Saturday, July 21, 2012

That Awkward Moment

May himala!

Lumiit ang pores ng muka me. hihihihi (forget the nunals baka bigla kayong mag-connect the dots)


Sabi ko sa sarili ko ipro-promote ko ang ang binili kong kikay shit pag nag ka merong changes/effect sila. Ginamit ko palang sila ng mga 4 days ganyan pero lumiit na kaagad ang pores ng mala-siopao kong fez. Wag na nating pag usapan 'yung hair kasi numinipis sya talaga. Na di-depress me.


Dahil dyan!


I would like to thank my sponsor Garnier products. LOL


Gumamit ako ng Toner, tsaka yung parang eye-something-shit pang alis ng eye-bags.  Infairview, 4 days ko palang ginamit pinaliit na nya ang mga nag-mumurang pores sa muka me at ang eye bags kong ubod ng laki pinaliit nya. Magic! I can't belibeeet! Wait, Hindi yan photoshop ha, instagram filter lang pero walang daya edi sana inalis ko na mga nunal me. 


Defensive much?! 


Siguro naman pag nakita ako ni Ateng nag titinda ng Sandwich malalag na ang panty nya at ibibigay nya na ang number nya tapos sasabihin nya, "My place or your place?".  


Hot?! Artista?! Coco Martin?! David Beckham? Cosmo 2012?! May abs?! Macho?!


Change topic bigla ko lang naisip. Na experience nyo ba na nasa awkward situation kayo? 'Yung tipong hindi mo alam pano mag react. Eto nag list ako ng Personal experiences ko dito sa Singapore.

That awkward moment when...

1. Umihi ka sa maluwag na Toilet na meron walong urinal at bakante lahat habang umiihi ka si Kuya tumabi sa Urinal mo tapos lingon ng lingon. Eh, ang dami mong ihi hindi ka matapos kagad.

2. Sisiksikan sa MRT. 555 Sardinas ang peg. Sumiksik ka sa may tapat ng Pinto. Bago mag sara ang pintuan ng MRT may kuya na tumatakbo, nasaisip mo na 'to "Putangina wag kang pumasok wala kang nang pwe-pwestuhan". Dahil lucky day ng Libre. Pasok si kuya sa banga. Sa tapat mo sya naka siksik pero ang Catch hindi sya tumaligod sa Pinto. Face to Face ang Peg nyong dalawa. 1 1/2" ang pagitan nyo. Meron pang Catch. Indian sya may pula sa Noo. And Yes, may amoy sya. Amoy bulok na sibuyas na niluma ng panahon. Silver swan?!

3. Sa MRT ulet siksikan, nauutot ka na. Nag decide kang umutot na kasi madami namang tao kahit umutot ka hindi ka pag bibintangan. Lalo na pag silencer ang utot mo. Ung mainit na gumuguhit. Deadly yun pero hindi ka mapapagbintangan. Inunutot mo ng walang pag aalinlangan. Pero ang catch, tumunog sya ng parang thunder na walang bukas. Lahat ng tao nakatingin sayo. Parang gusto mong kainin ng kalikasan that second.

4. Nasa Mall gusto mong bumili ng Tsinelas, utos ka ng utos sa sales lady pero hindi ka nya pinapansin. Mga tatlong beses mo syang tinanong kung may size 12 ba ng ganito at ganyang klaseng tsinelas. Only to find out na hindi sya sales lady. Customer sya. Magkakulay lang ng damit ng mga Sales lady.

5.Kumain ka ng pusit sa lunch. Hapon na may ka date kang kras mo sasamahan mo mag shoping. Pag sabi mo ng high kulay black parin 'ung ngipin mo. Tinanong nya baket black ngipin mo. ALanganang sabihin mong nag mumug ka ng ink ng pentelpen or nag swiming ka sa posonegro tapos nakainom ka ng konting tae.

Tinatamad na me next time nalang 'yung iba.


Happy Weekend.





