Nakalimutan kong may blog pala akong mini-maintain. Ang dami ko sanamg gustong ikwento senyo, as in sobrang dami, mga tatlong salop ganyan. Bigas? Pero pag nasa tamang tyempo na 'ko na mag susulat bigla namang na kakalimutan ko lahat ng ku-kwento ko. Bad trip!
Gusto ko lang naman maramdaman nyo na buhay pa me at pumipitik-pitik pa. I'm doing great. So far so good. Nandito parin sa Singapore nakikipag sapalaran ng pagkain ng blade habang tumutulay sa alambre upang makaipon.
Tungkol naman sa fitness shit na ginagawa ko, eh, ganun parin more and more effort pero konti lang ang pag payat. Haist! Life is so complicated. Nung nag paulan yata si Papa Jesus ng metabolism nag titikol yata ako kaya hindi naka labas at naka salop ng grasya.
Lately, sumali nga ako sa mga ka-churchmates ko sa Crossfit training. Kung 'di nyo alam ang crossfit training edi i-google mo. Mag eexplain pa ba ko dito?
Sige na nga. 'Yung crossfit training isa syang halo-halo cardio activities bali 'yung sinalihan ko it comprises of different cardio workouts. Stairs, Jumping rope, Square jumps, Core training (abs), boxing and swimming. the activity will last in about 3 hrs in total. From 7PM to 10PM every Mondays and Fridays ginagawa. Free ang training na 'ito, out of love to share a healthy and Godly living ang peg. Mostly Australian 'yung mga kasama ko, meron isang pinay pero raised na sya sa Australia. So spell NOSE BLEED, napapalabas ang mga natatago kong tweng and sleng in spokening dollarz ganyan.
Very exciting pala ma expose na maging ka tropa ang mga foreigners bihira kasi akong sumama sa community ng ibang lahi dito, puros pinoy ang mga kasama ko, first time kong makisali sa mga ibang lahi. Nakakatuwa kasi ang sarap mag english feeling ko taga Areeneyowww. hihihihihi
So sumali ako sa training kasi feeling ko prepared na ako bilang regular naman akong nag eexercise so this is not gonna be new to me. BUUUUUUUUUUUUUT NOOOOOOOOOOOOO!!!!
Imagine this. 40 flrs ang condo stairs activity aakyatin mo pa jog mula first flr hanggang 40th floor. Punyetah kala ko katapusan ko na. Nakaka 10th floor palang ako nakaka kita na ko ng Stars and beach na mahuni ng ibon sa ulirat ko. Hindi ko kinaya. Nag elevator ako pataas dahil nag sisikip na ang macho breast ko. Depota naman kasi walang hangin tapos more more akyat. Kala ko katapusan ko na!
Isipin nyo mga fans. (FANS TALAGA?!) 3 hrs in total time, 'yung stairs mga 30 to 45 minutes mo lang yan gagawin. Eh may jumping rope pa at may boxing pa. First time kong nag boxing. Pota hindi pala sya madali. Kala mo ganun ganun lang ginagawa ni Manny Pekyew?! NOOOOOOOOOOOOOOOOOO may mga counts at arte shit pa bago ka mag punch. May leveling ng kamay back to defense shit then punch at count and feet movement. Nakaka 10 minutes pala ako sa Boxing napapa sigaw na ko ng, "Yaya I need Ice cream, at punasan ang likod me. Fast!" Hindi ko kinaya!
Pag tapos ng boxing pahinga ng two minutes lipad sa jumping rope at square jumps. Kala ko yung jumping rope laro ng mga batang yagit. Punyetah ang hirap din pala. LOL kulang nalang lumawit 'ung dila ko sa sahig. Yung Australian traineer namin tanong pa ng tanong kaya lalo akong na nose bleed habang nag jumping rope.
"Might (mate) are arayyyt?! Keep goin' keep goin"
Gusto ko syang sampalin ng skipping rope kakapush nya pero nakakahiya naman libre na nga aattitude pa ko. Ang reply ko lang.
"Arayt might (mate), I'm geed (good)"
Yes, nakuha ko pang umaksent kahit pagod na.
