Monday, June 4, 2012

Randoms

Gusto kong sumuka ng buo-buong asukal na may kasamang Strawberry  dahil sa credit card bill ko. Pikit mata ko itong binayaran. Gugupitin ko na talaga 'tong card na 'to!!! Orayt, hindi ko pala sya pwedeng gupitin dahil ginagamit ko syang MRT card, tamad kasi akong mag load ng EZ link (MRT Card load), like nakakadireee, felt like I'm so pulubs if I make tap up 10 dollars every now and then. So Orbs! Juk!

Gusto kong umuwi ng Pilipinas ng isang weekend next month, nakakita na ko ng flight na mura at banayad, 260 SGD Philippine Airlines. Cheap already lohr! Kaso lang hindi pa ko prepared umuwi kasi hindi pa ko masyadong payat ihhhhh. Gusto ko kasi pag umuwi ako may abs and cuts and everytheeeng na mey. Arte lungs.

Bumili ako ng medium size boxers, CK. First time kong mag u-underwear ng CK sawang sawa na me sa mamahaling Carter Brief na nabibili sa sahig ng little india. Gawd! Walang air na dumadaloy sa betlogs mey. XL parin mey. Nalungkot me ng lubusan kaya bumili ako ng Ice cream tsaka french fries and mayonaise. Gusto ko sanang ibalik at ipapalit ng size sa Tangs kaso baka Kyompalin me ni Koya sa cashier. Pinang overnight ko na kasi ang boxers, so lambot. hihihihi

May pinapagawa sakin yung boss kong french bread hindi ko pa nasisimulan kasi 'yung Punyetang kasamahan kong madamot na panget sa Paris ayaw mag reply kung saan ko kukunin yung installer ng application. Nakaka benteng email follow up na yata ako. Kaya eto nag blog nalang me.

Ang dami ng kinakasal sa mga ka life group ko. Pinanood ko yung videos. Hindi ko maiwasang hindi maingget.

Hindi ko alam na ang Jalapeno pala ay lacsative food. Last time na kumain ako sa Carl's Jr ginawa kong kanin ang pickled Japeno. Walang pagiimbot ko itong pinapak. After one hour ang dami kong tae at hindi lang 'yun. Ang inet din sa pwet habang tumatae. Feeling ko tumatae ako ng fireball na basa.

Gusto kong bumili S3. Pero baket ako bibili eh naka iphone4 naman ako. Gastos lang 'yun. Mahirap ang buhay ngayon kelangan mag tipid. Pero pupunta ko Singtel mamya after work. Sisilipin ko lang kung magada ba 'yung blue na S3 hihihihi

Hindi pa ko nag titimbang ulet. Natatakot ako baka tumaas ulet, I'm gonna feeeeynt! Mamya tatakbo ako. Cancelled na kasi yung badminton namin tuwing Monday. Konti kasi nakakarating. So kelangan kong tumakbo para mag burn ng feeets.

Kahapon nakita me sa fairprice 'yung naging ka opismate ko sa pinas na may kras sakin (Confidence) ang panget ng boyfriend mukang TRex na shrimp head. Dumaan ako sa harap nila kunyari may bibilhin akong shampoo pero nag papansin lang me. Hindi ako nakilala! Pag papapansin fail! Iniisip ko pa kung imemessage ko sya sa fezbook papakita ko ang abs ko. Charot!





8 comments:

  1. Trex na shrimp head hehe :)

    ReplyDelete
  2. Hi Jepoy! bagong follower ako ng blog mo! ofw din me from Bahrain... sobrang natututwa talaga ako sa blog mo! goodluck sa pagpapapayat mo ha! sana tumubo na yang abs mo para maka-uwi ka ng taas noo sa pinas next month! God bless!

    ReplyDelete
  3. mahilig din me mag-wear ng boxer shorts na puro spongebob! hehehe!

    ReplyDelete
  4. wahahah. hindi ka napansin kasi payats na you. Malay mo pag nagpakilala ka, baka malaglag panty nia sa iyo :D

    ReplyDelete
  5. last time na kumain ako ng raw na Jalapeno...namaga ang labi ko at uminit hanggang lalamunan ko..allergy lang..ahahaha! di na naulit yun..3 years ago na yun..kainis lang at bakit hindi ako natae!!

    ReplyDelete
  6. lagi mo talaga akong napapasaya kuya jepoy. hihi trex na shrimphead patok!!hahaha

    ReplyDelete
  7. Di ko pa nasusubukan ang jalapeno... parang ayaw ko ng itry hehehe! Go sa pagburn ng feets! =)

    ReplyDelete