Wednesday, March 3, 2010

2010 Summer Trip 1--Book 2: Hagard

Nagngingit-ngit kameng lumapit sa rebooking station ng cebupac para mag hanap ng next available flight at kung magkano ang babayaran namin.

"Sir pasensya na pero wala na pong next available flight, kung gusto nyo po bukas nalang ng umaga"

"Okay sige anong oras bukas ang earliest flight at magkano ito" nag ngingit-ngit kong tanong kay ate

"Sir bukas po ng 8:00 AM and that flight is 7K po"

"Oh my freakin' Gawd, are you fucking kidding me?! Ang ticket namin back and forth ay halagang 2,300 lang! WTF!!!!"

"Sir Pasensya na po.." medyo takot na si ate

"Okay *Sigh*, ano ang pinaka murang flight tomorrow at how much ito at kung pwede nyong ibawas ang ang flight namin at kung pwede nyong i atras ang flight namin pabalik. Magkano ang rebooking fee?"

"Meron pong 5:00PM flight bukas worth 4K po. Ang rebooking fee po ay 600 pero ibabawas lang po ang amount ng isang way nyo sa amount ng flight pabalik"

"This is not happening! My Gawd! Hindi ba pwede ilibre nyo nalang kame ng papunta?!"

"Sir hindi po talaga pwede, pasensya na"

"Fine! Reserve 3 seats of that flight tomorrow 5:00 PM" sabay abot ng credit card ko (Potangena talaga!)

Bumaba ang energy level nami dahil sa 4K payment namin ng ganon ganon nalang! Futaneska Fetuccini talaga!!!!

Bumalik kame ng lumong-lumo ang katawan at naupo sa upuan sa gilid para mag relaks ng konti. Iniisip namin kung sino ang may balat sa pwet baket ganito ang nangyayaring kamalasan sa amin.


Kaya naman naisipan nalang naming sama-samang magluksa habang nanonood ng "I miss you Like Crazy" tapos nag dinner at umuwi na getting ready sa flight namin bukas.

Kinabukasan...

Hindi na nila kame maiisahan this time, dahil kahit 5PM pa ang flight namin eh, alas dose palang nang tanghali ay nasa Airport na kame suot ang bagong summer dress code para mag hintay sa fucking check-in time ng cebupac shit. Maaga kameng naka check-in at nag hintay sa waiting area habang hinihintay na ma delay ang flight para makatikim ang cebupac sa'min ng matinding freak-out-moment at makita nila kung paano mag irate-irate-tan si Jepoy. Ito ang ilang pekture sa waiting area. Kakatapos ko lang mag yosi sa pang mahirap na smoking area ng Terminal 3. Gosh buti pa states like there's an a/c in their smoking room. hihihihi




Okay hindi na late ang flight ng Cebupac at lumipad naman kame ng nasa oras. Akala ko tapos na ang kamalasan namin after namin maiwan kahapon and all meron pa palang kamalasan. Ang pwesto namin ay nasa 12 ABC nasa tapat namin ay si Lolo at dalawang french foreigner. Hindi pa man nakaka limang minuto matapos humimpapawid ang plane nag pasabog ng bongga ang isa sa taong nasa harap namin. Nahilo talaga kame ng bongga. Not once not twice not trice but more more utot sina Kuya na tila bagang hindi na pwedeng umutot next week. Putangena nila!!! Nahilo kame! Naubos yata ang off lotion ko kakasinghot. My Gawd!!! Pwede naman umutot sa restroom. Shit talaga!

Dahil hilong hilo na kame nakatulog kame sa plane ng bongga. Tumulo pa nga ang laway ko, nahiya me sa magandang flight attendant. Around 6:15 nasa Airport na kame ng Puerto Princess at nalanghap ko ang fresh air. Medyo naalis ang stress ko at tuluyang na excite. Halata ba sa pekture? syempre makikita nyo na dala ko pa ang plastic ng pang Snorkel ko hindi naman ako masyadong excited sumisid. Hindi yung sisid na iniisip mo ha! yung sa dagat i hatechu!

