Wednesday, October 14, 2009

Wish List

Bago sumapit ang tunay na araw ng kaarawan ko I would like to take this opportuinity para mag tenchu (Parang Grammy Awards lang) lubos po akong nag papasalamat sa mga kaibigan dito sa blogspot sa pag se-send ng malikhaing picture greetings nyo. I really really appreciate it. Pag katapos kong mangulit ng ilang beses upang mag email kayo ng picture greetings nyo ay nakalikom ako ng 14 picture greetings sa awa ni Papa Jesas, tatlo doon ay hindi blogger so all in all meron akong na collect na eleven. 'Yay!

Ako ay nag pupugay at nag sasabing mabuhay maskuman! Thanks for spendin' time doing it.

Alrighty, Ako ay pupunta ng Europe this weekend bali kasama ang Friday hanggang Tuesday syempre naman birthday ko dapat lang na mag relaks habang kumakamal ng mga regalo tulad ng relo, pitaka, Wax, Pabango, Kwintas, Bedsheet, Unan, Kotse wish ko lang. Jowk lang ang pag punta ko ng Europe asaness naman. Gusto ko rin palang gamitin ang blog kong ito upang pasalamatan ang aking mga house mate noong college sa isang simple at humble na salo salo sa Friday's sa MOA. Masaya ako kasi kinantahan ako ng Heypi Burthday at meron pang ice cream na may candle.

Na tats ako ng bonggang bongga.

Simula pa kasi sa pagkabata ay hindi pa ako na kakatikim ng Cake na may icing pag birthday ko, 'yung tipong pag birthday mo meron kang picture na blow mo 'yung candle habang naka smile wala akong ganun ganun ang meron lang ako pag birthday ko 'noon ay kalamay.

Para sa hindi nakakaalam kung ano ang kalamay; Ang kalamay ay gawa sa malagkit na bigas na nilagyan ng asukal pwede pula o puting asukal. In English Rice Cake. Oo sawa na ako sa Kalamay kasi Kalamay pag Pasko. Kalamay pag Birthday. Kalamay pag fiesta ng Patay. Basta puro kalamay pag may occasion samin. Pero syempre thankfull parin ako kasi labor of love ang pag gawa 'nun which is 'yun naman ang important ang love (Gumaganun! Awwww). Enough of that Kalamay.

Eto ang ilan sa mga House Mates ko noong College together with their Picture greeting for me. Hindi sila kumpleto kasi yung iba deadma na kasi baka mayayaman na at ayaw ng sumama sa mga dukha.



Hindi kasi ako ma kakapag internet ng one week kaya ma mimiss ko ang lahat ng mga blogs nyo. Sa araw ng birthday ko naisip kong mag punta sa Bahay ng Matatandang nilimut na ng mga hapaslupa nilang anak para mag pamirienda ng konti at kumanta. Oo kasali ang pag kanta walang kokontra. Mag papalaman din ako ng tasty at mag iikot sa roxas para mag bigay ng tasty na may palamang Eden Cheese sa mga street children. At kung may matitirang budget ay idadate ko si Payne Kherington. Ang pang final ay i papasyal si Mama at Papa sa Mall at papalafangin ko sila ng bonggang bongga para marealize nila na hindi sayang ang pinang tuition fee nila sakin. LoL

Ok Mapunta naman tayo sa Wish list ko ngayon birthday ko. Malay mo may mag bigay diba. Lima lang naman ito at hindi naman mamahalin mumurahin lang sila.

1. Gusto ko ng Tshirt na ganito galing kay Mindeth ang picture click mo to para makita mo

2. Gusto ko ng Sookie Stackhouse Series na Book. Uhm, bali nasa ikatlong book na ako eh eleven yun bilhin nyo na 'yung the rest tapos padala mo nalang sakin. Sama mo narin 'yung Ink Heart kasi di ko pa nababasa 'yun eh.

3. Gusto ko ng palitan ang cellphone ko sobrang tagal na kasi. Gusto ko ng new gen IPhone

4. Gusto ko ng bagong boxer briefs kulay black at kulay green samahan mo narin ng tatlong Nike na medjas hindi knee socks ha at isang crocs na tsinelas.

5. World Peace!

36 comments:

  1. jepoy ang ganda naman ng gagawin mo sa bday mo...kung magagawa ko yun eh baka pinakamasayang bday ko na yun sa buong layf ko sa mama earth...magpapasaya!

    wish you luck sa nasa list mo..hate ko yang crocs sowee naman,hehehe

    ReplyDelete
  2. andami naman plano hehe magagawa ba kaya? parang nagka-campaign LOL! eden? haha promo na naman. don't forget na magtika tika or mag pray. world peace wow. pano ka kaya magiging instrumento n'un?

