Wednesday, June 29, 2011

Hari ng Sablay...

Gusto ko sana mag emo netong madaling araw na ito. Kakatapos ko lang mag laundry ang hirap mag sampay! Bigla kong na-miss ang labandera namin sa panahong ganito. Na miss ko sya hindi dahil hinahaplos nya me sa sensitive part ng katawan ko pag napapagod na me. Tulad ng braso ko at likod...

You dirty mind, beoyaaaaatch! Na-miss ko lang ang fact na may nag lalaba para sakin at may halong haplos na walang malisya. Oo, walang ngipin yung labanedera namin. Umayos ka!

Ayoko mag rant...

Gusto ko lang mag emo. hihihihi

Ganto kasi 'yun. Let me open my heart to you kahit ngayon lang. heart to heart talk itwu! Juk. Paano ba hindi maging torpe?! LOL nakalimutan ko na yatang magkumapal ang pez pag dating sa pag didiskarte hindi na me marunung. Baket kaya pag gustong-gusto mo ang isang babae mas mahirap mag start ng conversation. Eh napaka eloquent ko naman, kahit sino kaya kong kausapin kahit Psycho kaya ko. Puro nalang ako epic fail. Siguro kasi alam ko naman na wala akong pag asa at natutuwa lang ako pag nakikita ko sya. LOL langit sya lupa me. Charot!

Hindi ako sanay mag kwento ng mga ganito ka personal pero for the sake of madaling araw na at tamang hindi makatulog let me write my sablay moves konti lang at wag nyong asahan na mauulit pa ito. Idedelete ko rin to mamya. LOL ang dami sinabe?!

ito ang mga sablay moments ko. Realtime itwu!

1. Couple of months or weeks ata kumatok ako ng pinto ng bahay nila dahil taeng-tae na me. Punyeta diba?! Pag bukas ng pinto sya ang tao. Na starstruck me, wala words na lumabas sa cute kong lips...Syempre na tame-me ako sabi ko makiki ihi lang me pero ang totoo natatae na me. Yung basang basa tae! Eh napansin kong nakabihis na sya at aalis na ng bahay. Ang phone in question is... Sino mag lock ng kandado? Wala so nag hintay sya. Ang sabi ko iihi lang ako eh medyo napadami ng tae nag hintay sya. Kumatok ng CR sabi nya mauna na daw sya at pasensya na...Sabi ko Sige thanks ha!

:-(

2. Pagtapos ng Church usually sabay-sabay kaming nag lunch. Dahil sutil ang mga brothers ko, nag laan ng upuan kung saan mag katapat kame. Awww! Kinilig me ng konti. Yung parang highschool pero syempre kalma lang. Hard to get me. hawak ko ang tray na may lamang dalawang ulam kanin at sawsawan na may patis at suka.

Guess what kung anong nangyari?!

Nabitawan ko ang tray nahulog ang patis sa harap nya nakita ko nabasa yung paa nya pero hindi sya nag react. Parang gusto kong matunaw at kainin ng lupa nung araw na yun. I hate it.

Ako na mamatay na Single!!!!!!!! Kayo na makulay ang pagibig. Kulay rainbow!


Friday, June 24, 2011

Late

Lagi nalang akong late lately. Ang call time ko ayon sa kontratang pinirmahan ko ay dapat nasa opisina na me ng 8AM palang. Kamusta naman ang gising ko ng 7AM?! tapos may kasama pang tunga-nga itwu na 15 minutes. Para kasing hindi kumpleto ang umaga ko kung hindi ko tinititigan ang tubig sa shower na pumapatak lang ng mga 1o minutes.

Sana naman hindi ako nag iisa sa mundo na may gantong gawain.

Pag tapos mag shower, mabilis akong mag bibihis dahil kelangan 7:30AM wala na ko sa bahay kung hindi ay mauunahan pa ako ng Director na pumasok. Strong bones and teeth much?! kamag anak si Wolvereine?! Adamantum ang bones?!

