Tuesday, December 29, 2009

Si Jepoy Feeling Writer

Akala ko last post of the year ko na 'yung Entry ko kahapon... Mag po-post ako ulet sorry naman, adik lang mag blog.

Habang nag kakamot ako ng betlog kahapon na isip ko na parang gusto ko rin mag sulat ng Novel at gumawa ng libro ko, nakaka excite kasi 'yung part na "About the Author" ng isang book. Ang kaso wala naman akong formal training ng pagsusulat, at hindi ko alam ang technicalities ng pag susulat ni wala nga akong units ng writing sa college. So, Ibig sabihin nag mamarunung lang ako o mas magandang term ang nag fi-feeling lang.

Habang nasa pila ako ng LTO kahapon (kasi nga po nawalan ako ng wallet before christmas kaya kelangan kumuha ng lisensya ulet) na pag desisyunan kong mag sulat instead na ma bwisit ng bongga dahil nga alas dyes palang ng umaga ang number ko ay nasa 130 na at ang natatawag na number ay number 46 palang, sinasabayan pa nito ang mga echuserong frog na lapit ng lapit sa Window 4 kahit na alam naman nilang number 230-ish plus plus palang sila. kamusta naman?! kaya kinuha ko ang aking cellfon at nag simulang gumawa ng Epilogue ng Novel na balak kong gawin ( Talagang may Epilogue leveling pa!) Don't worry, madali naman akong mag sawa so most likely mawawala din sa isip ko ito. Pero ang saya medyo nakabuo ako ng Epilogue (Although hindi pa tapos pero I think ma kikita na ang gusto kong iparating) share ko lang muna senyo kasi labs ko kayo. Hihihihi

Walang laitan. Ok. Kumapit ka Ma Chizwhiz ito. Fiction lang ito ha kaya wag mong dibdibin

***************************************************************************************

Hindi ko na kinakaya...

Alam ko namang hiram lang ang sandali na nakasama kita (Parang classic Pinoy Mubi lang). At isa pa, hindi ka naman talaga nag e-exist sa mundo ko dati. Hindi ko nga maintindihan kung paano at baket ka naka penetrate eh, basta ang alam ko lang nakita ko nalang ang sarili ko na kasama na kita at nakikipag kulitan na ko sayo ng bonggang bonggang na may konting flirting.

Ok fine, nag enjoy naman talaga ako nung araw na 'yun, meron kasing something sayo na click sakin. Siguro nga uhaw lang ako sa mga pag kakataong may makakapag pa-smile sa akin sa 'twing gusto kong makahanap ng dahilan para kiligin ulet. O baka naman rebound lang kita. Ang hirap i-define ng state ko ngayon. Parang tanga lang!

Ewan ko ba, Hindi ko talaga kasi maintindihan baket may mga taong pa-fall. Alam ko, hindi mo kasalanan na magkaroon ako ng feelings na ganito (Which apparently is undefine). I know, This is no doubt way far from so called "love". Para sakin ang love ay two way at nangyayari over time not overnight. Ayoko namang maging isang malaking stalker sayo, hello! hindi yata bagay 'yun sa personalidad ko. Don't get me wrong, hindi ako naiinis sa'yo sa kadahilanang wala ka namang nalalaman sa nangyayari sa akin, kasi in the first place hindi mutual ang feeling, Pangalawa pang ibang level ka hindi 'yung tipo kong hampaslupa ang gugustuhin mo. Malamang nga sa malamang eh nag papakasaya ka lang sa mga oras na ito at oblivious na may Gagong nag kakaganito dahil sayo. Ang totoo nyan eh, naiinis ako sa sarili ko. Hindi naman kasi ako normally ganitong tao na makeso. Sa totoo lang, bato nga ang tawag sakin ng mga tropa ko, hindi lang nila alam na ma-cheddar cheese din naman akong tao minsan. Pero ngayon, hindi ko ma-explain baket sa 'twing ma i-idle ang utak ko bigla nalang eksena ng saglit na pag kakasama natin ang nag fla-flash back sa utak ko, fuck it! It's so fucking high school cheesy scene.Meron bang simple ABC's para ma control ang subconcious mind ng isang tao? Kamote talaga!

Baket ba kasi ang sweet mo that time at meron ka pang na lalaman na pa kweto kwento with matching tats sa lap and arms ko. I hate it. Pa fall ka.'Di ko tuloy mapigilang ma-impress at mag ka kras sayo. Oo kras kita malandi na kung malandi, happy?! Parang high school talaga, Taena!Pero Wait lang, baka naman sadyang ganun lang ang nature mo. And I think it all boils down to my stupidity, Damn right,I knew it! I'm so tanga at isa't kalahating pathetic shit talaga. Kill me now!

Oh well, three bottles lang siguro solb na ko at mawawala din ang mga thoughts na hindi dapat i-entertain. Ang next question dito ay...Panu pag ganun parin after ng three bottles? effin' shit...

...
****************************************************************************************

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!!!!!!!!!!!!!!!!

Sunday, December 27, 2009

New Year's Resolution

Hindi totoo ang title ng post ko kunyari lang 'yun.

This will be my very last entry for this year. And to wrap it up bibigay ko ang year end review ko for 2009

Year end review:

Ang taong 2009 ay hindi naging mapait sa akin, hindi rin naman ito naging ganun kaganda. Kung baga, steady year lang. Nothing special kumpara sa 2008 na napakadaming saya at lungkot. Naging mediocre ako ng taon na ito. Ang pinaka exciting lang sigurong part para sa akin ay naging active ako sa online world, dito nga sa mundo ng pag blog-blog ay marami akong naging kaibigan. Many thanks sa mga panulat nyo, dahil at some point hinayaan nyong maibahagi sa akin ang parte ng pag katao nyo. Na appreciate ko ito. Meron akong mga naging close friends/tropa sa mundong ito at iyon ang isa sa pinakamagandang blessing sa akin ng 2009. Maaring alter ego nyo lang ang blog nyo pero masaya parin ako na naipapabahagi nyo ito sa akin. Sa maniwala ka't hindi marami akong na tututunan sa inyong panulat.

