Sunday, May 30, 2010
Right Here waiting for you
Ang dami kong kwento pero meron pa akong lakad ngayong sunday pati sa monday kaya baka madagdagan pa ang i-share kong kapupulutan ng gintong aral. Galing nga pala ako sa Nasugbu, Batangas. Potangina! Ang layo layo at ang inet inet. Na-sunog ng slightly bongga little much beri many ang aking sensitive skin. And I hatechit pero nag enjoy naman me much. Saka na kwento kasi tinatamad me.
Ito nga pala ang isa sa favorite song ko na super Oldies. Mag emote na ang lahat ng nakaka relate! At bago mo ibuffer sana binasa mo muna ito, hekcited ka masyado. Che! Bali yung pianista ko sobrang bilis hiningal me sa pag kanta kaya pasensya na and also hindi ko tinapos yung kanta kasi wala na me sa mood. Matagal ko ng nagawa ito kaso matagal akong nag contemplate kung i-share ko ba o hindi pero dahil wala akong ma post share ko narin.
Para sa inyo ito faithful readers! I love ya! Pag nag concert ako sa araneta bigyan ko kaya free ticket bwahihihi.
Happy Weekend!
Nga pala dahil sa comment ni gasdude at xprosaic eh na remind ako bago nyo pakinggan 'yung song pakihinaan yung speakers into a very minimum level kasi malakas masyado yung boses ko baka magising 'yung mga halimaw sa banga sa bahay nyo. 'Yun lang naman po. Ingats bwahihihi
Thursday, May 27, 2010
Ignorante much?
Simple lang ang buhay namin sa Probinsya, walang complications. Sa tuwing meron birthday espesyal na espesyal ang matamis na spegeti at puto at hotdog on sticks na may touch ng malamyang marsh mallow on top. Feeling namin mayaman ang nakaka afford ng ganoong kadaming handa kasi sa amin pag birthday ko isang malungkot na rice cake na maraming latik lang ang handa ni Mudrax. Pero okay lang naman iyon kasi masaya naman kame ng mga kalaro ko na pinag sasaluhan ang rice cake.
Fast forward.
Noong finally eh kelangan ko ng mag aral ng Kolehiyo eh kinailangan ko ng mag isa sa Maynila. At dahil nga Probinsyano, marami akong bagay na hindi ko na eexperience noonna kinailangan kong mapag tagumpayan. At mag bibigay ng mga ilang piling piling experiences ko mula noong college hanggang nag ka-trabaho ako ng mga ignorante much experiences ko. Sana wag nyo me tawanan kasi mahiyain me.
Chopsticks
Niyaya ako ng ng kras ko na samahan sya na kumain 'nung first week ko sa Maynila. Taga CEU sya, malapit kasi doon ang nauna kong boarding house. Dahil likas namang gentleman ang aba nyong lingkod eh sinamahan ko sya kahit one week palang ako sa Maynila.
Medyo may kaya ang Chick na ito, sa katunayan Dentistry ang course nya at nasa Clinician year na sya noon. Syempre diba pag Freshy ka tapos Probinsyano pa eh virginal effect ka pa and playing Mr. Nice and all ka pa. Kumain kame sa Chinese Restaurant somwhere in Roxas Boulevard.
Dumating na ang Order nya. Walang kubyertos. Chopsticks lang ang meron.
Hindi pa ako nakakahawak ng chopsticks sa buong buhay ko noong time na 'yun. Nahiya me. Pinag mamasdan ko sya ng mga ilang minuto kung paano hawakan ang chopsticks. Pukang Ama ang bilis nya!
Pinag pawisan ako ng beri beri nice kasi hindi ako marunong. Nag lakas loob akong i-position ang chopsticks sa kamay ko sabay ngiti sa kanya.
"Sige Jepoy try this one. Masarap to", sabay turo sa hakaw
I tried to get the hakaw pero madulas sya. Sa 'di malamang kadahilanan hindi ko sya maipit sa Pukang Amang chopsticks. Pinapawisan ako hanggang betlogs pero I maintained my composure at naka smile perin me. Naipit ko na ang hakaw at noong ilalagay ko na sya sa plate ko nalaglag sya sa sahig at tumalsik ang sauce sa white shirt ko hanggang jeans. Putangina! Shy me.
Hindi na ko nahiya at binulungan ko sya.
"First time ko humawak ng chopsticks, hindi ako marunong"
Napangiti sya ng bahagya. Tapos tinuruan nya ako and that is how I learned how to use it.
Business Class experience
Okay graduate na ang probinsyano at working na pero hindi pa pala ako tapos sa ignorante days ko.
Bagong hire ako sa isang kumpanya at maswerteng ipapadala ako sa Amerika upang matutunan ang bagay bagay na kakaharapin sa Trabaho. Bonus pa kasi Business Class ang plane ticket ko papuntang Amerika. Wala akong alam kung ano ang difference ng Business Class at Economy kasi hindi naman ako namamasyal abroad.
Dala dala ang dollar alowance ay nag check in ako upang hintayin ang lipad from Manila to Detroit, USA. Hekcited me much, first time eh.
Na check-In na ang aking bagahe. Lakad na papuntang North West lounge kung saan na roroon ang mga kasama kong naka Business Class din.
Nahiya me. Naka Kuntodo bihis silang lahat. Ang popogi at ang gaganda samantalang ang Jepoy naka Jeans and shirt at Tsinelas parang mamalengke lang sa Libertad. Shy me much.
Dahil na hiya ako kumuha lang ako ng anim na donuts at tatlong baso ng Juice at isang maliit na bar ng chocolate at nandoon me sa sulok, patingin-tingin sa mga sosyal na tao.
naisip ko kebs lang dapat ako kasi pare-pareho kame ng ticket. Hmp!
Okay Boarding na. Pila pila na. Shet ang haba ng Pila. Mga 20 minutes akong pumila. Nung iniabot ko ang ang aking Ticket sa Mahalimuyak at maalindog na flight attendant ang sabi nya.
"Sir this is for Economy lane. The other lane is for business class"
Pukang Ama walang pila sa Business Class lane. Nahiya me much to second degree. Nag blush me.
Okay. Saloob ng Aeroplane.
Wow ang ganda ng seat parang itlog na higaan (gusto mo makita click mo 'to) Umupo na ako at inayos ang aking hand carry sa compartment. Nilabas ko ang aking libro para mag basa.
Ilang sandali pa. Ay nag salita na ang automated voice over na lilipad na nga kame papuntang USA. Sa wakas makakakita narin ako ng Snow. Pinangako ko sa sarili ko na didilaan ko ang snow pag lapag ko sa US at kakain ako ng lupa para may remembrance.
nag take off na ang plane. Kinabahan me much. Yung betlog ko parang umabot ng tonsils ko. Pero sandali lang naman yun dahil ang nag gagandahan Promo Girl ay nag iikot na para iabot ang menu at binigyan me ng Fresh Milk. Alam siguro nya na it's time for my milk na.