Kanina sukdulan ang nangyari sakin. Hindi ko mapatawad ang sarili me. Gusto kong lumunok ng limang blade at isang electric fan.

Ganto kasi yan dahil sobrang layo ng tinitirahan ko sa work location ko, kelangan kong mag alot ng 2 hrs para makarating sa Opis. Na-try ko na lahat ng way ng pag pasok sa office. Bus-Check sa jar. MRT Check sa banga. Mag lakad- Check sa Jar. TSAROT! edi nag kakalyo me hanggang hita kung nilakad ko yun. tanga?!

So kanina nag MRT me. Dahil konti lang tulog ko dahil nag takutan kame sa kwarto. Parang mga tanga lang. Alas dos Y medya na ko nakatulog. Pag sakay ko ng MRT wala pang tatlong segundo nakatulog na me. Nakahiga me sa sahig. Juk. Nakatulog ako ng parang wala ng bukas. Nag lawa ang laway ko sa pisngi ko. Nahiya naman me ng slight kay Ate kasi parang diring diri na sya. Kitang kita kasi ang basa sa cute kong pisngi.

Pag tingin ko sa MRT Punyetakeeeeeels Lumampas pala me ng limang Station! Nataranta me bumaba me ng MRT kagad. Pag baba me hindi pala sobrang limang station kulang pa ng limang station. Sorry naman naka singhot lang ng katol.

Asar na asar me! sa sobrang asar me nag breakfast muna me at nag coffee.

Pag baba ko sa tamang station nag tutumakbo ako para abutan ang bus. Sakto kasing kararating nito. Pag takbo ko saktong nag sara ang pinto at humarurut ng takbo. Nag dilim ang paningin ko. Gusto kong pumulot ng bato at lunukin tapos sumigaw ng Darna! Juk. Gusto kong ibato sa pag mumuka ng driver. Pero kalama lang me. Chill kung baga.

Sa awa ni Lord may dumating na bus after 30 minutes.

SPELL LATE!!!

Pag sakay ko ng bus. Puro Anapeyz ang laman. Imagine na amoy durian na sinawsaw sa puki ng baboy na namatay na ng three days. Ganun ang amoy. I sweaaaaaaaaar!!!!

Pag dating ko sa Office nag iisip na ko ng dahilan. Pag dating ko biglang nag fire drill. Bumababa ako mula 8 flr pababa. Muntik na me mahimatay!

The good part is. Nakalusot me.

Nga pala 10:30 AM na ko nakarating sa office. Dapat 8AM ako nandun hihihihihihihi

Happy Friday People. I miss you all.

Saturday, June 18, 2011

Open Letter to Dad

Papa,

Happy Fathers day Papa! sulat ulit ako kahit hindi nyo naman to mababasa kasi walang internet sa bahay tsaka hindi ka naman marunung mag internet. Sulat narin ako para ba mailabas ko lang yung mga gusto kong sabihin kasi Fathers day naman.

Namiss ko na kaso ni Mudrax, sana hindi na kayo masyadong nag tatalo sa maliliit na bagay tulad ng baket mo naiwang kumukulo yung tubig kakapanood mo ng boxing. Okaya baket nabasa yung sinampay kasi di mo naramdamang umuulan. Bingi much?!

Papa Happy Fathers day nga pala ulet, napaka civil ng kamustahan natin nung sabado. Sensya na tinitipid ko yung phone bills ko tsaka ayoko masyadong ma-emo lately. Pero Papa alam mo na miss ko na kayo, pati yung pag uusap natin tuwing umuuwi ako. Na miss ko narin yung pag lalagay nyo ng bengay sa likod ko pag pagod ako sa byahe. Yung Pag lalagay nyo ng kanin sa hapag kainan tuwing uuwi ako ng late dahil alam nyong tamad me. Pwede naman hindi nyo na gawin yun kasi Padre de Pamilya nga kayo diba? Pero wala 'yun sa sayo. Feeling ko nga sa'yo ko yata namana yung pagiging humble, patience at pagiging mabait ko.