Again Salamat sa inyo at nais kong batiin kayong lahat ng isang Masaganang Bagong taon!!!!!

Hello 2010...

Share ko lang ang ilan sa mga plans ko this coming year para may babalikan narin ako dito to remind my self about this plan. Sana lang eh, magawa ko nga sya. But I guess, an attempt would be ok na din kung hindi ko man magawang i-put into action ang mga checklist ko.

For 2010...

1. Stop Smoking- Hindi na ako bumabata. Kelangan ko ng tigilan ang paninigarilyo dahil bad ito sa aking kalusugan. Hindi ako chain smoker at hindi rin ako sin lakas manigarilyo ng katulad ng mga yosi boys sa kanto pero sana lang ay maialis ko na ito sa sistema ko. Ok fine, bawasan muna natin ang five sticks a day into 3 sticks a day then on and on until ma alis na sa system (sounds manageable, right?!)

2. Gym Membership- Ok mag papa-member na talaga ako sa Flirtness Fitness First come January para makapag Cardio ng bonggang bongga at makapag buhat in preparation for my six pack abs target. Fine! joke lang ang six pack abs target. Napansin ko kasing no effect sa akin ang diet lang, at isa pa na motivate ako 'nung nilait ako ni Drake ng bonggang bongga last time. Fine! sya na ang pang starstruck hindi ako lalaban.

Sabi nga ng ka officemate kong health buff eh, mas mabilis daw ang pag kuha ko sa target ko kung sasabayan ko ng exercise. So mag papa member ako at i-lock ko ito ng one year program. I pag pray nyo ko kay Papa Jesas ha. Pero kidding aside, seryoso ako dito sa program ko, 'yung Starbucks Organizer ko nga ay ginagawa ko ng diet journal, sinusulat ko lahat ng nilalafang ko sa Organizer na hindi mura at dapat meron akong jogging everyday mula sa tinitirahan ko pa ikot ng MOA tapos sinusulat ko sa Journal. Yez, MOA talaga kasi malapit nga lang ako doon. Isang malaking gudluck dito!

3.Diet- Related sa number 2 ito. Hindi na ako magiging matakaw, promise! pag Sunday nalang pala, kasi naman Movie weekend 'yun diba alanganamang hindi ako kumain ng masarap. Fine! hindi na ako magiging matakaw, at pag nataong may date ako ng sunday mag tititigan nalang kame, hindi kame kakain kasi diet ako... seryoso ako dito!

4.Dagdag Sweldo- Kelangan matuwa ako sa increase ko this year. Kung hindi ako matutuwa sana makahanap ako ng Work kaagad sa ibang bansa. Sana lang maging handa ako dito both mental and emotional at sumabay ang pag ulan ng opportunity ng job opening at skill match demand ko sa trabaho. Sana makabalik ako sa Esteyts at doon na mag work, pero dahil mahirap ang buhay sana bago matapos ang taon 2010 ay meron ng maliwanag na path para sa aking work abroad target. At least a Job Offer manlang...

5. Savings-Mag se-save ako ng exact amount at hindi 'yung kung mag kano lang ang matira sa sweldo ko. Kelangan ko ng mag save! Pupukpukin ko ang sarili ko dito (Isang malaking Gudlak ulet)

6.Social life- Last Year kinulong ko ang sarili ko sa trabaho at bahay at pag babasa ng libro. Ngayon taon na ito ay kikitain ko lahat ng blogger friend ko na pwedeng i meet. Itataas ko ang antas ng social life ko gaya ng social life ko noong college. Magiging active ako sa EB ng filipinowriter kung merong invite at kung gusto nila ako isali sa EB go lang ng go. Hindi lang yan, hindi na ako mag tatago sa mag iinvite sakin ng gimmick pag weekend.

7 Personal life- Lalayo na ako sa mga pa fall. Hindi na ako mag reach out sa mga ayaw pa reach out, this time ako naman ang kelangan i reach out. Hindi na ako mag e-exert ng effort na nasasayang lang naman. lalo pa at unaccounted naman parati ang effort. (deadmahin mo nalang 'tong number 7 ako lang kasi nakakaintindi neto, gusto ko lang isulat)


Thursday, December 24, 2009

Maligayang Pasko mula sa Pluma ni Jepoy

Maligayang Pasko sa inyong lahat!!

Ako po ay taos pusong bumabati sa bawat isa sa inyo mga kaibigang blogista ng isang Meri Krismas! Nawa'y ang espiritu ng pagbibigayan ay mag umapaw sa inyong sambahayan at pamayanan. Hangad ko ang kaligayan ng bawat tahanan na kinabibilangan nyo.

Papa Jesus sana po pag palain Nyo po ang mga favorite blogger friend ko, sana po ay bigyan nyo pa sila ng more more talent. Sana din po more more entries din ang gawin nila. At sa mga nag hiatus sana po mag karoon na sila ng extra time para mag sulat ulit, nakakaalis po kasi ng stress at totoong nakakarelaks. Love ko po sila.


Merry Christmas To All!!!!!!

**********************************************************************************

Dear You,

Alam kong sumisilip ka sa blog na ito, ramdam ko ang presence mo. 'Di ko lang mahuli ang IP mo. Ilang taon mo na akong tinitiis. Miss na Miss mo na ako alam ko. Ikaw, Hmmm, Miss ko ng konti lang naman. Alam mo namang isang Christmas email lang ok na tayo. ni hindi mo nga ako binati 'nung birthday ko. Nakaka tampo talaga. Alam kong sa panahon ngayon marami ka ng ipon. Hindi man lang ba sumagip sa isip mo na umuwi ng Pilipinas? Isa kang bato. Well gusto ko lang ipaalam sayo na Ok ako. Pa fall ka kasi eh tapos mangiiwan ka sa ere. Anyways, Merry Christmas sa iyo. Take care because I care (Punyeta ang cheesy) eto nalang para hindi masyadong Cheesy J.A.P.A.N!

