Thursday, May 24, 2012

Naudlot na Trip

Wala akong pakelam sa kung sino ang nag-champion sa American Idol shit, hindi tungkol dito ang i-blo-blog ko. Fine! natalo si Jessica "Banig" Sanchez na ang breed ay half pudel at half dalagang bukid, hindi iyon ang katapusan ng mundo ng career nya. Sisikat pa sya! ang galing kaya ng duet nila nung mukang Godzilla na si Jessica Holiday ba 'yun? 'di ko sya kilala. Sorry.

Ayos ba introduction? Ma emosyon ba? Punong puno ng panaghoy, pasakit at thrill? hihihi

Natuwa lang ako kasi bigla akong nag karoon ng access mag blog sa opisina. I'm like, Yeah! Suck et! kaya na pa blog tuloy me.

Ektweli, malungkot ako kaya ako nag blog. Ganto kasi 'yun. Alam nyo naman na beach na beach na beach na me talaga. Sakto naman may groupon ng papunta sa Puke, Thailand. Wupi! Phuket pala. Yey!

So walang pag aatubili at pagiimbot kong binili ang groupon kahit malayo pa ang sweldo naming mga hampas lupa. Kaya nga binigay ni Lord ang credit card para kaskasin eh. So, we make kaskas to make purchase na the trip to Phuket. 'Yey ulet! (hindi halatang excited ako)

So kelangan ma redeem ang groupon namin before the end of this month. No biggie! 202 SGD inclusive of Air Fare and Hotel for 2 nights, 3 days get away. Not bad! Wuuupiiii!

Ang napili naming date ay bandang September dahil may mga lakad ang iba naming mga kaibigan. Na excite na talaga ako. Inisip ko na kung anong klaseng trunks ang bibilhin ko. At kung papaano tutubo ang abs ko. Tutubo talaga, parang tanim lang.

Orayt, ready na mag book ang lahat until I found out na mag eexpire na ang passport ko sa January 2013 which means hindi ako pwedeng lumipad kahit saang lumapalop ng mundo 6 months before expiration ng Passport ko.

Nag dilim ang paningin ko.

I died.

16 comments:

  1. mag papa renew naman talaga ako, kaso ang earlierst schedule ng renewal is June 10. Online reservation kasi ngayon. Bukod doon it would take 6 weeks daw before makuha ang bagong passport. Eh ang groupon kelangan ng mabook before the end of this month. SO HOW AH?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  2. May ganon ganong rule pala sa passport? Bat di nalang nila ni move yung expiration date kung di ka rin naman makakatravel six months before ng expiration? Haha. Ang chorlaks ko wala kong alam sa mga passport chenes.

    Jennifer Holliday. Dyan. Dyan ako may alam. Lol.

    ReplyDelete
  3. hahahaha! magpatubo ka muna ng abs! hehehe

    ReplyDelete
  4. ako'y nakikidalamhati sa iyong maskit na kapalaran. amen.

    ReplyDelete
  5. kamusta naman yun. ang saklap nga. di bale madami pa darating na mga groupon na sasakto sayo. :)

    ReplyDelete
  6. sayang naman. di bale marami pa ibang groupon na darating na mas sakto sayo. =)

    ReplyDelete
  7. may ganun palang patakarans. awts, nakakalungkot naman, mukang magandang mag beaching sa puks este phuket.

    nakow, kelangan ma-check ko ang expiry ng passport ko.

    ReplyDelete
  8. i-renew mo! customer ka madali lang iupdate yang info, GO!

    ReplyDelete
  9. i-renew mo! customer ka madali lang iupdate yang info, GO!

    ReplyDelete
  10. PHUKING INA eh bat hindi mo paguuntugin mga tao sa embassy ng pinayaman mong bansa at irenew yang passport mong niluma na ng panahon para pumunta sa third world country... ipairal mo ang dugong matapobpre ganyan

    ReplyDelete
    Replies
    1. bentang benta sa akin to,hihihi

      Delete
  11. HAHAHA! Tinawanan lang talaga?

    ReplyDelete
  12. wag ka po magsabi ng "puke" at "shit"... God bless po

    ReplyDelete
  13. pwede kang magpa-extend ng passport mo up to 2 years... tatatakan ang passport mo ng additional two years... ganyan ang ginawa ng kaibigan ko dito sa japan kasi nga 1-2 months ang dating ng passport dito galing pinas, eh kailangan na niyang makauwi after a month, so ang pinagawa ay extension.. try mo sa embassy ng pinas jan sa singapore, pwede yan...

    ReplyDelete