Wala akong nagawa kundi tumanga ng limang araw. Oo naubos ko ang limang araw na hindi ako nag travel. Ganun siguro pag wala ka talagang pera. Ayoko ng muputik. Ayoko ng masikip. Tipid-tipid lang ganyan. Pero sa totoo lang, hindi naman sa wala akong pera talaga kundi wala akong makasama sa mga summer trip. Ang hirap ng walang nagmamahal, iniirog, kasintahan, fubu, kaEMYUh. Walang kaibigan. I'm so lonely and alone. Well past is past sabi nga ng kanta
"It's sad to Belong to someone else when the right one comes along"
Walang connection ang kanta sa nakalipas na statement. Arte lang yun. Pang introduction shit. Diba ganun naman ang structure ng blog entry? May introduction, body and conclusion. Parang essay lang. Pero sa ngayon wala akong pakelam sa ganyang shit. Basta mag susulat ako kahit una pa ang conclusion at walang body.
Nakita ko pala 'yung may crush sakin sa Church kahapon, kinikileg me. Juk lang, lemme rephrase, 'yung eye-candy na crush ko nakita ko nung saburdey as usual puro nalang ako sulyap at nakaw na tingin. Parang high school lang. Sino ba naman ako para magustuhan nya maitim. mataba. Pangit. Hindi ko magawa maka-gawa ng short or small talks parang na bla-blanko me pag kaharap ko na sya kahit tinutukso na kame ng mga kasama namin. Awkward situation ganyan. Ang landi ko para kong teenager.
Moving on.
'Nung nakalipas na linggo accidentally kong nakasabay 'yung isang pinay na nag tra-trabaho sa building kung saan ako pumapasok. Ektweli, nakilala ko sya mga last month siguro. First encounter ko sa kanya eh, nung natabig ko yung sabaw ng lunch nya sa tray at nahulog sa sahig ang mangkok.
Failure.
Mataba kasi akong clumsy. Pero hindi naman sya nagalit. Sa katotohanan nakakwentuhan ko pa nga sya ng slight. Nalaman ko ang konting details sa kanya bilang isang pinanganak na usisero. 4 years na sya sa Singapore at taga Pampangga din sya tulad ko. Pak! This is eeeet!
Juk.
Pero bilang isang hard to get kelangan simple lang. Dapat hindi halatang nagagandahan ako sa kanya. Kaya ang sabi ko ang pangit ng buhok nya at amoy chicken curry sya.
Fail.
Juk yun noh.
Hindi nya ko pinansin ng 3 consecutive lunch kahit nag kakasalubong kame. Kahit ngumingiti na me. Ang arte nya? Feeling nya Anne Curtis sya?! Hindi naman sya masyado makinis. Malaki lang dodo nya.
Last thursday nakasabay ko sya sa elevator. 4th floor sila. 8M kame. 'Wag mo na tanungin baket may 'M' pa yung floor namin parang tanga lang 8, tapos 8M. Nag tatanong din ako baket hindi nalang ginawang 8 tapos 9 baket kelangan 8M pa? teka balik sa kwento.
So pag pasok nya sa elevator tumigil ang paligid at tumunog ang soft music. At nagliwaparan ang mga malalandi paru-paru sa bukid. Feeling ko destiny na. Ang dami kong pag aassume na ginawa. Ang hirap pag masyadong na nonood ng mga make-kesong palabas at TV Series. Yung simpleng instance ang dami ko ng na define.
Nag kwentuhan kame sa elevator at nag sorry ako sa pagtapon ko ng sabaw nya last time. Hindi ko naman kaya sinasadya. Okay lang naman daw. Ang sabi din nya madulas naman talaga yung tray. Which is soooooooo true parang binuhusan ng mantika sa dulas ang tray sa canteen namin. Nakakadiri hawakan. Minsan nga ayoko na mag lunch dun. Gusto ko nalang mag mag fine dine. Charoughtz.
Anyweis, sabay kame ng lunch the other day kasama mga ka-officemates ko more-more tukso naman ang mga ka officemate kong haliparot. Feeling naman nila tigang me. Well tigang nga.
Okay naman sya masyadong ma kwento, may interpersonal skill naman tulad ko. Pero syempre hindi ako nag lumandi, ang assuming ko naman masyado, sandali palang kakilala mga ganung shit kagad.
So ang climax ng story ay eto na nga.
