Monday, February 28, 2011

One of My SG weekend

Okay late ang post na ito, kasi naman ang tagal mag upload ng video sa vimeo kaya tinamad na akong gumawa ng entry ko nung weekend. Malalaman nyo kung ano yung video na tinutukoy ko, wak ka excited masyado! Basa lang, sana lang pag tapos kong ipost ang video eh makalabas pa ako ng bahay ng buhay LOL

Araw ng Sabado.

First time ko mag papadala ng Pera kay Mudrax sa lupang hinirang. Matitikman na nila ang unang bunga nang pag papagal ko sa abroad. Ektweli, yung pinadala kong pera pambayad ng utang ko, kaya dapat kailangang galingan pa ang pag giling para kumita. Juk! Ang hirap kayang mag tinda ng tissue sa ilalim ng MRT. Haist!

Mag papakain sana kame ni feeblemind kaso busy lahat kaya cancel nalang. Niyaya ko nalang ang mga kaibigang blogger na kumain sa Luck Plaza ng Pinoy food. Like, Krispy Pata. I know, pwede na me ma stroke. Late na kameng nag kita-kita, wala namang original na plano kaya steady lang kame.

Sa loob ng Lucky Plaza (kuta ng mga Pinoy) marami kang ma oobserbahan. Nandito ang mga ati at mga koya may computer shop sa loob ng lucky plaza. Marami rin mga Anapskie na umaaligid sa mga Pinay. Baka makabingwit daw ang mga amoy kilikili ng Pinay. As in nag kalat sila. Teka nga, hindi naman review ng Lucky plaza 'tong entry ko.

So 'yun after naming mananghaliaan ng Pinoy foods (ALAVETZ!!!) nag lakad na kame kung saan-saan. as in lakad na parang wala nang bukas. Pota ang layo. Feeling ko mag hihiwalay na ang mga kuku ko at sasapalin ako ng back and fourth. Sakit!

Hanggang sa napadpad kame sa isang IT mall. Syempre mga miron lang naman kame at walang pambili ng gadgets kaya ang ginawa namin ay nilaro namin ito ng bongga, mga 4 hours siguro kame doon. LOL Mahirap much?! at ito ang ilan sa mga kaganapan sa loop ng mall (featureing Jojo lakwatsero and Bulakbol.sg)





Sana mapatawad nila ako sa pag post ko ng video ahahhaha. Si Jojo na at si Bulakbul ang tunay na dancer! Sila na! LOL

Pero ang tunay na exciting sa araw ng sabado eh nung may lumapit sa aking Chick na nagngangalang Claudine. hihihi

Si Claudine ay Taga probinsya ng Cabanatuan. Nag tour sa Singapore kasama si Nanay at ang utol nya. Dahil likas kameng Gentlemen at likas na maginoo (Pareho lang ba yun?!). Tinour namin sila. Nag lakad kameng muli ng parang wala ng bukas.

Mga bandang hapon yun nung may lumapit na babae sakin kasi ang cute-cute ko daw. Nag tatanong kung saan ang daan papuntang Merlion eh sakto hindi ko alam yung daan. LOL tinawag ko si Bulakbul at si Jojo na kasulukayang nauuna sa pag lalakad. Tapos...

Tinatamad na ko mag kwento ang haba na. Next time nalang.

Salamat sa pag babasa! *SMACK*


Saturday, February 19, 2011

Friday

Hindi parin ako maka move on sa pag ka-bwesit ko sa sarili ko last night.

Ganto kasi ang kwento. Kuha ka muna ng pocorn tsaka coke kasi hanggang Chapter 3o ang kwento ko today. Juk!

Noong unang panahon ipinanganak ang napaka-cute na baby boy na pinangalanan nilang Jepoy. Destined pala syang iligtas ang sangkatauhan in a planet called Earth. Finish. Juk lang ulet! Eto na toto na 'to.