Kinakabahan me much kasi akala ko mag babayad ako ng kakainin 'yun pala libre. Naramdaman ko ng sumasakit ang likod ko pero may malaking problem. Hindi ko alam ioperate ang Chair. Putangena ignorante much talaga!!!! Pinindot ko ng lahat pero ayaw parin mag adjust ng chair ko into a sleeping position. Waaaa!
Hindi ko na kinaya.
"Escuse me Miss, I think my chair is mulfuctioning it won't change position"
"I apologize for the inconvinience, let me check it for you sir."
"tenkyaw.."
"Sir, did us use this remote control found at the side of the armrest. This is the remote control"
"Oh okey I'm sorry. It's my first time", sabay smile at pacute
Okay naihiga ko na ang chair at pag gising ko nasa Japan na kame. Nag kalat ang laway sa pisngi ko at excited akong lumabas dahil nasa ibang bansa na ako. Syet ang lamig sa Japan at hindi marunong mag english ang mga tao. Scared me much.
Hinanap ko ang yosian at hindi ko makita. Tanong ako ng tanong hindi ako maintindihan ng mga tao. Fuck et! Hanggang sa nakita ko ang parang aquarium kung saan naninigarilyo ang mga hapon feeling ko 'yun nga ang smoking area.
high tech ang smoking area ang sasyal sasyal. Ganoon pala sa japan pangmayaman. Nawili ako mag yosi muntik na me maiwan ng plane. Stupidity talaga ni Jepoy.
This time sa may business class lane na ako walang pila. Ang angas ko!
Tinatamad na ko mag kwento.
basta pag dating ko sa Amerika dinilaan ko ang snow tapos tinitignan ako ng mga puti. Joke lang! HIndi ko dinilaan binulsa ko lang.
Kthanksbye
Tuesday, May 25, 2010
Top Ten Shit
Sensya na muna dito: Tenchu beri Manny *Smack*
Ten Favorite Foods
1. Sinigang na baboy na may malapot at maasim na sabaw (Syempre to serve hot)
2. McChicken
3. Gummy Worms/Gummy Bears
4. Toblerone White
5. Cheetos (Jalapeno)
6. Lays Sour Cream tapos meron Dip na Sour Cream din
7. Hot and Sour Soup
8. Dumplings
9. Fish and chips
10. Tinolang Manok na madaming ginger
Nine Things You want to do before you die
1. Makapag punla ng Baby boy gamit ang mainit kong katas bwahihihi
2. Maging backup singer sa American Idol
3. Maka kwentuhan si JK Rowling
4. Makapunta sa Australia at ma experience ang worship service sa Hillsong Church
5. Makasali sa Album ng Hillsong kahit backup lang
6. Publish my own Novel
7. Tour my Mom and Dad to five countries outside Asia
8. To work for Google (Main Office) :-D
9. Maka sama sa isang UN international Convention tapos meron akong opportunity to speak hihihihi
Eight things about yourself
1. Thumb sucker
2. Ignorante sa maraming bagay (Sorry naman probinsyano lang)
3. Nag kakamot ng betlogs bago matulog tapos aamuyin pa hihihihi
4. Camwhore
5. Nag papalinis ng nails sa paa every two weeks (So kikay right? Tangina this!)
6. Mahilig sa pabango pandagdag alindog ito
7. Hindi nag u-underwear pag natutulog (ang inet inet kasi eh)
8. Kumakanta habang nag shower, kinakanta ko " Yung theme song ng One More chance" (walang basagan ng trip)
Seven Confessions
1. Nag nakaw ako ng toblerone sa tindahan samin 'nung grade 3
2. Nahuli ako ni Mama bumibili ng condom nung college, nasa watsons din pala sya! WTF!
3. Kinain ko yung baon ng classmate ko nung kinder pero hindi ko inubos nag tira ako ng konti
4. Hindi ako na-nonood ng porn (PROMISE!!!!!)
5. Nag skip read din ako minsan
6. Nasaktan ako ng sobra kaya numb ako, pag nakikita ko sya nasasaktan parin ako (Kumesoooooooo?!) Pero I'm moving on na (Kumambyo?!)
7. Virgin pa me hihihiihi
Six things you wanna say to Six different people
1. Baket you won't chat anymore? Is that your way of pushing me away and hurting me? Well tagumpay ka na.
2. Now that I found you I sometimes forget #1
3. I am happy because of you---> #2
4. It's been so many years and we didn't have closure. I wonder how would I feel when we meet again?! That would be interesting.
5. I miss you and I hate you, bow!
6. I can see your IP on my blog. I'm watching it.
Five ways to win my heart
1. Cook for me
2. Dirty dance infront of me, JOKEEEEEEEEEEEEE!
3. Be your self don't pretend to become somebody else
4. Go to my house wear short skirt nanny dress and clean it then sleep on my bed, when I get home alam na (Parang role playing lang LOL)
5. Don't look stupid even if you are, just pretend to be smart when I bring you to meet my friends.
Four things that cross your mind
1. US Working Visa
2. Sex (JOkeeeeeeeeeee)
3. Kotse
4. New guitar
Three things you wish you never did
1. Fell in love
2. Told a secret to a friend who judged me accordingly
3. Met #2
Two important things in your life
1. Money
2. Credit Card LOL
One thing you notice physically to an opposite sex
1. Ugali (Promise!)
Kthanksbye
The idea of this entry came from caloy kinupit ko lang ang idea na ito tutal kinupit lang din nya, nag paalam naman ako. And really I would love to hear your version too, if you would like to do it at hindi ka na bwisit.
Saturday, May 22, 2010
Mo-Hawk
Dahil matagal ko ng plano na mag pa mo-hawk ngunit dahil sa kaganapang hindi inaasahan kung saan nag kamali si Manong Barbero sa pag tabas ng likod ko kaya nauwi nalang sa semi-kalbo ang aking bunbunan last time. Pero ngayon hindi na ako nag patumpit-tumpit pa at pina tabas ko na ito ng tama. Dumarami na kasi ang ang nag papa Mo-Hawk at ayokong makisabay sa uso dahil hindi naman ako ganun. Gusto ko lang talagang mag mukang wrestler.
So last Saburdey habang nag wiwindow shopping ako ng white shoes napadaan ako sa isang Salon na pag aari ni Vina Morales, biglang may lumabas na bumbilya sa bunbunan ko na nag sasabihing ito na ang tamang panahon para mag pa mo-hawk.
