Tuesday, January 29, 2013

Jobless

I'm officially a certified Bum these days. Yes, Bum meaning Jobless, walang work, purita mirasol, dukha, hampaslupa, indiyo, aliping patadyong, hampaslupa. And I have 30 days in Singapore to either look for a job or pack all my mess and go back to my beloved Lupang Hinirang.

Going back to Pinas is totally okay, but if I have a chance sana, I'd rather choose to stay here still simply because I have already made a life on my own habitat here. Friends, church, sports buddies. Fine! mas malaki ang sweldo ko dito kesa sa Lupang Hinirang. Pero minsan Love is just ain't enough. Sabe?!

Anyway, ito ang nangyari baket ako nawalan ng trabaho. This happened last friday. Papaikliin ko nalang ang kwento dahil sakit na sakit ang puso mey. Ang hirap balikan ng mga masasakit at mahahapding alalang iyon Ate Charo.

Ganto yan, noong 1885... Juk!

Last Time na kwento ko nag pa Medical ako for my work visa renewal, right? Tapos 'yung Doctor ng Clinic na 'yun natrace nya na I have Hypertension daw, which is yes, a fact and I didn't deny it naman. So, sabi nya kelangan bumababa ang blood pressure ko sa normal hanggang friday para bigyan nila ako ng medical clearance. I told the Doctor hindi pwede sa friday because mag e-expire na ang work pass visa ko 'nun. I need the clearance ASAP ganyan ang ultimatum na binigay mey. Sabi ng Doctor he won't give me the medical clearance hanggat hindi nag 130/80 ang blood pressure. Sabi ko ano gagawin ko?! Utusan ko blood pressure ko na bumababa kagad?! Eh, mataas nga eh! 

So after ilang days with the blood pressure medication na binigay nya eh, salamat naman sa bangga dahil hindi iyon nag work! Gawgaw yata laman ng capsule. Pag balik ko sa clinic, sky rocket high parin ang blood pressure ko mga 190/ 100.  High blood parin mey LOL  So I asked him kung ano pwede ko gawin para makuha ko Medical clearance dahil pag walang clearance walang renewal ng pass na magaganap at alam nating lahat na pag walang work pass visa wala ring pangkabuhayan show case ang isang OFW.

Kaya nag pa second opinion ako sa Raffles Hospital on my own pocket. Since, my history kame ng hypertension I went to the health check division first, para ulitin ang MOM required medical checkup clearance.

Tapos I consulted a Heart Specialist para sabihin ang lahat ng heart aches me. Charaughtz! I went to see a cardiologist para sigurado na, para malaman ko na kung mamatay na mey. So I went through cardiogram 2decho, blood chemistry, stress test and all the tests to find out why I have hypertension.

So to make the long story short. I was cleared by the Cardiologist and the hospital. I got my Medical fit to work clearance kahit hindi pa normal blood pressure ko. Mattas pa ng konti. Sabi ni Manong Cardiologist it will lower down eventually dahil meron na akong maintenance.

So I went to our company clinic and showed my hospital findings and lab tests and reports. The stupid clinic didn't accept it and I was informed to just talk to my HR and see what would be the next step. So come friday. Walang kaabog-abog I was invited by the Regional HR director and my HR Manager kala ko bibigay na ang issuance ng Work Pass ko eh, iba ang nalaman ko. My company is letting me go.


Gusto ko sana isulat buong details but I just can't.  Anyweis, I got a lot from my company and I just wish them success in their future endeavor. Parang miss universe answer lang??!! Fine! I hate them to the smallest cell I have in me. Initial reaction was gusto kong ibato ang mesa sa pagmumuka nila not only because I'm losing my job but they are making me stupid.

Thank God I have Jesus in my heart. And His Grace is sufficient.

So yeah, I'm spending most of my time searching for job and during idle time I read or I blog. I'm on day 2 of Job hunting. This'll be an exciting journey for me.