    ReplyDelete
  3. wow ambaet naman ni jepoy...gusto ko rin ng sandwich na may eden cheese...kapag namigay ka sa mga streetchildren, samahan mo na rin ng free hugs...hehehehe:P

    naextra pa ang blog ko, hehehe...gusto mo pala nung shirt na yun bigay ko sana yung inorder ko kaya lang XS yun eh (nyahahaha,palusot!) :P

    dapat pinapunta mo sila sa website ni Mark Gosintian yung designer ng slogan...may details dun pano ka nila maiiorder ng T-shirt:D

    ReplyDelete
  4. yung #5 lang ang kayang kong ibigay, sure ako dun...heheheh

    pede naman sumulat sa wish ko lang para sa europe tour...joke...

    ambaet mo naman, share the blessings ika nga, im sure matutuwa parents mo pag dinate mo sila...

    parehas ni deth, gusto ko din ng EDEN cheese, sana gardenia ang tinapay...hehhehe

    anyweiz, hapi burtdae na lang, tol...

    ReplyDelete
  5. @Powkie Salamats Salamats at Salamats sa Picture greeting mo na naka todo gear hihihi. Magagawa mo rin yan. At sosyal ka ayaw mo ng crocs lolz

    @Random Students Magagawa ko yan! Magiging instrument ako sa pag kakaroon ng world peace sa pamamagitin ng pag kanta ko lolz

    @Deth May Plugging talaga?! LoL

    @Scofield Maraming Maraming Salamat Pre eto kiss para sayo mwah!

    ReplyDelete
  6. Yung #5 na lang ibibigay ko... pero tagalan ko ang pagaalay ng gift ko para mas meaningful.... mga 5 secs. pwede na! jijijijiji... Hirap naman kasi bumati sa iyo pati ata email ayaw pa makiayon... nacocorrupt tuloy... jijijijij

    ReplyDelete
  7. IamXprosai Yan ka nanaman!!

    ReplyDelete
  8. beauty queen ang dating mo friend. haha!

    word verification: cantorth (LOL!!)

    ReplyDelete
  9. @Chiketz Ang bastos ng word verification hanubayun. Mag blog ka na nga ulit, sulat mo na ang nangyari sa concert escapades mo lolz

    ReplyDelete
  10. Parang hindi ko nababasa ang paberger thing mo para sa amin na mga kaibigan mo sa blogosperyo? hehe

    Ang ganda ng plano mo sa bday mo. Sana tularan ka ng karamihan..

    Sa mga wish mo, simple but di ko kayang ibigay ang lahat..World peace lang ang kaya ko..hehe

    ReplyDelete
  11. PANALO SA WISH NA WORLD PEACE!
    parang beauty contest!

    oh.. gaano naman kasarap ang bawat kalamay na kinakain mo every occasion? may flavor ba un? hahahahaha!

    happy birthday... sana may magibgay sayo ng i-phone! (u wish!) lolz!

    ReplyDelete
  12. Habang binabasa ko ang post mo, nadidistract ako dun sa piktur mo sa gilid yung sa Facebook. Hahaha Para ka lang teddy bear dun (na nasagasaan ng tren) hhahaha!joke lang!

    Intayin mo yung isa ko pang picture greeting! Ganyan ka kalakas sa akin. Iyon na din ang regalo ko sa iyo. Ipapa-DHL ko yun pre.

    Pre sa lagay eh ganun-ganun lang ba yun. Yung blowout mo pre asan na???

    ReplyDelete
  13. heypi bday jepoy!!!!

    pic greeting lang ang maibibigay namin sayo eh, oh eh kung gusto mo angkinin mo na din ang katawan namin. kainin mo at gawing dinuguan ang mga bituka at atay namin para ipakain sa mga preso sa munti.LOLOLOL!!!

    san na yung pic greetins ng mga bloggers?

    Popoy

    ReplyDelete
  14. bumalik ako para magpaliwanag..ahahaha!

    nagtyaga ako ng ilang minuto sa mask na yun at amoy pawis na nong nagsusuot..ahahaha

    ewan ko kung bakit hindi nag kaappeal sa akin ang crocs kahit na ang mahal mahal nya at pangsosyal daw,hihihi...dahil siguro don sa material at sa mga color nya..hihihi...

    ReplyDelete
  15. wow... hehehe

    well kahit papano, sweet naman ng celeb. :D


    have a happy bday sa parating na araw hahahhaa

    at ung picture greeting ko ay alam ko namang nasa mabuting kamay na ngayon ni jepoy hahahha


    world peace nalang ireregalo ko syo-- buong effort un a haha

    ReplyDelete
  16. World Peace!

    sana magawa mo lahat ng Gusto mo sa buhay...

