Dear Mama,
Nakakasawa ng gumawa ng open letter, taon-taon ko nalang 'tong ginagawa. Hindi mo naman kasi nababasa kasi nahihiya ako mag send ng sulat shit. Hindi natin itwu kultura bilang isang Pamilya ng mga Sundalo. Kaya tuwing Mother's day gumagawa ako ng ganitong kashitang maarte letter chenes.
Alam mo ba kung baket ko nire-require ang sarili kong padalhan ka ng pera kahit hindi nyo naman exactly kelangan? Simple. Kasi mahal na mahal kita. Kayo. Alam mo na yun, Sus! Action speaks louder than words nga eh. Isang request mo lang kahit nag rereklamo ako, nanginginig pa akong pupunta ng Lucky Plaza para mag remit.
Baket?
Dahil fresh sa akin lahat ng sacrifices mo. Hindi ko makakalimutan ang panahong nakikita kong na ngungutang ka sa mahadera nating kapitbahay ng pang tuition fee ko. Nakita kong pumapatak ang luha mo at sinasabi sa kanyang last na utang mo na yun. Putangina! wala akong magawa noon at sinasabi ko sa sarili kong balang araw mababayaran kita at mag bubuhay Reyna ka. Reyna ng Palengke ganyan.
Alam mo ba kung baket sa tuwing sweldo ko tumatawag ako kagad sa'yo para mag sabi ng I love you at para sabihin na parating na ang caban ng cash?
Para maramdaman mong priority ko kayo habang single pa ko. Para maramdaman mong mahal na mahal kita.
Ngayon mothers day, hindi ako makakapag padala ng flowers. Overrated na kasi. Hindi rin kita isusurprise na uuwi ako, hello Ma ang mahal ng pamasahe. Nag titipid me. Basta mag hintay ka ng delivery dyan hihihihihi.
Hindi ko makakalimutan ang lahat ng sacrifices mo. Sa pag hatid mo sa'kin sa school nung kinder bago ka pumasok sa Opis. Tandang tanda ko na nakasilip ka sa Binta para masigurado mong hindi ako mag ngangangalngal ng iyak. Hindi ko makakalimutan ang pangungutang mo kay Aling Tabud ng Hotdog para lang may makain tayo pag birthday namin ni Bunso. Hindi ko makakalimutan ang pagbili natin ng notebooks tuwing pasukan na dapat limang piso lang per notebook at bawal ang Catleya kasi mahal. Ang pag luto mo ng sinigang na favorite ko. Na pag sabi mo ng ang pogi pogi ko sabay kurot sa Pisngi tapos kiss. Mama, recorded lahat 'yun.
Hindi ako nag sisi na ikaw ang naging Mudrax ko. Hindi hadlang ang kahirapan natin para magkaroon ako ng option na gustuhin na maging nanay ang tulad ni Imelda Marcos. Aanhin ko ang yaman kung hindi naman ikaw ang nanay ko.
Yung bunganga mo tuwing umaga music na sakin 'yun. 'yung paulit ulit mo na kwento hindi ako napapagod makinig.
Mama hindi ko rin makakalimutan ang mga luhang pumatak sa mata mo nung paalis ako ng Pilipinas. Sabi mo anak wag ka nalang umalis. Putangina parang gusto kong mag break down at basagin ang salamin ng Jetstar.
Pero kelangan kong gawin 'to para sakin. para hanapin ang sarili ko. Charot!
Kelangan kong gawin ito para mas maging maginhawa tayo at para mag buhay Reyna ka. 'Yung dream house mo malapit na nating magawa. Promise hindi ako mag aasawa hanggat hindi pa sya tapos.
Mama mahal na mahal kita. Kahit mali mali yung lesson na turo mo sa Math tsaka kahit na Hindi ka magaling mag English tawag mo sa Red Ribon, Blue Ribon. Tawag mo sa Pizza, PichaPie kahit na lahat ng kaibigan kong babae pinag kakamalan mong GF ko sabay lait mo ang panget naman nun anak. Kung maka panget ka kala mo Coco Martin anak mo.
Salamat dahil ikaw unang naniwala sakin. Salamat dahil ikaw Mama ko. Salamat dahil nagawa mong lahat ng Responsibilities mo with flying colors. May mga remarks pero keri na.
