Thursday, February 17, 2011

Phone Call

Ayoko na sa Singapore!!! Arte lang.

Kanina tumawag ako kila Mudrax at Pudrax, nag init ulo ko. Nalolongkot kasi ako kelangan ko ng comfort at words of encouragement kasi na-home-home sick me tapos ang bungad sakin ni Mudrax ganito.

"Anak nakakita na kame ni Papa mo ng lupa, nag pa reserve na ko. Mag do-down ka nalang tapos babayad monthly depende kung ilan taon mo gustong bayaran. Kamusta ka na nga pala dyan?"

Pag karinig ko nang sinabi ni Mudrax parang bigla 'kong gustong lunukin yung laptop ko tsaka speakers. Nakakalungkot lang ba na ganun kagad 'yung bungad ni Mudrax. Haist!

Si Mama Josie 'yung bunsong kapatid ni Mudrax na nag alaga sakin, sya 'yung nangumusta ng kalagayan ko. Naiyak tuloy me ng konti, mga kalahating baso lang.

Hindi naman ako nag tatampo kay Mudrax ganun talaga kasi 'yun, kaya okay lang. Pero, pag OFW ka pala medyo sensitive ka pag puro pera nalang ang bukang bibig ng mga mahal mo sa buhay sa Pilipinas. Excuse me?! Tumatae ba me ng pera?! Hindi pa nga ko sumusweldo. Kaya ang sabi ko Kay Mudrax.

"Mom, im so poor here like that. Hindi ko maalisl ang skidmarks ng boxers kong white. HIndi malinis ang laba sa washing machine. Hindi ako marunung mamalancha.Gusto ko handwash. Hirap na Hirap na me. Gusto ko na umuwi ng Pilipinas. Suko na me"

"Anak konting tiis lang bili ka muna ng lupa at bahay bago ka umuwi"

"Maaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!"

"Jowk lang, di ka na mabiro. Miss na miss ka na namin ni Papa mo anak. Wala ng umuubos ng bahaw sa gabi. Tsaka yung kwarto mo hindi na magulo parati na malinis nakakapanibago. Anak mag iingat ka dyan parati tandaan mo pag nahirapan ka na umuwi ka na, hindi mo naman kailangan gawin yan"

"Ma kumuha na kayo ni Papa ng passport para naman maka sakay kayo ng Aeroplane para hindi lagi nalang ka-majong mo yung kausap mo dyan. Madami akong mabubuting kaibigan dito, papakilala ko kayo ni Pudrax, tsaka pag luto mo sila ng Sinigang"

"Sige anak pag nang ka time kukuha kame ng Passport... Sige pag luluto ko kayo dyan, excited na me"

"Pag nag ka time?!!! Oncall ka ba 'Ma at parati kang busy? Sekretarya ka ni Nonoy?! Basta kumuha na kayo ng passport ni Papa sa lalong madaling panahon"

"Anak, kelan ka mag papadala ng pera, wala na kasing laman yung tindahan natin tsaka si Tita Judy mo namatay pala"

***Speechless***

"Ma uuwi ako ng Pilipinas..."

***Line disconnected***

30 comments:

  1. LOL! Me binebenta din akong lupa sa Batangas. Ikaw na lang bumili. Kapag binili mo, uuwi na ko ng Pinas. Hahaha. :)

    ReplyDelete
  2. hhahaha..roflololol... ur mudrax is so cooL..haha

    ReplyDelete
  3. lol. wala lang. natawa lang ako.

    kelan next na gimik?

    ReplyDelete
  4. alam ko na kanino ka nagmana. bwahehehe.

    ReplyDelete
  5. condolence sa tita mo.

    grabe, nagpapantig din tenga ko pag usapang kaperahan lang sinasabi ng perents ko. ehehe. Akala nila banko ang isang tao.

    ReplyDelete
  6. ganun tlga pressure sa mga OFW...kaya masanay ka na haha!

    hello jepoy! :)

    ReplyDelete
  7. gusto kong maging frend si mader mo.ahahahhaa..
    sobrang homesick na ba?masama yan....nagiging abrupt ang decisions mo pag homesick ka..oo di ko mawari bakit nailagay ko ang salitang abrupt..ching!!
    ganyn naman tlaga pag abroad...ang notion ng pinoy is mayaman...:)

    ReplyDelete
  8. baka gusto ng lupa dito sa tagaytay, kaw na ang bumuli heheheh na ako naman ang makasakay ng airplane..

    ingats jan sir..