Sana nga mag sawa na ako kaka reach out sayo nakakapagod na din kasi. Eventually siguro pero not right now.

Lubos na Gumagalang,

Jepoy

Tuesday, December 22, 2009

Lagot ako! Peace Out Brutha

Ngayon ko lang na pag tanto na in a less than five days nalang eh Christmas na ulet, Oh-My-Effin-Gosh!

Don't get me wrong.

Excited ako na mag papasko na at makakasama ko ulet ang aking mga mahal sa buhay, pero hindi ako excited sa budget ko at sa gastusin ko. Tama ka! May balak akong mag kuripot ngayong pasko na ito. Wala lang. Try ko lang na hindi maging magastos minsan.

Ewan ko ba. Hindi naman ako mayaman pero minsan OA talaga ang pag gastos ko, pero most of the time ang pinag kakagastusan ko ay hindi naman para sakin kundi para din sa ibang tao na espeyshal sakin. Siguro nga tama ang hinala ko na ipinanganak lang talaga akong Selfless, Giver, Cute and witty.

Anyway highway, medyo naging busyness ako this weekend at nawalan ako ng energy mag compose at mag update ng blog para i share ang buzz about the exciting event na napuntahan ko.

Nag gate crash kame sa EB ng filipinowriters.com sa pangunguna ng imbitasyon ng isang kablog na galing sa bansang maraming amoy kilikili buti nalang sya ay hindi naman amoy kilikili, in all fairness . Ang event ay ginanap sa Los Banos, Laguna na nalipat sa Calamba Laguna. Medyo malayo-layo ang byahe namen at medyo sumakit ang maskels ko at wetpaks sa byahe. Medyo siksikan kasi kame sa mini jeep. Aktuli, nahiya nga ako kasi ang laki ng na occupy kong seat, you know. Parang gusto ko ngang mag laho sa kahihiyan noon, buti nalang mababait ang mga delegates hindi nila ako pinababa ng jeep dahil sa addtional space na nao-occupy ko. Naging masaya ang event at nakakilala ako ng mga taong katulad ko ay mahilig mag sulat. Ibang level nga lang sila. Kung baga sa Math Calculus na sila, ako nagstart palang mag add at mag subtract.

Curious ba kayo kung sinu nag invite sakin?! Alam ko kebs ka lang, kaya hindi ko sasabihin kung sino. Sabi nya magagalit daw sya pag naglagay ako ng picture nya, kasi nga daw baka daw pag kaguluhan sya ng maraming chicks dahil sa makinis nyang balat at pang starstruck nyang looks. Try ko lang kung totoo ngang magagalit sya, eto nga pala ang group pictures namin, paki sundan ang arow sa picture nya.


Gusto nyo medyo malapita na picture? eto kame nag lunch :-D



'yan lang naman, kayo na ang manghula kung sinu ang mga kasama kong mga itlog. O sya tayo naman sa susunod ha? Pictures naman natin ang iblog ko :-D

Popoy Inosentes attitude ka hindi ka nag rereply sa txt ko!

Ingats!

Saturday, December 19, 2009

Reklamo ko ngayong Pasko

Ang mga susunod na babasahin ay hindi kaaya-aya. Nag lalaman ito ng poot na nag mumula sa puso ng may akda.

Powthangenang Shiyeeeeeeet!!!!!

Baket?

Nadukutan lang naman ako ng wallet ngayong araw na ito. Ok, given, hindi malaki ang lamang pera- apat na daang piso lang ito. Kakaramput kumpara sa mga bigtime nating kaibigan dyan, pero para sa akin malaking bagay na ito. Pwede ko na itong impambili ng katol, peanutbutter, medjas, isang boxer brief,mani, at maraming knorr cubes pero hindi naman pera ang ikinauusok ng tumbong ko. Ang kinaiinisan ko ay ang iba pang laman ng wallet ko. Ang lahat ng kailangan ko para mabuhay sa Maynila tulad ng ATM Card, Credit Cards, SSS ID, Drivers Lincense, Health Card, Detal Card, Discount Card, TIN Card, at kung anu anu pang card pati ung ATM ko sa Amerika ay nandun sa wallet kong Guess (Sinabi ko lang 'yung tatak hihihihi) I know wala naman akong dollar account pero naman Remembering 'yun. I mean remembrance ko 'yun. Oo sentimental akong tao kahit gamit na na condom tinitreassure ko, jowk lang wag maniwala! So 'yun nga wala talaga. Utimong pambayad sa tricycle wala. Nagalit nga 'yung manong sakin eh nag papalusut daw ako.

so ganito ang nangyari. Kwento ko.

mga bandang 6:00 ng umaga ay nakikipag landian pa 'ko sa mga officemates ko, tapos mga bandang 7:30 ay nag kayayaan na ng umuwi. So dahil hindi na ako nag dadala ng auto papapasok ng office mega bus ako sa Edsa, doon sa may Shaw ang sinasakyan ko ang MIA. Dahil choosy ako nag hintay ako ng bus na maganda at malakas ang Aircon.

Pag upo ko sa bus, tinapat ko ang dalawang bunganga ng aircon sa fez ko para winter wonderland ito. Maya maya nag simula ng mag trapik .Napansin kong may umupo sa tabi ko, isa itong Manong na mga sampung piraso lang ang bukok. So ako deadma buti sana kung Chicks sya baka i offer ko pa ang sneakers chocolate bar sa bag ko, kaso hindi. So habang umaander ang bus ang bumubuga ng aircon ay sya namang hele sa akin ng lamig.