Friday, masaya ang friday sa Singapore kasi ito 'yung araw na ni-look forward talaga naming mga hardworking OFW (Oo felt na felt ko na OFW na me). Meron akong series of lakad DAPAT kahapon. After office, inuna ko ang Bible Study (walang basagan ng trip nag e-enjoy ako eh, kebs) So after ng bible study at bonding susunod naman ang dinner at inuman to meet new friends. Nag decide akong umuwi muna kasi malapit lang naman yung pinag dausan ng Bible Study sa Tinutuluyan ko.

Gaya ng nakagawian pag pasok sa kwarto sa bahay. Sindi ng Aircon. Palit ng Damit pambahay at Ilagay sa laundry bin 'yung pinag bihisan. Binaba ko 'yung office laptop ko, hassle kasi lagi ko nalang dala at least ngayon maiiwan ko muna sya sa bahay bago mag lamierda.

Okay, On ko muna sandali yung laptop tapos mag sho-shower muna me para fresh sa Late dinner, syempre I'm gonna be meeting new sets of friends, so I think I should be so Mabango and gwapo kahit majubis. Alanganaman mataba na nga mabaho ba. Kadirey!

So yun nga, kinuha ko yung pinag bihisan ko pati 'yung mga slacks na naisuut ko nitong linggo na 'to. Pag labas ko ng kwarto sinara ko ang pinto para hindi sayang yung lalabas na lamig. Babalik na sana ako ng room para kunin yung towel ko dahil ready na 'ko mag shower para makaalis na, lagi nalang kasi akong late sa mga lakad, nahihiya na me. Pag-hawak ko sa door knob sarado ito. Nampotah! Na-locked ko pala sya. Putangina much!

Nag pulpitate ako ng slight. Gusto kong sumigaw ng, "THIZ EZ NOT HAPPENING TO MEEEY. KILL ME NOW". Arte lang. gusto ko sanang magbasag ng flower vase at chandalier kaso wala pala kame nun sa bahay kaya hindi nalang.

Tinanong ko yung house mate ko kung may duplicate key sya ng mga kwarto. Sabi nya wala daw. Naloko na. Nasa loob ng kwarto ang lahat ng gamit ko cell, laptop, pera, susi.

I'm sure marami na ko txt at missed calls. Isa nalang ang hope ko para makapasok ng kwarto, yung room mate /Aliping Saguiguilid ko! Pero, Hindi ko naman sya matawagan kasi nasa loob 'yung Cell phone ko . Nahiya naman akong makitawag dun sa Housemate ko.

Ayown, sa awa ni Lord naka dating 'yung room mate ko ng Alas 3 ng madaling araw.

Nakatulog ako sa Sofa ng naka buka ang bibig habang dumadaloy ang mainit na laway ko papuntang pisngi. Na sad me. Kung makikita nyo me maawa kayo, muka akong malungkot.Nagugutum. Walang makain. Walang nag mamahal. Nagiisa. Walang kaibigan. Arte lang.

**Finish**

Maraming salamat sa pag babasa nyo at pag kokoment pati 'yung hindi nag ko-koment, sige na nga, thank you narin. Gusto ko na sanang hindi na i-maintain ang pag blog kasi hindi ko na naju-justify ang pag susulat parati. Pero sabi nga nila once a blogger always a blogger. Ako naman ang masasabi ko lang gaya ng sabi ng mga kasabihan natin, "Fly high and hit the mark" Kunek?! Salamat sa 320 followers kahit 10 lang naman nag babasa talaga ahahha.


Happy Weekend People! GOd Bless!

Thursday, February 17, 2011

Phone Call

Ayoko na sa Singapore!!! Arte lang.

Kanina tumawag ako kila Mudrax at Pudrax, nag init ulo ko. Nalolongkot kasi ako kelangan ko ng comfort at words of encouragement kasi na-home-home sick me tapos ang bungad sakin ni Mudrax ganito.

"Anak nakakita na kame ni Papa mo ng lupa, nag pa reserve na ko. Mag do-down ka nalang tapos babayad monthly depende kung ilan taon mo gustong bayaran. Kamusta ka na nga pala dyan?"

