Saturday, February 5, 2011

Bloggers EyeBall--Singapore Reload

Sobrang dami kong kwento na gustong-gusto kong ishare sa inyong lahat, kaso puro naman kayo skip reader kaya ayoko na mag kwento. Tse! Juk

Tutulungan ko lang muna si Gasul mag promote para naman madami sumama! I am inviting all bloggers na nakakabasa nito na nasa SG, kahit blog readers lang pwede na basta mag dala kayo ng 20 Dollars ha! Juk! Syempre kung hindi blogger at blog readers ano pag uusapan natin??!!! Except nalang kung maganda ka ibang usapan na yun. Join na you!

Hindi ko alam kung sino-sino a-attend baka ang ending apat lang kame, pero dahil may promotion na sa blog ko baka dumami na lalo, madaming-madami mga isang libo, sikat na sikat kaya me. Chos!

Siryoso...

Sama kayo sa bloggers EB sa Tuesday, February 8 year of the Lord. Basahin nyo 'tong promo ni Gasul ang landi-landi lang ng dulo, skip read nyo nalang yun. Andun yung Cellfon number nya, txt nyo nalang sya. Bibigay ko sana Cell number me kaso im so anonaymous and unfriendly like that.

So Please sama na kayo pati ung nag cocomment sakin na nasa Singapore din, I would love to meet you all. Dala narin kayo extra cash treat nyo me, wala pa ko sweldo eh. LOL Pulubi much?!

Don't make me drop name here *may pag babanta?!* Nga pala after office hours 'yun txt nyo nalang si Gasul sa location. Yung mga nasa pinas invited din kayo, mag book na kayo ng flight kung walang pang book, mahirap you hindi ka invited! Juk ulet. Basta invited lahat sabi nga sa kasabihan habang maikli ang kumot matutung mamaluktot *Kunek?!*

Kthanksbye and see you soon. Wag nyo kong lalaitin ha mataba me panget masama ugali at maraming pimples as in parang pimples na tinubuan ng muka. GO! Seeya!

This is me

Scary fuck right?! bwahihihi

Bye!

20 comments:

  1. Kitakits!

    By the way, ang cute mo sa photo. Hihi!

    ReplyDelete
  2. baka walang sumama sa eyeball kasi masyadong creepy yung picture na nilagay mo. bwahahahahaha!!

    ReplyDelete
  3. Inggit me! Isa ka pang nang-inggit. Makapag-book na nga ng flight papunta dyan. Now na!

    ReplyDelete
  4. Inggit me! Isa ka pang nang-inggit. Makapag-book na nga ng flight papunta dyan. Now na!

    ReplyDelete
  5. ako rin inggit.... ang nice nun noh... bloggers EB... hehehehe

    ReplyDelete
  6. Uyyyy! International based na ang EB ng bloggers. Level up!

    ReplyDelete
  7. bonggang EB yan! Fever! Hahaha.. balitaan mo na lang kame..at cute kaya mataba hahha lol.

    ReplyDelete
  8. Sa March pa ang punta ko diyan because I have responsibilities ie work shit and stuff. I would most probably be alone when I get theree so wala sanang maintimidate sa kasikatan ko coz I'm not suplado at all! Chosss, omaygass!

    ReplyDelete
  9. level up sa EB... singapore na. Hehe


    musta jepoy?

    ReplyDelete
  10. Cge punta ako jan sunduin mo me ha! LOL...hindi kami pwedeng mga mahihirap na bloggers sa EB na yan...kawawa namn kmi (paawa effect? haha)

    Sana yung nang invite ilibre nya kmi ng airfare hahaha...joke!

    Glad to hear your doing great in SG...Ingat!

    ReplyDelete
  11. tiyak dadami na aattend kasi todo na ang promotion. Kumbaga sa sine, namahagi na kayo ng poster at nag mall tour pa. :D

    ReplyDelete
  12. Sama mo ako, Jepoy. Ikaw naman ang mayaman e, libre mo na ako ng plane ticket. Ahihihihih... :D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  13. Maka punta nga diyan sa
    Singapore ngayon na para ma ke eye ball. isang talon ka lang from Abu Dhabi. Kita kits na lang sa panaginip.

    ReplyDelete
  14. Ang susyal naman ng EB. See you there na lang. Haha. Juk lang. Dukha me.

    ReplyDelete
  15. hontaray ng EB sa SG. kayo na ang shaley. at ang picture, hindi matatawaran. sarap kagatin. rawr!

    ReplyDelete
  16. Attend sana ako sa EB nyo kaya lang wala akong pamasahe papunta dyan. Ba't kasi ang layo ng place of work ko.

    ReplyDelete
  17. nagpabook na ako pare.. pare? feeling fc..

    rammamadra.blogspot.com

    ReplyDelete
  18. Natawa ako ng bonggang bongga sa anonymous and unfriendly like that. Hahahaha.

    Enjoy sa EB. :)

    ReplyDelete
  19. madami nang aattend nyan sobra na sa promotion eh hehehe

    bigotilyo sa pic?hehehe picture greeting ko kuya!=)

    ReplyDelete
  20. Sayang di ako nakasama. May susunod pa naman diba? Haha.

    ReplyDelete