Umpisa na ang pag hanap ng patis at asin upang ibahog sa kanin para makatipid... Bawal mag emo saka na ko mag emo pag uuwi na me ng Pinas ng sagad to the finger tips ang caban ng cash!

I'm so dead...




36 comments:

  1. nakakalungkot naman... pero ang iyong pagkakalahad ay sobrang kwela pa rin... Basta, God will provide.

    Gudlak... Hindi ka papabayaan ni Papa J...

    ReplyDelete
  2. makakahanap rin yan! :)

    ReplyDelete
  3. Sila ang nawalan sa pag let go sa'yo. Dapat binato mo na yung mesa, para kalat ang dugo sa sahig. Godbless sa paghahanap ng bagong work parekoy.

    ReplyDelete
  4. Medyo di magandang balita pero good luck po sa job hunting. Since Jesus is in your heart he will provide. cross fingers.

    ReplyDelete
  5. Makakahanap ka rin ng job soon! Just have faith :))

    ReplyDelete
  6. you can use this time to be fit, jep.

    ReplyDelete
  7. eto pala ang reason sa picture mo sa fb na colorcombi blue outfit na sabi mo magaasin at patis ka at looking for job.

    Mahaba ang 30 days , (28 kasi sabi mo day 2 na) and so malaki pa ang percentage na makahanap ka ng trabaho ora mismo. Tiwala naman kami sa skills at capability mo so malamang sa alamang after ilang days ng jobhunting, hired ka na ulit.

    Go lang ng go! Kaya mo yan!

    ReplyDelete
  8. makakawork ka din nyan.. God bless! ingatan mo health mo yan lang ang puhunan natin dito sa bang bansa, pagnagkasakit tayo wala tayong silbi sa kanila. kaya watch out sa mga kinakain mo at change mo yung liefstyle mo, if dati kain ka ng kain or tulog ng tulog, spend your time taking care of yourself kasi in the end tayo pa din ang magsusuffer.

    ReplyDelete
  9. hay... I'm sure God will provide you with a BETTER job. Hugggg! Titanium ka di ba!? Oo icocover ko para sayo kasi I think magandang motivational song yun for you ngayon

    ReplyDelete
  10. Kaya mo yan, madaming oppurtunities naman dyan for sure, at baka may mga busilak ang puso na syang lalapit sayo at irerekomenda ka sa work, don't give up!

    ReplyDelete
  11. Ang saklap naman. Pero makakaraos ka rin, with God you'll find a better job! Kaya yan ser! :)

    ReplyDelete
  12. that's unacceptable. if ever hypertension lang eh di dapat ganun ang mangyari. but i since i don't know the whole story, i still believe na God has other plans for you. Kapit at tiwala lang. God bless Jepoy :)

    ReplyDelete
  13. goodluck!! sana makahanap na ng work agad. kaya yan!

    ReplyDelete
  14. Para akong sumakay ng roller coaster sa kwento mo, humahyper tapos biglang lungkot.

    Pero nonetheless keri yan ser jepoy, pasasaan ba at makakahanap ka rin ng bagong job at malay mo better pa diba? Possitive lang lage! ^__________^

    ReplyDelete
  15. The Lord will bless you with a better job, Jeps. Mark 11:24. Claim it! Sending you my prayers and support! God bless.

    Gusto mo yung seryoso ang comment?

    ReplyDelete
  16. okay lang yan parekoy. madami pang oppurtunities jan. aja!

    ReplyDelete
  17. Come to think of it, it's a blessing in disguise kasi sabi mo dati hindi ka masyadong nachachallenge sa work mo at lagi kang petiks so ihanda mo na ang sarili mo sa bagong work na ibibigay sa 'yo ni God na puro challenges at madaming OT. GO!

    ReplyDelete
  18. makakahanap ka niyan. confident ako. i schwear! gawin mong mani yung co-aprovel! 190/100 na bp? truelagen? kaloka ka. (galing ako sa medical kemerut kaya mej kinabahan ako sa taas na yan, social concern kumbaga).

    pero makakahanap ka niyan. heller sa podipodi mong yan.