And so, nag bigay ako ng matinding instruction kay Ate kung ano ang do's and don'ts para hindi na ako mabigong muli. Although, hindi parin nya nakuha ng todo ang instruction ko dahil may pagka tanga sya or baka effort lang at hindi pa sapat ang kanyang kapangyarihan upang maisakatuparan nya ang aking wish. Pero as a result, pwede na rin. Kahit na nung nakita ni Glentot at ni Kikilabotz ang aking mo-hawk eh isang malaking Bwahihihi ang inabot ko mga hinayumak talaga. Maiitim ang budhi! Walang kaluluwa at maitim ang puso.
Anyways, pwede narin naman daw. Dahil gusto kong ishare kung ano ang outcome sa tatlong masugid na mambabasa ko eh naisipan kong mag lagay ng picture. Okay hindi ako artistahin at wala akong dapat ipag malaki sa mala siopao kong face kundi ang makinis kong kutis at malinis kong puso. Inshort panget lang ako kamuka ko si Shrek.
Eto ang ilan sa mga pictures ng bago kong Mo-Hawk, Yay! (feeling teenager?!)
Picture#1 Kuha ito sa habang nag lalakbay kame papuntang Olongapo. Hirap mag camwhore sa kotse, nag titinginan ang mga tao sa labas ng traffic LOL
Picture# 2 Kuha sa mumunti kong tahanan Mo-Hawk side view. Laki ng tenga ko no?! Lahi namin ang may malaking tenga parang Mickey Mouse lang (may pag eexplain talaga sa tenga)...
Picture#3 Rear View Ito ang medyo fail, pinilit ko kasing ipa mo-hawk kahit hindi pa dapat kasi maiksi pa, kagagaling ko lang sa Semi-Kalbo kung kaya makikita nyo ang puyo. Fail! Pero pwede narin pag tsagaan sa pictorial ng bago kong Prime time Soap hihihi
Picture#4 Wag nyo ng pansinin ang Coffee table na green at ang kung ano anong shit na naka kalat doon. Closer look ito ng side view ko. Para lang akong peacock or pinatabang rooster. Pero naman ang kutis walang pahid ng pimples, salamat sa Papaya Soap na may Gluta at Apricot Joke! Water rinse lang yan hihihihi
Picture# 5 ang pinaka malupit sa lahat. Presenting... My blogger profile pics. Front pa-cute view with my Ninoy Glasses grade 50-75 near-sighted and my blue francism shirt habang nag kakamot ng betlogs. At pansinin nyo naman ang sahig, sobrang dumi dahil one month ng hindi na wawalisan.
Muka akong naka Army cut na parang rooster na peacock na ewan. But you know what? Someone said it's cute and I got a kiss (GUMAGANONG LEVELLLLLLLL???!)
Joke lang ang last statement.
Okay so anong aral ang mapupulut sa entry na ito? Edi gaya ng dati wala. Kelangan pa bang i memorize yan? Pero ang sabi nga nila na ang buhok daw ay ang crowning glory ng isang tao eh paano nyan wala na akong buhok wala na ngang crown wala na ring glory. Haist!
Pero if you wanna do something to express your self do it. Basta hindi ka nangaapak ng kapwa at hindi mo pinag lalaruan ang ibang tao then go ahead and do it. Life is short. Don't wait na sabihin mo isang araw pag nasa wheelchair ka na na sana ginawa ko ang bagay na ito when you actually had the opportunity to do it. Oh well, what I am saying here?! I would just like to share my new do, that's all...
Happy Weekend Friends and Enemies. May the Good Lord Bless you abundantly! I speak peace and blessing.
See you Monday.
Kthanksbye!
Wednesday, May 19, 2010
Pinaka Walang Kwentang Entry ko Wag Basahin
"Excuse me! Sabihin nyo lang kung next week pa darating ung order ko para kukuha muna ako ng mani pampalipas gutum."
Simple lang naman ang banat ko diba? Demokrasya parin.
Sa MRT naman pag nadidikitan ako ng ibang tao tapos pawis na pawis sila tapos damang dama ko na may malamig na something na dumikit sa balat ko eh saktong namang papasok palang ako sa Opisina at fresh na fresh pa ang get up eh talaga namang naiirita ako. pero syempre kelangan maging nice parin.
"Eiwww like your arms is so wet, what the hell?!"
Syempre joke lang 'yun nasa taas. Eto ang totoong sinabi ko.
"Tangina naman oh! Pahid mo kaya sa tshirt mo yung pawis mo. Matagal na pong na imbento ni Caruso ang panyo, shit ka!"
Syempre joke ulet 'yun. Ang totoo nyan titignan ko lang sya ng masama at hindi ngingiti. Baket tropa ko ba sya para ngitian?! And besides pag nag reklamo ako sa MRT mababara lang ako dahil una sa lahat kung ayaw kong madikitan ng pawis eh nag taxi nalang sana ako papasok kaya wala akong karapatang umatittude. Mabilis naman ako mag isip kahit papano.
Bukod sa reklamador ako meron din akong pag ka maselan. Kahit mahirap lang kame at walang flush ang inodoro namin sa bahay tunay na tunay na malinis ito, pwede mo ngang idikit ang dila mo sa bowl eh. Joke!
Ayoko talaga ng maduming kubeta at urinal. Umaatras ang ihi at tae ko pag madumi ito. Kahit no choice na titiisin ko nalang. Meron akong bad experience na hindi ko malilimutan. Taong 2000 sa Bulacan naganap ang Youth Camp, syempre madaming delegates at konti ang CR. Dahil nga youth camp hindi naman iyon bakasyon kaya meron time lahat. Pag ligo sa umaga sa pagkain at sa mga kung ano anong programs pa.
One fine morning gumising ako ng maaga para mag toothbrush. Syempre saan ako pupunta edi sa lababo. Pag dating ko sa lababo pag bukas ko ng gripo putangina meron tae ang laki mga 3 long pieces sya. Naisip ko paano kaya tumae si kuya sa lababo? May pag ka akrobatik sya! Nilunok ko nalang ang toothpaste at bumalik ng camp room.
Okay hindi mo naman kailangang maging maselan para mandiri sa ganong experience. Pero sa case ko, maselan talaga ako. Ayoko nga ng may sisipsip sa straw ko na kahit sino, pag may sumipsip bibigay ko nalang sakanya yung drinks ko. Kahit na ninigarilyo ako ayoko ng nakakaamoy ng usok ng yosi lalo na pag galing sa iba tapos hindi naman ako nag yoyosi ng oras na iyon. Bawal manigarilyo sa loob ng kotse ko. Bawal din kumain. Kung nagugutom ka at sasakay ka sakin eh malamang papababain kita ng slightly bongga.Maarte na kung maarte!