    My prayers are with you Jepoy : )

    ReplyDelete
  17. @Ruel Sige pag uwi mo ng filifins papa burger kita bente piraso pag di mo na ubos ikaw mag babayad lol

    @Azel Oo world peace talaga! Meron pleybor ang mga kalamay ni Mama minsan ube minsan munggo minsan latik flavor lolz

    @Drake Parati mo nalang sinasabi na meron pang isang picture greeting wala naman, Isend mo na bilis. Scarry yung profile pix mo palitan mo now na.

    @Popoy Salamat Mr Pogi! Mag hintay ka lang lalagay ko rin dito ang bidyo. Mas excited ka pa sakin I hatechu!

    ReplyDelete
  18. @Powkie Talagang bumalik para mag explain. Pero gusto ko ang gear mo at lalo na ang amoy sa loob nun, Yummy! ahahaha

    @Traveliztera Para sayo Miss ang gift mo nalang sakin ang isang sweet kiss sa makinis kong pisngi ahaha. Nasa mabuting kamay ang picture greeting mo no worries :-D

    @Wait thank you wait! Appreciate it much

    ReplyDelete
  19. Haha! oh nareceive mo na ba nasa list mo? ^^

    Happy birthday na lang... hehe! Sorry wala akong contribution sa wish mo... sa world peace na lang ako. Hehe!

    ReplyDelete
  20. mukhang ang hirap bilhin nung mga nasa listahan mo... Happy Birthday greeting na lang!!!

    Sana matanggap mo mga hinihingi mo...

    ReplyDelete
  21. @Rich Muka ako rin ang tutupad sa mga wish list ko lolz

    @Gillboard Maraming Salamat sa pag bati, sana nga ay ma receive ko wish list ko, goodluck sakin :-D

    ReplyDelete
  22. panalo sa world peace! miss univ! happy birthday!!!!

    w.v.- toyeeh

    (anoveh?)

    ReplyDelete
  23. Gusto ko ring magbertdey ng kagaya sa trip mo...ung ako naman ang magpapasaya instead na ako ang pasayahin :D

    ReplyDelete
  24. @kokoi Welcome back, na miss kong basahin ang istori ni Ayumi

    @LordCM Onga Pre para maibanaman at mag karoon ng konting worth ang existence ko sa motha ert

    ReplyDelete
  25. oo nga pala yung pic greetings...
    been busy dis past few days..

    papunta kaw europe?
    ok ang mga chickas dyan hehe

    ReplyDelete
  26. i like the world peace part

    takaw nyo nmn esp si brutos! hehe

    kuya pls give me ur email add pra masend ko yung msg ko syo po..

    salamat :-)

    ReplyDelete
  27. daming plano. uulan daw sa birthday mo ung malakas....

    lols

    biro lang
    happy birthday tsong!

    lols world peace parang miss u

    ReplyDelete
  28. Makikipagkaibigan na rin ako sau jepoy, at happy birthday,,,

    may you have many more birthdays to hide. he he he

    napadaan lang, kasi sinundan ko si pokwang, nawawala kasi sa tagpuan.. he he he

    ReplyDelete
  29. hapi bday pareng jepoy. sori di ako makakapagpadala ng pic kasi sira ang fone ko. binaha din kasi kami. next year a lang. nakakawala talaga ng stress basahin ang mga posts mo. godbless parekoy :P

    ReplyDelete
  30. @Anthoy hay nako ni kakalimutan mo parati!!!

    @Save Got it got thanks

    @Paps kung ang betlog mo kaya paulanin ko!!! Umayos ka! LoL

    @Alkapon Sige sige nandyan lang si Ate powkie lalabas din un. Sige tropa na tayo :-D

    @Mr night crawler sorry to hear that I hope everything is ok out there. Ingats po kayo at ng pamili mo. Thanks!

    ReplyDelete
  31. happy birthday jepoy....

    bakit may crocs sa wishlist? hindi sa nangingialam ako ha, but they're like the most hideous thing in the world...no one above five years old should be seen wearing them... they're just really ugly....

    kaya para guapo ka lagi... huwag mag crocs...!!! ahahahahaha

    ReplyDelete
  32. blessed birthday to you!
    -- sya nga pala may bagong adultfilm sa aking tahanan.. hehe :D

    ReplyDelete
  33. Happy birthday jepoy! woi bday mo na nasan na ang vid... ahahahahhahahah

    ReplyDelete
  34. kuya hapi birthday poh!!!! :)

    ReplyDelete
  35. HAVABERDIE JEPOY!

    Pwede kitang tulungan sa World Peace!
    Ambaet naman! Papakain sa mga less forunates!

    Punta ka Europe? TARAY!

    ReplyDelete