Thursday, May 10, 2012

Open Letter to Mom

Dear Mama,

Nakakasawa ng gumawa ng open letter, taon-taon ko nalang 'tong ginagawa. Hindi mo naman kasi nababasa kasi nahihiya ako mag send ng sulat shit. Hindi natin itwu kultura bilang isang Pamilya ng mga Sundalo. Kaya tuwing Mother's day gumagawa ako ng ganitong kashitang maarte letter chenes.

Alam mo ba kung baket ko nire-require ang sarili kong padalhan ka ng pera kahit hindi nyo naman exactly kelangan? Simple. Kasi mahal na mahal kita. Kayo. Alam mo na yun, Sus! Action speaks louder than words nga eh. Isang request mo lang kahit nag rereklamo ako, nanginginig pa akong pupunta ng Lucky Plaza para mag remit.

Baket?

Dahil fresh sa akin lahat ng sacrifices mo. Hindi ko makakalimutan ang panahong nakikita kong na ngungutang ka sa mahadera nating kapitbahay ng pang tuition fee ko. Nakita kong pumapatak ang luha mo at sinasabi sa kanyang last na utang mo na yun. Putangina! wala akong magawa noon at sinasabi ko sa sarili kong balang araw mababayaran kita at mag bubuhay Reyna ka. Reyna ng Palengke ganyan.

Alam mo ba kung baket sa tuwing sweldo ko tumatawag ako kagad sa'yo para mag sabi ng I love you at para sabihin na parating na ang caban ng cash?

Para maramdaman mong priority ko kayo habang single pa ko. Para maramdaman mong mahal na mahal kita.

Ngayon mothers day, hindi ako makakapag padala ng flowers. Overrated na kasi. Hindi rin kita isusurprise na uuwi ako, hello Ma ang mahal ng pamasahe. Nag titipid me. Basta mag hintay ka ng delivery dyan hihihihihi.

Hindi ko makakalimutan ang lahat ng sacrifices mo. Sa pag hatid mo sa'kin sa school nung kinder bago ka pumasok sa Opis. Tandang tanda ko na nakasilip ka sa Binta para masigurado mong hindi ako mag ngangangalngal ng iyak. Hindi ko makakalimutan ang pangungutang mo kay Aling Tabud ng Hotdog para lang may makain tayo pag birthday namin ni Bunso. Hindi ko makakalimutan ang pagbili natin ng notebooks tuwing pasukan na dapat limang piso lang per notebook at bawal ang Catleya kasi mahal. Ang pag luto mo ng sinigang na favorite ko. Na pag sabi mo ng ang pogi pogi ko sabay kurot sa Pisngi tapos kiss. Mama, recorded lahat 'yun.

Hindi ako nag sisi na ikaw ang naging Mudrax ko. Hindi hadlang ang kahirapan natin para magkaroon ako ng option na gustuhin na maging nanay ang tulad ni Imelda Marcos. Aanhin ko ang yaman kung hindi naman ikaw ang nanay ko.

Yung bunganga mo tuwing umaga music na sakin 'yun. 'yung paulit ulit mo na kwento hindi ako napapagod makinig.

Mama hindi ko rin makakalimutan ang mga luhang pumatak sa mata mo nung paalis ako ng Pilipinas. Sabi mo anak wag ka nalang umalis. Putangina parang gusto kong mag break down at basagin ang salamin ng Jetstar.

Pero kelangan kong gawin 'to para sakin. para hanapin ang sarili ko. Charot!

Kelangan kong gawin ito para mas maging maginhawa tayo at para mag buhay Reyna ka. 'Yung dream house mo malapit na nating magawa. Promise hindi ako mag aasawa hanggat hindi pa sya tapos.

Mama mahal na mahal kita. Kahit mali mali yung lesson na turo mo sa Math tsaka kahit na Hindi ka magaling mag English tawag mo sa Red Ribon, Blue Ribon. Tawag mo sa Pizza, PichaPie kahit na lahat ng kaibigan kong babae pinag kakamalan mong GF ko sabay lait mo ang panget naman nun anak. Kung maka panget ka kala mo Coco Martin anak mo.

Salamat dahil ikaw unang naniwala sakin. Salamat dahil ikaw Mama ko. Salamat dahil nagawa mong lahat ng Responsibilities mo with flying colors. May mga remarks pero keri na.

Mama I am so proud of you. Wag ka mag kakasakit dahil umiikot ang pwet ko pag nababalitaan kong na hihighblood ka baka ma una pa kong mastroke sayo.

Ma' seryo I heart You. Alam kong proud ka sakin, duhr ikaw na mag ka anak na Valedictorian and Cute.

Happy Mothers Day Mama! I love you soooo much!

PS. Please ayusin mo na passport mo para maka pasyal ka naman sa Singapore hindi yung puro palengke nakikita mo dyan. 1 year na kitang kinakantahan sa Passport mo susme! Sama mo si Papa ha.