Ayoko ng kainan na sobrang daming tao, promise! alam ko naman na kung ayoko ng matao eh dapat sa pluto ako mag hanap ng restaurant pero ang point ko ayoko ng pipila ka na nga sa counter tapos saka ka mag hahanap ng mauupuan at dahil sa sobrang daming tao wala akong maupuan, feeling ko napapahiya ako ng ganun. Yan ang dahilan kaya ako na uubusan ng pera kasi na papa punta ako sa medyo may ka mahalang kainan na tulad ng Jalibee hihihi. Ayoko lang ng masikip dahil siguro ma taba ako at mabilis maiinitan.
Ayoko rin ng pinapawisan sa leeg at kilikili pero sa singit at betlogs carry lang, Joke!
Grabe wala palang saysay much 'tong entry ko. Pero feel ko paring mag patuloy nakaka enjoy eh. Kung ayaw basahin edi wag, kebs!
Ano pa ba?! Uhhhmmm hindi ako maarte sa pag kain (Ovious ba!) pero choosy talaga ako sa lugar ng kakainan ko. Ayoko ng mainit kaya nga kahit ginagatasan na kame ng putanginang Meralco eh naka on parati ang aking pipitsuging A/C kasi po tanghaling tapat ako na tutulog, kamusta naman ang kasagsagan ng init diba?!
Ayoko ng friends na panget wala akong friends na panget choosy ako eh, like eiw! JOKEEEEEEEEEEEEEEEEE!
Wala na akong masabing matino. Oh ayan Stibi nag update na ako. Wag ka ng mag reklamo na ang tagal tagal ng update ko. Hmp!
Kthanksbye!
Monday, May 17, 2010
Sunday Adventure...
Pag mga ganitong pag kakataon hindi ko pinapalampas na makasama dahil alam kong ang presensya ay more than enough to show them na we have concern, and this really matters to them specially this time of grieving. Iba yung na gagawa na yakap at sabay tapik sa likod na nakikiramay kame.
Maaga ang usapan namin at matino ito. 9:30 ng umaga.
Dahil malandi ako ng slightly bonga na nood ako ng last full show ng gabi at natapos ito ng 11:40 tapos nag bloghop all you can pa ako pag uwi sa bahay. Maaga akong nagising mga around 5:00 at sumasakit ang ulo ko talaga. Nakatutuk kasi sa ulo ko ang buga ng A/C. Bumangon ako at kumain muna ng six slices ng gardenia na may Peter Pan Peanut butter at dalawang baso ng fresh milk (kamusta ang dietttttttttttt?!) tapos uminom ng EDVIL (advil) sabi ko sa sarili ko matutulog ako ulit at gigising ng 8:30 AM pero pag masakit ang ulo ko hindi na ako sasama sa Olonggapo isapa ayokong mag drive, ang layo kaya!
And so nagising ako ng mga around 9:00 dahil tumatawag na si Ohlee (opismate) tinatanong kung nasaan na daw ako. Eh Pothangena hindi pa nga ako na kaka toothbrush Kinamshit! Nag toothbrush ako naligo. Nag sabon ng singit.Ng betlogs. Nag facial wash. Nagboodyscrup.Nag milkbath.Nagfootscrub. (Ang dame?!) Tapos nagbihis na ko. Time check 9:15.
Nag reply back ako kay Ohlee sabi ko, "Pre nasa Magallanes Station na ko, San na U?" Style ko lang yun. Pag suut ko ng sapatos naramdaman kong na tatae na ako. Pothangena wrong timing shit!
Hindi ako tumae.
Pag dating ko sa Trimonya este Trinomic pota korni Trinoma nag kita kame ni Ohlee. Ang get up ni Kumag black shirt, shorts, northface shoes, tapos aka northface bag.
"Puta ka! Complete gear?! Just so you know makikiramay tayo pre hindi mamumundok"
"Sus! Alam kong makikiramay tayo masama mag suut ng ganito. Tara yosi muna tayo"
"Ayoko mag yosi baka matae ako"
Nag lakad kame papuntang meeting place. Nandun na yung bossing ko at isang ka office mate ko nag hihintay. Maya maya meron bad news . Sumabog yung gulong ng van ng isang kasama namin. What a day! Sana tumae nalang muna me.
Pero dahil hindi ako tumatae kung saan saan eh nag cofee nlang kame. Hazelnut frappe ang aking inorder. Nakaka tatlong hikop palang ako. Nag karambola na ang mga jerbalets sa tyan ko. Natatae na me talaga.
"Sir may malinis na CR ba dito, natatae na ko. Penge wet wipes"
"Tangina mo wala akong wet wipes"
"Putakels kayo"
Hindi me tumae. Mayamaya pa dumating na ung Van. So nag convoy kame papuntang Olongapo pero huminto muna kame sa NLEX para mag lunch. habang nag lunch tinanong ko sila kung alam ba nila daan papunta dun sa bahay ng office mate ko. At sa kabutihang palad naman ay hindi nila ito alam.
Hindi ako nag drive papunta. Kaya ang trabaho ko ay mag patawa (clown?!) at mag tumawag kay Albert yung ka office mate kong namatayan ng erpats.
Busy sya hindi sumasagot. Mahaba naman byahe at smooth. Aba ang boss ko pag dating namin sa SCTEX medyo ganador 190 km/hr ang aming takbo. Puta parang lalabas lalo tae me.
Mabilis kameng nakarating sa bahay ng officemate ko. Subalit, hindi parin ako nakatae. Nakiramay kame sa kanya pinasaya ko sya ng kaunti sa pamamagitin ng mga cory jokes ko. Para malimutan nya yung lungkot. Kasi biglaan na matay tatay nya :-(.
Maikli lang ang buhay kaya dapat yung mga walang kwentang tao hindi binibigyang ng opportunity na sirain ang buhay mo dahil maraming tao na may kwenta na pwede mong paglaanan ng energy level mo. Life is short. Wag mag atubiling iparamdam sa mahal mo sa buhay na mahal mo sila. Ma swerte tayo dahil kasama natin ang ating mga mahal sa buhay parati kaya don't waste time. Kaya lahat ng friends ko dyan kitakits hihihi. Teka nag kwe-kwento pala ko noh?! na wala ako sa track sorry naman.
'yun nga...
Tinatamad na 'ko mag kwento wala na me sa mood.
Ang ending lang naman nito madaling araw na 'ko nakaraing sa bahay saka tumae. End of story.
Kthanksbye!
Sunday, May 16, 2010
Short Post- Pampatulog
"Anak Birthday ni Papa mo ngayon batiin mo naman sya, nag tatampo na"
I mean what's wrong with Globe?! God knows how many text messages ko ang na delay today. At dahil nga madaling araw na ayoko naman tumawag at mambulabog sa bahay. Bukas ko nalang tatawagan si Papa.
Anyhow
I watched the movie "The Last Song" kanina. Mula ito sa literary works ni Nicholas Sparks. If ever lang na stupid ka at hindi mo sya kilala eh i google mo nalang, Joke! Si Nicholas Sparks eh magaling na Novelist.
