Wednesday, April 25, 2012

Work Related Shit

Kanina habang nag tra-trabaho ako ng marubduban sa opis nakita ko yung corporate video ng dati kong company na pinag tra-trabahuhan ko sa Pinas bago ako lumipad ng Singapore. Nainggit ako kasi hindi ako kasali sa video. Gustong gusto ko pa naman nag mama-english sa video.

Bigla ko tuloy na-miss ang mga kaopisna kong may toyo sa utak.

Dito sa Singapore puro seryoso ang mga kaopisina ko masyadong driven ni-ayaw nga mag sick leave kahit kumakahol na ng todo habang sumusuka ng fried rice. Samantalang ako headache lang Sick Leave kagad. Baket ko pipilitin ang sarili kong pumasok kung I'm not feeling well nga?

Masyadong seryoso ang mga kaopisina ko dito, mababait naman sila. Siguro naninibago lang talaga ako, kasi ako lang nag iisang pinoy sa'min. Ay meron palang isang contract employee na pinoy sa gilid pero parang hindi sya nag e-exist. Hindi ko maramdaman ang presence nya.

Samantalang, sa dati kong Company puro may toyo ang utak ng mga kasama ko doon. Result driven naman sila at magagaling, don't get me wrong, pero may toyo lang talaga sa utak. Eto isang classic example, sukat ba namang picturan ako ng ganito sa kalagitnaan ng shift namin.



Hindi tuloy halata na hard working professional me. Letch! nahiya me ng slight.

Minsan naman nag mamadali akong pumasok dahil late na late ako. Alam nyo kung anong nadatnan ko sa opisina? Well, inadnjust nila ang brightness setting ng monitor ko into super dark na kahit naka-on na ang PC ko wala parin akong makikita. Alam mo yung feeling na naka shutdown parin or nasa moment ka na na gusto mong i-conclude na sira ang monitor mo. Punyeta! Pawis na pawis akong nag che-check ng cables sa ilalim ng table ko. As soon as na ma-figure-out ko na brightness pala ang problema eh basang-basa na ko ng pawis.

Hindi doon na tatapos ang pag trip nila. Pag ka adjust ko ng brightness naka baliktad ang monitor ko. Yung technical na nakabaliktad. Binaliktad ng mga hitad ang monitor. Punyeta lang diba. At hindi lang doon 'yun na tatapos.

Nilagyan nila ng tape ang optical mouse, kahit maghapon ko ishake ang mouse para mag move ang cursor walang mangyayari. More-more lusong ako sa ilalim ng table para mag reseat ng mouse cable. Haggard ampotah. Nung time na yun, walang nag sasalita nag tatawanan lang ang mga Potangena. Nagalit na ko.

Sumigaw ako ng todo.

"Putangina sino gumawa neto, pag hindi nyo 'to inayos babasagin ko isa-isa ang monitor nyo sa ngala-ngala nyo"

Ayun saka sinabi na may tape ang Optical Mouse ko. Galit na galit ako ate Charo pero natatawa din me. Alam mo 'yung mixed emotions ganyan. Pero hindi pa pala dun nag tatapos, nilagyan din nila ng gunting ang Computer chair ko na nag sisilbing hadlang para ma adjust ko ang seat ko into comfortable position.

Galit na galit na talaga me Ate Charo. Ang mga malalanding Shrimp walang magawang matino nung araw na yun at ako na model employee ang napag tripan.

Nung naka setup na ko. Una kong binukasan, syempre model employee nga, una kong binuksan ang facebook at guess what? naglagay sila ng status na.

"Is fucking horny now..."

Kamusta naman 'yun? Naka add ang mga pamangkin ko sa fb, ang Pastor namin, ang mga ka-Christian Org ko sa fb. Mga hayuuuup! ang dumi dumi ko Ate Charo.

Pero looking back, mas gusto ko pala ang mga ganung ka-officemate kesa napapanis ang laway ko buong mag hapon dahil wala akong kausap. Buti nalang may twitter at doon ko na u-unleash ang dark side me.

Bigla ko lang silang na alala pero hindi naman nababayaran ang puro saya lang, kaya mas okay na ako kung saan man ako nilagay ni Papa Jesus ngayon. Dito ko maayos ang kaban ng cash pangkabuhayan show case para matubos ang babuyan at sakahan namin sa Probinya.

Yun lang.

Finish!

I'm sorry for wasting your time.

*Smack*

32 comments:

  1. may mga opismates din ako'ng ganyan pero ako ang pasimuno. wala lang. nag-enjoy naman ako'ng basahin ang post mo :D

    ReplyDelete
  2. lakas trips ng mga ex-opismates mo. hahahaha. kung walang pasensya siguro ang napagdiskitahan, tyak, may world war 3 na magaganap. :p

    siguro mas okay nga na may kulitan moments sa opis kasi pantanggal stress din yun.'