Pag karinig ko nang sinabi ni Mudrax parang bigla 'kong gustong lunukin yung laptop ko tsaka speakers. Nakakalungkot lang ba na ganun kagad 'yung bungad ni Mudrax. Haist!

Si Mama Josie 'yung bunsong kapatid ni Mudrax na nag alaga sakin, sya 'yung nangumusta ng kalagayan ko. Naiyak tuloy me ng konti, mga kalahating baso lang.

Hindi naman ako nag tatampo kay Mudrax ganun talaga kasi 'yun, kaya okay lang. Pero, pag OFW ka pala medyo sensitive ka pag puro pera nalang ang bukang bibig ng mga mahal mo sa buhay sa Pilipinas. Excuse me?! Tumatae ba me ng pera?! Hindi pa nga ko sumusweldo. Kaya ang sabi ko Kay Mudrax.

"Mom, im so poor here like that. Hindi ko maalisl ang skidmarks ng boxers kong white. HIndi malinis ang laba sa washing machine. Hindi ako marunung mamalancha.Gusto ko handwash. Hirap na Hirap na me. Gusto ko na umuwi ng Pilipinas. Suko na me"

"Anak konting tiis lang bili ka muna ng lupa at bahay bago ka umuwi"

"Maaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!"

"Jowk lang, di ka na mabiro. Miss na miss ka na namin ni Papa mo anak. Wala ng umuubos ng bahaw sa gabi. Tsaka yung kwarto mo hindi na magulo parati na malinis nakakapanibago. Anak mag iingat ka dyan parati tandaan mo pag nahirapan ka na umuwi ka na, hindi mo naman kailangan gawin yan"

"Ma kumuha na kayo ni Papa ng passport para naman maka sakay kayo ng Aeroplane para hindi lagi nalang ka-majong mo yung kausap mo dyan. Madami akong mabubuting kaibigan dito, papakilala ko kayo ni Pudrax, tsaka pag luto mo sila ng Sinigang"

"Sige anak pag nang ka time kukuha kame ng Passport... Sige pag luluto ko kayo dyan, excited na me"

"Pag nag ka time?!!! Oncall ka ba 'Ma at parati kang busy? Sekretarya ka ni Nonoy?! Basta kumuha na kayo ng passport ni Papa sa lalong madaling panahon"

"Anak, kelan ka mag papadala ng pera, wala na kasing laman yung tindahan natin tsaka si Tita Judy mo namatay pala"

***Speechless***

"Ma uuwi ako ng Pilipinas..."

***Line disconnected***

Monday, February 14, 2011

Walang Kwenta-Valentines Entry

Ang aga kong umuwi ngayon ang dami kasing tao sa malls at restawrants dito sa Singapore. Alam nyo naman siguro ang kultura kahit saang bansa, diba? kelangan muna ng fancy dinner date bago jerjer. Parang ang sagwa naman yata kung jerjer kagad. Tag tuyot much?!!!

T-M-I!!!!

Anyhu mabahu, malungkot me ngayon kasi wala na nga me pang fancy dinner tapos wala ring jerjer tapos maaga pa pasok bukas sa trabaho, Haist life! Makapag tikol na ngalang muna. Juk!

Ektweli, bayaran kasi ng Bahay na tinutuluyan ko ngayon kaso nga lang wala pa kong sweldo, that means, malapit nang masimut-sarap ang kaban ng Cash at pang kabuhayan showcase ko na galing sa pag sanla ng sakahan namin!!! Waaaaa! Pulubi much mey! Buti nalang 'yung office mate kong may mabuting puso at dalisay na pag uugali binigyan ako ng purefoods cornedbeef na tatlo, tsaka isang plastic na Chocobot. So, I think makaka survive na me kahit papaano. Pag ka-kasyahin ko nalang ang isang latang cornedbeef sa tatlong kainan. Awwww! Dukha much?!

Wala akong maisip na maipost kaya naisip kong isulat ang mga obserbasyon ko sa mga taong nakasama ko sa loob ng mahabang panahon sa tuwing araw ng mga puso.