I haven't read this book yet. Actually the only book na nabasa ko sa gawa ni Nicholas Sparks ay ang, "Dear John" na nag pa sakit ng puso ko. Naikwento ko na 'yun dati na nag kulong ako sa kwarto at uminom ng happy horse mag isa pag tapos kong basahin ang book ng isang upuan. Emo pa ko noon. Kasagsagan ng heartache.
Nicholas Sparks is a genius. Hindi na ko nag tataka pa kung baket na uubos kagad sa mga suking karinderya ang kanyang Novels.
So yun nga I watched this movie earlier. Hindi ko sana papanoorin kasi 'yung trailer puro muka ni Miley Cyrus yung nakikita ko. Pero when I learned that the movie was actually an adaptation ng Sparks work eh hindi na ko nag dalawang isip na manood and besides, I never denied the fact that I enjoy cheesy movie. Okay it's so gay pero I don't care! basta gusto ko ng cheesy movies pati books. Walang basagan ng trip!
At hindi ako nag sisi. Ang ganda ng Story at OST. Napansin ko lang si Miley Cyrus when she hits higher notes ibang klase yung bwelta nya ng pag kanta, pahigop instead na palabas, those who can sing would know what I mean. Maganda yung OST, try nyo pakinggan.
The story is nice. Hindi sya ung sweet-sweetan lang, okay syempre meron sweet sweetan pero ang naka catch ng attention sakin dito is the Father and Daugther relationship. Bali her Dad left Ronnie and her brother with their mom, then one summer vacation their Dad suddenly request their Mom na ipahiram si Ronnie and her little brother. Ronnie was angry to her Dad for leaving them. Syempre hindi ko spoil baka may gustong mag basa or manood ng movie.
Nothing fancy sa movie pero it's way better than Robin Hood.
Uhmmm. Okay I think I need to go to bed. Got my mohawk done and tommorow is gonna be a long day for me. So happy weekend blogger friends, I wish you all have a wonderful Sunday people!
God Bless!
Friday, May 14, 2010
Blogger Of The Month- May 2010 Edition
Ang ating blogger of the month ay hindi na bago pa sa matatandang blogger sa mundo ng sapot, bagito lang kasi ang so cute na si Jepoy [lumingon ka sa profile pic para sa ibidinsya] Isang shit sa mundo ng sapot. Isang alikabok sa dust pan ni aling Petra na any moment ay pwedeng liparin ng hangin para mag cause ng napakatinding sakit na kung tawagin ay Alergic Rhinitis.
Anyhow...
Parati ko nang na babanggit na ang nakapag pa inspire sa'kin para mag blog ay kapwa Pinoy bloggers din natin. At sa araw na ito ay gusto ko syang bigyan ng munting parangal dahil sa isang libo't isang tuwa na naibigay ng blog nya sa akin, bago paman ako mag karoon ng sarili kong blog. Ilang beses na rin syang na nominate at nag wagi sa Pinoy Blog Awards at na o-offer-an na maging manunulat ng kung ano ano lathalain. So ano namang laban ng parangal na ito? Ni wala ngang magandang html badge! 'Edi wala. Basta gusto ko lang syang i-feature as Blogger of the Month kahit hindi nya ko kilala. Aktuli tutuli, kung ang kras kong si Chiksilog eh Cum Laude sa lahat ng mga blogger idols ko eh, itong blogger of the month naman natin eh Magna Cum Laude (pronounce as Manya Kum-lawde) sa mga blogger idols ko. Isa na po syang alamat sa mundo ng sapot. Matagal nga lang syang nag hiatus pero nag babalik na sya lately.
Okay, alam kong na iinip na kayo dahil ang dami pang pasakalye ng introduction ko. Pwes, ganun talaga shit ka! Ang arte arte mo nakikibasa ka na nga lang. Hindi ako galit nag e-explain lang. Dahil wala na akong maisip na adjective dahil mababaw lang ang aking vocabulary heto na presenting the May Blogger of the Month and my blogger Idol.
[Insert Drum Rolls here]
Sya ay walang iba kundi si Badoodles (pangalan daw yan ng etits nya)
[palakpakan]
eto picture ni Idol ninakaw ko lang (lahat kasi ng blogger of the month dapat may tunay na picture para sureal), sya yung nasa gitnang mukang 'di gagawa na mabuti sa mapuputi at napaka yummy na chick officemates nya.
At dahil tambay ako parati sa bahay nya marami na akong na kalap na impormasyon tungkol sa kanya. Tulad ng: sya ay isang UP Engineering graduate kasalukuyang nasa Australia para sa isang project. Kung hindi ako nag kakamali isa syang magaling na Web or whatever something Developer/Programmer. Dalawa ang trabaho nya. May maganda at maputing Mrs na blogger din pero english nga lang nakaka nose bleed nga basahin. Psychologist 'yung wife nya at meron silang cute baby. Hindi ko lang alam saan sila na ninirahan sobra na kasi 'yun.
Now Spell Stalker J-E-P-O-Y
Ito nga pala ang "About me" sa profile ng kanyang blog site
Badoodles (bahhh-duhhhh-dels)
(Noun) 1. bad boy gone mad 2. barumbadong maangas sa mga barumbadong maangas din 3. tigas ulo na, tigas titi pa 4. matalino na, manyak pa. 5. tambay ng kwentongbarbero.com
Badoodles is also a corruption of the phrase ‘bad boy doodles’.
But seriously, bad people don’t write. They doodle.
That’s what my live-in partner wife psychologist says. Doodling reveals the violent tendencies of a person, his fears, his immaturity, his wastedness, his insecurities, his pent up emotions or more importantly, his wisdom views of life. Either way, badoodles aka Emmanuel Rex II is the resident blogger of kwentongbarbero.com who had semi-charmed careers as beerhaus waiter in a low class prostitution den, burger flipper in Jollibee, draft in the army [Camp Upi], law school student, radio dj, forest conservationist [DENR02], ex-porn site admin, tanggero, teacher, computer whiz and now works as senior software engineer at the Makati Stock Exchange.
See?! He deserves my appreciation right?!
Wednesday, May 12, 2010
Para kay Glentot
Kidding aside, plano ko talagang i-level up ang fame ni Glentot sa pamamagitan ng pag bibigay ko ng 2 days worth of exposure sa aking walang kwentang blogsite.
Alright to begin with plano kong i-tats si Glentot sa entry na ito para sa kanyang Birthday (Oo nag bi-birthday din ang mga lamang lupa) kaya umpisahan ko ang aking attempt na paluhain ang dwende. Go!
Mag share ako ng picture para exciting. Ang picture na ito ay kuha sa IMAX habang nag hihintay kame ng palabas na Avatar. ako ang may hawak ng ticket. Okay hindi ang double-chin ko ang topic dito kaya wag nyo na akong laiitin lalo pa't hindi naman tayo close duhr! wala na po akong double chin ngayon. Hmp!
