Thursday, May 31, 2012

Update ng Kaunti

Naka resib ako ng fan mail kaninang umaga, kinilig ang betlogs ko ng kalahating minuto sa saliw ng music na Call me, maybe. Ahihihihi. Pwede Tabi nga kayo ng konti baka matapakan nyo ang bangs kong blonde.

And for the good soul who made my day by sending me email of appreciation this morning (Parang plaque lang), this is for you *Smack* hihihihi

Feeling Celebrity?! Coco Martin much?! Pogi?! Balingkinitan?! felt na felt?

'Enuf of that self edification shit.

Nag-kasakit ako last week. Nag sick leave ako ng tumataginting na tatlong araw dahil hindi ko talaga makayanang pumasok. Hindi ko talaga kayang ibangon ang sarili ko nung last Monday, feeling ko talaga katapusan na 'yun ng humanity ko at magiging vampire na ko. Feeling ko kamuka ko si Damon Salvatore.

Masyado ko kasing na-push ang sarili ko sa mga limitations na kaya nitong gawin. Naisip ko hindi na pala ako 24 years old para hindi pahalagahan ang ang health ko 26 na pala mey. Sabi nga ng matatandang chismosang shirmp, "health is wealth". Bago kasi ako magkasakit eh, nag laro ako ng badminton for 3 hrs tapos 'nun ihi lang ang pahinga nag swimming naman ako for like 3 hours din sa Sports complex na malapit sa'min.

Ayun nung kina-Monday-yan hindi na ko nakatayo nakatirik nalang ang mata ko ang bumubula ang bibig ko. Downy pala ang nainom ko kala ko lavander milk shake eh. Charot! Hindi ako makatayo seryoso, I have muscle pains, fever, and heartache bunga sakit ng damdamin. And I needed to rest for 3 days sabi nung Doctorang nakabelong Itim.

Alam nyo bang mahirap mag kasakit pag malayo ka sa piling na Mudrax mo? Para sa tulad kong wala namang kamag anak dito sa SG, ang tinuturin ko nang kamaganak ay ang aking mga kaibigan.

Drama?

Pero totoo 'yun, so far naalagan naman me at gumaling na ng lubusan... Isa nalang ang hindi gumagaling ito ay ang heartache. JOWK!

Ngayon magaling na me at balik na sa Normal ang aking buhay. Mas maingat na me. Ang dami kong nakain 'nung week na nagkasakit ako kasi kelangan kong uminom ng meds so may excuse akong mag lumamon. Pag dating sa kainan ako ang prince of justification. Matakaw talaga ako pag hindi ako nag kontrol, as in matakaw parang bakulaw na Godzilla.

Ngayon back to regular diet na ulet. Here's what I am doing, I eat 2 breads for breakfast (banana bread and Raisin bread), fruits for lunch, wheat bread and peanut butter for dinner (kung kaya talaga hihihi).

from 260 lbs I am down to 215 lbs.



Malapit na ko sa target weight ko para masimulan ko nang mag pa Gym member para tumubo na ang abs ko at maskels. Parang Puno lang tutubo, ganyan. Here's one of my IG toilet camwhore


Polo: Bilabong
Cardigan: Zara
Slacks: Gap
Belt: Black thin leather H&M
Location: Jurong Logistic Hub Construction Worker's Toilet


Feeling ko lang mag paka model post sa kubeta. LOL

Nga pala if you happen to use Instagram you can follow me Incrediblejepoy is my IG name. I'll follow you back if you have more than 10 pics posted ahahhaa.

Yun lang...Enjoy the rest of the week!







16 comments:

  1. Una, wow! Congratumalations!!! Anlaki na ng nabawas mo sa timbang. payat ka ng 5 lbs kesa sakin.

    wag mo masyadong abusuhin at pagudin ang sarili to trim down, mahirap na pumayat ka tapos kapalit ay sickness at possible gastusin for medicines.

    Tawa me ng tawa sa narration mo, kakalurks... :D With song pa ng call me maybe... na-lss nanaman me dahil nabanggit mo.

    ReplyDelete
  2. Wow..Bilib na ako sayo papsi. Napakomento tuloy ako. Congrats!

    ReplyDelete
  3. Nagpumilit magpout! Pinagkasya ang mukha sa picture! Nagpanggap na petite!

    ReplyDelete
  4. Good job! Hanlaki na ng na-lose mong weight. Ipagpatuloy mo 'yan! ('Di ba nakakahilo ang puro na lang bread every meal? Mag-meryenda ka naman. Ng rice, ganun.) ^_^

    ReplyDelete
  5. You're such a fashionista.

    ReplyDelete
  6. You're such a fashionista.

    ReplyDelete
  7. congrats papi, laki ng nabawas sayo! :) Hinay-hinay lang sa pagpapapayat para di ka nagkakasakit.

    di ko kaya yang kinakain mo sa isang araw, hihimatayin ako niyan sa gutom :)))

    ReplyDelete
  8. Nainggit ako ng bungga sa dami ng nabawas na timbang! Nakaka 2 months na ko ng diet at 5 pounds palang ang nababawas saken. Mygaaaaahrrrd.

    ReplyDelete
  9. 45 pounds! congrats parekoy! keep up the good work. :)

    ReplyDelete
  10. akala ko walang kasya sau sa ZARA kundi medyas lng? LOL

    ReplyDelete
  11. Galing ng diet mo sir effective gusto ko gayahin.

    ReplyDelete
  12. Ang effective ng diet mo sir. :)

    ReplyDelete
  13. HAHAHAHA. so kelangan may location pa na toilet na pinost? hehe

    inpernesh... keep u :)

    ReplyDelete
  14. Humagikgik ako sa tawa!pasyonista!pwede pwede!

    Imgatan mo health.lalo malayo tyu sa pmilya natin.

    ReplyDelete
  15. Lakas maka-fashionista! Ibang level na!

    ReplyDelete