Sumunod naman ay ang core training ito yung para sa abs. Ito ang hindi ko kinaya ng bongga jabongga. Okay lang yung stairs, boxing sa jumping rope. Pero this core training shit is not my thing. LOLz
Imagine this routines. Hihiga ka tapos itataas mo yung legs mo straight up tapos yung half body mo naka position na para kang mag seat ups. Punyeta hindi ako nakatagal ng 4 seconds! Hindi ko kinaya. Mamatay me. Iba-iba pang core positions na ayoko ng idescribe dahil na sasaktan me. Charot!
Pag tapos ng core training swimming naman. Easy breazy lang kasi magaling naman ako mag swimming. Magaling talaga?! BUT WAITTTTTTTTTTTTTTTTTT... Nag bihis sila Ate at Kuya ng swim wear.
DAFUQ! Nahiya ang abs ko sa mga sexy and macho body nila ate at kuya. Sila ate naka Two piece, flat na flat ang mga abs. Sila kuya nag mumura ang mga six pack abs. Tapos andun ako.
Naiimagine nyo ba yung situation ko?!
Pwes hindi ako nag palupig. Nag trunks ako walang rush guard. Juk!
Pag tapos ng traning nag fellowship kame habang kumakain. More more more spokening dollar shit. At dito ako bumangka. Ang galing ko kayang mag Englishing. LOLz
Pag uwi ko shower lang at natulog. Kinabukasan...
Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa sakit. Pilik mata ko lang ang kaya kong igalaw.
and that day Sick Leave ako. Buong araw akong nakahiga sa kama.
LOLz
at least yan, motivation, bukod sa libre may mga foreigner friends ka. ako kasi sinubukan ko din mag set araw araw ng exercise. tinamad ako. eto, kain na ko ng kain ulet. hahahaha
ReplyDeletepero pag ma perpek attendance mo yan for 3 years, sigurado talo mo na si derek ramsy
anlaki na kaya ng ipinayat mo mula nung bago ka pa pumunta dyan sa korea.
Hamster una sa lahat wala ako sa Korea. Bweset! LOL Pangalawa wag naman 3 years! Ang hirap hirap naman nun. Pagod na pagod na kong maging mataba.
ReplyDeleteJuk!
Medyo nakahinga na ako dito s post mo dito sa blog sphere..nawala na kasi o bihirang bihira na (mga tulad mo) ang mga humor bloggers ngayon kung magsulat.
ReplyDeleteKasama ba si Alarice? Hehe mga hindi nag-aaya! Hmpf!
ReplyDelete@Akoni Maraming salamat sa pakiki tangkilik. Arte?! ahahha
ReplyDeleteMag sulat ka kasi ng magsulat para dumami ang masasayang tao sa internet :-D
@Gasul
Wala si Alarice nasa Australia sya the past two weeks.
Wag kang umarte! Sumama ka sa Monday, kasama si Mhel P. I handa mo ang trunks mo tsaka abs mo ha. Sama ka sa Monday tapos friday Sports day at Worship night.
Yes Worship night may praise and worship. Awesome right????!!!
ha ha ha sumaya na naman ang araw ko.
ReplyDeleteMahirap talaga yang cross fit. pag di ka determinado mas masarap mag give up.
try mo kaya running? baka magustuhan mo :)
Hi Light, thanks for taking time to comment. Napa English me. Ektweli, determinado me naka two sessions na nga me. I'm running po everytime na may time ako I run. Idealy 3 times a week around 7KM ganyan. I enjoy my running time, I get to make muni muni kasi LOLz
ReplyDeleteNaiimagine kita habang ng cocross training. :P Push it some more jepoy! Geedluck!
ReplyDeleteAt bawasan ang kaka peanut butter ok. Ibang peanut nalang ang kainin mo. Nakakabawas din ng calories sa katawan yun. ;P
sa umpisa lang yan pre. itakbo mo agad para mawala ang sakit ng katawan. sa susunod, makaka-catch up na katawan mo kaya okay na. aja!