Una kong nakita ang blog ni Glentot sa link ni Paps. Uso pa noon ang whatever ten contest. Syempre sumali ako at gumawa din ng sarili kong bersyon. Aba 'nung ni reveal ang winner talo me. And guess what? Wala daw nanalo, Sus ayaw lang ipamigay ang Ferrero Rocher ayaw pa aminin. Ito nga pala 'yung link ng Whatever ten ni Glentot, click mo 'to.
So finally after ng murahan sa YM almost eveyday eh, sumama narin ako para makipag EB, nahiya kasi me 'nung una. At ang EB ay sa bible study nga.
Ininvite ako ni Glentot na sumama sa bible study (Oo hindi ka na mamalik mata Shungaler!) since ako ay Born Again (hindi lang halata) nag ka-interest me sumama sa Bible Study only to find out na Youth Convergence pala ang aking nasamahan. So habang nag pe-perform ang mga kabataan, doon namin na pansin si Mr. Energy punong-puno kasi sya ng energy sa pag awit yun nga lang medyo na wala si Kuya sa tune hihihihi Pareho pala kame ng iniisip kung kaya habang nag pray ay sya namang pigil namin sa pag tawa hindi namin tinatawanan ang mga nangyayari at mga tao kundi na tatawa kame kasi pareho kame ng iniisip, nag sikip ang dibdib ko sa pagpigil ng tawa muntik na me ma utot ng beri beri mild. After nun ay madalas na kameng nanlalait at madalas eh nag kakape kame tapos lalaiitin namin ng beri beri nice ang mga nakikita namin or nababasa naming blogs at books, syempre samin lang 'yun ayaw namin ng gulo. hihihi
Si Glentot ay may pure heart isa nga lang syang sensitive na palaka. Wag kang mag kakamali dahil hindi mo na nanaiisin pang subukan period :-D
Alam nyo sa mundo ng sapot marami ang plastic at karaniwan 'yung nababasa mo sa blog nila eh hindi talaga nila personality iyon. There's nothing wrong with that I respect them pero I consider myself lucky kasi may mangilan-ngilan din namang totoo at mabubuting tao from the inside-out at hindi kasama si Glentot doon. JOke! Syempre kasali sya doon para saan pa itong fame booster entry na ito kung hindi sya included doon?!
Ano pa ba?! Uhmmm si Glentot mag ka wavelength kame nyan pero mag kaiba kame ng gusto na books, ako keso books gusto ko sya gusto nya morbid books, kaya suki kame ng book store syempre ganun talaga ang mga brainy book lovers hihihihi. Madami narin kameng na meet na bloggers ni Glentot madalas nga eh nakakainuman namin sila 'twing weekend.
Mag kaiba rin kame ng gusto na movie ako gusto ko keso movies tsaka kids na movie sya gusto nya yung mga tipong morbid movies, pero dahil adik ako sa movie eh madalas na nonood kame kung wala rin namang kameng sari-sariling lakad.
In conclusion (Parang experiment lang sa high school) what are the things you can expect kay Glentot as a person.
1. Hindi sya na la-late sa lakad. Not once.
2. Ayaw nyang mag palibre kahit pilitin mo. Well at least for me.
3. Mabilis makiramdam 'yan. People person sya alam nya ang tamang asal.
4. Mabilis mag reply pag nag txt ka sa kanya
5. Grammar Police, malalait ang nag gagaling-galingan sa kanya tahimik lang pero kaya nyang sabihin kong bobo ka at tanga ka.
6. Mahilig mag jacket kahit mataas ang araw maka porma lang
7. Bawal ang mga wala sa hulog na comment sa kanya lalo pag so stupid. Makikita mo nalang na wala ka na sa facebook nya. LOL
8. Sweet yan kay Doris (Mommy nya) Sha-Sha fierce (second Mom nya)
9. Meron talaga syang hidden desire kay Khi-Khi ayaw lang nyang tanggapin hihihi
10. He is a great friend.
Happy 24th birthday Asshole!!! Sana mapa sikat ka pa lalo ng 2 days fame booster ng blog ko ang dami ko pa namang followers bwahihihihi! bibili kita ng cake ng goldilocks pag nag painom ka. hihipan mo tapos pipicturan ka namin.
Kampay!
Monday, May 10, 2010
Election 2010 Experience
Okay Simulan na, Go!
I'm like so sad today... (Arte lang)
Pero really, medyo affected ako. Why? Because hindi ako nakaboto 'Naknampucha ready pa naman sana akong ilagay ang picture ko dito sa blog ko na merong indelible ink ang aking hintuturo bilang katunayan na ako ay nakiisa sa pag boto. Pukang Ama talaga!
Ganto kasi yan, edi Saburdey umuwi ako kasi Mother's day nga tsaka fiesta namin at kailangan 'kong ipag shopping si Mudrax. Maaga palang ay ay nag maneho na ako pauwi ng aming probinsya para nga i treat si Mama ko pati narin si Papa syempre date sila.
Fast forward...
Lunes, maaga akong gumising heksited na ako. Nag practice na me mag shade ng bilog na hugis itlog sa aking sample balot. Iboboto ko si Eddie Villanueva at si Bayani at Gobernor naman si Manong Ed Panlilio. Ginising ko si Mama at Papa sabi ko go na us para vote na us. Edi kape kape muna sila. Sabi ni Mama yung kotse ko nalang daw yung gamitin namin papuntang School sabi me wala na 'kong gas at naubos na ang pera ko dahil sa Bag na pinabili nya nung Saburdey (may poot?!) So 'yun nga nag decide na 'yung sasakyan nalang nila yung gagamitin. Hinintay namin yung Tita ko na nag palaki sakin parang second mom ko narin sya. Si Mama Josie. Okay kumpleto na ang tropa edi nag byahe na kame papuntang school. Malapit lang school samin mga 10 minutes away lang sya.
Sa School.
Si haring araw ayaw pa aawat sa pag sikat parang wala na bukas, Ang inet inet talaga. Pag punta namin sa school wala na maparkan puno na lahat. Pangalawa sobrang nag kakagulo ang mga tao. Dahil ang putangenang PCOS machine na isa hindi daw gumagana. Fuck!
Ito ang siste yung classrooms na ginamit nila ung nasa harapan ito yung walang lilim sa paligid as in para kang nasa Track and field area walang kalilim-lilim. Okay si Mudrakels nakita na ang pangalan nila sa room kasama si Papa ang si Mama Josie at Si Tito ko (Asawa ni Mama Josie) Nakipag siksikan me para makisilip ng list. Abay Pukang Ama! Wala ang namesung ko! Nyeta!!!