Wag kang bastos. Walang sex scene. Susme.
Nung friday ng umaga habang nakabusangot ako sa bus 98 papasok ng office dahil ang daming may putok early in the morning. May tumabi sakin, guess who. Oo sya nga. hihihihi sabi nya kanina pa daw nya ko tinatawag pero hindi daw ako lumilingon. Sa isip-isip ko eh, malamang naka headset kaya ako. Tanga?!
Pero sabi ko eh pasensya na kasi puyat nga ako kaka panood ng tv series. Tapos habang nag kwentuhan kame iniabot nya sakin yung plastic bag na may lamang breakfast. Sabi nya ilang araw na daw nya kasi akong nakikitang bumibili ng tinapay dun sa panaderya, eh hindi naman daw masarap ang pagkain dun at walang sustansya. Si ate may ganun pang litanya. Give na give talaga.
'yun lang ang climax binigyan nya ko ng breakfast tapos kinilig me kasi may sticky notes sa loob. guess what kung ano nakalagay.
"Uy Jepoy pag nagustuhan mo sabihan mo ko, order ka sakin ng breakfast. I have different sandwiches. Healthy pa...Eto nga pala number ko .... "
And then I die. Back to square one.
Isa ka lang palang kostumer sa club na pinapasukan nya juk
ReplyDeleteLOLZ Ang bilis you mag comment. LOL
DeleteBest in Landi 2012. LOL!
ReplyDeletetrono mo kaya yan! LOL let's make a list. LOLz
DeleteHoy kayong dalawa.. Ganyan ba???
Deleteso ayun! masarap ba ang sandwich ni ate? nagpromote pa ng kanyang business eklavuh hahaha :D
ReplyDeletesos! kala ko naman may magandang intensyon na si ateng. bebentahan ka lang pala ng monay niya. yaan mo na at may trial version naman. lols!
ReplyDeletelumipat na pala ako ng apartment. dito na ako downtown minneapolis mismo. nasa citeeeh! baka lang kasi maligaw ka dito minsan. haha!
malay mo blessing in disguise yan. nakuha mo ang number ni ate sandwich maker. Pag nagkatuluyan kayo.... may libreng sandwich ka! :D
ReplyDeletesana hiniritan mo. "ikaw ba pwede din i-free taste?" nyahaha
ReplyDeleteUy sandwich na may prospect! Or prospect na may sandwich. Whatever. Haha! Goooow order na at landiin na si ate! : )
ReplyDeletestyle lang nya yun! pero gusto lang talaga nya bigay sayo ang number nya! itxt mo na!!! =)
ReplyDeletebaka pangalawang number nya yun for accepting orders. (NEGA)
ReplyDeletehahahaha
kaya pala.. entrepreneur ngang tunay si ate :))
ReplyDeleteayon naman pla eh.. ang sweet nya, niremindan ka pa na healthy yun mga sandwiches nya.. go lang ng go.. baka maging healthy din ang relationship nyo.. ahihihi :P
ReplyDeletehaha, wala, binebentahan ka lang pala ni ate hahahaha.
ReplyDeletepero malay mo naman, un ung way nya para maging magkatextmate kayo, you already!
AYOKO NA, nawala ung comment ko.
ReplyDeleteanyway, sabi ko baka un ung way nya para maging magkatext kayo. (assuming much?! haha)
e masarap ba naman ung sandwich? baka may gayuma un hahahaha.
Minsan kaming mga babae ginagawa namin ang the moves na iyon para magpapansin. Saka hindi ka ba napapaisip kung bakit alam niya na bumibili ka ng chuchu dun sa isang bake shop? it means, inoobserbahan ka niya ng bongga. Maganda ka raw sa business. Jowk! basta, patuloy mo siyang kaibiganin, malay mo, this is it na talaga. =)
ReplyDelete1st base kana. pakyawin mo agad sandwich nya.
ReplyDeleteAt kainin lahat sa harap nya.
Joke.
ibigay mo sa poor at ako yun. :)
akala ko naman pumufirst move si ate sayo yun pala bebentahan ka lang ng sandwich. tsss
ReplyDeletepero pag ambabae nag offer na ng SANDWICH. aba. hihi :)
ReplyDeleteBest line: "Feeling naman nila tigang me. Well tigang nga."
ReplyDeleteKulet ng storya! Galing nya magbenta! XD
at least may number ka na niya hehe.. :))
ReplyDelete