Pagkatapos namin mag badminton last time napansin ng kaibigan ko na ang lalaki daw ng pores ng muka ko. Pwede daw taniman ng rice. Kung makalait wagas.
Oo na bothered me.
Tapos sabi nya meron din daw akong lines sa eyes at numinipis daw ang buhok ko, candidate for being panot in the next coming years daw.
Ni-nerbyoz me ng beri beri slight. Nag pulpitate ako sa galit, gusto ko syang sampalin ng makinilya at liyabe tubo. Juk! Kunyari suplado lang hindi ko pinansin ang kikay comment nya sa'kin. Sabi ko lang, wag mong ibalik ang sumpa ng pagkapanot mo! wag ka humanap ng kadamay.
Pag uwi ko sa bahay dumiretso kagad ako sa mirror-mirror on the wall para i double-Kenferm kung totoo ba ang ang kumento ng kaibigan ko kanina after our game.
Totoo nga ang sinasabi nya. Gusto ko mag suicide. I'm so hurt.
Juk!
Ano bang magagawa ko, hindi ko naman pwede i-defy ang nature. Tumatanda na talaga ako. Feeling ko naiwan ako sa pagiging 23 years old tapos nagising nalang ako na nasa ganitong edad na mey (25) LOLz.
Hindi ako maarte sa katawan at balat, sa katunayan sing itim ako ng uling at lumaki ako sa arawan nung bagets na bagets pa me, kadami ko pang kuto nun, tinitiris ng lola ko sa ulo ko 'tas nakakatulog me parang mga matching lang. So hindi uso samin ang Eskinol shit. Hilamos lang ng tubig poso, keri boom boom na!
Nag isip kagad ako ng action plan para ma ligtas ang aking glowing skin from aging. Bibili ako ng Olay. Juk!
Syempre nag google ako, malay ko ba sa mga productong dapat gamitin. Nag-search me ng mga basic things na mag pre-prevent ng looks from looking haggard.
1. Toner
2. Moisturizer
3. Facial Cleanser
4. Eye cream
Ang landi lang! Sabi ko sa sarili ayokong bumili, una sa lahat sayang naman kung idadagdag ko pa ang mga gastusing ito sa pambili ko ng toilettries me. Eh kung idagdag ko nalang sa padala ko kay Mudrax edi, natuwa pa sya. So Idecided na mag settle nalang ako sa tubig na galing sa fountain of youth bilang panghilamos.
Tapos nung isang araw napadaan ako sa Watson's napadaan ako sa Garnier booth at bilang Sale, kinuha ko lahat ng kikay needs me for my young, glowing, beautiful skin deep. Tapos bilang pampakapal nang buhok bumili ako ng Alovera, kinatas ko ito at ininum, ang paet paet..
Only to find out na hindi pala iniinom ang katas ng Alovera pinapahid pala dapat sa bunbunan kung saan feeling ko numinipis ang buhok.
Syempre jowk 'yun.
Sabi ni Kuya Google nakakanipis daw ng buhok ang pag ligo ng warm water. Eh araw araw akong nag shower ng warm water? So how ah???!!?!! So ngayon ang lakas ng sigaw ko tuwing mag shower ako ng umaga, nagigising lahat ng tao sa bahay pag naliligo me. Ang lameeeeeg ng tubig, tatawagin mo lahat ng Santo pag buhos mo... Hindi na me sanay na hindi gumagamit ng heater. Arti lungs.
Yun lang.
Finish.
natawa at natuwa naman ako sa post mo... ^,^
ReplyDeleteAno lasa nung eye cream? Dapat damihan mo para mas lalong sumarap: eyes cream! :))
ReplyDeleteAng landi mo.
ReplyDeleteakla ko seryosong ininom ang aloevera. lol
ReplyDeletetama yung sa warm water, nakakanipis ng hair. yun ang umepekto sa hair ko kasi simula ng grade school ako, mas feel ko maligo na mainit ang nabubuhos mula ulo hanggang katawans. ayun. poof...
ReplyDeletemahal naman ang gamot pampakapalng hair, like effin 4k na shampoo... di keri sa budget kaya bahala na si batmans
ngayong alam ko ng nakakapagpalagas ng buhok ang warm water, di na ko maliligo.
ReplyDeleteMag cold water ka sa face jepoy para maging small pores mo everytime mag clean ka ng face... :) kung di pa rin effective, iphotoshop mo na lang para sure
ReplyDeleteeffective naman yung aloe vera o sabila para sa buhok :)
ReplyDeleteHahaha speaking of cold water sa shower, naalala ko during Baguio Days ko sa college, pag naliligo kami at nasarahan kami ng rasyon ng hot water sa dorm, napapasigaw na lang kami... "Patayin nyo na lang akooooooh!!!" habang bumubuhos ang parang fresh from ref na tubig! hehehe!
ReplyDeleteyan din ang sabi sa akin na wag nga daw akong maligo ng medyo mainit na tubig.. pero tama yang ginagawa mo jepoy.. ingatan mo ang sarili mo para laging fresh!! yebah!
ReplyDeletehahaha ako din nanipis na buhok ko kasi kahit di naka-on ang heater ang init pa din ng tubig!!! waaaah! i suggest gamit ka lang ng toner at facial wash.
ReplyDeleteHahahaha. Wala na kasing makakapigil sa pagtakbo ng panahon, dumadagdag ka kasi ng edad. Ganyan talaga! Hahaha.
ReplyDeleteentertaining ang mga pluma mo Jepoy, di ko mapigilan ang tumawa sa mga styles mo. LoLs. Followed you already. Let's exchange link. :)
ReplyDeletekwela e. dami kong pinakawalang tawa.
ReplyDeleteok lang naman mapanot di na kelangan magshampoo hehe joke. =D
ReplyDeleteyou never fail to make me laugh sa bawat post mo jepoy. hehe. pinapahid pala ang aloe vera all along akala ko kinakain. my god. hahaha. from now on ipapahid ko na lang sa bunbunan ko. hehehe joke. matagal tagal pa naman akong candidate sa aging phase na yan. hihihih.
ReplyDeletespare the youthful glow, tama yun! hehe
ReplyDelete:))