Saturday, February 19, 2011

Friday

Hindi parin ako maka move on sa pag ka-bwesit ko sa sarili ko last night.

Ganto kasi ang kwento. Kuha ka muna ng pocorn tsaka coke kasi hanggang Chapter 3o ang kwento ko today. Juk!

Noong unang panahon ipinanganak ang napaka-cute na baby boy na pinangalanan nilang Jepoy. Destined pala syang iligtas ang sangkatauhan in a planet called Earth. Finish. Juk lang ulet! Eto na toto na 'to.

Friday, masaya ang friday sa Singapore kasi ito 'yung araw na ni-look forward talaga naming mga hardworking OFW (Oo felt na felt ko na OFW na me). Meron akong series of lakad DAPAT kahapon. After office, inuna ko ang Bible Study (walang basagan ng trip nag e-enjoy ako eh, kebs) So after ng bible study at bonding susunod naman ang dinner at inuman to meet new friends. Nag decide akong umuwi muna kasi malapit lang naman yung pinag dausan ng Bible Study sa Tinutuluyan ko.

Gaya ng nakagawian pag pasok sa kwarto sa bahay. Sindi ng Aircon. Palit ng Damit pambahay at Ilagay sa laundry bin 'yung pinag bihisan. Binaba ko 'yung office laptop ko, hassle kasi lagi ko nalang dala at least ngayon maiiwan ko muna sya sa bahay bago mag lamierda.

Okay, On ko muna sandali yung laptop tapos mag sho-shower muna me para fresh sa Late dinner, syempre I'm gonna be meeting new sets of friends, so I think I should be so Mabango and gwapo kahit majubis. Alanganaman mataba na nga mabaho ba. Kadirey!

So yun nga, kinuha ko yung pinag bihisan ko pati 'yung mga slacks na naisuut ko nitong linggo na 'to. Pag labas ko ng kwarto sinara ko ang pinto para hindi sayang yung lalabas na lamig. Babalik na sana ako ng room para kunin yung towel ko dahil ready na 'ko mag shower para makaalis na, lagi nalang kasi akong late sa mga lakad, nahihiya na me. Pag-hawak ko sa door knob sarado ito. Nampotah! Na-locked ko pala sya. Putangina much!

Nag pulpitate ako ng slight. Gusto kong sumigaw ng, "THIZ EZ NOT HAPPENING TO MEEEY. KILL ME NOW". Arte lang. gusto ko sanang magbasag ng flower vase at chandalier kaso wala pala kame nun sa bahay kaya hindi nalang.

Tinanong ko yung house mate ko kung may duplicate key sya ng mga kwarto. Sabi nya wala daw. Naloko na. Nasa loob ng kwarto ang lahat ng gamit ko cell, laptop, pera, susi.

I'm sure marami na ko txt at missed calls. Isa nalang ang hope ko para makapasok ng kwarto, yung room mate /Aliping Saguiguilid ko! Pero, Hindi ko naman sya matawagan kasi nasa loob 'yung Cell phone ko . Nahiya naman akong makitawag dun sa Housemate ko.

Ayown, sa awa ni Lord naka dating 'yung room mate ko ng Alas 3 ng madaling araw.

Nakatulog ako sa Sofa ng naka buka ang bibig habang dumadaloy ang mainit na laway ko papuntang pisngi. Na sad me. Kung makikita nyo me maawa kayo, muka akong malungkot.Nagugutum. Walang makain. Walang nag mamahal. Nagiisa. Walang kaibigan. Arte lang.

**Finish**

Maraming salamat sa pag babasa nyo at pag kokoment pati 'yung hindi nag ko-koment, sige na nga, thank you narin. Gusto ko na sanang hindi na i-maintain ang pag blog kasi hindi ko na naju-justify ang pag susulat parati. Pero sabi nga nila once a blogger always a blogger. Ako naman ang masasabi ko lang gaya ng sabi ng mga kasabihan natin, "Fly high and hit the mark" Kunek?! Salamat sa 320 followers kahit 10 lang naman nag babasa talaga ahahha.


Happy Weekend People! GOd Bless!

27 comments:

  1. "Nakatulog ako sa Sofa ng naka buka ang bibig habang dumadaloy ang mainit na laway ko papuntang pisngi. Na sad me. Kung makikita nyo me maawa kayo, muka akong malungkot.Nagugutum. Walang makain. Walang nag mamahal. Nagiisa. Walang kaibigan. Arte lang."

    naloka ako dito kung akin iimagine... hehehehe....

    nice post. kakatuwa talaga mga post nyo po.. hangkolet lang lol...

    geh po.. ingats po keyow sa singapowwzzz :j

    nakikicomment lang phow.. :j

    ReplyDelete
  2. @egG

    Thanks for the comment, I appreciate it much (seryoso?!) Salamat sa pagtangkilik powz. Ingats

    ReplyDelete
  3. aw, nasayang at naudlot ang lakad nio sir jepoy. Oks lang yan, minsan may ganyang bagay na nangyayari sa life.

    Di naman requirements na daily ka magwento sir, basta kung may time ka, update mo kami :D tc

    ReplyDelete
  4. potah yung scene sa sofa...i cant even imagine it..lason sa utak.ahahaha.