Namangha me sa pag ka-simple ng airport nila. Simple and sweet and cute (parang candy lang?) Tsaka super linis talaga ng paligid. Lalong umigting ang excitement ko pati nang dalawang girlets na kasama ko. Eto pektyur ng airport

But wait there's more! Lumabas kame ng airport na punong puno ang puso namin ng hopes. mga 6:30 nasa labas na kame at hinahanap ang Skylight-hotel-Service-car namin (pangalan ng hotel) ang daming local peeps sa labas sinasalubong ang mga bagong dating. Sinusundo ang turistang katulad namin (Felt na felt ko ang pag ka turista talaga). Pero parang may mali, sapagkat wala ang service namin. So more more wait muna at more more patience baka na traffic sa bangga ang potangenang service.

Lumipas ang 45 minutes!

Aba'y potangenang yan wala kameng sundo. Ang dilim dilim na sa airport at wala na halos tao dahil last flight na nga yata kame, eh wala pa ang potangenang service namin. Nag sumiklab talaga ng bongga ang damdamin ni Jepoy. Tinawagan ko ng chick na kasama ko ang hotel ayaw nyang ako ang kumausap dahil baka daw ma stroke ang helpdesk.

So usap usap sila nag bubulungan.

Makalipas ang another 30 minutes sa awa ni Buddha wala parin ang potangenang service!!!! Hindi na ko na katiis ako na ang kumausap sa helpdesk

"Hello Skylight hotel can I help you?"

"Excuse me! This is Jepoy one of your guest who is impatiently waiting at the airport. Nasaan ang service?! 1 hour na kameng nag hihintay dito."

"Eh Sir pasensya na po nakalimutan po ng driver na sunduin kayo"

"WHAAAAAAAAAT????!!! NAKALIMUTANNNNNNNNNN???! That is not acceptable reason!!!!"

"Eh Sir wag na po kayong sumigaw, papadala na po kame ng another service"

"Pakibilisan lang please..."

Kung merong pang BP noong time na 'yun, tatalsik ang mercury 'nun hanggang manila. Na kaka hagard talaga, Nyeta!!!

itutuloy ulet...

Monday, March 1, 2010

2010 Summer Trip 1--Cebu Pacific Experience

I officially embraced summer for 2010! Yehey!

Ang unang destination ay ang Palawan. Uhuh, Palawan baby Palawan!

Kumapit ka kasi medyo mahaba-habang walang kwentang kwento ito. Kumuha ka muna ng roasted mani tsaka coke para relaks mode ka.

So eto na nga ang nangyari... Promo tour ang trip kong ito ng pothangenang cebu pacific air. Mamya e-explain ko baket may pothangena factor dyan. This Trip is a promo package ng skylight hotel, bali 3 nights 4 days kame with all in trip package kasama ang buffet breakfast and buffet lunch sa mga trips namin, kasama narin ang transpo kasi malalayo ang island na pupuntahan namin.

Super excited akong pumunta ng Palawan as in! Gusto ko kasing malayo ang isip ko sa trabaho at sa emo mode. Talagang nag count down pa 'ko sa fezbuk at twitter. Dalawang chick nga pala ang kasama ko sa trip na ito, wag madumi ang isip, wag ganun! Harmless po si Jepoy.

Naka schedule ang flight namin ng 5:30 PM ng Thursday ng hapon. Since Wednesday night nasa office pa ako wala akong tulog masyado ng thursday kasi excited me. Pag gising ko nag papogi na ako, nag trim ng hair sa kung saan saang bahagi ng katawan. Nag shampoo nag board shorts at nag maskels shirts tapos fly na sa MOA para hintayin ang dalawang kasama. Time check 2PM.

Nag lakad lakad sa mall bumili ng pang snorkle para sa sisiran fishy fishy. Sun block Nutragena SPF 5o para sa sensitive kong skin. Condoms. Off lotion para hindi mag ka Malaria. At konting water. Time check 3:00 PM. Nyeta! Wala parin ang dalawang girlets! pota talaga ang bagal. So nag starbucks muna me para mag kape at mag yosi. Nakaka dalawang Yosi na ko wala parin ang mga potangena! Pinapawisan na ang swimming trunks ko (Excited maligo?! Naka trunks?!) wala parin sila. Fuck it!