*Disclaimer: Hindi ko personal na experience ang susunod na mababasa nyo...*

1. May licensyang manghipo si lalake sa maseselang bahagi ng katawan ni Babae kasi Balentayms naman eh. LOL

Sample Script:

"Beb lika nga dito, happy Balentimes *sabay sapo ng boobs ni babae*"

"Beb kashe nemen eh, nekikileti meyyy"

"halika dito embrace kita *sabay hila ng panty ni babae pababa*"

"Ano vah beb nakikiti meeeyy..Kashe nemen eh..hihihihihi aaaahhh ooohhhh aaahhh"

2. Pwedeng mag contest ang mag tro-tropa na kung sino ang makakapuno/apaw ng semen sa isang condom sa isang banatan eh mananalo ng libreng inom ng isang linggo. Dugyot much?!

3. Pag pumasok ka ng Sogo makikita mo Classmates mo tapos kinabukasan mag de-deny to death ka. Sasabihin mo nag overnight ka sa barkada mo pero makikita nya sa bag mo 'yung discount card ng sogo. LOL

Tinatamad na ko mag Sulat kaya finish na!

Happy Balentimes! Boom Boom Pow!

Thursday, February 10, 2011

Bloggers Eye Ball Pictures-Singapore Version (LoMo Shots)

Ayoko Sana mag post ng pictures, nauna na si Gasul kasi. Unahan?! Pero dahil kumuha din me ng pekchurs eh post ko narin. So yun nga, nag EB kame last Tuestday. Ang Soyo-soyo!

Meron ulet sa Friday baka lang gusto nyo sumama! Txt nyo si Gasul. LOL

Ang saya pala makipag Blogger's EB parang nasa Pilipinas lang! Ang diperensya lang dolyar ang binabayad namin pambayad ng food at dito hindi ko afford manlibre kahit chicken rice lang.

Ang dami na nang planong nabuo mag luluto, mag swimming, kakain, feeling matagal na mag ka kilala?! Anyweis, Napagod ako ng tunay at wagas dahil ang layo nang pinanggalingan ko, so provincial! I heyret! pero sulit naman kasi ang ganda ni Che ang kinis! hihihihi Juk! Syempre ang totoong dahilan ay dahil-exciting makipag eb sa first time bloggers na ma-meet mo, merong hiya factor. Like me, I'm so timid and mahiyain and all that shit. Dumating ang isa sa mga haligi ng Pinoy Humor blogs, walang iba kundi si Oi, Green Pinoy dot com. Syempre late sya, Pa-importante eh. Nagulat me kasi ampayat na nya, uu dati din syang majubis pero ngayon hindi na. Inggit me.

Para hindi na ko mag kwento tignan nyo nalang pictures.

Eto mga pictures on a LOMO shots.









at ang panauhing pandangal [insert sound effects here] Oi, Green Pinoy dot com... eto pala yung Green Pinoy link

Ang saya diba?

Alam nyo ba na mag kikita-kita kame ulet sa Friday bago umuwi si Green Pinoy, this time Sama na ikaw! Bilis Txt nyo si Gasul, LOL Picture-Picture tayo!
pwede nyo din me txt pero pm nyo nalang me iamalivingsaint@gmail.com

Kung ayaw mo sumama edi wag! Hindi hihinto and ikot ng mundo dahil ayaw mo sumama kebs! Juk!

ALabya and thanks for reading *Smack* Pasensya na kung di ko kayo na re-replyan each. I'm se sere! Kiss ko kayo ulet smack!

Tuesday, February 8, 2011

Kilikili

Hindi ako madirihing tao. Kahit tumae ka sa harap ko hindi ako mandidiri basta wag mo lang ipakain sakin yung tae mo kasi nakakadiri yun talaga. Ganda ng intro ko.Kanina nung pauwi ako galing opisina, naturalmente rush hour nag mamadali ang buong universe sa pag sakay ng MRT syempre nag mamadali din ako dahil dalawang oras ang byahe ko pauwi ng bahay. Check mo sa google map From Jurong Road Logistics hub papuntang Sengkang.