   



Tuesday, July 17, 2012

Randoms

Pagkatapos namin mag badminton last time napansin ng kaibigan ko na ang lalaki daw ng pores ng muka ko. Pwede daw taniman ng rice. Kung makalait wagas.

Oo na bothered me.

Tapos sabi nya meron din daw akong lines sa eyes at numinipis daw ang buhok ko, candidate for being panot in the next coming years daw.

Ni-nerbyoz me ng beri beri slight. Nag pulpitate ako sa galit, gusto ko syang sampalin ng makinilya at liyabe tubo. Juk! Kunyari suplado lang hindi ko pinansin ang kikay comment nya sa'kin. Sabi ko lang, wag mong ibalik ang sumpa ng pagkapanot mo! wag ka humanap ng kadamay.

Pag uwi ko sa bahay dumiretso kagad ako sa mirror-mirror on the wall para i double-Kenferm kung totoo ba ang ang kumento ng kaibigan ko kanina after our game.

Totoo nga ang sinasabi nya. Gusto ko mag suicide. I'm so hurt.

Juk!

Ano bang magagawa ko, hindi ko naman pwede i-defy ang nature. Tumatanda na talaga ako. Feeling ko naiwan ako sa pagiging 23 years old tapos nagising nalang ako na nasa ganitong edad na mey (25) LOLz.

Hindi ako maarte sa katawan at balat, sa katunayan sing itim ako ng uling at lumaki ako sa arawan nung bagets na bagets pa me, kadami ko pang kuto nun, tinitiris ng lola ko sa ulo ko 'tas nakakatulog me parang mga matching lang. So hindi uso samin ang Eskinol shit. Hilamos lang ng tubig poso, keri boom boom na!

Nag isip kagad ako ng action plan para ma ligtas ang aking glowing skin from aging. Bibili ako ng Olay. Juk!

Syempre nag google ako, malay ko ba sa mga productong dapat gamitin. Nag-search me ng mga basic things na mag pre-prevent ng looks from looking haggard.

1. Toner
2. Moisturizer
3. Facial Cleanser
4. Eye cream

Ang landi lang! Sabi ko sa sarili ayokong bumili, una sa lahat sayang naman kung idadagdag ko pa ang mga gastusing ito sa pambili ko ng toilettries me. Eh kung idagdag ko nalang sa padala ko kay Mudrax edi, natuwa pa sya. So Idecided na mag settle nalang ako sa tubig na galing sa fountain of youth bilang panghilamos.

Tapos nung isang araw napadaan ako sa Watson's napadaan ako sa Garnier booth at bilang Sale, kinuha ko lahat ng kikay needs me for my young, glowing, beautiful skin deep. Tapos bilang pampakapal nang buhok bumili ako ng Alovera, kinatas ko ito at ininum, ang paet paet..

Only to find out na hindi pala iniinom ang katas ng Alovera pinapahid pala dapat sa bunbunan kung saan feeling ko numinipis ang buhok.

Syempre jowk 'yun.

Sabi ni Kuya Google nakakanipis daw ng buhok ang pag ligo ng warm water. Eh araw araw akong nag shower ng warm water? So how ah???!!?!! So ngayon ang lakas ng sigaw ko tuwing mag shower ako ng umaga, nagigising lahat ng tao sa bahay pag naliligo me. Ang lameeeeeg ng tubig, tatawagin mo lahat ng Santo pag buhos mo... Hindi na me sanay na hindi gumagamit ng heater. Arti lungs.

Yun lang.

Finish.







Thursday, July 12, 2012

My fulfillment of Being a Blogger...

Bigla akong napa gawa ng blog entry ko today, continue reading to know why...

Last night, meron kasing dagliang pag titipon ang mga SG Pinoy Bloggers. Wala lang, biglaang yayaan lang ng dinner ganyan. Syempre saan pa nga ba gaganapin ang pagtitipon kundi sa Kuta' ng mga Pinoy sa Singapore, Lucky Plaza a.k.a LP. Sasampalin ko ng makinilya at tabo ang sino mang Pinoy dito na hindi alam ang LP eh, Kung si Tago nga na taga Areneyow alam 'yun, Hello!

