Thursday, May 31, 2012

Update ng Kaunti

Naka resib ako ng fan mail kaninang umaga, kinilig ang betlogs ko ng kalahating minuto sa saliw ng music na Call me, maybe. Ahihihihi. Pwede Tabi nga kayo ng konti baka matapakan nyo ang bangs kong blonde.

And for the good soul who made my day by sending me email of appreciation this morning (Parang plaque lang), this is for you *Smack* hihihihi

Feeling Celebrity?! Coco Martin much?! Pogi?! Balingkinitan?! felt na felt?

'Enuf of that self edification shit.

Nag-kasakit ako last week. Nag sick leave ako ng tumataginting na tatlong araw dahil hindi ko talaga makayanang pumasok. Hindi ko talaga kayang ibangon ang sarili ko nung last Monday, feeling ko talaga katapusan na 'yun ng humanity ko at magiging vampire na ko. Feeling ko kamuka ko si Damon Salvatore.

Masyado ko kasing na-push ang sarili ko sa mga limitations na kaya nitong gawin. Naisip ko hindi na pala ako 24 years old para hindi pahalagahan ang ang health ko 26 na pala mey. Sabi nga ng matatandang chismosang shirmp, "health is wealth". Bago kasi ako magkasakit eh, nag laro ako ng badminton for 3 hrs tapos 'nun ihi lang ang pahinga nag swimming naman ako for like 3 hours din sa Sports complex na malapit sa'min.

Ayun nung kina-Monday-yan hindi na ko nakatayo nakatirik nalang ang mata ko ang bumubula ang bibig ko. Downy pala ang nainom ko kala ko lavander milk shake eh. Charot! Hindi ako makatayo seryoso, I have muscle pains, fever, and heartache bunga sakit ng damdamin. And I needed to rest for 3 days sabi nung Doctorang nakabelong Itim.

Alam nyo bang mahirap mag kasakit pag malayo ka sa piling na Mudrax mo? Para sa tulad kong wala namang kamag anak dito sa SG, ang tinuturin ko nang kamaganak ay ang aking mga kaibigan.

Drama?

Pero totoo 'yun, so far naalagan naman me at gumaling na ng lubusan... Isa nalang ang hindi gumagaling ito ay ang heartache. JOWK!

Ngayon magaling na me at balik na sa Normal ang aking buhay. Mas maingat na me. Ang dami kong nakain 'nung week na nagkasakit ako kasi kelangan kong uminom ng meds so may excuse akong mag lumamon. Pag dating sa kainan ako ang prince of justification. Matakaw talaga ako pag hindi ako nag kontrol, as in matakaw parang bakulaw na Godzilla.

Ngayon back to regular diet na ulet. Here's what I am doing, I eat 2 breads for breakfast (banana bread and Raisin bread), fruits for lunch, wheat bread and peanut butter for dinner (kung kaya talaga hihihi).

from 260 lbs I am down to 215 lbs.



Malapit na ko sa target weight ko para masimulan ko nang mag pa Gym member para tumubo na ang abs ko at maskels. Parang Puno lang tutubo, ganyan. Here's one of my IG toilet camwhore


Polo: Bilabong
Cardigan: Zara
Slacks: Gap
Belt: Black thin leather H&M
Location: Jurong Logistic Hub Construction Worker's Toilet


Feeling ko lang mag paka model post sa kubeta. LOL

Nga pala if you happen to use Instagram you can follow me Incrediblejepoy is my IG name. I'll follow you back if you have more than 10 pics posted ahahhaa.

Yun lang...Enjoy the rest of the week!







Thursday, May 24, 2012

Naudlot na Trip

Wala akong pakelam sa kung sino ang nag-champion sa American Idol shit, hindi tungkol dito ang i-blo-blog ko. Fine! natalo si Jessica "Banig" Sanchez na ang breed ay half pudel at half dalagang bukid, hindi iyon ang katapusan ng mundo ng career nya. Sisikat pa sya! ang galing kaya ng duet nila nung mukang Godzilla na si Jessica Holiday ba 'yun? 'di ko sya kilala. Sorry.

Ayos ba introduction? Ma emosyon ba? Punong puno ng panaghoy, pasakit at thrill? hihihi

Natuwa lang ako kasi bigla akong nag karoon ng access mag blog sa opisina. I'm like, Yeah! Suck et! kaya na pa blog tuloy me.

Ektweli, malungkot ako kaya ako nag blog. Ganto kasi 'yun. Alam nyo naman na beach na beach na beach na me talaga. Sakto naman may groupon ng papunta sa Puke, Thailand. Wupi! Phuket pala. Yey!

So walang pag aatubili at pagiimbot kong binili ang groupon kahit malayo pa ang sweldo naming mga hampas lupa. Kaya nga binigay ni Lord ang credit card para kaskasin eh. So, we make kaskas to make purchase na the trip to Phuket. 'Yey ulet! (hindi halatang excited ako)

So kelangan ma redeem ang groupon namin before the end of this month. No biggie! 202 SGD inclusive of Air Fare and Hotel for 2 nights, 3 days get away. Not bad! Wuuupiiii!

Ang napili naming date ay bandang September dahil may mga lakad ang iba naming mga kaibigan. Na excite na talaga ako. Inisip ko na kung anong klaseng trunks ang bibilhin ko. At kung papaano tutubo ang abs ko. Tutubo talaga, parang tanim lang.