Ayos naka singit ako bago mag sara ang pinto ng MRT saktong sasara na sana nang biglang may pumasok na dalawang indian (sorry hindi ako racist, indian talaga sila) pag pasok nila tumapat sila sa kinakapitan ko, nampota amoy kilikili na hindi sinabon ng one year, as in kaboom to my nose, Punyeta! Nasira lalo ang araw ko. Hindi na nga ako humihinga na nununuut parin ang amoy nila, parang vicks lang.

Hindi na ko na katiis! Ikamamatay ko ang pananahimik:

Jepoy: Excuse me, can you move far from me coz you stink! you smell like armpit lah, SANAMABITS!

Syempre hindi ko talaga sinabi yan edi kinuyog ako ng tropa nila. Tiniis ko iyon ng 30 min. Longest day of my life. Haist! Nung lumuwag-luwag pasimple akong lumayo sa kanila at sa mga kalahi nila baka lang natural kasi yung ganung amoy sa kanila kaya minabuti ko nalang wag dumikit. Pumili ako ng Chinese na maganda, makinis ang legs, mahaba ang buhok at sexy hihihihi. Umupo ako sa tabi nya, nag iisip ako kung paano ako makaka gawa ng short talk. Feeling ko magaling ako dun. Naka uniform si Ate batang bata hihihi.

Patuloy ang pag andar ng MRT maya-maya pa umalingasaw ng amoy kilikili ng babae. Hindi ko pinag bintangan si Ate baka yung matandang nasa tapat ko ang makyoho. Pero ang daloy ng hangin ng aircon ang to the left to the left. Shit si Ate ang amoy keli-keli. Punyeta!!!!

Kahit anong ganda ng babae kung masama amoy hindi ka gagandahan. Kadire! Mas mabango parin ang pinay hihihi

Happy valentines!

Saturday, February 5, 2011

Bloggers EyeBall--Singapore Reload

Sobrang dami kong kwento na gustong-gusto kong ishare sa inyong lahat, kaso puro naman kayo skip reader kaya ayoko na mag kwento. Tse! Juk

Tutulungan ko lang muna si Gasul mag promote para naman madami sumama! I am inviting all bloggers na nakakabasa nito na nasa SG, kahit blog readers lang pwede na basta mag dala kayo ng 20 Dollars ha! Juk! Syempre kung hindi blogger at blog readers ano pag uusapan natin??!!! Except nalang kung maganda ka ibang usapan na yun. Join na you!

Hindi ko alam kung sino-sino a-attend baka ang ending apat lang kame, pero dahil may promotion na sa blog ko baka dumami na lalo, madaming-madami mga isang libo, sikat na sikat kaya me. Chos!

Siryoso...

Sama kayo sa bloggers EB sa Tuesday, February 8 year of the Lord. Basahin nyo 'tong promo ni Gasul ang landi-landi lang ng dulo, skip read nyo nalang yun. Andun yung Cellfon number nya, txt nyo nalang sya. Bibigay ko sana Cell number me kaso im so anonaymous and unfriendly like that.

So Please sama na kayo pati ung nag cocomment sakin na nasa Singapore din, I would love to meet you all. Dala narin kayo extra cash treat nyo me, wala pa ko sweldo eh. LOL Pulubi much?!

Don't make me drop name here *may pag babanta?!* Nga pala after office hours 'yun txt nyo nalang si Gasul sa location. Yung mga nasa pinas invited din kayo, mag book na kayo ng flight kung walang pang book, mahirap you hindi ka invited! Juk ulet. Basta invited lahat sabi nga sa kasabihan habang maikli ang kumot matutung mamaluktot *Kunek?!*

Kthanksbye and see you soon. Wag nyo kong lalaitin ha mataba me panget masama ugali at maraming pimples as in parang pimples na tinubuan ng muka. GO! Seeya!

This is me

Scary fuck right?! bwahihihi

Bye!