Friday, February 8, 2013

Job Hunt

Operation Job hunt ko.

Sinabi ko sa last entry ko na kapag na-cancel ang employment pass ng isang foreign talent dito sa Singapore meron lamang silang 30 days to pack all their kalat and leave Singapore at once. I'm on my second week to this point.

My day to day routine is to wake up at around 9:00 AM mag tooth brush, uminom ng high blood meds at simulang simutin ang mga job portals online (Monster, Jobstreet,jobsdb,stjobs,recruit, etc..) Nag pe-personal email din me sa mga match job openings with cover letter containing all flowery words why I am fit for the job posting. Siguro mga 50 to 70 applications average in a day. Lunch break at 12:00 to 1:00. Mag emo ng mga bandang 3:00PM-3:15PM then banat ng application online again and exercise at night. Pag sobrang down and blue pag dumilim na, I go out and I sleep over to my friend's place and wake up around  8:00 AM to go home and do the agonizing routines over and over again.

First week of Job hunting, walang masyadong progress. Some recruitment agencies called saying, pinasa na nila sa client resume ko and will update me as soon as they heard from their client. So hindi dapat umasa 'dun. Umasa lang dapat ng mga 3%.  I got my tax clearance and I need to pay 3, 298.32 SGD for my Income Tax. Painful!

Nag e-expect pa naman ako na magagamit ko ang last pay ko pang survive sa bills i.e. phone bills, house rentals, PUB, and kung anik-anik pa. Now nganga na!

Now on my second week, naawa na sakin si Boss Chief sa heaven. I needed a high. I needed something to keep my hopes up and expectations low. I needed to bring my ego up. Umarti?

I got 3 interviews to this date. I'm scheduled for final interviews. 'Yung isa dati kong company sa Pinas,   'yung isa refaeral ako, 'yung isa hindi ko na puntahan kanina nabasa kasi ako ng ulan. Nag titipid me ayoko mag taxi. Tsaka masyado akong na drain sa Isa't kalahating oras na interview ko 'dun sa dati kong company sa Pinas na may Head Quarters dito sa Singapore. Nalabas ko lahat ng natutunan kong Emeriken Eksent at lahat ng super technical powers ko sa innneerview na 'yun. Now I have to wait two weeks for the result. Two weeks kasi Chinese new year next week nakabasyon mga chekwa. So parang 'yung next week ko is wasted week na rin.

Now I'm thinking whether to go back home na or exit muna me sa US. US talaga?! exit muna me sa Phuket, Thailand para mag emo sa beach habang lumuluha sa left eye.

I still wish I'll get the job offer bago ako umexit ng Singapore. Uwi na kaya ko Pinas? Mag tatanim nalang ako ng kamote sa likod namin at kakantahan ang mga Gumamela sa farmville habang dinidiligan?

This has been a very sad experience. Siguro spend ko nalang ang natitirang weeks with my friends. Tapos mag kukulong ako sa kwarto ko sa Pilipinas ng one month habang umiinom ng muriatic acid. Charot.

20 comments:

  1. Trust in the Lord with all you heart and lean not in your own understanding. Di ko matandaan kung san verse sa bible yan pero i hope it will give you strength kuya. We both know that God has a big and better plan for you thats way beyond your imagination. Just keep atixk to your faith. Fight-o!!:-D

    ReplyDelete
  2. wag mawawalan ng pag-asa.

    go beach mode ka muna sa phuket para mawala ang kalungkutan mo. Saka para nadin refreshed ka, atlist nakapag pahinga, malay mo, after ng beach e job offer na ang gumulat sa iyo. :D

    ReplyDelete
  3. tiwala lang! God has plans for you. :)

    ReplyDelete
  4. Best of luck! :) Gong Xi Fa Cai! Hehe

    ReplyDelete
  5. keep the faith~~

    magbeach mode muna para marelax ka^^

    ReplyDelete
  6. wag ka na magbayad ng tax ang mahal eh :(

    ReplyDelete
  7. Kung uuwi ka if ever, why not mag freelance ka? :D

    kaya mo yan!

    ReplyDelete
  8. Naku panibagong adventure at kaba yang dinadanas mo ginoo habang umiikli ang oras sa singapore. Naway humqba ang oras mo diyan ser.

    ReplyDelete
  9. welcome home soon jep-jep sa pilipinas. mega-embrace!

    ReplyDelete
  10. Uwi ka nalang ng pinas para safe at di masyado magastos...wag ka muna papakamatay malulungkot mga readers mo hihihi. Goodluck sau, malay mo bago ka sumakay ng plane tawagan ka ng isa sa mga inapplyan mo. Charot

    ReplyDelete
  11. wag ka uminom muriatic acid... bilhan nalang kita starbucks... malay mo tawagan ka in a few days o! di mo alam...
    so mag enjoy ka na muna--tambay ka muna rito sydney!

    ReplyDelete
  12. Basta go lang ng go Jepoy, huwag mawalan ng pag-asa dahil ang may tiyaga, may nilaga. :D Masarap ang nilaga. And goodluck sa iyong paghahanap ng work, tiwala lang. Claim it na!

    Kung sakaling mapapauwi ka nga dito ay mag-organize na lang ng EB :D

    ReplyDelete
  13. I still believe in you! =)

    ReplyDelete
  14. don't give up yet.. kaya yan jepoy!! i believe in you pre!! laban lang!!

    ReplyDelete
  15. Dito ka na pala sa SG.

    Hangga't may natitira pang araw sa extension mo, pasa lang ng pasa ng resume. Kahit yung mga job na ang hinahanap ah citizens and/or PRs, pasahan mo rin. Wala namang mawawala kung magpapasa ka ng resume sa kanila (Yung work ko ngayon, citizens at PRs lang ang hinahanap pero naswertihan ko =) ).

    Kapit lang. Bawal bumitiw!

    Kampai!

    ReplyDelete
  16. Dito ka na pala sa SG.

    Hangga't may natitira pang araw sa extension mo, pasa lang ng pasa ng resume. Kahit yung mga job na ang hinahanap ah citizens and/or PRs, pasahan mo rin. Wala namang mawawala kung magpapasa ka ng resume sa kanila (Yung work ko ngayon, citizens at PRs lang ang hinahanap pero naswertihan ko =) ).

    Kapit lang. Bawal bumitiw!

    Kampai!

    ReplyDelete
  17. Tagal naman ng new update kainis.

    ReplyDelete
  18. ei asan ka na? nakabalik ka na ba sa bakasyon mo? wala naman anong nababalitaan na nalunod na butanding kaya ina-assume ko na ok ka. hihihihi ano na update sayo? tagal naman.

    ReplyDelete
  19. dami ko tawa sa comment ni anonymous..hahaha! psst.pre,anbalitanasayo?

    ReplyDelete
  20. life has its own way of giving u what u truly deserve sir. in time, darating din ang job para sayo. hinay2x lang din sa asin or sodium, wag gawing desert po kasi nakakataas din ng dugo, correct me im right slash wrong hehehehe konting tiis lang po sir, god has a greater plans for u, u know it right =)

    ReplyDelete