Lipat sa kabilang presinto, Nyeta wala parin. Unti unti na akong nanghihina kasi dumadmi na ang mga tao. Nakita ko na ang mga classmates ko nung high school at elementary wala nang ibang bukang bibig kundi, "Oi Jepoy ang taba mo ngayon pero infairness pogi ka!" Sumegway pa ng ganun ang mga potangena!!!!
So pumila kame sa kataas taasan ng araw time check 9:30 AM nag kakagulo ang mga tao walang system. Gusto ko ng mag mabibo at mange-alam para ako na mag aayos ng pila kasi samot sari talaga. So provincial! Joke! Ang dami pang sumisingit-singit maya maya si Mudrax ko Nahilo na at tumaas ang Presyon pero ayaw parin umalis sa Pila. Haist!
Nag decide na ako na umuwi sabi ko balik nalang kame mamyang hapon. Eh may pasok ako at kailangan ko pang lumuwas ng Maynila. So ngayon nandito ako sa Maynila nasa bahay at nag eemote!
I did my best. I thought I will be able to contribute to Bro. Eddie's vote. I'm so sad. Na ka vote ako last election at watcher pa ang inyong lingkod dahil may free na zesto at egg sandwich. Ngayon walang ink ang aking daliri. Pinapagalitan ko pa naman ang mga ka-opisina ko dahil wala silang pakialam sa election tapos hindi ako naka vote. I'm so depressed. I'm so so lungkot (Arte lang)
Sige bukas na ang kapanapanabik na entry sa tatlong readers ng blog ni Jepoy.
Tenchu ho. Mehel ke keyeng lehet!
Kthanksbye!
Friday, May 7, 2010
One Step at a time
I have been trying to continue my life as usual without any traces of heartache and frustration for sometime now. And I have been very successful in doing so. No one bothered to ask because I simply won't answer them or I will be offended. My personal life is mine and I don't have any plans in sharing them to anyone and I am not comfortable talking about it too, that's why I give others an utmost respect when it comes to this aspect. I have this one person who knew me once but that person gave me the worst heartache I have ever encountered in my life.
But fate has it's on way of leading us to the path were God would like us to find our self lurking and dwelling. At this point, I think life has been good to me and I think I will not pass the idea of being happy once again. Who knows this might be it? Well I would have to figure that out soon, but so far let's just say I'm good...
I am the master of my fate I am the captain of my soul (quoting from the great poem Invictus)
(Geez! looks like father and daughter with my big fat hand)
Wednesday, May 5, 2010
Annual Physical Exam- Required!
"Ayoko po Doctora"
"Sige, gusto mo i-unfit kita"
"Wala naman po akong history ng luslus at almuranas Doc"
"That's Good then, wala naman pala eh, why won't you allow me to check it?"
"Sabi ko nga po..."
"Paki alis na ang salawal and brief"
*nag unbuckle ako ng belt at nag simula ng mag strip off (para macho dancer lang)*
"Okay, wala po ba kayong surgery gloves"
"Onga pala wait lang"
Binuksan nya ang pinto para kumuha ng surgery gloves. Hindi manlang nya pinataas muna ang boxers ko bago nya binuksan ang consulation room door, may mga tao pa namang nag hihintay doon sa labas. Kahit boxers man lang. I feel used and humilated. I feel like I was raped (Arte lang!)
Okay, maya maya bumalik sya at bumalik sa upuan nya at nag suut ng gloves.
"Okay iho tayo ka ulet... Pag count ko ng 3 ubo ka ha?!"
*me: nahihiya may unkown hand kasi sa betlogs ko*
"Okay ang tagal nyo pong mag count nag hihintay po ako.."
"Ay sorry, one..two..three.."
"tapos na po ba?!"
"Oo tapos na"
"Sige alisin nyo na po yung kamay nyo para maisuut ko salawal ko"
"Ay sige proceed ka na sa medtech dun sa kabilang window"
Medyo nanghina ako kasi nga virginal me. Dumiretso ako sa medtech station para mag pakuha ng blood sample.
"Ate dito na daw ako sayo next"
"Ay sige sir, tumae na po muna kayo at umihi"
"Sobra ka naman, baket naman tae diba stool lang"
"'Yun narin 'yun Sir, wag na nating i positive scripting"
"Fine, ayokong tumae hindi ko pa feel Ate, iihi nalang muna me"
"Sige Sir ihi na muna you, ayan yung lalagyan punuin nyo ha"
"Ate baket naman kasing laki ng pitchel ito, hindi ko 'to kayang punuuin"
"Sir, edi bumili ka ng tubig tapos inumin mo tapos hintayin mong maihi ka"
"Ay... Pilosopo ka 'Te?!! Kunan mo na ko ng dugo muna bago sya maubos dahil sa Joke mo"
"Sir naman.. Sige, Upo na po muna kayo dyan"
"'Te wag masakit ha..."
"Sir ano ba ako pa! Chill ka lang dyan"
"Araaaaaaaaaaaaaay Puthangena ano yon! ang saket!"
"Sir naman joker talaga, you're so funny I like you much na"
"'Te hindi ako nag joke ang sakit kaya kelangan mo kong bigyan ng kiss para maghilom ang sakit ng puso ko. Joke!"
"Ay gumaganown?! Style nyo bulok Sir.."
"Oh ayan tapos na... Tae ka na muna Sir at umihi ha tapos pwede ka na umuwi pag pasa nyo ng sample"
Hindi na ko bumalik dahil inaantok na 'ko ang tagal ko kaya sa clinic. Fuck APE! I hatechit!
Kthanksbye!
---End-----
Tuesday, May 4, 2010
Open Letter to my Mom
An Open letter to my Mudrax
Mama,
Una sa lahat gusto kitang batiin ng isang Happy Birthday!!! (Yung Hug sa Saturday nalang pag uwi ko) Kahit parati mo naririnig ito sa'kin eh sasabihin ko parin ng paulit-ulit at syempre may meaning, "I Love you So so so Much raise to positive infinity Mama..." ('yung kiss at gift ko sa saturday nalang din)
Ma' maraming maraming salamat sa lahat-lahat. You know you will always be part of my success and will always be proud of you. Given a chance to choose my own Mama, ikaw parin ang pipiliin ko. Yes, I know you are not perfect but for me you are the best. I can't put in words my expression of love for you 'Ma. All I know is I am thankful to God for giving me such wonderful Mom like you. Kahit na pinipilit mong Trimonya ang pangalan ng Trinoma at kahit na ang tawag mo sa Red Ribbon ay Blue Ribbon eh wala akong paki alam dahil you're my one and only Mama.