    ReplyDelete
  19. don't worry makakahanap ka rin ng better job..

    ReplyDelete
  20. Makakahanap ka rin kasi we have a great God who always provide. Keep the faith. God bless you.

    ReplyDelete
  21. goodluck jepoy! alam ko makakahanap ka ng ibang trabaho jan sa singapore.. ikaw pa.. special ka.. ehehehhe..

    ReplyDelete
  22. Hi Jepoy. If I may ask, what's your job?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi AC, I have a complex skills but currently I work as an Application Support and Service Engineer. IT-IT-han me

      Delete
    2. Tingin po CV mo, I'll check if may pasoksa banga. cecil.mangilin@peoplebank.asia. Im a technical recruiter, by the way.

      Delete
  23. Just keep praying kuya. Makakahanap ka rin ng new work. Fighting!! :-D

    ReplyDelete
  24. Prayed for you ginoo. Ako ay kasalukuyan palang nagtatago ng blog. Hahaha. Naway makita na ang bagong trabaho na mas magpapayaman sayo at mas magpapatingkad ng owsamness :)

    ReplyDelete
  25. Dear Jepoy,

    I am really sad to read this. I know you love your work at ang pagtutweet mo sa work.. pareho yun eh.. pero sana you just keep your head high and know you can do this. Kung ayaw mo na dyan dito ka na lang ulet sa building na ayaw mo hahaha

    My prayers are with you kahit di ako naniniwala :D alam mo naman yun hehe

    ReplyDelete
  26. ayayay. hinampas mo tlaga dapat sa mukha nila ung mesa. at dapat nakapoint ung edges ng mesa sa mukha nila. hihihi. dont worry makakahanap ka din nyan...

    ReplyDelete
  27. Magaral ka na maging mananayaw. Pokpok much? Kaya mo yan.

    ReplyDelete
  28. Magaral ka na maging mananayaw. Pokpok much? Kaya mo yan.

    ReplyDelete
  29. woi dude. now lang ako nabuhay muli at ito ang nabasa ko?! anyare? pero dude wag ka magalala. makakahanap ka ren ng work. hindi ka babalik sa Basa para mamulot ng jerbs ng kalabaw for fertilizer. manalig ka.

    ReplyDelete
  30. Di ble Jepoy, it's nice to start anew! A new beginning means fresh start! Good luck to your job hunting! Balitaan mo kami ulit! =)

    ReplyDelete
  31. oi ngayon lang ako nakapagbasa. alam ko makakahanap ka agad dyan, ikaw pa! basta ingatan mo yang health mo din. For sure x10 ung makukuha mo na sweldo sa next job mo with free 1 sack of rice every month, haha! ^__^

    ReplyDelete
  32. wag ka mag ulam ng asin at patis nakaka highblood yan... jowk! ewan ko ba kung bakit masyado silang mahigpit ngayon. pero may balita na nalilipatan na din yung ibang company sa malaysia (not sure). Dumami din ang Spass at bumaba ang FW ngayon sa singapore. natutuwa naman ang mga lokong lokal na hindi naman ikinatutuwa ng mga kumpanya. mga ulol talaga sila, di na ako magtataka darating ang araw lulubog ang bansa na ito

    ReplyDelete
  33. God bless sa job-hunting mo. :) Sana makahanap ka kagad. :)

    ReplyDelete
  34. nag-backread ako what really happened..

    may clearance ka na from mamang cardiologist tapos ndi accepted? parang feeling ko akala ko nila eh tampered2x ang result kaya ayaw nilang tanggapin? but anways, tapos na yon, u need to focus on what is now and its present. there's always a reason why things happened that way, for sure later on you will see why. just keep ur faith po sir jepoy, with all the abilities u have, i know ul land a job that is really meant for u. keep ur hopes high. =)

    ReplyDelete