Saturday, July 21, 2012

That Awkward Moment

May himala!

Lumiit ang pores ng muka me. hihihihi (forget the nunals baka bigla kayong mag-connect the dots)


Sabi ko sa sarili ko ipro-promote ko ang ang binili kong kikay shit pag nag ka merong changes/effect sila. Ginamit ko palang sila ng mga 4 days ganyan pero lumiit na kaagad ang pores ng mala-siopao kong fez. Wag na nating pag usapan 'yung hair kasi numinipis sya talaga. Na di-depress me.


Dahil dyan!


I would like to thank my sponsor Garnier products. LOL


Gumamit ako ng Toner, tsaka yung parang eye-something-shit pang alis ng eye-bags.  Infairview, 4 days ko palang ginamit pinaliit na nya ang mga nag-mumurang pores sa muka me at ang eye bags kong ubod ng laki pinaliit nya. Magic! I can't belibeeet! Wait, Hindi yan photoshop ha, instagram filter lang pero walang daya edi sana inalis ko na mga nunal me. 


Defensive much?! 


Siguro naman pag nakita ako ni Ateng nag titinda ng Sandwich malalag na ang panty nya at ibibigay nya na ang number nya tapos sasabihin nya, "My place or your place?".  


Hot?! Artista?! Coco Martin?! David Beckham? Cosmo 2012?! May abs?! Macho?!


Change topic bigla ko lang naisip. Na experience nyo ba na nasa awkward situation kayo? 'Yung tipong hindi mo alam pano mag react. Eto nag list ako ng Personal experiences ko dito sa Singapore.

That awkward moment when...

1. Umihi ka sa maluwag na Toilet na meron walong urinal at bakante lahat habang umiihi ka si Kuya tumabi sa Urinal mo tapos lingon ng lingon. Eh, ang dami mong ihi hindi ka matapos kagad.

2. Sisiksikan sa MRT. 555 Sardinas ang peg. Sumiksik ka sa may tapat ng Pinto. Bago mag sara ang pintuan ng MRT may kuya na tumatakbo, nasaisip mo na 'to "Putangina wag kang pumasok wala kang nang pwe-pwestuhan". Dahil lucky day ng Libre. Pasok si kuya sa banga. Sa tapat mo sya naka siksik pero ang Catch hindi sya tumaligod sa Pinto. Face to Face ang Peg nyong dalawa. 1 1/2" ang pagitan nyo. Meron pang Catch. Indian sya may pula sa Noo. And Yes, may amoy sya. Amoy bulok na sibuyas na niluma ng panahon. Silver swan?!

3. Sa MRT ulet siksikan, nauutot ka na. Nag decide kang umutot na kasi madami namang tao kahit umutot ka hindi ka pag bibintangan. Lalo na pag silencer ang utot mo. Ung mainit na gumuguhit. Deadly yun pero hindi ka mapapagbintangan. Inunutot mo ng walang pag aalinlangan. Pero ang catch, tumunog sya ng parang thunder na walang bukas. Lahat ng tao nakatingin sayo. Parang gusto mong kainin ng kalikasan that second.

4. Nasa Mall gusto mong bumili ng Tsinelas, utos ka ng utos sa sales lady pero hindi ka nya pinapansin. Mga tatlong beses mo syang tinanong kung may size 12 ba ng ganito at ganyang klaseng tsinelas. Only to find out na hindi sya sales lady. Customer sya. Magkakulay lang ng damit ng mga Sales lady.

5.Kumain ka ng pusit sa lunch. Hapon na may ka date kang kras mo sasamahan mo mag shoping. Pag sabi mo ng high kulay black parin 'ung ngipin mo. Tinanong nya baket black ngipin mo. ALanganang sabihin mong nag mumug ka ng ink ng pentelpen or nag swiming ka sa posonegro tapos nakainom ka ng konting tae.

Tinatamad na me next time nalang 'yung iba.


Happy Weekend.





   



23 comments:

  1. Hahaha..wagas ang mga experience mo Jepoy...habang nagbabasa ako para akong tanga na tawa ng tawa...ikaw na talaga..walang dudang nakaka adik ang mga entry mo. LoLs..sana sumubaybay ka rin sa blog ko na puro seriousness ang peg..kasi kapag mag a-attempt akong mag comedy ay baka batukan mo lang ako pag nagkita tayo kasi "waleyng-waley" ang banat ko..hahaha!