Lovingly Yours,

Jepoy

Wednesday, April 25, 2012

Work Related Shit

Kanina habang nag tra-trabaho ako ng marubduban sa opis nakita ko yung corporate video ng dati kong company na pinag tra-trabahuhan ko sa Pinas bago ako lumipad ng Singapore. Nainggit ako kasi hindi ako kasali sa video. Gustong gusto ko pa naman nag mama-english sa video.

Bigla ko tuloy na-miss ang mga kaopisna kong may toyo sa utak.

Dito sa Singapore puro seryoso ang mga kaopisina ko masyadong driven ni-ayaw nga mag sick leave kahit kumakahol na ng todo habang sumusuka ng fried rice. Samantalang ako headache lang Sick Leave kagad. Baket ko pipilitin ang sarili kong pumasok kung I'm not feeling well nga?

Masyadong seryoso ang mga kaopisina ko dito, mababait naman sila. Siguro naninibago lang talaga ako, kasi ako lang nag iisang pinoy sa'min. Ay meron palang isang contract employee na pinoy sa gilid pero parang hindi sya nag e-exist. Hindi ko maramdaman ang presence nya.

Samantalang, sa dati kong Company puro may toyo ang utak ng mga kasama ko doon. Result driven naman sila at magagaling, don't get me wrong, pero may toyo lang talaga sa utak. Eto isang classic example, sukat ba namang picturan ako ng ganito sa kalagitnaan ng shift namin.



Hindi tuloy halata na hard working professional me. Letch! nahiya me ng slight.

Minsan naman nag mamadali akong pumasok dahil late na late ako. Alam nyo kung anong nadatnan ko sa opisina? Well, inadnjust nila ang brightness setting ng monitor ko into super dark na kahit naka-on na ang PC ko wala parin akong makikita. Alam mo yung feeling na naka shutdown parin or nasa moment ka na na gusto mong i-conclude na sira ang monitor mo. Punyeta! Pawis na pawis akong nag che-check ng cables sa ilalim ng table ko. As soon as na ma-figure-out ko na brightness pala ang problema eh basang-basa na ko ng pawis.

Hindi doon na tatapos ang pag trip nila. Pag ka adjust ko ng brightness naka baliktad ang monitor ko. Yung technical na nakabaliktad. Binaliktad ng mga hitad ang monitor. Punyeta lang diba. At hindi lang doon 'yun na tatapos.

Nilagyan nila ng tape ang optical mouse, kahit maghapon ko ishake ang mouse para mag move ang cursor walang mangyayari. More-more lusong ako sa ilalim ng table para mag reseat ng mouse cable. Haggard ampotah. Nung time na yun, walang nag sasalita nag tatawanan lang ang mga Potangena. Nagalit na ko.

Sumigaw ako ng todo.

"Putangina sino gumawa neto, pag hindi nyo 'to inayos babasagin ko isa-isa ang monitor nyo sa ngala-ngala nyo"

Ayun saka sinabi na may tape ang Optical Mouse ko. Galit na galit ako ate Charo pero natatawa din me. Alam mo 'yung mixed emotions ganyan. Pero hindi pa pala dun nag tatapos, nilagyan din nila ng gunting ang Computer chair ko na nag sisilbing hadlang para ma adjust ko ang seat ko into comfortable position.

Galit na galit na talaga me Ate Charo. Ang mga malalanding Shrimp walang magawang matino nung araw na yun at ako na model employee ang napag tripan.

Nung naka setup na ko. Una kong binukasan, syempre model employee nga, una kong binuksan ang facebook at guess what? naglagay sila ng status na.

"Is fucking horny now..."

Kamusta naman 'yun? Naka add ang mga pamangkin ko sa fb, ang Pastor namin, ang mga ka-Christian Org ko sa fb. Mga hayuuuup! ang dumi dumi ko Ate Charo.

Pero looking back, mas gusto ko pala ang mga ganung ka-officemate kesa napapanis ang laway ko buong mag hapon dahil wala akong kausap. Buti nalang may twitter at doon ko na u-unleash ang dark side me.

Bigla ko lang silang na alala pero hindi naman nababayaran ang puro saya lang, kaya mas okay na ako kung saan man ako nilagay ni Papa Jesus ngayon. Dito ko maayos ang kaban ng cash pangkabuhayan show case para matubos ang babuyan at sakahan namin sa Probinya.

Yun lang.

Finish!

I'm sorry for wasting your time.

*Smack*

Sunday, April 8, 2012

Konting Kwento...

Wala akong nagawa kundi tumanga ng limang araw. Oo naubos ko ang limang araw na hindi ako nag travel. Ganun siguro pag wala ka talagang pera. Ayoko ng muputik. Ayoko ng masikip. Tipid-tipid lang ganyan. Pero sa totoo lang, hindi naman sa wala akong pera talaga kundi wala akong makasama sa mga summer trip. Ang hirap ng walang nagmamahal, iniirog, kasintahan, fubu, kaEMYUh. Walang kaibigan. I'm so lonely and alone. Well past is past sabi nga ng kanta

"It's sad to Belong to someone else when the right one comes along"

Walang connection ang kanta sa nakalipas na statement. Arte lang yun. Pang introduction shit. Diba ganun naman ang structure ng blog entry? May introduction, body and conclusion. Parang essay lang. Pero sa ngayon wala akong pakelam sa ganyang shit. Basta mag susulat ako kahit una pa ang conclusion at walang body.