    Kulitin mo na lang mga opismates mo para may ganap at happenings ganyan. :D

    ReplyDelete
  3. you can't have everything sabi nga nila per di bale may pangkabuhayan show case naman then di ka naman habang buhay dyan sa work environment na yan eh

    ReplyDelete
  4. hahaha! ayos pala ang mga dati mong officemates. medyo nakikiramdam pa ako sa office namin. kung medyo okay na, saka ko ia-unleash ang kasalbahean ko. bwahaha!

    ReplyDelete
  5. Natawa ako, sobra! Thanks for sharing. For sure, nami-miss ka din nila kasi wala na silang toy. ^_^

    ReplyDelete
  6. ahehehe nakakatawa

    ReplyDelete
  7. hahahaha natatawa ako sa status na nilagay sa FB! wahahahaha! panalo! kabog ang reaction siguro ng pastor nyo! hahahah! ako din sa twitter ko lang nailalabas ang kalokohan ko! hehehe

    ReplyDelete
  8. nakakatuwa naman to, dami kong tawa. new follower po..

    ReplyDelete
  9. In short slightly... nabully ka rin ng kunti... =) Naaliw ako sa kwento pero kung sakaling sa akin gnawa un baka nainis din ako... at pag nahimasmasan na sabay bawi ang pagmumura at galit!

    Magawa nga sa office bukas yan hehhe

    ReplyDelete
  10. Huwag ka po magmura.. masama po yan :(

    ReplyDelete
  11. cryola sa tawa! astig sa trip mga ka opismates mo.. at hanep sa fb status! hakhak.. love reading ur blogs.. keep it up! ;)

    ReplyDelete
  12. cryola sa tawa! astig sa trip mga ka opismates mo.. at hanep sa fb status! hakhak.. love reading ur blogs.. keep it up! ;)

    ReplyDelete
  13. naalala ko pa yung statys mo na yan! hahahahhaa..parang kelan lang..lol

    ReplyDelete
  14. nkakatawa nman pero my gnyan din ako ka trabaho ang kulit lang eh..
    pero isa rin ako sa mga panimuno ng kakulitan..

    ReplyDelete
  15. nkakatawa nman pero my gnyan din ako ka trabaho ang kulit lang eh..
    pero isa rin ako sa mga panimuno ng kakulitan..

    ReplyDelete
  16. ayos mga banat dito...andami kong tawa...kaya para mas madami pa akong tawa follow-follow din ako ng site mo sir...keep safe :)

    ReplyDelete
  17. haha super tawa ako dito, kung ako yun magwawala talaga ako ng over haha :)

    ReplyDelete
  18. yan ang napapala ng model employee. hahahahahaha!

    ReplyDelete
  19. Kung ako siguro yan, nagalit na ako't nag-resign. Mahal ka kasi ng mga yun kaya super kulit sila sa iyo.
    I am back reading and enjoying the entries.

    ReplyDelete
  20. You were picked on before kasi you were FAT.

    pakita mo na sa kanila ABS mo dali.

    ReplyDelete
  21. itong blog post na ito ang nagpasaya sa araw ko. solid kakatawa! binu bully ka pala dati ser? hehe

    ReplyDelete
  22. hahahahaha! sumakit ang tiyan ko kakatawa lalo na dun sa FB status mo at friends mo ang mga pamangkin mo, pastor niyo, etc. :)) keep on writing!

    ReplyDelete
  23. Hindi na nakakapagtaka na maging blogger of the month ka po...Hope to see you in person...

    ReplyDelete
  24. Blogger of the month ka pala ni Bino :) Anyways, natuwa naman ako sa muli kong pagdalaw sa blog mo...

    ReplyDelete
  25. naalala ko yung kahayskul namen, inistapler yung likuran ng polo sa upuan habang may klase. pag tayo, ayun dala nya yung chair sabay tunog ng "SSSSSSSSHHHK", warat na polo ang drama nya.

    reading your post, make me wanna post on my fb

    "is fucking horny coz of jepoy"

    ReplyDelete
  26. Fresh pa sa utak ko yung fb status na yun. Hahaha. Nakita ko dati un. Hindi ka maingay sa opisina nyo? Weh? Posible?

    ReplyDelete
  27. literal na puro tawa ang nangyari sa akin habang nagbabasa ako dito :))

    ReplyDelete
  28. ahahaha yun pala ang alamat ng stat na yun,hihihi

    ReplyDelete
  29. hahahaha! dami kong tawa dito, mga 100

    favorite line - "ang dumi dumi ko ate charo"

    I just couldn't imagine your face and your reaction as you went along the seemingly endless pranks on you.

    LOL! It's just freaking funny and how you wrote it added more fun. very nice!

    ReplyDelete
  30. wow kaya pala blogger of the month! halimaw pards! XD

    ReplyDelete