Anyway hi-way

Kahapon naganap ang pinaka malaking milestone ng blogging carreer ko. Ganto kasi 'yun habang umoorder ako ng dinner iiiiihhhhhhhh nahiya meyyyyyyyyyyy, ayako na hihihihi. Lande?!

Ganto nga kasi 'yun, nandun kame sa 6th floor ng LP eh, gutom na gutom na kame ang tanging pagpipilian lang sa food court ang "Mang Kiko's" tsaka "Tapa king" tsaka 'yung Isang never heard na tindahan na lantutay na ang paninda (nanlaet pa?!). So ang story ganto nga kasi [hawi ng bangs na blonde] nag hahanap ako ng Munggo kasi gusto ko ng ginisang Munggo as in, eh wala so andun kame ni Pajay sa Mang Kiko's umoorder ng Liempo tsaka Chicken. Oo, walang diet-diet gutom na gutom na me. Fck diet!

Sa LP mga 80% nang napupunta sa mga kainan 'dun eh, Pinoy. So habang namimili me ng o-orderin biglang may lumapit sa'kin na Pinoy.

(Paraphrarsing)

"Hi, You're Jepoy right?"

"Yes, Sir"

"Hi I'm Bert, I'm reading your blog. How's your Crossfit Training?"

[Dead Air]

"Uhmm Dinga?!"

"Yes, Nice to meet you Jepoy"

"Please to meet you Sir"

Tapos umalis na sya.

Potashet! Ganun pala ang feeling ng artista? Parang gusto kong irollers at itirintas ang buhok kong may glitters kasi umabot na sya hanggang Orchard. Talo si Rapunzel. Akalain mong yun, sa Singapore ko pa sya na experience?! Gawwd.

Ayain ko sana si Kuya sa Dinner libre ko sya Tapa king, kaso umalis na sya, mag reremitt pa yata. Sakto pa naman sana kasi puro bloggers ang kasama ko, sayang nasama sana namin sya. Birthday pa naman ni Untoy.

************

Bert if You happen to read this, thanks for approaching me. Appreciate it. Also, if you happen to be a blogger sama ka samin minsan.

************

On the other hand, nakapag raise pala kame ng small amount of funds para sa project na ito. I am nothing but inspired and proud of my blogging community here in Singapore. They really have a good heart. Oo seryoso na 'tong part na 'to.

So Initially Bulakbulero was just tweeting about this project and I was just amazed on how my other blogger friends easily responded to the tweet. Yes, it's not about how much have we raised for the project but the unity itself in the journey to get this done. They have brialliant plans and all just for this. They really gained my respect. Being part of this project through simple act of giving is really part of my fulfillment as a blogger because this has taken place out of minds and hearts of bloggers as well, so being part of it is a nice feeling. We may never be able to really do great Charity works but this is really a start. We are blessed to bless others.

Ang Seryoso ng part na 'to. LOL




Wednesday, July 11, 2012

Savings Fail

Nasa kalahati na pala tayo ng taon. Kamusta naman ang pagiging OFW ko? meron ba akong na itatabi bilang emergency fund? Betlog. Zero. Bokya. Nadah. You can shoot me na sa bungo!

Wala akong naitabi kahit isang kusing sa bwuanan kong sweldo. I'm so sad.

Hindi ako sad dahil sa wala ako na-save. Sad ako kasi tumatanda akong walang savings which makes me really really sad. Well, meron naman konti, pwede ba namang wala?! Ektweli, na itabi ko naman ang bonus na pinaghirapan ko this year. Ngalay na ngalay ang balakang ko sa pag-giling sa entablado para sa bonus na 'yun. Naitabi ko naman sya kaya nga lamang eh, nagagalaw ko ito ng pasundut-sundot. I hatechit!

