Saturday, September 10, 2011

Ikaw masaya ka ba Buhay Mo?!

May episode sa buhay natin na punong-puno tayo ng katanungan na ang hirap-hirap sagutin. Tulad nalamang ng title ng post na 't0.

"Masaya ka ba sa Buhay mo?"

Ako... Masaya nga ba ko sa buhay ko? I think the question is an understatement. Oo, uma-understatement tayo dito. Magamit lang ba minsan.

Wait lang, bago mo sagutin kung masaya ka nga ba talaga o hindi eh, pumunta muna tayo sa basis ng pagiging masaya mo. Ito kasi ang ku-kumpleto ng pormula sa pagiging happy mo. Pwedeng materyal, pwedeng love life, pwedeng career advancement, pwedeng kahit anong shit dahil nasa'yo naman 'yun.

Pero.

Hukayin pa natin ng kaunti. Para kunyari brainy. Pumikit ka saglet at isipin mong hindi existent ang judgement ng taong nakapaligid sa'yo. Mag concentrate ka lang sa sarili mo. Maging selfish ka muna pansamantala para lang masagot ang question ko.

Masaya ka ba sa buhay mo?

May thin line ang pagiging masaya sa pagiging satisfied. Sa tingin mo pwede ka bang maging masaya ng hindi ka satisfied? Again, don't mind the judgement of other people around you.

Masaya ka ba sa buhay mo?

Sa sarili mong paniniwala, infinite within you ba ang happiness talaga? Yung tipong kukupleto sayo? or fleeting lang sya kasi part sya ng emotions mo? Pwede kasing naniniwala ka na masaya ka tapos mamyang gabi hindi na. So Alisin natin ang variable X . Let X be your Emotions directly proportional to Happiness which is co-equivalent to Sadness, Anger, Bitterness where Happiness, Sadness, Anger and Bitterness equals Emotion in Theory kunyare but in reality hinde.

So ngayon i-enumerate mo isa-isa ang basis ng pagiging Masaya sa Buhay? then start from there. Please note the word "Buhay" do not disregard.

ako Masaya ba ko sa buhay ko?

Ans is: Getting there...

So.. Masaya ba ko talaga sa buhay ko ngayon???!!

Ans. Trying too...

Oo ang lande lang.

Pero sa puntong ito, alisin natin ang "happy ka ba sa BUHAY" question. Gawin nating Happy ako ngayon kung... Magiging happy ako ngayon kung mag papada ka ng Picture Greeting mo sakin para sa birthday ko.

incrediblejepoy@yahoo.com.

:-D



13 comments:

  1. working progress ang aking happiness ngayon heheeh. regarding sa picgreet. nareceive mo na lol

    ReplyDelete
  2. me ganun pang intro, hihingi pala ng pic greet! joke!

    Soon. Just give me some time to make my picture greet ko para sa iyo.

    ReplyDelete
  3. i can honestly say na sobrang saya ako sa buhay ko ngayon...hehe :P

    ReplyDelete
  4. mahirap nga sagutin yan ngayon.

    ReplyDelete
  5. same...

    im getting there but sana sana sana...

    ReplyDelete
  6. you're right. there's a fine line between being happy and satisfied. madalas nga nalilito pa ang tao sa kahulugan ng dalawang salita na yan. pero kung ako ang tatanungin, masasabi ko na happy ako sa buhay ko, but not fully satisfied (oh, baka may magsabi dyan na hindi talaga ako happy kasi hindi pa ako satisfied eh). meron pa kasing salitang happier and happiest. pag narating ko yung huli, siguradong satisfied na ako. XD

    ReplyDelete
  7. @Papi

    I got it ser parang artista lang. Appreciate it much! Kampay!

    @Stone Cold Angel

    Ang tagal Pre inip na me. LOL

    @Josh aka Soltero

    I am deeply happy to hear that you are very happy. hehehe

    Seriously! Tingin ko kasi yan naman ang ultimate dream ng lahat

    Happiness! Lalo na kung mag papadala ka ng picture greeting kay Jepoy sama mo na fiancee...Angas! Ikaw na makulay love life....

    ReplyDelete
  8. @Diamond R

    I guess kaya ka nahihirapan kasi katulad ko may mga bagay na hindi pa kumpleto para maging masaya.

    Hope you find your happiness soon.

    Arte lang.

    @Ka-swak

    Sana-sana, I wish you find yours and celebrate life.

    God is good!

    @Raffy

    Nararamdaman kong nandyan na happiest mo soon para maging satisfied ka... hehehhe

    You have a good point there. 10 points for Slytherin! hehehhe

    ReplyDelete
  9. kanya kanyang sukatan kasi ang kasiyahan at kaligayahan... (contentment and happiness?)

    minsan titingala tayo sa isang tao, na bakit parang sa dami ng tinatamasa nya e parang di pa rin sya kuntento. parang hindi pa rin sya masaya...

    ako? patuloy pa rin akong naghahanap ng self-satisfaction.. nga lang, minsan nasasacrifice ang aking priorities sa buhay..

    nice post jepoy!

    ReplyDelete
  10. anhirap sagutin ang tanong kung happy ba me sa life ko. lols.

    bago ang deadline, makakapagsend ako :p

    ReplyDelete
  11. Totoo. Mahirap sagutin kung masaya ka nga sa buhay talaga, pero maaring masaya ka naman sa ngayon. :-) Enough na yon pansamantala.

    Fickle Cattle
    ficklecattle.blogspot.com

    ReplyDelete
  12. Oo nga pala..nalalapit na ang iyong birthday...agen!LOL.may isang taon na pala non...Advance happy bday Jepz.:)


    UNGAZ

    ReplyDelete
  13. @AIM

    tama ka kanya-kanyang happiness lang yan. Salamat sa pag kumento Paps. Ingat sila dyan sayo ahahhaa

    Ingats

    @Khanto

    Salamat sir hintayin ko yan pict grit you

    @Fickle Cattle

    Hey, bagong daan ka yata dito sa bahay ko sir. Salamat ng marami sa pag iwan ng bakas.

    Sa uulitin!

    @Ungaz

    Hey!!! Missing in action ka! Salamat onga ang bilis parang kelan lang na miss ko ang letcheflan at yung isa nalimutan ko.

    Pag di ka busy luwas kayo ni Greta sa Maynela ulet pag uwi ko ha.. Hehehe

    ReplyDelete