ReplyDeletesa pagwewento mo pa lungs ng training mo parang pati ako napagod at umakyat up to 40th floor.
ReplyDeletePero based sa mga bathroom shots na nakikita ko sa fb, honloki-loki na ng improvements mo. parang nasa 210 na ang iyong timbang or less.
gujab! congratumalations!
kitang kita ang results ng pagsisikap mo. laki ng weight loss. ayos yan!
ReplyDeleteAng galing mo magkwento..!
ReplyDeleteFeel na feel ko ang mga emote mo. hehe
HAHAHAHHAHAHAHAHAHA...halos lumabas ang mga alepores ko sa ilong sa kakatawa sa post mo ser jepoy
ReplyDeletevery animated yung pagkakwento, at naiimagine ko talaga ang paghihirap mo..pasasaan ba at magkaka abs ka rin
Hihi sinabi na kasi nila lahat kaya tawa na lang ko
ReplyDeleteNaku pag ako rin siguro yun bka kulang ang 1 araw na Sick Leave! Pero congrats kasi u started doing it! =)
ReplyDeleteWagi. Hahahaha. Naalala ko nung nag fire drill kame, mula 19th floor gang baba. Pababa na yun ah, hingal na hingal me much! Pano pa kaya yung paakyat hanggang 40th. Hahaha. Ang sakit sa dibdib isipin.
ReplyDeleteHindi ko kaya yang mga core training chorva na yan. Pag nasa gym nga ko mas matagal pa yung pagtingin ko sa mga boys kesa sa pagbubuhat mismo. Haha.
Wala akong ginawa kundi tumawa habang binabasa ito. iniimagine ko kse ang itsura mo habang gumaganyan ganyan ng mga binti at hita mo sa ere.
ReplyDeleteYang mga wagas na hirap at pagod na yan ang magbibigay sayo ng body of a god bago pa matapos ang year 2012.
Tapos nyan, maglaway sila sayo pero duduraan mo lang sila habang nakatight fit skinny pants ka. hahahaha!
Go go go meyt!
Wala akong ginawa kundi tumawa habang binabasa ito. iniimagine ko kse ang itsura mo habang gumaganyan ganyan ng mga binti at hita mo sa ere.
ReplyDeleteYang mga wagas na hirap at pagod na yan ang magbibigay sayo ng body of a god bago pa matapos ang year 2012.
Tapos nyan, maglaway sila sayo pero duduraan mo lang sila habang nakatight fit skinny pants ka. hahahaha!
Go go go meyt!
hi jeff. ako yung fan mo hihi.. nag-email.
ReplyDeletehindi ko alam kung makakasama pa ako. siguro kapag yung Lunes ay walang pasok kinabukasan. otherwise, magbabalik tanaw na naman ako sa paet ng hazing. para akong sumali sa initiation ng mga gangstah!
ReplyDeletekinabukasan, lumitaw pa lahat ng ugat ko sa katawan. Goodluck
alam mo bang tnry ko din yang crossfit na yan at I swear mamatay matay ako. Literal na may nakita akong stars at nagdilim ang paningin ko sa pagod.
ReplyDeleteIkaw na ang super healthy at fit ala marc nelson
may galit ung blog mo sakin. ayaw magsave ng comments ko. Kinompare pa man din kita kay marc nelson. di ko na uulitin. hahahaa!
ReplyDeletehoy!!!! may copy ako ng call me maybe mo!!! ahahahahhahahahhaa....
ReplyDeleteang dami kong tawa....hahahahaha!
ReplyDeleteikaw na ang magaling mag english na may accent! LOL!
ReplyDeletereally proud of you Jepoy!
just make sure you also get plenty of rest after you work out.. baka magkasakit ka na naman.. tsk tsk.
concerned citizen lang. haha!
wala ka pa rin kupas sa pagpapatawa!
ReplyDeleteda best!!
naiimagine ko yung histsra mong hindi mo maigalaw ang buo mong katawan except sa pilik mata. LOL!
miss you all SG bloggers. regards kina Gasul, Leona, Sam, Untoy, Jojo, Antoni at Christian Bryan Macatulad.. hahahaha.