So sa madaling salita nakatulog ako ng beri beri nice (galing ka glentot ang salitang yan) mga around 7 minutes siguro akong nakatulog. Mag mulat na pag mulat ng mapupungay kong mata bigla akong nagising sa ulirat dahil Evangelista na meaning malapit na ako sa may Pasay Rotonda kung saan ako dapat bumababa. Syempre punas muna ng laway na tumulo, chineck ang tshirt kung may patak ng laway, nakakahiya naman 'yun diba. So bumaba na ako ng bus like my usuall morning routine nag lakad ng mabilis dahil na iirita sa rush hour at madaming tao na papasakay ng MRT.

Pag sakay ko sa tricycle napansin ko na naka bukas na ang aking messenger bag. Bukas ang harap at loob nito. Kinabahan ako at narining ko ang tunong ng heart ko bigla. Alam mo ung parang huminto ang lahat tapos puso mo lang ang naririnig mo. Ganto 'yung sounds nya

"Tugs..tugss. tugss. tugtugtugs.."

Anyhow carabao, sa sobra kaba ko na pa kanta ako ng "Boom Boom Pow" chineck ko kagay ang cell fon ko. safe sya! sabi ko, "Thank you po Papa Jesas..." Hinanap ko ang wallet ko wala na sya. fuck it! wala na talaga. may kumupit na. Siguro kras ako nung snatcher andun kasi 'yung graduation picture ko.

So yun wala na talaga sya.

Eto ang catch. Hindi ako makapag withdraw dahil wala na nga akong ID. Eh pasko na next week, right?! Maniniwala ba ang mga inaanak ko pag sinabi kong pass muna grand children dahil si Gandalf ay na dukutan last week.

Isang malaking GudLak! Fookiloo talaga! Taee!

So kayo mga katoto mag ingat kayo ha. Tandaan mas mahalaga ang buhay kessa Material na bagay at ingatan din ang Pera nyong pampasko maraming gipit ngayon at i know hindi lang ako ang last victim nya sana lang tumigil na sya sa pag ka klepto nya dahil pag nakita ko sya sa susunod ay matitikman nya ang bagsik ng kapangyarihan ni Jepoy.

Ingats kayong lahat. Meyhal khow keyong lehet!!!

Wednesday, December 16, 2009

Do's and dont's sa Pagsalubong sa Balikbayan (OFW)

Uwian na naman ng mga kamag anak, friends, and ememies natin na nag tra-trabaho o na ninirahan sa abroad Para mag Pasko sa Pilipinas nating mahal-sila na mas kilala sa tawag na OFW.

Nag prepare ako ng ilang tips para sa inyo sa pag salubong ninyo sa mga kamag anak na OFW parang mga do's and don'ts kung baga.

Sige go basa lang!

1. Mag pa cute pag salubong sa airport. Yakapin sila ng mahigpit at wag mag tatangkang mag tanong kung anu ang pasalubong mo that's a big NO NO. Kailangan mag panggap ka na hindi ka excited sa mga chocolates at pabangong pasalubong nila kahit sa totoo lang e na nginginig na ang tumbong mo sa excitement at gusto mo nang wasakin ang balikbayan box para makipag agawan sa mga dukhang pinsan at kapatid mo. Sa halip tanungin kung kamusta ang byahe at kung anung Oras sila umalis doon, tapos kamustahin mo sila. Please lang maging enthusiastic ka kahit 5 oras kang nag hintay sa NAIA at hindi ka pa nakapasok sa Gate tapos siopao lang ang kinain mo.

2. Kailangan mong tumulong sa pag buhat ng bagahe at wag na wag kang ma wawala sa paningin nila. Pag kakain kayo sa labas bago tuluyang umuwi mag offer ka ng pera pambayad ng kinain nyo, 95% hindi nila tatanggapin 'yun. At habang kumakain hayaan mong dumaldal at sila ang mag kwento dahil sabik sila sa inyo. Wag kang mag pakabida hindi mo ito moment. Moment nila ito.

3. Tanungin kung anu ang gusto nilang ulam. Mag offer ng enseladang talong, kare-kare, sinigang, chicken joy, burger steak, lechon. I'm sure mag lalaway ang mga yan. Kung lalake sila at single yayain sa Airforce 1 o kaya somewhere in Timog. LOL

4. Kapag inabot nila ang pasalubong tapos hindi 'yun ang ineexpect mo. Mag thank you ka at ipakita na tuwang tuwa ka kahit hindi naman, dahil pinag hirapan nila 'yun. Hindi sila na mumulot ng dolyares doon. Matutu kang mag appreciate please lang.

5. Kapag nag punta kayo ng Duty free mag pa kyeme ng konti wag kang dadampot ng kung anu anu hanggat wala syang signal na kumuha ka na ng gusto mo. Kung halimbawang nag signal sya na kumuha ka na ng gusto mo, wag kang abuso baka naman kumuha ka ng bonggang bonggang Tag heuer at Rolex na relos. Dapat maging sensitive ka, bilangin mo kung ilan kayo na papasalubungan at kung anung klaseng trabaho at ilang trabaho ang ginagawa nya sa abroad, i aassess din kung bread winner ba sya or mayaman naman ang pamilya at walang binubuhay o pinapaaral na kapatid. Pag tapos mag assess at ok ang result ng assesment mo saka ka bumanat ng bonggang bongga pero kung tamang tama lang ang kita nila tama na kung anu man ang makayanan nila para sayo. Wag kang choosy, OK.

6. Mag bigay ng Something sa kanila pag dating nila. Pwede kang bumili ng tshirt na merong mapa ng Pilipinas tag 100 lang yun sa SM.Hindi yung puro nalang sila ang mag bibigay saiyo abuso ka na masyado.