Maya maya dumating ang isa, yung balikbayan shit. Naka pek pek shorts ang lowla ang futi! Syempre gentle piglet ako binuhat ko ang gamit nyang kasing bigat ng barbel. Time check 3:20 PM.

"Besi Samahan mo ko mag withdraw wala akong pera.."

"Papalitan na natin yung singapore dollar mo dyan sa BDO pota naman ang bigat ng bag mo"

"Wag kang mag reklamo meron akong pasalubong sayong pretzels"

"Puta ka ayoko ng pretzels! Gusto ko Iphone"

"Kamag-anak?!"

"Fine! Bilisan mo baka hindi pa tayo makalipad.."

Nag withdraw sya pero dahil lumevel up ang katangahan nya na lock ang ATM nya dahil mali ang PIN.

"Besi hindi ako maka withdraw bukas nalang daw, pautang muna ng pang boarding fee"

"Puta namang OFW to oh! Letche ka!"

"Besi Umayos ka! Libre mo ko Razons now na! I want halo halo"

"Girl Friend?!"

"Yuck! Tara na libre mo ko"

"Fine!"

Nag halo-halo kame time check. 3:45PM. Dumating na yung Isa Chick na makaka sama namin.

"Besi libre mo rin ako halo-halo dahil dala ko ang Camera ko, Tangina ang bigat nito bitbitin mo dala ko ang tripod"

"Puta naman ano ko Julalay?!"

"Sige na naman! Sayang naman ang pekpek shorts namin kung puro gamit ang dala namin"

"Kala ko ba naka go lite tayo?"

"Onga pero ikaw i check in mo gamit mo hihihii"

"Ay pota! Tara 4: 00 na"

Dali dali kameng nag cab papuntang Airport... NAIA Terminal 3. Namangha me kasi ang ganda ng airport, sorry naman probinsyano lang. Pag pasok namin sinalubong kame ng manong guard.

"Sir bilisan nyo kaka tapos lang nila mag last call"

Kumaripas kame ng takbo para mag check in. Naka smile kameng tatlo kay kuya-manong-cebupac-representative sa check in counter.

"Ay Sir nahuli na po kayo! Na lock in na po ang manifest"

"Huh! Eh kaka close nyo lang ng ribbon. Edi i unlock nyo ang database at mag reprint ulet ng manifest. GO!"

"Sir Hindi na po pwede"

"What are you trying to imply? Hindi kame makakalipad? Eh bukas pa naman yun door ng plane. Go check it!"

Umalis ang kuya at nag radyo radyo ang putangena kunyari. Lumapit sya samin.

"Sir hindi pa pwede talaga..."

Nag dilim ang paningin ko. Gusto kong maging serial killer ng mga panahon na 'yun.

"You know what, let me talk to the Pilot or to your stupid manager."

"Wait lang po Sir ha"

Meron isang lumapit samin.

"Sir hindi po talaga pwede kasi late po kayo"

"Hello five minutes lang naman, hindi pa nga lumilipad yung plane bukas pa ang door. What's your problem. Konting customer service naman dyan."

"Sir Pasensya na po, hindi po talaga pwede"

"GO to HELL!!!!!!"

Gusto kong mahimatay ng mga oras na yun. Gusto kong sunugin ang CEbupacific. Gusto kong pag aalisin ang ngala ngala ng mga taong naka uniform ng cebu pacific. Hinang hina kameng tatlo. Para kaming tanga na naka upo sa gilid ng airport nag iisip kung anong gagawin. Paano ang hotel? paano ang trip? pano ang package? Pothangenang cebupacific talaga!!!!!!!

Tumayo kame papuntang booking office ready ready na kameng makipag away...

Itutuloy...

Wednesday, February 24, 2010

Tips ni Jepoy

Hindi ko ine-expect na darating sa point na gusto kong mag blog pero wala akong masulat as in wala, dahil siguro iyon sa kapangyarihan ng sinigang ni Aling Loydita. Pag hinihigop ko kasi ang sabaw ng sinigang nya ay napapapikit ako ng slightly bongga at napapasabi ng, "Aray! pota ineeet!"

Malay ko bang mainit ang sinigang nya kung alas-singko na ng hapon?

