Monday, February 28, 2011

One of My SG weekend

Okay late ang post na ito, kasi naman ang tagal mag upload ng video sa vimeo kaya tinamad na akong gumawa ng entry ko nung weekend. Malalaman nyo kung ano yung video na tinutukoy ko, wak ka excited masyado! Basa lang, sana lang pag tapos kong ipost ang video eh makalabas pa ako ng bahay ng buhay LOL

Araw ng Sabado.

First time ko mag papadala ng Pera kay Mudrax sa lupang hinirang. Matitikman na nila ang unang bunga nang pag papagal ko sa abroad. Ektweli, yung pinadala kong pera pambayad ng utang ko, kaya dapat kailangang galingan pa ang pag giling para kumita. Juk! Ang hirap kayang mag tinda ng tissue sa ilalim ng MRT. Haist!

Mag papakain sana kame ni feeblemind kaso busy lahat kaya cancel nalang. Niyaya ko nalang ang mga kaibigang blogger na kumain sa Luck Plaza ng Pinoy food. Like, Krispy Pata. I know, pwede na me ma stroke. Late na kameng nag kita-kita, wala namang original na plano kaya steady lang kame.

Sa loob ng Lucky Plaza (kuta ng mga Pinoy) marami kang ma oobserbahan. Nandito ang mga ati at mga koya may computer shop sa loob ng lucky plaza. Marami rin mga Anapskie na umaaligid sa mga Pinay. Baka makabingwit daw ang mga amoy kilikili ng Pinay. As in nag kalat sila. Teka nga, hindi naman review ng Lucky plaza 'tong entry ko.

So 'yun after naming mananghaliaan ng Pinoy foods (ALAVETZ!!!) nag lakad na kame kung saan-saan. as in lakad na parang wala nang bukas. Pota ang layo. Feeling ko mag hihiwalay na ang mga kuku ko at sasapalin ako ng back and fourth. Sakit!

Hanggang sa napadpad kame sa isang IT mall. Syempre mga miron lang naman kame at walang pambili ng gadgets kaya ang ginawa namin ay nilaro namin ito ng bongga, mga 4 hours siguro kame doon. LOL Mahirap much?! at ito ang ilan sa mga kaganapan sa loop ng mall (featureing Jojo lakwatsero and Bulakbol.sg)





Sana mapatawad nila ako sa pag post ko ng video ahahhaha. Si Jojo na at si Bulakbul ang tunay na dancer! Sila na! LOL

Pero ang tunay na exciting sa araw ng sabado eh nung may lumapit sa aking Chick na nagngangalang Claudine. hihihi

Si Claudine ay Taga probinsya ng Cabanatuan. Nag tour sa Singapore kasama si Nanay at ang utol nya. Dahil likas kameng Gentlemen at likas na maginoo (Pareho lang ba yun?!). Tinour namin sila. Nag lakad kameng muli ng parang wala ng bukas.

Mga bandang hapon yun nung may lumapit na babae sakin kasi ang cute-cute ko daw. Nag tatanong kung saan ang daan papuntang Merlion eh sakto hindi ko alam yung daan. LOL tinawag ko si Bulakbul at si Jojo na kasulukayang nauuna sa pag lalakad. Tapos...

Tinatamad na ko mag kwento ang haba na. Next time nalang.

Salamat sa pag babasa! *SMACK*


19 comments:

  1. talagang kaspell ng krispy kreme and krispy pata?

    takte ka Jepoy... mukha akong tanga dito!

    ReplyDelete
  2. sige lang.... porket nakalibre kami ng crispy pata at kape ginaganyan mo na kami.

    Shet crush ko na sarili ko!

    ReplyDelete
  3. nyahahahaha dancer si Jojo... lol... hahahaha

    ReplyDelete
  4. @Bulakbulero

    Spell checker?!!!

    @Lakwatsero

    I'm sure sisikat ka na! Tingin ko lang! Ikaw na dancer!!!

    @Kamila

    Hi there, uu dancer si Jojo meron pa syang lady gaga dance move LOL

    ReplyDelete
  5. ay. igiling mo pa koya!

    http://akosicinderella.wordpress.com

    ReplyDelete
  6. blocked ang vid sa opis. cant watch. huhuhu.

    Ano po ang mga anapskie? mga amerikano po ba to?

    ReplyDelete
  7. bat wala ka doon Jepoy. Hanip ang mga trip.

    ReplyDelete
  8. Kung itinitigil mo sana ang pagsasalsal at magpost nang matino! Paano na ang structure ng blog mo! Mahiya ka naman sa aming mga fans mo!

    Naks sumweldo na! Back to normal ang lifestyle meaning magtatapon na naman ng kaperahan left to right!

    ReplyDelete
  9. oi... salamat pala sa pagfollow ng walang kataotao kong blog... heheheh... sana naman ilink mo rin ako para magkatraffic... hehehe... totally loved ur posts... tawa ako masyado... galing pre... keep it up.. :)

    ReplyDelete
  10. ayaaan, diyan mo ako dalhin... bibili me ng iPhone and iPad.. it's me already.. wag mo lang akong kunan ng video baka maeskandalo tayo.. lam mo naman ang code ng celebs hehe

    email kita kapag na-finalize na ang itenerary ng trip ko..

    ReplyDelete
  11. sushalen!!!!
    sana may pakain ulit pagpunta ko jan! woot!

    ReplyDelete
  12. ang kyut ni bulakbulero... lolz..

    at ang galing sumayaw ng asereje nung isang nakacap...

    hongsoyo nomon....

    ---

    more more more pa po joke!!!!


    nice entry... nagcomment lang phowzzz...

    ReplyDelete
  13. Naks! Marami ka na namang moolah, Jepoy! Kung bibili ka ng gaming console, mas maganda iyong Wii kaysa sa Kinect. LOL. Duguan sa pagcontrol ang Kinect e.

    ReplyDelete
  14. puro pagkain. LOL kala ko naman nagpapakabuti ka diyan. ahihihi. ang ganda nga naman ng structure nito.

    ReplyDelete
  15. keep it up!

    hehehe hayy nako jepoy pag punta ko dyan tour nyo ako sa geylang para magkasakit LOL

    ReplyDelete
  16. bkit ganun? bitin ang kwento.. ang tgal kong nagantay ng new post mo tapos bitin pa.. hehe.. love your blogs po.. keep on writing..

    ReplyDelete
  17. mukhang enjoy na enjoy ka na sa SG, parang ayaw mo ng umuwi sa pinas ah. haha ;p

    ReplyDelete
  18. Hanggaleng naman sumayaw ni jojo!!! O cge pati na nga si dyowel!!! Bili ka ng kinect jeps! :)

    - jake

    ReplyDelete