7. Pag bigay ng gift saiyo at pera wag kang umeskapo at mag continue ng life mo bigla. Samahan mo naman sila at makipag kwentuhan. Maaprreciate nila 'yun. I'm sure sa susunod na uwi nila hindi ka nila makakalimutan lagi kang nasa checklist nila.

8. Wag na wag mong lalaiitin ang bigay nila kahit na anung mangyari. Ke mumurahin o mamahalin yan, hindi kagandahang asal 'yun. Kung ayaw mo ng tshirt na bigay nila edi wag mong suut or idonate mo pero wag na wag mong lalaitin ito.

9. Mag lambing ka sa kanila para naman maging memorable ang kanilang miminsanang pag uwi.

10. Panghuli ay ihatid sila sa airport at mas maganda ang closing remarks nyo kung patutuluin mo ang luha mo at sasabihin mong ma mimiss mo sila. Ito ay to the highest level na. Pang Oscars na talaga ito!

Ito entry na ito ay para sa kababayang OFW na uuwi ngayong kapaskuhan. Welcome back to Mainland China ay mali to Filifins pala. Enjoy you vacation!!!!!

Meri Krismas sa lahat ng nag babasa! Salamat sa pag comment :-D




Saturday, December 12, 2009

Blogger EB

Fresh na fresh ang kwento ko ngayon.

Eto nga't pawis na pawis pa ako dahil wala akong masakyang taxi kanina, paste! Ang layo tuloy ng binyahe ko at pagod na pagod ako, pero dahil dugong bloggero lang, instead na mag palit ako ng boxers at mag hugas ng betlog ay mas inuna ko pang isaksak ang router at i-on ang laftaf para mag vlog, sensya na adik lang. Anyway highway, I'm so thrilled to tell you guys (nag uumingles lang) na this year has been a blogger friend year for me dahil may na meet na-naman akong blogger friend. Na-realize ko lang tuloy lalo na mas masarap palang makipag EB sa blogger friends kesa sa chat mate, txt mate, phone sex pal o ano pa mang social networking sites (para sakin lang naman, so sana walang mangaway sakin)

This time naman dumagdag sa aking listahan si (drum rolls please) dyarannnnnnnnn!!!!! si Joana, ang newest addition sa Blog Roll ko *Clap Clap Clap*. YJ at Acrylique may session din tayo steady lang kayo ha.

After ng lunch time ay nag kita kame ni kumpareng Glentot para umatend ng Church activity nila Joana, yes Charch po itong pinuntahan namin ni Glentot, like it's so bagay sa personality namin right? Alam nyo naman pag mabubuting bata. Bali yun nga, isa po itong Evangelistic Concert. Nakaka tawa tuwa at nakaka bless dahil Merong nag Hand Mime, nag Mime at kumanta at nag share ng word of God about Salvation.

Eto ang natutunan ko let me share it bago tayo pumunta sa ibang part ng kwento. Ang sabi ng bible we are saved by grace through faith. So if we accept Papa Jesus as our Lord and Personal Savior and surrender everything to him we will be save from eternal condemnation. Meaning hindi mahalaga kahit na anong religion mo kasi hindi naman religion ang mag liligtas sayo, hindi rin good works, hindi rin ang mga santo, at hindi rin si Santino kung hindi ay ang grace through faith. Grace kasi si Papa Jesus Mega Nailed sa Crusifix para sa ating sins, nung napako sya sa krus ginets na nya ang lahat lahat at wala na ang power ni Satan over us dahil sa dugo ni Papa Jesas, Sya ang Saving Grace. Now all we have to do is the faith part. Believe it, accept Him. Odiba bonggalore?!

Meron pa kaming small form na sinulatan parang little info about us for them para ma pag prey nila, i guess. But wait theres more... may free pa kame ni Pareng Glentot na book mark (Glentot nasakin pa ung bookmark mo ha).

Over all masaya naman ang pag dadalo ko sa activity plus naka meet nanaman ako ng isang intelehenteng bloggero sa mundo ng sapot, aylabet! At kanina after ng chuch activity ay napagod si Glentot sa kakalakad ng bonggang bonggang dahil nag gate crash sya sa isang party na kung saan ay ako lang ang invited. LOL sayang hindi ko na picturan si Glentot. LOL

Salamat Joanna for being so Nice at tinabihan mo pa kame ni Glentot kahit kasali ka sa program! Hindi ako masyadong naka pag thank you eh, kaya dito nalang. Thanks ulet!

Sa susunod na linggo ay meron nanaman akong ma meet na blogger friend, same frequency kame neto, pero hindi ko muna kwento details para may element of surprise sabi nga nya (as if you care, right?! LOL). So, sa mga frequent readers ko at sa mga intelehente at favorite bloggers ko dyan sa tabi tabi ay iniimbitahan ko kayo na mag kitakits tayo, la lang kain lang tayo pish balls sa luneta. Mag lakad lakad, mag kwentuhan at kumain ng Cotton Candy. Hindi kinakailangang Susyal ito. Ang importante we make new friends and have fun. Sounds Cool right?!

We can make it happen, prolly sometime next year? what do you think heh?!

Peace Brotha!

Thursday, December 10, 2009

3 Favorite Places

Related ang entry na ito sa latest post ng ka fezbuk kong si Chyng. Tungkol ito sa 3 best places na kung saan ay nakarating mo na.

So eto ang version ko, keep reading if you're interested. Tenchu! mwahugs!

Mula pa nung ako ay nag simulang mag trabaho ay nahilig akong mag travel pero dahil hindi naman ako likas na mayaman para magawa ito kung kelan ko gustuhin, kinakailangan pa ng matinding concentration at pag pipigil sa sarili upang makapag laan ng pera para mag fly papuntang Neverland (Peter pan?!). In all fairview, may mga iilan lugar naman akong napuntahan na ni sa dreams ay di ko inakalang mapupuntahan ko.

