Friday, March 22, 2013

Forlorn

Buhay pa me!

Dinadamdam ko lang ang pagiging hampaslupa ko ng dalawang bwan. Dalawang buwan na pala akong jobless! And Worst nasa ibang bansa akong Jobless! Wala akong working visa!

Hindi parin tumatalab ang lahat ng pambobola ko sa 10 pages resume ko. Kakaunti ang mga tumatawag para i-invite akong mag show. Mag show ng confidence sa ineeerview. Kelangan ko na yatang idagdag sa CV ko ang pagkain ko ng Apoy on stick at buhay na manok na may palikpik para mabigyan ako ng Joboffer. Gassss-abelgas! I'm so dead.

Nag request ako ng extension ng visa para madagdagan ako ng another month, feeling ko makakakuha ako ng maayos na offer. Pero rejected ang aking request. Kelangan ko pa sigurong lumuha sa harap ng ICA para mabigyan ako ng extension.  So ang ginawa ko nag exit ako sa KL, Malaysia truly asia pacific. Sinamahan ako ng aking mga kaibigan.


So mga ilang araw din ako dun nag emo. Well, hindi naman masyadong imo because I'm with a group of friends, so steady lang ang paglamon at pag ikot-ikot sa Petronas at kung saan-saan pang shit. After 3 days balik na ng Singapore. Kulang nalang maihi ako sa Nerbyos sa immigration ng Singapore.  Nabigyan ako ng another 30 days. So hanap parin ng hanap ng trabaho. Kulang nalang tawagan ko isa-isa lahat ng nasa Jobstreet at ibenta ang puri me. Pero malupit ang tadhana ate Charo. Naubos ang 30 days ng wala paring Job offer. I have an option to go back to Pinas and plant kamote or to do another exit.

Bilang malandi, naisipan kong mag exit ulet ng isa pa. Last na 'to.

Couple of weeks ago nag punta naman ako ng Phuket, Thailand. Dun ako nag exit para kunyari turista ang peg, sinamahan ako ng kaibigan ko.


Syempre Hindi lang puro emo ang pinag gagawa me. Kelangan mag beach din. Excuse the doublechin.


After four days bumalik kame ng Singapore lah. Kulang nalang ma-tae ako sa nerbyos 'nung nakapila na kame sa immigration. Hindi ko alam kung iihi ba ko o tatae. 'Yung mga nauna samin na chekwa  galing China meron na patawag sa holding room at hindi naka pasok ng SG.  I was like, "I'm dead pig!!!" Nag elevate ng 100% ang nerbyos me. 'Yung betlog ko umatras papuntang lungs. Nung turn ko na sa immigration officer butil-butil na pawis hanggang singit ang lumabas.

IO: Are you working here?
Jepoy: Not anymore...
IO: You went KL went back SG and then Went Phuket and go back SG again??!! *insert sarcasm*
Jepoy: Yes
IO: Do you have return ticket back to Pilipin?
Jepoy: Yes I do, *Sabay abot ng Ticket na may panginginig ng kamay*
IO:  *Cheking ticket. Checking Passport. Check each pages of PassPort*
Jepoy: *Nga-nga. Pray. Praying harder*
IO: *Stamp ng passport. Sulat sa Embarkation card. Abot ng Passport*
Jepoy: Thanks! Good nyt.

I have freakin' 30 days again.

'Di ko alam kung matutuwa ako o hindi. Numb na pakiramdam ko. I was asking myself baket ko ba pinag pipilitan sarili ko sa bansang ayaw naman ako?! Arti lang.

Seriously, nakakapagod na. I'm giving my self last 30 days. Pag wala parin, uuwi akong Pilipinas ng Walang pera at walang trabaho at walang lovelife. Kelangan my lovelife na kasali?!