Papa hindi ako parati na kakapag thank You sayo, hindi ko nasasabi sa'yo 'to pero alam mong ikaw ang gusto kong tularan pag nag tayo na ko ng sarili kong pamilya. Parang bahay? Tinatayo? Kasi napa good provider nyo. Isa kang hamak na Sundalo, enlisted personel kung tawagin pero nagawa mong maibigay ang more than 100% mo para sa pamilya. Ni minsan hindi ko nakitang tinaasan or pinag-buhatan mo ng kamay si Mudrax, to think napa butangera at bungangera ni Mama.

Vivid sakin lahat ang special moments natin na talagang sinisilid ko sa memory ko. Fresh pa sakin lahat 'yun. Tulad ng una kong Crayons, ikaw bumili at inabot mo sakin, naka duty suite ka pa nga nun at may baril na dala.

Umupo ka sa tabi ko, sabi mo dapat dahan-dahan ang pag lagay ng colors hindi dapat lalampas sa lines. Sobrang na appreciate ko yun until now. Hindi ko rin makakalimutan yung time na kahit pagod ka sa cover ng duty mo pag dating mo ng sabado ng umaga isasakay mo ako sa likod mo tapos si Bunso sa harap ng mumurahing bisekleta mo pupunta tayo sa Park para mag laro. Paikot-ikot lang tayo sa Park, minsan hindi tayo nag i-ice cream kasi sabi mo wala pang sweldo. Pero okay lang yun talaga.

Sabi mo pangarap mong maging engineer ako, kaya kahit mabaon tayo sa utang eh dapat makatapos kame. Nakikita ko tuwing gabi na nag fill out ka ng loan forms para sa tuition fee namin, utang kaliwat kanan. Nakikita ko rin ang deductions at kung mag kano ang natitira sa pay slips mo. Naiiyak ako kasi hindi ko alam paano mag kakasya yun pero wala naman ako magawa. Pero, nakayanan natin tapos na me. Time ko na para maka ganti.

Ngayon na kikita ko ang manipis na buhok mo at puting buhok. Kahit malakas ka pa naluluha ako pag pinag mamasdan kita. Kahit sa pictures lang. HIndi ka kasi nag reklamo ni isang beses sa laki ng gastusin. Yung T-shirt mong favorite yun nalang parati ginagamit mo. Pag uwi ko bibili kita maraming tshirt. Gusto mo lacoste pa. Please naman pa check up na natin ung mata mo kasi feeling ko may katarata ka na. Matanda ka na kaya! Papa salamat kasi nung may sakit si Lolo ikaw nag aalaga kahit si tatay ni Mama yun. Pinulot mo ung tae na na hulog sa sahig eh dapat kaya si Mama pupulot kasi Tatay nya yun.

Naiiyak ako habang sinusulat ko to. Kasi na mimiss ko na kayo pati yung panonood natin ng laban ni PACMAN. Pa alagaan mo sarili mo para ma enjoy mo pa yung blessing satin ni Papa Jesus. Okay ako dito sa Singapore. Marunung na ko mag laba ng boxers. Masarap ang pag kain tsaka pumapayat na ko paunti-unti. Pag nag papadala ako ng pera papa bumuli ka ng maraming Sando na gusto mo. Palitan mo na yung luma ha. Papa miss ko na kayo ni Mama tsaka ni Bunso.

Papa proud na proud ako sayo lagi kitang pinag mamalaki kahit mahirap lang tayo. I mean hindi naman sobrang poor na poor pero kahit sapat lang ang mga bagay na meron tayo satisfied ako. Basa na yata yung sando ko sa luha wala namang saysay tong sinusulat ko.

Uhhhm paano ko ba to tatapusin. Pa alam mo yung pangarap mong maging Engineer ako eh natupad na! Mabuti talaga si Lord, basta lagi ka parin mag jogging para healthy parati. Promise pag uwi ko uubusin ko isang sweldo ko pag shopping ko kayo ni Mudrax.