Ang hirap problemahin ng future. Ayoko namang mag kandakuba meh kaka-save tapos hindi ko na nae-enjoy ang youthfullness ko. Sayang naman ang katas ng kabataan kung puro trabaho lang at pag iipon ang gagawin ko. Kelangan balanse ganyan. Kaso nawala ako sa state of equilibrium. Mas malakas ang forces of gastos. Potashet naman kasi mga malls dito panay sale. Ang hinahina ng katawang lupa ko sa mga ganung shit. Dapat ko na yata talagang gupitin ang may kasalanan ng lahat ----> Credit Card!

Bilang young cute-chubby-bachelor ano pa nga bang dapat gawin ko? Edi bumili ng sapatos! Gadgets..Gadgets at Gadgets! Damit pamporma! Kumain ng bongga jabongga! Manood ng kung ano anong shit! Mag shopping! Makipaglandian kilitian sa tenga ganyan! Mag bigay sa Charity! Mag bigay ng ikapu sa Church!

Nag analyze ako. baket ba masyadong akong nag wo-worry sa future???!!! Eh ano kung wala akong ma o-offer na milyon-milyong pera sa mapapangasawa kong super lucky. Katawan ko lang at katas ko sapat na. Charot!

Naisip ko lang, binilhan ko nga pala ng lupa si Mudrax ko at binabayaran ko 'yun ng buwanan. Matatapos na sa December. Pinag aral ko rin pala ang bebe ko sa pre-school at ang regular na remittance kay Mudrax. I think, I'm not that failure after all. Okay, I'm trying to justify the past 6 months of not saving kahit 1 dollar. LOLz

Hindi pa huli ang lahat. Meron pa akong another 6 months para patunayan na kaya kong mag ipon mula sa aking monthly sweldo.

Ewan ko ba, kahit na nasa abroad ako minsan na e-emo ako, nag kakaroon ako ng thinking na wala namang pinatutunguhan 'tong pinag gagagawa ko dito sa Singapore. Para lang akong nag lalaro [insert emo song here] kung tatanungin mo nga ako on how do I see my self on the next five years? Hindi ko alam kasi wala akong definite plan. Basta for the moment, gusto ko lang Pumayat at mag ka abs at lalong pumogi para hindi na nasasaktan ang puso kong wagas umibig. CHARARAT!

(May karugtong... Uwian na kasi ihhhh)

Tuesday, July 3, 2012

Crossfit Training

Nakalimutan kong may blog pala akong mini-maintain. Ang dami ko sanamg gustong ikwento senyo, as in sobrang dami, mga tatlong salop ganyan. Bigas? Pero pag nasa tamang tyempo na 'ko na mag susulat bigla namang na kakalimutan ko lahat ng ku-kwento ko. Bad trip!

Gusto ko lang naman maramdaman nyo na buhay pa me at pumipitik-pitik pa. I'm doing great. So far so good. Nandito parin sa Singapore nakikipag sapalaran ng pagkain ng blade habang tumutulay sa alambre upang makaipon.

Tungkol naman sa fitness shit na ginagawa ko, eh, ganun parin more and more effort pero konti lang ang pag payat. Haist! Life is so complicated. Nung nag paulan yata si Papa Jesus ng metabolism nag titikol yata ako kaya hindi naka labas at naka salop ng grasya.

Lately, sumali nga ako sa mga ka-churchmates ko sa Crossfit training. Kung 'di nyo alam ang crossfit training edi i-google mo. Mag eexplain pa ba ko dito?

Sige na nga. 'Yung crossfit training isa syang halo-halo cardio activities bali 'yung sinalihan ko it comprises of different cardio workouts. Stairs, Jumping rope, Square jumps, Core training (abs), boxing and swimming. the activity will last in about 3 hrs in total. From 7PM to 10PM every Mondays and Fridays ginagawa.  Free ang training na 'ito, out of love to share a healthy and Godly living ang peg. Mostly Australian 'yung mga kasama ko, meron isang pinay pero raised na sya sa Australia. So spell NOSE BLEED, napapalabas ang mga natatago kong tweng and sleng in spokening dollarz  ganyan.