    Nakaka-relate ako sa MRT yung face to face hahaha..at ikinapit pa niya ang kanyang right arms sa stainless na kapitan only to find out na basang basa ang kanyang "underarm" sosyal lang ang peg..hahaha.at wow..di ko na maexplain kung ano ang naamoy ko hahaha!

    ReplyDelete
  2. kaloka yung nautot sa MRT. di ko siguro alam gagawin ko kapag sakin nangyari un. hehe

    ReplyDelete
  3. Hahaha. Ang hirap nito pagkasyahin sa 140 characters ng Chwirrer, buti sa blog mo na lang tinira. Agaw-eksena ka talaga Jeps. Yung number 2, binasa ko pa lang nahilo na ako sa kalagayan mo. Haha. I feel bad for you. Sad face, ganyan. :(

    ReplyDelete
  4. okward nga ang mga scenario. Lalo na yung sa utot na hindi silencer kundi armalayt..... yung tipong gusto mong magvanish oramismo.

    Inferview ser, mas kutis artistahin na you with the new product, magkano nga yung ganyans, lols.... mukang mamahalin kasi garnier.

    ReplyDelete
  5. naranasan ko sa china yung 1 mo. haha. ang labo lang kung ano gagawin.

    ReplyDelete
  6. Seryoso ba yung sa Garnier? Hehe. :P I like. Kailangan ko yan. :)

    ReplyDelete
  7. ih yung nag doggie style kayo tapos sarap na sarap ka tapos pag tihaya mo biglang tumunog ang pekpek mo ng sobrang wagas..yung tipong utot na malakas na kay kumare dumaan?! well hindi ko naranasan yan..kwento lang..(ows?!)*awkward*

    eto kaagad ang binasa ko sa muli kong pagpasok sa bahay ko..ahahaha

    ReplyDelete
  8. HAHAHAHA. tawa much... parang parehas din dito sa pinas.

    ReplyDelete
  9. Ikaw lang naman laging ganito eh.. wala nang iba

    puke mu may tutbras! hehe

    ReplyDelete
  10. Yung #4 na-experience ko na.. sa bar. hinihingi ko bill namin ng mga kasama ko dun sa mama na akala ko ay waiter. it turned out na kapareho lang niya ng costume mga waiter sa bar. haha.

    ReplyDelete
  11. yang pores na yan, problema ko rin hahaha.

    ReplyDelete
  12. yes!! gwapings talaga ni jepoy!!

    ReplyDelete
  13. Meron akong nakasabay sa CR na katabi sa urinal, nag all the way syang mag baba ng pants. Jusko, kitang kita ang wetpaks nya. Kahit tapos na ko umihi hindi ako makaalis sa urinal sa sobrang shock ko.

    ReplyDelete
  14. Hehehe awkward moments nga! =) Madami rin akong awkward moments kaso di ko mapost sa comment. Awkward kasi magpost sa blog while me nakikibasa ng blog mo sa likuran ko hehehe!

    ReplyDelete
  15. kuya jepoy!nakakaloka ka para kong tanga dito kakatawa pinagtitinginan tuloy ako. haha

    naranasan ko na yang sa mrt silver swan moment. grabe lang. di ko malaman kung pano ko nakatagal sa buong byahe that time.

    ReplyDelete
  16. Ang dami kong tawa walang hiya ka! :)

    ReplyDelete
  17. ha ha ha kung ako yung isa sa inututan mo hindi mo malilimutan ang pagmumukha ko. TATARAYAN kita to the max at mag-aakma pa akong NASUSUKA! ha ha ha

    ReplyDelete
  18. hahaha. Kuya, magkamot ka ng ilong kapag mabaho. Subtle way of saying it :)

    ReplyDelete
  19. Kuya, kapag me mabaho, magkamot ka ng ilong. The subtle way of doing it. Be nice!;)

    ReplyDelete
  20. Finally.. nahanap ko na ulit tong blog mo. Andami kong namiss na mga posts simula nung nadelete(?) yung dati mo. :)

    ReplyDelete
  21. ang sakit ng panga ko kakatawa hahhahaha i like ur blog pang alis stress

    Dark Angel

    ReplyDelete