Thanks Papa for being the bestest father for me...We may not talk like this way but actions speaks louder than words. I would just like to write how I feel today. I miss you Papa I'll see You soon...

Happy Fathers Day!!!!!

Love,
Jepoy

Thursday, June 16, 2011

Singlish 101 (better video)

This is in response to my promise to Reigun after creating a brit accent 101.

Dahil wala akong ma-ipost I created another videoblog. This will expire on 2 minutes LOL

No haters please..Pampakulet lang naman wag siryosohin...


Better video sound

Singlish 101 from jbla on Vimeo.

Sunday, June 5, 2011

Not the Biggest Loser

Sa aking attempt na mag-papayat dumarating sa point na nakaka-disappoint na talaga ang mga situations, kasi feeling ko wala namang nangyayari, pinapagod ko lang sarili ko sa mga kalokohang ito at pinahihirapan ko lang rin ang sarili kong wag kumain nang mga masusustansyang yummy food tulad ng lechong kawali at Cripy Pata. Madalas pag tanghaling tapat napapa-sandal nalang ako bigla sa wall habang dahan-dahang nag slide ang likod ko pababa at nakakapit ang isang kamay ko sa pader sabay luha sa kaliwang mata lang. Yung isang mata naman tuyo walang luwa.Arte lang!

Tapos kanina nag aayos ako ng files sa external hard drive ko kasi punong-puno na ng mga porn na bigay ni wickedmouth at wala na kong mapag-lagyan ng mga movies na magaganda tulad ng Oras-Oras araw-araw, Pick -Pak Boom, at Kapag puno na ang Salop. Kaya naman dinelete ko na ang lahat ng Porn kasi masama 'yun. Tapos habang nalulungkot ako kasi nagugutom me nakita ko ang picture ko sa kasal ng kaibigan ko kung saan nag emcee ako at kumanta sa reception. May diin sa pag kanta. LOL

Nagupload ako ng picture sa facebook ko tapos naisip ko lagay ko rin sa blog ko kasi nag linis kasi me ng fb friends, pero dahil close ko naman kayo, ang sipag nyo kayang mag comment. Sasampu lang! LOL Juk lang, syempre hindi basis ang number of comments sa pag blog ko. Mga 80% lang. Ang dami ko nanamang sinasabi! Heychet.

Ito na ang picture na nahalungkat me wag ka ma-excite.

Okay mataba parin me and I am not the biggest loser of all time. But I think I'm getting there...

Yung kuha nga pala sa right side, sa may elevator yan, naka buka bibig ko or commonly called naka-nganga dahil ako ang bumabangka sa loob ng elevator nung mga oras na yan tapos sukat ba namang pag bukas ng elevator may nag aabang palang papparatzi para picturan ang panauhing pandangal ng isang birthday party. Yes, you got it right. Ako ang panauhing pandanga.LOL

Medyo natuwa naman me ng slightly bongga kasi may effect naman pala konti ang pinag-gagagawa kong ka shitan sa life ko.

Ganito activies ko. Share ko lang kahit di ka naman interested. Blog mo ba to?!

Monday: 1 hr running after work (approximately 7KM running/walking based on Iphone application)
Tue: Rest
Wed: 2 hr swimming around 10 to 15 (Laps free Style, Breast Stroke)
Thur: 1 hr run approx 7km
Fri: Rest (TGIF)
Sat: Morning (3 hr swimming, forgot to count the number of laps), aftertoon Badminton (Approx 4hrs w/ rest open court)
Sun Morning (Church), early afternoon ( 2 hr swimming), late afternoon Badminton (2 to 3 hrs open court)

I promise to enroll to a Gym as soon as I get my desired weight. So far I'm still Obese. I believe soon I'm gonna be able to wear that stupid medium shirt. Nakaka frustrate kaya mag hanap parati ng double XL.

Total Weight Loss: 8 Kgs [lang! heyret]

Gahhhh I can't help but imagine my final pic with abs! Jowwwwwk!