Nakita ko pala 'yung may crush sakin sa Church kahapon, kinikileg me. Juk lang, lemme rephrase, 'yung eye-candy na crush ko nakita ko nung saburdey as usual puro nalang ako sulyap at nakaw na tingin. Parang high school lang. Sino ba naman ako para magustuhan nya maitim. mataba. Pangit. Hindi ko magawa maka-gawa ng short or small talks parang na bla-blanko me pag kaharap ko na sya kahit tinutukso na kame ng mga kasama namin. Awkward situation ganyan. Ang landi ko para kong teenager.

Moving on.

'Nung nakalipas na linggo accidentally kong nakasabay 'yung isang pinay na nag tra-trabaho sa building kung saan ako pumapasok. Ektweli, nakilala ko sya mga last month siguro. First encounter ko sa kanya eh, nung natabig ko yung sabaw ng lunch nya sa tray at nahulog sa sahig ang mangkok.

Failure.

Mataba kasi akong clumsy. Pero hindi naman sya nagalit. Sa katotohanan nakakwentuhan ko pa nga sya ng slight. Nalaman ko ang konting details sa kanya bilang isang pinanganak na usisero. 4 years na sya sa Singapore at taga Pampangga din sya tulad ko. Pak! This is eeeet!

Juk.

Pero bilang isang hard to get kelangan simple lang. Dapat hindi halatang nagagandahan ako sa kanya. Kaya ang sabi ko ang pangit ng buhok nya at amoy chicken curry sya.

Fail.

Juk yun noh.

Hindi nya ko pinansin ng 3 consecutive lunch kahit nag kakasalubong kame. Kahit ngumingiti na me. Ang arte nya? Feeling nya Anne Curtis sya?! Hindi naman sya masyado makinis. Malaki lang dodo nya.

Last thursday nakasabay ko sya sa elevator. 4th floor sila. 8M kame. 'Wag mo na tanungin baket may 'M' pa yung floor namin parang tanga lang 8, tapos 8M. Nag tatanong din ako baket hindi nalang ginawang 8 tapos 9 baket kelangan 8M pa? teka balik sa kwento.

So pag pasok nya sa elevator tumigil ang paligid at tumunog ang soft music. At nagliwaparan ang mga malalandi paru-paru sa bukid. Feeling ko destiny na. Ang dami kong pag aassume na ginawa. Ang hirap pag masyadong na nonood ng mga make-kesong palabas at TV Series. Yung simpleng instance ang dami ko ng na define.

Nag kwentuhan kame sa elevator at nag sorry ako sa pagtapon ko ng sabaw nya last time. Hindi ko naman kaya sinasadya. Okay lang naman daw. Ang sabi din nya madulas naman talaga yung tray. Which is soooooooo true parang binuhusan ng mantika sa dulas ang tray sa canteen namin. Nakakadiri hawakan. Minsan nga ayoko na mag lunch dun. Gusto ko nalang mag mag fine dine. Charoughtz.

Anyweis, sabay kame ng lunch the other day kasama mga ka-officemates ko more-more tukso naman ang mga ka officemate kong haliparot. Feeling naman nila tigang me. Well tigang nga.

Okay naman sya masyadong ma kwento, may interpersonal skill naman tulad ko. Pero syempre hindi ako nag lumandi, ang assuming ko naman masyado, sandali palang kakilala mga ganung shit kagad.

So ang climax ng story ay eto na nga.

Wag kang bastos. Walang sex scene. Susme.

Nung friday ng umaga habang nakabusangot ako sa bus 98 papasok ng office dahil ang daming may putok early in the morning. May tumabi sakin, guess who. Oo sya nga. hihihihi sabi nya kanina pa daw nya ko tinatawag pero hindi daw ako lumilingon. Sa isip-isip ko eh, malamang naka headset kaya ako. Tanga?!

Pero sabi ko eh pasensya na kasi puyat nga ako kaka panood ng tv series. Tapos habang nag kwentuhan kame iniabot nya sakin yung plastic bag na may lamang breakfast. Sabi nya ilang araw na daw nya kasi akong nakikitang bumibili ng tinapay dun sa panaderya, eh hindi naman daw masarap ang pagkain dun at walang sustansya. Si ate may ganun pang litanya. Give na give talaga.

'yun lang ang climax binigyan nya ko ng breakfast tapos kinilig me kasi may sticky notes sa loob. guess what kung ano nakalagay.

"Uy Jepoy pag nagustuhan mo sabihan mo ko, order ka sakin ng breakfast. I have different sandwiches. Healthy pa...Eto nga pala number ko .... "

And then I die. Back to square one.