Very exciting pala ma expose na maging ka tropa ang mga foreigners bihira kasi akong sumama sa community ng ibang lahi dito, puros pinoy ang mga kasama ko, first time kong makisali sa mga ibang lahi. Nakakatuwa kasi ang sarap mag english feeling ko taga Areeneyowww. hihihihihi

So sumali ako sa training kasi feeling ko prepared na ako bilang regular naman akong nag eexercise so this is not gonna be new to me.  BUUUUUUUUUUUUUT NOOOOOOOOOOOOO!!!!

Imagine this. 40 flrs ang condo stairs activity aakyatin mo pa jog mula first flr hanggang 40th floor. Punyetah kala ko katapusan ko na. Nakaka 10th floor palang ako nakaka kita na ko ng Stars and beach na mahuni ng ibon sa ulirat ko. Hindi ko kinaya. Nag elevator ako pataas dahil nag sisikip na ang macho breast ko. Depota naman kasi walang hangin tapos more more akyat. Kala ko katapusan ko na!

Isipin nyo mga fans. (FANS TALAGA?!)  3 hrs in total time, 'yung stairs mga 30 to 45 minutes mo lang yan gagawin. Eh may jumping rope pa at may boxing pa. First time kong nag boxing. Pota hindi pala sya madali. Kala mo ganun ganun lang ginagawa ni Manny Pekyew?! NOOOOOOOOOOOOOOOOOO may mga counts at arte shit pa bago ka mag punch. May leveling ng kamay back to defense shit then punch at count and feet movement. Nakaka 10 minutes pala ako sa Boxing napapa sigaw na ko ng, "Yaya I need Ice cream, at punasan ang likod me. Fast!" Hindi ko kinaya!

Pag tapos ng boxing pahinga ng two minutes lipad sa jumping rope at square jumps. Kala ko yung jumping rope laro ng mga batang yagit. Punyetah ang hirap din pala. LOL kulang nalang lumawit 'ung dila ko sa sahig. Yung Australian traineer namin tanong pa ng tanong kaya lalo akong na nose bleed habang nag jumping rope.

"Might (mate) are arayyyt?! Keep goin' keep goin"

Gusto ko syang sampalin ng skipping rope kakapush nya pero nakakahiya naman libre na nga aattitude pa ko. Ang reply ko lang.

"Arayt might (mate), I'm geed (good)"

Yes, nakuha ko pang umaksent kahit pagod na.

Sumunod naman ay ang core training ito yung para sa abs. Ito ang hindi ko kinaya ng bongga jabongga. Okay lang yung stairs, boxing sa jumping rope. Pero this core training shit is not my thing. LOLz

Imagine this routines. Hihiga ka tapos itataas mo yung legs mo straight up tapos yung half body mo naka position na para kang mag seat ups. Punyeta hindi ako nakatagal ng 4 seconds! Hindi ko kinaya. Mamatay me. Iba-iba pang core positions na ayoko ng idescribe dahil na sasaktan me. Charot!

Pag tapos ng core training swimming naman. Easy breazy lang kasi magaling naman ako mag swimming. Magaling talaga?! BUT WAITTTTTTTTTTTTTTTTTT... Nag bihis sila Ate at Kuya ng swim wear.

DAFUQ! Nahiya ang abs ko sa mga sexy and macho body nila ate at kuya. Sila ate naka Two piece, flat na flat ang mga abs. Sila kuya nag mumura ang mga six pack abs. Tapos andun ako.

Naiimagine nyo ba yung situation ko?!

Pwes hindi ako nag palupig. Nag trunks ako walang rush guard. Juk!

Pag tapos ng traning nag fellowship kame habang kumakain. More more more spokening dollar shit. At dito ako bumangka. Ang galing ko kayang mag Englishing. LOLz

Pag uwi ko shower lang at natulog. Kinabukasan...

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa sakit. Pilik mata ko lang ang kaya kong igalaw.

and that day Sick Leave ako. Buong araw akong nakahiga sa kama.

LOLz