Saturday, June 4, 2011

3 minute Blog

3 minute blog.

Kelangan makatapos ako ng isang entry na walang edit sa loob ng tatlong minuto dahil 3:57AM na haist, puyat again. Go!

Isa sa pinaka favorite trait ko sa sarili ko ay ang pagiging observant. Madaldal akong tao, 'sing daldal ko dito sa blog in person. Pero, sa kabila ng kadal-dalang ito nakaakibat ang pagiging observant ko sa mga taong nakakahalubilu ko. Mind you, may thin line and observant sa pagiging judgemental. Ayokong i-explain dahil hindi aabot sa 3 minute goal ang entry na ito. At inaantok narin pala ako.

Anyweis hi-ways, bilang isang observant perzen dito ko rin na ga-gauge kung karapat-dapat nga bang maging tropa ko ang mga taong nakakahalubilo ko, inshort na mimili talaga ako ng tinotropa, I'm sorry. Hindi ako bastos, na bigla nalamang mag walk-out kung hindi ko ka wavelength ang mga taong ito or hindi na mag papakita kahit kailan after ng isang masayang pagtitipon. When I say wavelength hindi lang intelectual capacity ang tinutukoy ko. Over all package na ito.

So sa pagiging observant ko ng trait ng mga taong nakakasalamuha ko meron akong mga points na kinoconsider kung cool ba sila at mag-jive ang aming mga personalites. Kung hindi pumasok sa mga qualites na ito, eh hindi naman nila ikamamatay malamang nga lang pipiliin kong maging civil lang sa kanila at hindi maging close. Very reserved person kasi ako. Kapag tropa kahit gripuhan ako hindi kita iiwan. Kaya kong ibigay at isacrifice ang kaya kong ibigay para sa tropa. Arte lang! Basta get's nyo ba? 2 minutes nalang kung malabo wag ka na mag basa maguguluhan ka lang lalo.

So ito yung ilan sa mga considerations.

1. Sensitive- Nararamdaman nya kung yung binitawan ba nyang joke eh offensive or not. Hindi naman madalas na careful sya pero somehow alam nya kung kelan sya mang rarat-rat ng tao at kelan hindi. Dito pumapasok ang ka-wavelength na term.

2. Sacrifice- Napaka essensial nito, maraming mga tao na ang gusto take lang ng take. Kahit first time ko palang ma meet ang isang tao somehow nalalaman ko kung meron sya nito. Base sa assesment ko. Hindi naman kailangan malaking sacrifice, yung mga simple lang. Fine! kaya kasama to kasi meron akong expectations sa Tao. Pero pag hindi naman ito na attain no big deal. Like duh sino ba naman ako sa buhay ng mga bagong salta na kakikilala palang ako.

So how ah?!

Simple lang, meet-up time and place, saan kakain, mahal ba or hindi kainan, tinatamad ba sya pero nag sacrifice sya na sumama. Get's mo?! Malabo talaga ako mag explain eh noh? Basta napaka halagang point nito.

3. Mabait- Well... understatement ito, pero try ko explain. Sa unang batuhan palang ng conversation nalalaman ko kung may kabaitan ang isang tao. Kasi mabait ako. Hindi ko tinataas ang bangko ko. Yan talaga feedback sakin ng mga kaibigan ko. Minsan nga sobrang mabait na daw ako at nakakairita na daw, ako na may "Halo". Pero hindi ko naman yun feel. Uhhhm, 1 minute more.