    ReplyDelete
  9. bilhin mo na agad ang lupa para di ka kulitin ni mudrax mo. Hehe

    ReplyDelete
  10. Hongkolet ng usapan nyong mag ina. At ang bahaw! Bwahahaha. Antigas tigas kaya nun bat kinakain mo. Haha.

    Condolence sa tita mo pala.

    ReplyDelete
  11. kaya ako hirap na hirap manghingi sa magulang ko kase ganun na nga..ayaw nila ng usapang pera.... kaya ayun..hindi rin ako nanghihingi ng pera kapag kausap sila..

    anyhoo... ganoon pa rin naman.. kase mga kuya ko nanghihingi din araw araw..

    condolence sa tita mo.

    ReplyDelete
  12. Feeling ni mama mo mayaman ka na agad Jepoy! Eh mayaman ka naman talaga! Hehe!

    I miss sinigang too! Hindi yun sinigang mix na gamit, yun sampalok talaga. Waaaaaaaaaah.

    :C

    ReplyDelete
  13. Pambihira naman, kagigising ko lang at yong blog mo ang unang binuksan ko dahil may update. tumawa ako ng tumawa parang wala sa sarili. YOu made my day jepoy.Nakakatuwa naman magbiro ang mudrax mo. ang sweet.

    ReplyDelete
  14. LOL. Mga nanay nga naman talaga o.. :D

    ReplyDelete
  15. haay...kala kasi nila pinupulot lang ang pera...hirap kaya...sisigawan ka pa ng amo mong amou imburnal ang hininga...mahihmatay ka talaga

    ReplyDelete
  16. tawa ako ng tawa sa convo nyo ni mudrax mo..

    winnuurrrrr....

    ingats po kayo sa singapore.. :)

    ReplyDelete
  17. ngayon alam na namin kung saan ka nagmana kuya..ang cool ng mom mo..hehehe ingat ka lagi dyan..labanan na lang ang pagkahomesick!=)

    ReplyDelete
  18. hey- umpisa pa lang yan, jepoy. madami pa susunod na tawag ukol sa pera. hehehe.

    nahomesick ka na?labas tayo para di ka na sad. heheh

    ReplyDelete
  19. natawa ako sa ..wala ng umuubos ng bahaw ... ahw.haha.

    and...condolence bro

    ReplyDelete
  20. wahahaha.. galing ni Mudrax mag seg-way (yun bang spelling nun). champion!

    ReplyDelete
  21. mas naging emo tuloy ako sa entry na ito.. oist.. kelangan nyo akong kitain.. :(

    ReplyDelete
  22. @Ate Che yaya ka ng yaya pag natawag naman ako hindi ka pwede, LOL

    @ROse kita tayo sa sweldo ahaha Musta na you?

    TO Everyone: Thank you so much guys (englishing?!) I really appreciate all your comments! ALabya

    ReplyDelete
  23. Natawa ako sa pagkakakwento mo.. pero nakaka-touch naman sa bandang huli nung sinabi ng nanay mo na hindi mo naman kailangan gawin yan.. pag nahihirapan ka na.. Naalala ko rin ang nanay ko, sila naman ang nasa abroad.. nakaka-miss ang mga luto ng nanay!.. :)

    ReplyDelete
  24. tumatae ng pera?
    basta hindi barya..hehe

    di nga? uuwi ka? parang manila-pampanga lang? ahihihi

    Yamaaaaaan!

    ReplyDelete
  25. Bossing, actually napapaisip akong diyan na lang magtrabaho. Pero baka hindi ko kayanin ang homesickness kaya bakasyon na lang.
    actually, sa amin ganyan din ang conversation namin ng feyrents ko. Akala nila ang yaman-yaman ko na. Samantalang sila itong nasa abroad. Sukat ba naman sa akin ipasagot ang pang-tuition ng kapatid ko?! Kapal lang the fez hehe.
    Konting tiis pa bossing at masasanay ka rin. try mo na ring masanay sa amoy ng mgaa tao diyan bwahahaha

    ReplyDelete
  26. gusto kong makisimpatiya sa'yo, jepoy. pramis! pero kasi, hindi ko talaga mapigilang tumawa sa usapan niyo ng mudrax mo. ibang klase ang banat. bwahahahaha!

    isa pa nga...

    bwahahahahaha!

    pero jepoy, naiintinidhan kita.

    last na talaga: bwahahahahaha!

    ReplyDelete
  27. ahahahahaha! bili na ng lupa..now na!! kayang kaya yan,hihihihi

    kailan punta mo ng Paris??

    ReplyDelete
  28. Post-It Queen3/1/11, 5:16 PM

    Benta ka.

    ReplyDelete
  29. ansarap sa sg, andali lang umuwi sa ph no!

    ReplyDelete