Let me share you my top 3 favorite places, and let me put a little bit of pictures and information about it para may mai-share lang.

1.Place: Disney Land (EPCOT) and Universal Studios
Location: Orlando, Florida USA

Ang Unang kuha ay NASA SPACE STATION ride, replica ito ng space shuttle or something near to that, mapapansin nyo sa picture na hawak ko ang salawal ko.

Baket?

Dahil wala akong dalang Belt noon. Nahuhulog na talaga ang salawal ko dyan pero smile parin para cute sa pekture. Nakakahiya talaga sa madlang Americans dahil hawak ko ang salawal ko habang nag lalakad lakad kame. Pero hindi ako nag pa pigil sa ganoong hindrance, sige parin at gora ng gora kakapasyal kahit na hotdog lang at Coke ang kinain ko buong araw dahil nag titipid. Purito lang talang, sorry!


Ang picture naman na ito ay kuha sa Universal Studios, natakot talaga ako kay kuya Mummy as en! Parang totoo Mummy Ampota! matatakutin pa naman ako. Kamontikan ko na ngang itulak eh.

Ang istorya naman sa kuha na ito ay wala naman. Busog ako sa gatorade dyan, naka apat yata ako dahil sobrang init 'nung time na yan, Summer kasi. Eto pa pala, nakikita nyo ba ung building sa likod ng picture ko with Kuya Mummy?! Pag pasok namin dyan ang ini-expect ko ay mga scarry shit something, mga ganun ganun leveling kasi nga Mummy and all. Pero I was so wrong.

Powthangena alam nyo ba kung anu ang nasa loob ng building na yan?!

Ito ay isang roller coaster na may pabalibaliktad, pababa, pataas at paikotikot pa, may pakaliwa pakanan na may apoy effect pa. Shit talaga! Ang pinaka catch sa story na ito ay...

Hindi ako sanay sa mga rides in the whole wide world, as en (slang talaga!) sa may Enchanted kingdom nga bump car lang sinasakyan ko eh, kasi mabilis akong masuka at mahilo kung sa eroplano nga na tume-take off palang nag susuka na ko, roller coaster na multi directional pa kaya? nung nag drop sya ng back,forward at sideward 'eh feeling ko nasa bibig ko na ang betlog ko, wtf!!!! so ang ending dito muntik na akong mag passed out. Nyeta!



2. Place: Bitmore Estate
Location: Ashville North Carolina, USA

Ito naman next favorite kong place ay isang Estate or Lupain na may napaka laking Mansion. Akalain mong merong botanical garden na malaki meron ditong halaman, Sunflower, Kambing, kabayo, pork and Chicken tsaka mani meron din Pagawaan ng whine, Oo whine ito. Ang laki laki ng estate na ito at sobrang na enjoy ko talaga ang lugar na ito kahit na 'nung una meron pa akong hesitation na sumama. Aktwali, nag papapilit factor lang ako.

Sobrang laki ng Mansion dito, kung napanood nyo 'ung movie na "Ever After" tsaka "Richie Ritch" doon sya na shoot. Sayang lang bawal kasi mag picture sa loob. Nga pala naging Model ako dito kasi 'yung mga kasama ko ay may dalang Camera at ang pangunahing dahilan kaya kame na padpad dito bukod sa mamasyal ay mag photoshoot daw sila. So dahil muka naman akong artista ang kinalabasan ko ay maging model. Di ko na ilalagay yung naka boxers lang ako kasi baka pag nasahan pa ni Drake Ahahaha.

Itong Unang picture ay epal lang ako sa may entrance ng Mansion, ang cute ko no?! Umagree kayo! LOL

Ito naman ung kuha ng Mansion sa malayuan, sensya na naresize na ung picture kasi ang laki ng file masyado.


Ito naman kuha dun sa tunnel bridge sa may botanical garden kasama ang aking friend na si Stell kame ang model dyan.


3. Place: Downtown Knox, University of Tennessee, Great Smokey Mountains
Location: Knoxville Tennesseee

Ang third favorite place na narating ko ay ang Knoxville Tennessee. Medyo matagal din akong namalagi dito sa lugar na ito, kaya napamahal na ako ng slight. At na gustuhan ko talaga ang laid-back life style ng mga tao dito. Pag uwian na sa office uwian na talaga. Pag rest day naman restday talaga ng bonggang bongga. naranasan ko din dito ang barbecue at burger burgeran na family bonding. Saya! Montik na nga akong mag TnT eh LOL

Ang unang picture ay kuha sa Downtown Knoxville, first week ko palang dito noon. Kaya nag lakad lakad muna kame dito sa Park na ito.


Sa tabi ng downtown Knoxville ay ang University of Tennessee naman, feeling istudent ang Jepoy cute nang namasyal sila dito. Nag inquire pa nga ako ng Masters Degree as if naman diba?! LOL Ang picture na ito ay kuha sa College of Engineering nila sa tapat ng admissions office or sa Nursing Area yata to. Ganda nung mga puno diba, kakasimula na kasi ng spring time noon time na yan.


Ito naman ay isa sa kagubatan sa bundok ng tralala. Jowk! Isang kagubatan ito sa tinaguraang Smokey Mountain. Kaya pala sya Smokey kasi ang daming Smoke sa umaga hihihii. Nangubat po kame dito. Medyo scarry kasi 'ung mashondang kasama namin na nag hike which apparently sya din 'yung navigator namin ay nawawala sa wisho at hindi nakasunod ng tama sa mapa, so medyo nawala kame. Ow My Gas! Alam nyo bang nasa pusod kame ng kagubatan, e kung ikarne ako ng mga bonggang bonggang black Teddy Bear, pano na ang pag kakalat ko ng lahi?! I'm so ubber skerd talaga. as en (slang ulet)

Pero 'yung gubat its nice talaga. look oh :-D Nga pala alam nyo bang 'yung mashondang kasama namin' jumerbaks sa gubat meron shang dalang maliit na shovel at tissue papper. Eiwwwwwww! So gross.