4. Funny- Lahat ng tao may comedian side. Kahit sabihin mong ikaw pinaka boring na tao sa mundo meron at meron ka nito. Yung funny na sinasabi ko na hindi maganda is when you show ur funny side and you think nakakatawa ka pero off naman sa majority. Ang gulo ko na-naman. Gan'to. May mga tao kasi na funny pero ma iniinsinuate na double meaning that they feel na tama ang feeling nila kaya okay lang na maging funny tapos insinuating another point na ganyan ka, ganto ka tapos feeling nila nagiging funny lang sila. Gulo parin? Well skip na natin. LOL

5.May Sense kausap pag Seryoso na Usapan- Mahilig ako sa quality conversation, if you sound stupid on a very serious topic, eliminated ka sa checklist ko. Juk! Lahat ng tao may say on every serious talk kahit gaano ka pa katahimik. Kahit isang phrase lang sinabi mo mafeel ko kung may sense kang tao o wala. Reminder lang, blog ko ito at lahat ng nasa list perception ko sya. Gusto ko lang isulat tapos ipresent sa inyo. Kung magulo sorry naman hindi ako kasi magaling mag sulat.

(may karugtong)

Sorry 3 minutes na...lagyan ko conclusion next time.

Gudnyt

Thursday, June 2, 2011

Update

Paano ka ba naman hindi mangingiming gawin ang lahat para pumayat ng kaunti kung ang mga circle of friends mo eh tulad nito.


Ang litratong nakikita nyo ay may pahintulot na ipost dito. Kala nyo ah! Sa sobrang kyot ni Jepoy tatanggi ba naman ang mga hot binibining tulad ni Has na isa sa aking malapit na true friend dito sa Singapore.

Well ektwele, lahat ng mga kaibigan ko e mga katulad ni Has hindi masyadong hot and sexy sa swimming pool. LOL ang puti everywhere right?! oh tama na titig baka matunaw.

Na pre-pressure tuloy akong mag-ka abs. Aheyret! LOL

Balak ko sanang idocument ang pag pa-papayat ko kaso baka maging epic fail uminom pa ko ng Clorox bigla.

Ektweley (umuulan ng actually) ang dami kong gustong ikwento hihihihi kaso ihhhhh na hiya me... (ang landi ng tawa, parang iniiscrub lang ang betlogs)

Walang masyadong nangyayari sa buhay ni Jepoy ngayon. Hindi na nga sya nakakapag-bloghop kaya umuunti narin ang commenters and visitors ng blog nya. Nakaka Sad lang ng 2%.

Pero magbibigay ako ng konting Summary:

1. Mukang nalalapit na ang pag punta ng Pluma ni Jepoy in Paris
2. Nabomba ako ng bossing ko ng bonggang-bigtime sa email. Natakot me baka bigla akong hindi iregular. Paano na ang kaban ng cash?! Paano na ang mga scholars ko?! Paano ang mga lupain at sakahan sa probinsya?! Paano na ang kinabukasan ng mga anak ko. Arte lang.
3. Marunong na me mag tipid. Yay!
4. Hindi ako nag paparamdam sa Pamilya ko sa Pinas. Feeling kasi nila ATM machine me. Pero tatawag na ko sa weekend para kamustahin si Mudrax baka mag tampo.
5. Magaling na me mag luto ng Sinigang on my OWN. I Effin' loveeeeet! Pag higop mo palang ng sabaw mapapa split ka at mapapa sigaw ng awww habang nag cartwheel.
6. Medyo dedicated naman me mag excercise at kumain ng tama tulad ng tuna sandwich sa Subway :-D
7. Mag au-audition ako sa music ministry ng Church naman para kantahan si Papa Jesus. Kaso natakot me kasi hindi ko alam yung audition song. Kaya iniisip ko pa ng slightly bongga.
8. Hindi parin ako sanay sa mga amoy sa mrt tulad ng amoy putok, panis na laway, amoy hininga ng pusa, amoy poso negro, at amoy kabinet na nilagyan ng tae.
9. iihhhhh ayoko ishare may nakakaalam na kasi ng blog ko na kilala me. Hindi tulad dati si Glentot lang nakakaalam (Ang landi lang)
10. Medyo maputi na kilikili me.

Promise next time, I'll try my best to make sense a lil' bit. Gusto ko lang mag update ng blog eh. LOL

I miss you all *Smack* konti nalang 100K na hits natin!