Mama I am so proud of you. Wag ka mag kakasakit dahil umiikot ang pwet ko pag nababalitaan kong na hihighblood ka baka ma una pa kong mastroke sayo.
Ma' seryo I heart You. Alam kong proud ka sakin, duhr ikaw na mag ka anak na Valedictorian and Cute.
Happy Mothers Day Mama! I love you soooo much!
PS. Please ayusin mo na passport mo para maka pasyal ka naman sa Singapore hindi yung puro palengke nakikita mo dyan. 1 year na kitang kinakantahan sa Passport mo susme! Sama mo si Papa ha.
Lovingly Yours,
Jepoy
sweet naman! namiss ko tuloy si mommy
ReplyDeletesweet lagi ng letters mo sa mama mo.
ReplyDeletePilitin ng pilitin or humanap ka ng mag-aasikaso ng passport ng peyreynts mo para maka punta na sila sa merlion at makapamasyal din sa lucky plaza (mall na parang feel at home sa dami ng pinoy) at sa iba pang lugar dyan sa sg. :D
Ahhmmmm..... Valedictorian Ate mo?
ReplyDeleteYung tipong naiiyak ka na sa sulat kasi nakakapagpapagabag pero mababasa mo ung "Kung maka panget ka kala mo Coco Martin anak mo." haha! panalo!!
ReplyDeletewow. came from the heart!
ReplyDeleteproud na proud sayo mama mo.
MYMP tlga.
Dear Anak na hindi kamukha ni Coco Martin,
ReplyDeleteSalamat sa open letter mo. Wag kang mag alala at nababasa ko yun taon taon..hind nga lang ako makasagot dati kasi hindi ko pa alam pindutin ang comment sa blog mo.
Hindi ko aayusin ang passport ko hanggat hindi ka nangangako na sa Marina Sands Bay mo kami patutulugin ng Papa mo! Tsaka sa susunod naman eh wag SG lang..Duhr sosyal kaya kami...Japan na lang para may Disney!!
Wag kang mag alala anak at lagi akong naghihintay sa padala mo buwan buwan..hindi ko nakakalimutan! Lab yu anak ko na hindi kamukha ni Coco Martin. Wag kang makakalimot...lalo na ang daan punta sa Lucky Plaza.
Mudrax!!
Jusko. Nakakaiyak naman to. Which is a big deal for me, dahil wala akong puso. Haha.
ReplyDeleteHappy Mother's day sa ina mo, Coco Martin! Haha.
happy mother's day to your mom pre!
ReplyDeleteNaiiyak naman ako..
ReplyDeleteansarap basahin ng post na to, damang dama ang pagmamahal mo sa iyong nanay, happy mother's day sa kanya, at sigurado din akong magiging mapagmahal kang asawa sa magiging mother ng iyong mga supling, dama ko rin, andyan na sya, kaya tapusin mo na ang bahay nyo, madali!
ReplyDeletenice! ang tweet naman!
ReplyDeleteSweet...and funny. Happy mother's day to your Mudrax, Coco! ^_^
ReplyDeleteang ganda. nagba back read ako sa mga posts mo. nakakatawa. hehe. wala lang. bago lang ako sa blogger. smile!
ReplyDeletetouched ryt thru naman me, as if ako ung nanay mo.. cryola nanaman this tym hindi sa kakatawa, naramdaman ko emotions kahit may sundot ng pagpapatawa.. nice blog! keep it up.. hekhek
ReplyDelete:'>
ReplyDeletethe best ang nanay nating lahat...they can and will do everything for us...at for a valedictorian and cute son like u..talagang gagawin niya lahat hehe :) happy mothers day sa nanay mo :)
ReplyDeletepotek naman minsan na lang ako magcocomment naiiyak iyak pa ko
ReplyDeleteNaks ang sweet. Dapat gagawa din ako ng aking yearly mother's day post kaya lang nagkatamaran na. Hahaha. Di ko sure kung madaming typo. Hahaha. Apir! Mabuhay ang typo.
ReplyDeletegusto kitang i-bear hug. charot!
ReplyDeletegood son! <3
ReplyDeleteawww, how sweet! <3
ReplyDelete