kasi hinahati hati ko para diko magastos lahat heheh

    try doin that, kaya mo yun

    ReplyDelete
  44. @Kumagcow

    Ang dami naman, ang laki siguro ng sweldo mo. LOL

    Saan ba ang primary blog mo dito ang dami kasi...

    ReplyDelete
  45. haha hindi po akow la salista :)

    Centralian po ako date :)

    ReplyDelete
  46. Keep on writing...I'm enjoying your blog :D Namimiss ko na ang wall, ang pansitan, halong yakisoba at plain pansit canton tapos half long...ang mga overnights...hehehe! i miss college but i don't wanna go back...hehehe! balik tayo dun minsan...punta naman kayo ng alabang...meet tayo ni ate modee... :D

    ReplyDelete
  47. waha
    wapin aku kanu itang magbugaw kang super balentong, pero alang mamagitan kekami pramis. hahahaah

    ayus naman pu sir. ikayu pu ken? alikupu lalaban aliku bisnag mabalungus, eheheh

    ok naman po sir, generally, masaya ku balamu happy peanuts, kasi may mga kapampangan akong naiistalk sa blog eheheh

    be blessed sir!

    ReplyDelete
  48. http://themizpah.wordpress.com/

    akalingwan ke ing link sir, pasensya naman

    be blessed!

    ReplyDelete
  49. @Harvey Assen

    Ano ung Centralian? Sorry hindi ko po alam un sensya na :-S

    @Yna aka Tin

    Nahiya naman me much at nag babasa ka dito waaaaaa :-(

    @Pong

    ay ba! Aruuuuuu! alayobang blog?! para naman may ma istak din ako. mag kakilala ba kayong ni Super Balentong kengkoy?!

    Be bleesed ka mu sir or mam?!

    ReplyDelete
  50. atin ku sir blog

    http://themizpah.wordpress.com/
    magsasa sulat sulat kumu eheheh

    be blessed po sir!

    ReplyDelete
  51. @Pong


    Sir, are you a born again christian too??!! If Yes, Nukarin mag church? If No, disregard this comment.

    ReplyDelete
  52. yep i am
    dagul kung campus ministry keng pampang at new life missions philippines
    kening disyerto magpioneering kami.

    ym ku sir pong_lc

    salamat, balamu chat box ya tuloy ing comments section mu eheheh

    ReplyDelete
  53. wapin lamu chatbox neh...God Bless Sir. ym ku sir incrediblejepoy :-D Mingat!

    ReplyDelete
  54. saya naman ng kolehiyo days mo.. sakin amboring eh.. di pa din tapos. yoko na!! LOL!

    ReplyDelete
  55. ang haba naman! nagskip read tuloy ako hmpf!

    ReplyDelete
  56. DAPAT TITLE ng post na to---JEPOY comes of age...now that you are slowly absorbing the wisdoms of life.tama.mas maganda minsan na alam mong wala. natutu kang magtipid. it's not what you earn, it's what you saved. sapul din ako dyan.hahaha

    ReplyDelete
  57. Salamat na lang at nakapuslit kami ng libreng oras para makapagbasa dito ng napakahabang pabasa. Sulit.

    Kaso lang nadisappoint kami dahil sabi mo sa umpisa, kwento ito na hindi kakapulutan ng aral at walang kwenta... Niloko mo kame,sinungaling ka.

    Hanggang sa sunod nalang na mapadpad kami dito. Salamat sa pabasa.

    ReplyDelete
  58. Medyo tipid ka pa sa food mo now kasi wala ka pang appetizer.hehehe

    ReplyDelete
  59. @Chikletz

    kaya boring dami mo kasing pera ahahha penge dollars ng konti...

    @Graphic designer

    Aminin mo hindi ka nag skip read, nararamdaman ko kung nag skip read ang isang nag comment..ahahhaa

    @Pusang kalye

    its not what you earn it's what you saved, haist!

    @Mga Epal

    Oh May Gawd!!!!!! kayo nga ang nag comment, waaaaaaahhh... Isa po kayo sa idol ko. Sana pwede mag comment sa blog nyo. Ang ganda nung recent entry nyo ung growing up. asteg!!!

    @Drak lady

    True wala pang apetizer

    ReplyDelete
  60. di ako makarekate kaya ito nalang: ang di marunong lumingon sa pinanggalingan, may beke. hehe

    bago ba template mo? bat ngayon ko lang napansin yung kotse?

    ReplyDelete
  61. So happy I found you, it's so entertaining. ang cute ng entry, ang cute ng blog, ang blogger...



    CUTE!!!

    ReplyDelete
  62. naka-relate ako at iniisip ko kung saan ka kumakain nung time mo, sa parian ba? kami naman lugmok sa bilyar, yung isa kong kaibigan hindi kumakain makapagbilyar lang, tapos ginagalingan nya ng sobra andaya diba, tapos ako maaawa naman kaya share my blessings ako sa kanya, pero okay na sya ngayon at nasa oz na, parang ikaw lang, pedestal na!

    ReplyDelete