So yan ang mga lugar na hindi ko malilimutan hanggang sa aking huling hininga. Ang ibang lugar naman na nag lu-look forward akong mapuntahan ay ang sumusunod.

1. London, UK (Mataas ang pangarap! Malay natin diba)
2. Canada (dyan kasi relatives at closest friend ko)
3. India (wag nakayong mag taka baket kasama ang india) sige na nga explain ko ng konti; Alam kong hindi sila masyadong mabango pero rich ang culture nila at gusto ko itong malibot pero sana lang may kasama akong security diba kasi baka ma paslang ako.

O kayo naman!!!! Iniimbitahan kong gawin nyo rin ito. Kahit anung lugar yan pwede ang importante ay nag enjoy kayo. Tara na byahe na! hihihihi

Salamat sa Pag babasa at Pag segwey ng comment ha! Ayabyuall

Tuesday, December 8, 2009

Randoms...

Pain is lovely, it somehow shows you wisdom
A thin line to bitterness but does not equate to it
Pain is relative to anything that reminds me of you
an excruciating sensation that burns inside me
Pain is moving on without you beside me
like a thought of death someone so dear to you
Pain is everywhere and so is Love
I think, they co-exist like Yin and Yang, heaven and earth, life and death
Pain is our past and so is happiness
but they say that happiness is a state of Mind;
I am Happy because I choose to be happy
therefore I am numb because I don't feel Pain.

Sunday, December 6, 2009

Massage home Service Experience

"Koya hard ba o soft?" Tanong nya

"Paamoy muna ng Oil na gamit nyo, minsan kasi may mga mineral oil na amoy kachichas eh, nakakasuka", Sagot ko. Nag ma-madali nyang nilabas ang langis na nakalagay sa isang kulay fink na lalagyan. Kinuha ko ito at inamoy. Hindi naman masyadong amoy kachichas pero sa tingin ko hindi naman mag re-react ang maseselan kong balat dito. Pinapasok ko sya sa aking Unit.

"Sige pwede na yan. Gusto ko ng hard na hindi masakit pero ayoko ng soft"

"Koya ang herap naman 'nun, kinda confusing"

"Kinda confusing ka dyan, basta you'll know it pag dumampi ang kamay mo sa likod ko"

"Ok fine, start na po ba tayo?"

"Baket ang suut mo e parang pang sex bomb? with matching make up na nag shi-shimmer pa?! diba dapat naka scrub suit ka?"

"Ito namang si Koya joker" sabay kurot sa tagiliran ko

"Ay may kurot talaga?! Hindi pa tayo close ate, lika na nga"

Pinapasok ko sya sa loob ng Unit. Sobrang gulo ng bahay lahat nakakalat kasi 'twing weekend lang ako na kakapag linis.Itinuro ko kung saan ang kwarto. Tinanong ko sya kung gusto nya ng maiinum bago kame mag start. Tinanggihan nya ito, buti nalang. Kasi wala namang maiinum sa fridge eh, kahit tubig wala na.

Dito nalang tayo sa kwarto Ate.

"Sige koya paki alis nalang ang Sando mo, shorts, at boxers please..."

"wtf?!! Baket ko naman aalisin ang boxers ko, sa whore house ka ba galing, kala ko sa Spa home service natawagan ko?!"

"Joke lang koya kala ko sasakay ka..."

"Nakaka Nerbyos ka naman kasi gagawin ko 'yung request mo pag pinilit mo ko Wraaaaar! joke!" Sabay smirk

Ngumiti lang si Ate. Inalis ko ang aking Sando at hinagis ito sa laundry chute, hindi ito na shoot na punta lang sa sahig, pero deadma lang. Nag sindi narin ako ng small candle at tinapat ang aroma therapy Oil para bonggang bongga ang amoy sa kwarto, so relaxing, Aylabet! Sinaksak ko ang ipod sa mumurahing speakers at sinet ang mga tugtugin ni Kenny G (kung hindi mo sya kilala i-google mo nalang). Pumwesto na ako sa aking bed suut lang ang basketball shorts ko.

"Start na tayo Sir ha.."

Sumakay sya sa may bandang likuran ng baywang ko. Naririnig ko ang pagbuhos ng langis sa mga palad nya at pag kiskis ng kanyang mga palad para kumalat ang Mineral Oil hanggang daliri nya.

"Ate galingan mo para da-dagdagan ko ang tip mo. Medyo masakit ang lower back at Neck ko dahil sa trabaho."

"Sige Sir ako ang bahala sa gabing ito. Paki relaks lang po ang mga muscles nyo para hindi kayo mag cramps"

"Sige mag rerelaks ako pero wag ka sa pwet ko umupo"

"Ay sorry naman Sir"

Hinagod nya ang kanyang kamay sa aking lower back paakyat ng aking balikat, masarap na medyo masakit ito. Dinagdagan ang mineral oil para mas madulas at magawa nya ng maayos ang body massage. Hinagod nya ulit ng ilang beses ang likod ko papuntang balikat

"Sir Ok lang po ba ang preyshur"

"Preyshur talaga Ate?! Jepoy nalang tawag mo sakin at oo ok naman ang pressure, tamang tama lang'

Binaba nya ng konti ang shorts ko. Para ma-massage ang aking wetpaks. Nakaka libog relaks talaga ito. Hinagod ni ate ang buung likod ko gamit ang armas nyang kilala sa tawag na shiatsu massage. Itinaas nya ulit ang shorts ko sa baywang at pumwesto sya ng konti sa lower legs ko. Itinaas nya ang tela ng shorts sa mag kabilang legs para hindi ito malagyan ng langis. Tinaas nya ito ng bonggang bongga.