Marahil maitatanong nyo baket alas-singko ako nag lunch. Ang masasabi ko "Anung paki nyo sa life ko?!" Chos! Kasi nga po sobrang inet sa kwarto ko. Tsaka si haring araw ay ayaw paawat na sikatan ang muka ko. Kahit ang makapal kong Green Curtain ay hindi ito kinakaya. Kaya early to rise ako. Isa na siguro ito sa effect ng El Ninyo Phenomenon (hindi ako marunung gumawa ng enye kaya ganyan nalang spelling)

Sinubukan kong mag basa basa ng articles about El Ninyo pero nag nose bleed lang ako. Ganun siguro pag pabobo ka na ng pabobo lumalapot na ang utak, joke! Ayon sa facts at pag kakaintindi ko sa nabasa kong article ang El Ninyo daw ay isang abnormalidad na nagaganap sa karagatang Pasipiko sa my area ng ating equator na kung saan normally ang hangin ay umiihip from East to West since mas colder sa East end ang Colder Water doon ay na didistribute papuntang West end pero sa case na 'to nag iiba ang ihip ng hangin or nag kakaroon ng issue sa pag punta ng tubig sa west kung kaya puro hot water lang nandun na nag cacause ng mataas na temperature tapos nag cause ng tag tuyot at di pag ulan.

Pero sa tingin ko na gagalit na satin si Motha Neycha kasi nga abuso tayo sa kanya. So sa ganitong panahon paano ba tayo makaka tulong in our own little way?

Heto ang ilan sa mga suggestion ko. Kung ayaw nyo gawin kebs!

1. Since nag kukulang tayo sa tubig dapat mag tipid. Kung tatae wag ng gumamit ng flush kasi mas marami iyong nakukunsumong tubig. Pag iihi wag din. Kung natatae ka tanuningin mo ang kasama mo sa bahay kung na tatae din sya. Tapos mauna ka na tumae pero wag kang mag flush. Tawagin mo ang next tapos sya naman ang tatae susunod, ngayon kung wala ng tatae saka mo na buhusan ito.

2. Since mainit given na dapat tayong maligo araw araw, ewan ko nalang sa inyo kung di kayo araw araw na liligo, kamusta ang skid mark sa brip nyo. Pag maliligo sahurin ang tubig at i-imbak ito sa isang malinis na lalagyan kasi pwede nyo itong gamiting pang tutbrash tsaka pang buhos ng tae nyo at ihi.

3. Wag ka ng mag electric fan pag matutulog ka lalong lalo na ang Aircon kasi malakas mag consume ng Kurente. Mag nude ka nalang pag matutulog ka at gumamit ng abaniko. Sige na nga, kung sobrang init mag electric fan ka pero dapat 1 hour lang i timer mo sya. Kung walang timer ang electric fan mo wag ka ng mag electric fan.

4. Mag imbak ng maraming plato at baso at kutsara. Pag tapos kumain itambak lang lalabo ang kinainan hugasan ang lahat ng kubyertos na ginamit tuwing sabado lang. Para tipid sa tubig. Mag Spray nalang ng baygon para walang ipis sa paligid.

5. Gumamit ng side A at side B sa Brip, Boxers at Panty para tipid sa sabon at tubig

6. Gamitin ang baterya ng kotse para manood ng tv. Gumamit ng di-uling na plantsa sa pag pla-plantsa ng damit.

7. Itapon ang DVD, Play Station, Wii at kung anu anu pang shit na mag kokonsumo ng kuryente

8. Wag kang mag tikol everyday dapat MWF lang (di ko alam baket kasali to)

9. Kung gagamit kang CR para maligo wag ka nang mag sindi ng ilaw. Kabisado mo naman kung nasaan ang kilikili, singit, betlog at face mo malilinisan mo rin sila ng maayos. Nakatipid ka pa.

10. Patayin ang Main fuse pag aalis ka. Hayaan mo ang katulong nyong gumawa ng paraan paano lilipas ang mag hapon nya. (joke lang ang last wala na kasi akong maisip)

Sana po ay nakatulong ang mga tips ni Jepoy! See you Monday po at happy weekend sa inyong lahat!