Mama, maraming salamat for taking me to my first day of school kahit may work ka pa noon, at dala-dala mo pa ang Camera nating may film na 12 shots habang naka office uniform ka pa. I'll never forget when I saw you smile 'nung nag recite ako pero mali naman ang answer ko. I remember how you were so proud when I recite my first Poem "All things bright and beautiful" on stage. You were so proud like the proudest-Mama in the whole wide world. While I was reciting the poem I was looking at you the whole time, kasi kabisado mo rin yung Poem ko and you said I will do great. You always believe in me. I never told you that I appreciate that so much. You were clapping so loud when I won. Bumili pa nga tayo nila papa ng bibingka to celebrate it. You know what, I may not have the fanciest lego gaya ng kabitbahay natin, wala man akong mamahaling robot pero I never felt I was deprived because you explained everything well. Also, thank you for all the palo and pingot dahil ngayon ko na-realize ang value nito sa pag katao ko.
You were working but you have managed to give your 110% just to take good care of us. You dedicated your life in working and family. During my college years there was a point when we don't have money for our tuition fee and pambayad ng dorm dahil 'baon na tayo sa utang. I saw you crying sa nag fi-five six para pautangin ka ng pera. I was so helpless, I offered to stop schooling but you said wag kong iisipin ang pera. You don't mind doing that for our future dahil parati mong sinasabi na edukasyon lang ang kaya nyong ipamana sa'min. Until now I can't imagine paano nyo na pag dugtong-dugtong ang pera para makatapos kame ng kolehiyo at the same time maka-kain tayo tatlong beses isang araw.
I never see you na nakipag away ng grabe kay Papa infront of us, not even once and I know that is kinda hard kasi hindi naman parating okay ang buhay natin. I have learned good manners because of you. Lumaki kameng may breeding. Until now pag masama ang pakiramdam ko I admit that I still want your touch, isang haplos lang sa likod ko using Coconut oil or Green cross rubbing alcohol gumagaling na ako.
I'm sorry if I haven't been a very good Son to you although, you always say that I am a good Son pero I feel like I haven't given back what you deserve. Ma' thank you for everything and to this very special day I would be giving you my love dahil ayaw kong mag ka-regret that I haven't shown you how grateful and thankful I am to you.
Nga pala happy Mothers Day to my number one fan! I love you Mama. Gusto sana kitang kantahan kaso wala akong makitang magandang Pyesa kaya nag hanap nalang ako ng favorite song ko para sa'yo. I-pag sho-shopping kita Mama sa Saturday pinag handaan ko 'to basta wag masyadong bongga ha. Love you and this song is really really dedicated to you. I love you so Much.
Always,
Little Drummer Boy
Sunday, May 2, 2010
1 2 3 ... Game
Hindi ako umuwi ng pinaka susyal na probinsya ng Pilipinas- ang Pampangga (Syempre taga dyan ako, Bwahhihihihi)
Kaya naman ang ginawa ko ay nag organize ako ng mini blogger meet up over some bottle of San Mig lights on a very breezy Saburdey night. Nag tweet tweet ako ng Friday kung sino gusto sumama. Aba! walang nag reply. Sabi ko, "hindi ito maaari.." Kaya naman binulahaw ko si Glentot at inutusang itext (Alipin?) ang mga matatalinong blogger (bola factor) para naman sa matinding brain storming, aba akalain nyo ang Pothangina tinulugan pala ako! Dead ma sa floor plan.
So dahil akala ko wala ng nag-respond sa aking invitation nalungkot me at dahil sa sobrang pagkalumbay ko nanood nalang ako ng Iron Man 2 sa IMAX. Yes, pang chance passenger lang ang ticket ko. Nag makaawa lang ako kay Ate na ibigay na nya sa'kin ang VIP seat, dahil sa taglay kong charm at man juice scent ay pinagkaloob ni Ate ang IMAX VIP Ticket sa murang murang presyo (parang palengke lang), 'Yey I got my ticket!
Okay 'edi meron na akong ticket, kulang nalang ang Pop Corn plus Drinks at ka-holding hands. Okay 'yung Pop Corn at Drinks madaling gawan ng paraan yung Ka-holding hands parang negative. Breathe-in Breathe-out i-enjoy ang loser mode. Iniisip ko nalang marami 'din loser and worst wala silang pang IMAX at pang Pop Corn, ako meron. Ni remind ko ang sarili ko sa Law of Atrraction at ang maging thankful sa lahat ng blessings.
So 'yun nga, pumila na ako papasok sa loob with my VIP ticket. Beat that! hihihihi. So umakyat na ako sa rurok ng IMAX at sa gitna ako naka pwesto at ang pinaka masaya sa lahat eh wala akong katabi, Awesome! Limang upuan siguro ang pagitan from my left and right bago mag katao.
Edi nag simula na ang movie, 'nung lumabas si Scarlett Johansson masyado akong na excite parang gusto kong mag tikol, joke lang! Lalo na sa fight scenes nya, ang ganda-ganda nya, I think I'm in love hihihihi. (Okay hindi ako mag kwento tungkol sa mubi)
Pag labas ko ng sinehan saka ko nabasa ang mga txt ng kulokoys. Okay masaya 'to kasi tuloy ang lakad. Awesome! Nag dinner muna kame at lumipad na papunta sa inuman. Yey!
Umorder muna kame ng dalawang bucket at sinimulan ang kwentuhan ganyan-ganyan habang nilalanghap ang amoy imburnal na dagat ng Roxas boulevard. Maya maya pa ay dumating narin ang iba sa makakasama namin.
Nag iinit na ang usapin pero ang pinaka highest level ay ang game na ginawa namin. Oo meron game game shit factor pang nalalaman. Madali lang ang mechanics ng game, mag bibilang lang kame, since anim lang kame 1 to 6 lang ang bilang. Kung sino ang mahuhuli sa bilangan which is the number 6 nga, sya ang hotseat. Tatanungin sya ng isang question lang, no follow up question whatsoever. Kapag naman may kasabay kang nag sabi ng number eh hotseat kayong dalawa, pero kayo lang ang mag tatanungan.
Okay napaka dali lang ng game, like duhr no brainer! So inom-inom pa hanggang sa sumapit na ang mga tanungan na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko, puthangena hindi ko kinayaaaaaaaaaaa! I'm not used to it you know...LOL
Syempre hindi ko i share kung ano ang sagot at kung sino-sino ang kasama ko pero para magka-idea kayo baket ako na-TMI eh eto ang sample questions habang nasa espiritu kame ng alcohol.
"Kelan ka huling nakipag sex?"
"Sino sya? Anong pangalan ng naka-Sex mo?"
"Saan? at paano nyo ginawa?"
"May naka sex ka na bang blogger? nasa blogroll mo ba sya?"
Puthangena!!!!!!!!!!!!!!! Hindi ko kinaya dahil truthfully naman ang pag sasagutan nila ng no judgement just for the sake of the game. Ako naman ay na drop Jaw!
All in all it was fun kasi natapos kame nang mag aalas kwatro na ng umaga.
Yun lang po, bow!
Happy Weekend People!