"Ate ang taas naman masyado nyan"

"Pasensya na Sir, para hindi ma mantsahan 'ung shorts mo, puti pa naman"

"Ok, Jepoy hindi sir. Sige go ka lang"

Itinuloy ito ni Ate. Gamit ang maliliit nyang palad nag paikot-ikot ito sa sa may likuran ng hita ko.

"Jepoy Ok lang ba Preyhsur" Pabulong nyang tanong

"Oo ayos lang naman. Pero dahan dahan ka sa pag taas ng kamay mo ok ! may bagay na hindi mo dapat i tats dyan"

Hindi kumibo si Ate at patuloy sya sa kanyang thingy-thing. Matapos ma massage ang legs at paa at kamay. Inutusan nya akong mag palit ng pwesto

"Jepoy harap ka naman" bulong nya

****End*****

Thursday, December 3, 2009

Christmas Wish List

Halos lahat ng tao ay may kanya kanyang wish list pag mag kri-krismas na, 'nung bata nga ako sumusulat pa 'ko kay santa klaws eh sabi ko, "Dear Santa Klaws sana po ay bigyan nyo ako ng bagong shoes" tapos nag kakaroon nga ako, hangsaya noh?! Pero na laman kong hindi pala totoo si Santa Klaws kaya mula noon hindi ko na sinusulat ang wish list ko.

Pero 'nung nauso ang blog ay muli akong susulat pero this time para sa inyo na ito. Hihihii

Sana nababasa ng mga kaibigan.Katropa.Ka-fezbuk.Ka-twitter ko itong entry for the day nang sa ganun ay hipuin ni Papa Jesus ang matitigas nilang mga puso't atay para naman mering meri ang krismas ni Jepoy.

Eto na ang list.

1. Gusto ko talaga nito, pero hindi ako makabili dahil sa tight budget at hindi ko naman sya masyadong priority. Gusto ko kasing picturan ang sarili ko LOL para naman mapalitan ko na ang profile ko sa fez buk at sa blogger pic. Alam kong usong-usong ang photography ngayon pero sa totoo lang highschool palang ako hilig ko na talaga ang mag picture-picture specially 'nung naka kita ako ng play boy magazine, joke! Photojornalist ako 'nung highschool namin, naalala ko naki pag compete pa nga ako ng photojornalism noon, kaso lang talo ako. Sana may mag regalo sa'kin neto. Gudluck!!!!!!


2. Ang second sa list ay storage device para sa aking mga porn collection picture archive and movies and tv series. Pwede na sakin ang Western Digital 1 Tera external HDD tulad ng picture dito. 80 Gig lang kasi
ang capacity ng internal hard drive ko at nag hihingalo na sya so far. Sana ay may makuha ako ganito.


3. Ang ikatlo naman sa aking christmas wish list ay... (drum rolls please) charan! Gym Membership for 1 year. Oo tama ka. Para naman lumaki ang maskels ko at lumiit ang aking
tummy ng bonggang bongga para lumabas ang nag tatago kong six pack abs! (GOOOOOOODLUUUUUCK!!!!!!) Wag ka ng mag react lalo na sa comment box, I hatechu! Naisip ko lang na ilang taon ko ng pinaplanong mag Gym pero lagi akong bigo, sana naman ngayong Pasko after kumain ng madami ay makapag Gym na ako hihihihihi

4. ang ika apat ay ang Black berry phone pero dahil tight budget nga at dukha lang ay na lipat ito sa E71 at nakuha ko na ito kaya. tsek for wish list number 4, Yay!

5. At ang number five naman sa aking wishlist ay ang huling installmanet ng "The Immortal Instrument" book na pinamagatang "City of Glass" Sana merong mag bigay sakin neto. Murang mura lang sa suking tindahan.


Ngayon naman mag lilista din ako ng limang gift na ayokong mareceive ngayon krismas lalo na sa
mga Kriskringgle, Monito Monita at kung anu anu pang exchange gift pakulo sa office at kung saan saang lupalop ng Motha Neycha :-D Hindi ako choosy pero mabuti nang alam nyo kasi diba mag bibigay narin lang edi yung makapag bibigay na ng lubos na kaligayahan sa pag bibigyan, right?

So eto ang ayaw na ayaw kong ma receive tuwing pasko.

1. Photo Album/Picture Frame. Sobrang dami ko na pong photo album mula pa 'nung
gradeschool. Hindi ko pa nga po nagagamit ang iba kaya kung pwede lang wag na po ito.

2. Figurines. Wala po akong balak mag kulek ng baboy.kambing.ibon.Angels.prutas na figurines, at na ka-ka-kuha din po kasi ako ng figurines sa mga kasalan, debut, binyag, at burtdey kaya sana po ay wag na pong figurines.

3.Bimpo. Ang dami ko na pong labakara kuleksyon mula pa noong elementary exchange gift merong kulay red, green, blue stars over you mama said papa said i love you... kaya wag na po ito, mas ok pa ang lufa at mas mura pa ito (suggestion lang)

4.Tasa/plato/platito/baso- Please po marami na po si Mama neto, kung gusto nyo ako regaluhan nito sa Krismas hintayin nyo nalang ang wedding ko, doon nyo nalang ibigay. Salamats!

5. Alarm Clock. Ito po ang pinaka ultimate sa lahat ng gift na hindi ko gusto, kasi ni nenerbyos ako pag nakakarinig ako ng tunog ng alarm clock feeling ko Peryodikal Test na ulet at parang gusto kong mag aral kasi baka ma bokya ako dahil one seat apart ang pwesto pag peryodikal test.