Ang dami kong natutunan sa naranasan ko. Number one marunong na 'kong mag tipid. Hindi na ko nag ta-taxi parati. Kaya ko nang hatiin ang Chicken rice sa dalawang meal. Gumagamit na 'ko ng EZ link ngayun. Hindi na ko nag shopping. Nakikitira nalang me ng bahay. Pinapakain. Wala nang yaya na nag lalaba ng damit mey.

My Mudrax called me up, sabi nya pumunta daw sila ng Church ni Pudrax para ipag pray na mag kawork na 'ko. Tapos nagpipigil sya ng iyak. Sabi nya pag nahihirapan na 'ko, uwi na daw ako. Makakahanap naman daw ako ng trabaho sa Pilipinas at mag kakasama naman daw kame. Hindi naman daw nila kelangan ng dollars. Hayaan na daw na maremata ang kalabaw at sakahan sa Probinsya. Sama-sama nalang daw kami sa Putikan. Hindi ko na 'yun nakayanan Ate Charo.

Naluha me sa left eye ng isang timba at kalahating tabo.

I was just working fine, performing my job well and next thing I know wala na kong work at nag kukumahog na akong mag exit?! Lahat yata ng kamalasan nasalo ko nung nag paulan ang universe ng curse.

I never questioned God. He still indeed faithful. Marami parin blessings na dapat ipag pasalamat. So now, still trying to apply and wait at the same time, enjoy the possibility na last month ko na 'to sa Singapore. Nakita ko sa ganitong delubyo kung sino ang tunay na maasahan. 'Yung tutulungan ka hanggang ma angat sa lusak. Bukas luluhod ang mga tala. Juk!

I'm sure kung uuwi ako ng 'Pinas magiging makulay parin ang buhay. Sabi nga ng kanta.

"There's no place like home"... Besides, unlimited San Mig sa Pinas sa murang halaga.

Maybe I'm destined to go elsewhere? I dunno, but for the meantime. Apply muna ng apply baka makatisod ulet ng employer.

This has been a very painful and exciting journey.  Maka English lang.

Salamat sa tatlong nag babasa ng blog na 'to.

*Smack*

21 comments:

  1. eto pala ang recent kaganapan sa iyo. Akala ko since medyo di ka nagpopost at napapa-online sa chwirrer ay busy ka na sa work mo.

    check na lang natin ang lighter side ng kaganapan, somehow, nakapunta ka ng phuket at KL for temporary exit at para maka-re-enter pabalik ng SG.

    Be positive and who knows..... malay natin.... siguro kailangan pang mag-hold on sa SG dream.

    But if, talagang kapalaran na ang pipili.... maybe there's a better opportunity kang makukuha sa pinas... hindi nga lang dollars...

    ai.... sorry, nobela ang comment.... cheer up sir jepoy. :D

    ReplyDelete
  2. kapit bisig...sana makakuha ka na ng work.

    ReplyDelete
  3. Kaya po yan! may 30 days pa. Go lang ng Go!

    ReplyDelete
  4. hmmmnnn... naku papalarin ka rin niyan! gudlak sa iyo... stay strong and funny...

    ReplyDelete
  5. In fairness ang ganda ng structure nito... keep it up.

    ReplyDelete
  6. mahirap ang buhay sa ibang bansa lalo na pag walang trabaho. Pero alam ko na God is really good at sa katunayan, blessing pa rin na maextend ka dyan sa SG. hingi ka ng sign kay Lord. He'll always guide you. You know that. God bless Jepoy :)

    ReplyDelete
  7. laban lang! final stretch ng huling buwan! hope makakuha ka ng work sa SG!

    ReplyDelete
  8. sabi mo nga, gow lang ng gow. pasasaan bat makakahanap ka rin ng work jan. kung hindi naman im pretty sure na hindi ka mahihirapang maghanap sa ating bansa. ajah! :D

    ReplyDelete
  9. Kapit pa. Kaya yan. Hanggat di pa ubos ang 30 days, may pag-asa pa.

    Kampai!

    ReplyDelete
  10. kaya mo yan! aja!!! apply lang ng apply!

