Wednesday, July 11, 2012

Savings Fail

Nasa kalahati na pala tayo ng taon. Kamusta naman ang pagiging OFW ko? meron ba akong na itatabi bilang emergency fund? Betlog. Zero. Bokya. Nadah. You can shoot me na sa bungo!

Wala akong naitabi kahit isang kusing sa bwuanan kong sweldo. I'm so sad.

Hindi ako sad dahil sa wala ako na-save. Sad ako kasi tumatanda akong walang savings which makes me really really sad. Well, meron naman konti, pwede ba namang wala?! Ektweli, na itabi ko naman ang bonus na pinaghirapan ko this year. Ngalay na ngalay ang balakang ko sa pag-giling sa entablado para sa bonus na 'yun. Naitabi ko naman sya kaya nga lamang eh, nagagalaw ko ito ng pasundut-sundot. I hatechit!

Ang hirap problemahin ng future. Ayoko namang mag kandakuba meh kaka-save tapos hindi ko na nae-enjoy ang youthfullness ko. Sayang naman ang katas ng kabataan kung puro trabaho lang at pag iipon ang gagawin ko. Kelangan balanse ganyan. Kaso nawala ako sa state of equilibrium. Mas malakas ang forces of gastos. Potashet naman kasi mga malls dito panay sale. Ang hinahina ng katawang lupa ko sa mga ganung shit. Dapat ko na yata talagang gupitin ang may kasalanan ng lahat ----> Credit Card!

Bilang young cute-chubby-bachelor ano pa nga bang dapat gawin ko? Edi bumili ng sapatos! Gadgets..Gadgets at Gadgets! Damit pamporma! Kumain ng bongga jabongga! Manood ng kung ano anong shit! Mag shopping! Makipaglandian kilitian sa tenga ganyan! Mag bigay sa Charity! Mag bigay ng ikapu sa Church!

Nag analyze ako. baket ba masyadong akong nag wo-worry sa future???!!! Eh ano kung wala akong ma o-offer na milyon-milyong pera sa mapapangasawa kong super lucky. Katawan ko lang at katas ko sapat na. Charot!

Naisip ko lang, binilhan ko nga pala ng lupa si Mudrax ko at binabayaran ko 'yun ng buwanan. Matatapos na sa December. Pinag aral ko rin pala ang bebe ko sa pre-school at ang regular na remittance kay Mudrax. I think, I'm not that failure after all. Okay, I'm trying to justify the past 6 months of not saving kahit 1 dollar. LOLz

Hindi pa huli ang lahat. Meron pa akong another 6 months para patunayan na kaya kong mag ipon mula sa aking monthly sweldo.

Ewan ko ba, kahit na nasa abroad ako minsan na e-emo ako, nag kakaroon ako ng thinking na wala namang pinatutunguhan 'tong pinag gagagawa ko dito sa Singapore. Para lang akong nag lalaro [insert emo song here] kung tatanungin mo nga ako on how do I see my self on the next five years? Hindi ko alam kasi wala akong definite plan. Basta for the moment, gusto ko lang Pumayat at mag ka abs at lalong pumogi para hindi na nasasaktan ang puso kong wagas umibig. CHARARAT!

(May karugtong... Uwian na kasi ihhhh)

5 comments:

  1. pareho tayo ala me savings ni isang dirhamo!! ala din me definite plan sa future pero gusto ko lang maging maayos ang anak ko. Nauubos ang sahod ko ng wala naman akong nabili na kahit anong kaeek-ekan, ewan ko, kuripot ako sa sarili ko pero sa ibang tao parang naka-autoplay ang kamay ko, abot agad pag may naririnig akong pangangailangan.haaaiiist..

    minsan nagpapakatanga lang ako kahit alam kong abuso na sila, kaso ewan! kill me! gusto ko din ipamper ang sarili ko kaso mahirap kadalasan nakokonsensya ako! putek talaga! ayoko na nga lang magwork mamamalimos nalang kaya ako?! lol

    by da way, daan ka sa blog ko have something for u!

    ReplyDelete
  2. mahirap mag-ipon pag nakakafeel ng loneliness. Minsan ang pagbili kasi ng kung ano ang nakakapagpagaan ng kalooban e. heheh

    ReplyDelete
  3. mahirap talagang mag-ipon. pero at least naman may mga naipundar ka para sa mother mo diba. hehehe

    ReplyDelete
  4. mahirap talaga mag ipon kung wala ka namang inspirasyon para mag-ipon. what i exactly mean is pag nagka jowa ka na at may plano na kayo sa future para magpakasal at magstart ng iyong own family, then yun mag-iipon ka ng bonggang jabongga. haha

    ReplyDelete
  5. makakaipon ka rin!! pero kailangan mo talagang pigilan ang sarili sa pakurot kurot na pagkupit sa savings mo...

    ReplyDelete