Orayt, ready na mag book ang lahat until I found out na mag eexpire na ang passport ko sa January 2013 which means hindi ako pwedeng lumipad kahit saang lumapalop ng mundo 6 months before expiration ng Passport ko.

Nag dilim ang paningin ko.

I died.

Thursday, May 10, 2012

Open Letter to Mom

Dear Mama,

Nakakasawa ng gumawa ng open letter, taon-taon ko nalang 'tong ginagawa. Hindi mo naman kasi nababasa kasi nahihiya ako mag send ng sulat shit. Hindi natin itwu kultura bilang isang Pamilya ng mga Sundalo. Kaya tuwing Mother's day gumagawa ako ng ganitong kashitang maarte letter chenes.

Alam mo ba kung baket ko nire-require ang sarili kong padalhan ka ng pera kahit hindi nyo naman exactly kelangan? Simple. Kasi mahal na mahal kita. Kayo. Alam mo na yun, Sus! Action speaks louder than words nga eh. Isang request mo lang kahit nag rereklamo ako, nanginginig pa akong pupunta ng Lucky Plaza para mag remit.

Baket?

Dahil fresh sa akin lahat ng sacrifices mo. Hindi ko makakalimutan ang panahong nakikita kong na ngungutang ka sa mahadera nating kapitbahay ng pang tuition fee ko. Nakita kong pumapatak ang luha mo at sinasabi sa kanyang last na utang mo na yun. Putangina! wala akong magawa noon at sinasabi ko sa sarili kong balang araw mababayaran kita at mag bubuhay Reyna ka. Reyna ng Palengke ganyan.

Alam mo ba kung baket sa tuwing sweldo ko tumatawag ako kagad sa'yo para mag sabi ng I love you at para sabihin na parating na ang caban ng cash?

Para maramdaman mong priority ko kayo habang single pa ko. Para maramdaman mong mahal na mahal kita.

Ngayon mothers day, hindi ako makakapag padala ng flowers. Overrated na kasi. Hindi rin kita isusurprise na uuwi ako, hello Ma ang mahal ng pamasahe. Nag titipid me. Basta mag hintay ka ng delivery dyan hihihihihi.

Hindi ko makakalimutan ang lahat ng sacrifices mo. Sa pag hatid mo sa'kin sa school nung kinder bago ka pumasok sa Opis. Tandang tanda ko na nakasilip ka sa Binta para masigurado mong hindi ako mag ngangangalngal ng iyak. Hindi ko makakalimutan ang pangungutang mo kay Aling Tabud ng Hotdog para lang may makain tayo pag birthday namin ni Bunso. Hindi ko makakalimutan ang pagbili natin ng notebooks tuwing pasukan na dapat limang piso lang per notebook at bawal ang Catleya kasi mahal. Ang pag luto mo ng sinigang na favorite ko. Na pag sabi mo ng ang pogi pogi ko sabay kurot sa Pisngi tapos kiss. Mama, recorded lahat 'yun.

Hindi ako nag sisi na ikaw ang naging Mudrax ko. Hindi hadlang ang kahirapan natin para magkaroon ako ng option na gustuhin na maging nanay ang tulad ni Imelda Marcos. Aanhin ko ang yaman kung hindi naman ikaw ang nanay ko.

Yung bunganga mo tuwing umaga music na sakin 'yun. 'yung paulit ulit mo na kwento hindi ako napapagod makinig.

Mama hindi ko rin makakalimutan ang mga luhang pumatak sa mata mo nung paalis ako ng Pilipinas. Sabi mo anak wag ka nalang umalis. Putangina parang gusto kong mag break down at basagin ang salamin ng Jetstar.

Pero kelangan kong gawin 'to para sakin. para hanapin ang sarili ko. Charot!

Kelangan kong gawin ito para mas maging maginhawa tayo at para mag buhay Reyna ka. 'Yung dream house mo malapit na nating magawa. Promise hindi ako mag aasawa hanggat hindi pa sya tapos.

Mama mahal na mahal kita. Kahit mali mali yung lesson na turo mo sa Math tsaka kahit na Hindi ka magaling mag English tawag mo sa Red Ribon, Blue Ribon. Tawag mo sa Pizza, PichaPie kahit na lahat ng kaibigan kong babae pinag kakamalan mong GF ko sabay lait mo ang panget naman nun anak. Kung maka panget ka kala mo Coco Martin anak mo.

Salamat dahil ikaw unang naniwala sakin. Salamat dahil ikaw Mama ko. Salamat dahil nagawa mong lahat ng Responsibilities mo with flying colors. May mga remarks pero keri na.

Mama I am so proud of you. Wag ka mag kakasakit dahil umiikot ang pwet ko pag nababalitaan kong na hihighblood ka baka ma una pa kong mastroke sayo.

Ma' seryo I heart You. Alam kong proud ka sakin, duhr ikaw na mag ka anak na Valedictorian and Cute.

Happy Mothers Day Mama! I love you soooo much!

PS. Please ayusin mo na passport mo para maka pasyal ka naman sa Singapore hindi yung puro palengke nakikita mo dyan. 1 year na kitang kinakantahan sa Passport mo susme! Sama mo si Papa ha.


Lovingly Yours,

Jepoy