    ReplyDelete
  11. andamee naman ng 10 pages..:) 7-9am daw ang best time magsend ng resume sabi ng HR namin..kasi pag upo nya sa table nya ng 9am yun agad bubungad sa inbox nya..ung nasa ilalim, Gudbye!di nya na pinapansin..
    hehehe Kaya mo yan paps!Trust....

    ReplyDelete
  12. chos sir sa naramdaman mong nerbyos sa immigration at nageffort pa yong mga pawis mo mapunta sa singit mo eh "not anymore and yes" lang pala ang katapat don sa officer pasok ka na agad ulit for another 30 days extension. yon lang yon eh hihihihi

    overqualified ka rin siguro sir at mahirap tapatan ang inyong galing at skills bawasan mo kaya ng half ang 10 pages mong cv diba? jowks hihihi

    keep ur faith sir, makakuha ka rin ng work. kaya yan, wag muna isipin ang sakahan sa pilipinas, mangangayayat ka sa pagtatanimo ng kamote. sayang ang investment sa katawan natin hihihi god bless u po sir. im new here. following u. nakakatuwa ka. sarap pisilin ang mala mukhang bear mong mukha jowk ulit hehehe

    ReplyDelete
  13. chos sir sa naramdaman mong nerbyos sa immigration at nageffort pa yong mga pawis mo mapunta sa singit mo eh "not anymore and yes" lang pala ang katapat don sa officer pasok ka na agad ulit for another 30 days extension. yon lang yon eh hihihihi

    overqualified ka rin siguro sir at mahirap tapatan ang inyong galing at skills bawasan mo kaya ng half ang 10 pages mong cv diba? jowks hihihi

    keep ur faith sir, makakuha ka rin ng work. kaya yan, wag muna isipin ang sakahan sa pilipinas, mangangayayat ka sa pagtatanimo ng kamote. sayang ang investment sa katawan natin hihihi god bless u po sir. im new here. following u. nakakatuwa ka. sarap pisilin ang mala mukhang bear mong mukha jowk ulit hehehe

    ReplyDelete
  14. makakahanap ka din ng work AURA lng kong AURA dyan at wag mawalan ng pag-asa~!

    ReplyDelete
  15. Ako din jepoy aalis na. hindi sa wala na akong trabaho... kundi sa ayoko na. Nagresigned nko nung april 1 akala nila april fools day joke pero sabi ko mga ulol totoo yan!
    kasi yung kinikita ko dito at ginagastos ko pauwi ng pinas every 3months ay halos ganun din. Isa pa mahirap makisalamuha sa ibang lahi lalo na yung mga racist. naka dalawang taon ako dito pero di me yumamaman naisip ko magartista nalang tutal palaos na si piolo paskuwal. Goodluck parin! sana makahanap ka for your last month dito sa SG. Ako bye bye na tlga at sa pinas nalang ulit MASAYA PA! hindi pa kailangan pumila ng tatlong oras sa jollibee

    ReplyDelete
  16. Ako jepoy nagresigned na! until last day of April nalang. balik nalang ng pinas ayoko na dito... haba kasi ng pila sa jollibee

    ReplyDelete
  17. Andaming dumadaan sa ganitong scenarios and gumigive up... I admire you for not giving up... I'm sure sa todo fight mo, malapit na reward mo. You'll get your well-deserved job offer. =)

    ReplyDelete
  18. wer u na? tagal na naman ng next blog mo. sana kaya walang update dito is busy ka sa trabaho. kaya next time, huwag pitiks lalo na pag nasa opis ka. pakita mo, pilipino ka! masipag pero hindi masiba. hihihihi...

    ReplyDelete
  19. new blog entry na dapat oh. May trabaho na oh. YEHEY!!!!
    Hintayin ko new entry mo. Hakkhak!

    ReplyDelete
  20. Jepoy!!! Where na you?? Tagal naman ng update! Sana magkita pa tayo dito! :) Aja lang ng aja! :)

    ReplyDelete