    ReplyDelete
  5. awwww... wawa naman you. papayat ka sa kunsumisyon, pag dumapo langaw at least may food ka :P

    ReplyDelete
  6. isa ako sa 10 ngbabasa... hahaha.. sana wag tamarin mgkwento kasi may nagbabasa talaga, gaya ko, laging bored lalo pag walang ngyayang mag.inom,lols.. kaya alternative ko ung bloghopping.. hahaha..lololololol

    ReplyDelete
  7. nyahahha... masarap basahin kase mga pinagsasabi mo kasey.. kasey... nakakatawa! hahahaah :) pero kawawa ka naman at hindi ka na nakapunta sa dinner mo.. wawa ka naman.... nangayayat ka siguro ng slight

    ReplyDelete
  8. "Nakatulog ako sa Sofa ng naka buka ang bibig habang dumadaloy ang mainit na laway ko papuntang pisngi. Na sad me. Kung makikita nyo me maawa kayo, muka akong malungkot.Nagugutum. Walang makain. Walang nag mamahal. Nagiisa. Walang kaibigan. Arte lang."

    natawa naman ako dito hehe. dapat ser pinagmumura mo yung door knob.. nalock na pala sya di nagsasalita.. hehe

    ituloy mo lang ser ang pagblog.. marami parin kaming sumusubaybay sa blog mo..:)

    ReplyDelete
  9. Isa ako sa 10 na nagbabasa ng blog mo, Jepoy, sa araw-araw na ginawa ng Diyos. At, LOL, na-feel ko ang awa effect mo kahit sa blog mo lang, ikaw na ang effective writer! :D

    ReplyDelete
  10. moral lesson of this post: huwag matulog ng nakanganga para di tumulo ang laway :)

    happy weekend :D

    ReplyDelete
  11. ako din dati na lockan ng room kaya ngayon ndi na ko naglalock! napagastos ako ng 40sgd. yaman ng mga uncle na yun ang hanapbuhay! marami kasing engots na ofw (gaya natin) na once in their ofw life eh nalolock ang pinto ng room nila na naiwan ang susi sa loob ng room. hehehehe.
    anyway, kasama din ako sa nagbabasa ng blog mo! :p ndi nga lang madalas magcomment. sensya na! dami mo na kasing fans ndi na kelangan ng comment ko hehehe

    ReplyDelete
  12. . . . clarify ko lang, sir: hindi ka nagpalit ng brip last night?

    ReplyDelete
  13. ahaha... kamalas naman... kung nahihiya ka na kasi late ka lasa mga lakad mo, ano pa ngayon na hindi ka nakapunta? ahahaha... haaayyy... dumadating talaga ganyang pangyayari sa ating life life.... ^^

    ReplyDelete
  14. dahil sa nangyari sayo...

    kakantahan kita ng firework. with action and with feelings. hahaha!

    next time maglalagay ka ng duplicate key sa ilalim ng welcome rag sa pintuan. ganon napapanood ko sa tv. sa spongebob

    ReplyDelete
  15. arte! joke hahaha.
    bakit kasi iniiwan ang susi. Buti na lang hindi ka nalockout ng nakatowel lang, =p

    ReplyDelete
  16. so nalock ka rin katulad ni john lloyd and shaina? kaya pala there is a resemblance hehe

    ReplyDelete
  17. hindi yun ang totoong rason..nilock mo talaga yung sarili mo sa labas kasi nitatamad ka ng umalis ng bahay,hihihihi!

    putsa yan ang pinakakainis..parang gusto mong iuntog ulo mo sa katangahan,hihihihi

    ReplyDelete
  18. OMG Jeppy, I sooo miss reading your works hahaha! Hindi ko talaga napipigilan ang humagalpak sa tawa kahit pinatitinginan ako nitong kyut na kyut na briton sa tabi ko ngayon!!! hahaha!!! AMISHU JEPPY!!! OFW ka na pala pakshet ka!! Welcome to the family!!!

    ReplyDelete
  19. Nakakatuwa pa rin ang kwento mo kahit n alam kong sad n sad ka dat day. Enjoy na lang sa susunod n mga Friday. And wag nang mgging makakalimutan ha... bow.

    ReplyDelete
  20. ngayon ko lang nalaman na ikaw pala si jeffrey buendia na nagsend ng sulat sa damuhan. heheheheheh

    ReplyDelete
  21. na lock na rin ako sa loob ng bahay ( ng room mate ko, pagkatapos ko sya ipagluto ng almusal!), at dahil dito ay di ako naka-attend ng isang partey...

    bawi ka ng lang next friday =)

    ReplyDelete
  22. madalas mangyari sa akin yan tanga much. kaya sa bintana ako dumadaan. buti na lang pwede ladder lang ang katapat.

    ReplyDelete
  23. hhaha!wawa ka naman...ok lang yan maraming pang araw! naiimagine ko yung pagtulog mo ha,parang eewww lang!

    ReplyDelete
  24. pwede ka sanang dumaan sa bintana. kaso lang di ka kakasya. wahahaha! joke lang kuya jeps. :DDDDDD

    ReplyDelete
  25. aawww...wawa naman si beybi jeps.hahahaha!itali na sa leeg ang linsyak na susi...hehehe!

    ReplyDelete
  26. bakit natawa naman ako dito. pag naaapi ka, natutuwa ako. loljoke. cyberhug na lang kuya jepoy. next time kasi uminom na ng memoplus ano po?

    yung ginawa ko kasi dati naiwan ko susi, napilitan akong sirain ang pintuan. hakhak!

    ReplyDelete
  27. Boss, Jepoy! Confirmed, mag-isa lang akong pupunta ng Singapore! Contact me if you're free on March 26 to 30. Okeypayn, manlilibre ako!
    Okeey, ilang beses na rin akong na-lockout sa sarili kong bahay. Kaya naman, may spare key ako palage. If all else fails, may acquired talent ako: Lockpicking! Yes, kaya kong pumasok sa bahay gamit ang mga anik-anik sa wallet ko! Pero sa mabuti ko lang ginagamit ito opkors!

    ReplyDelete