Wednesday, January 4, 2012

Pinas Vacation

Gusto kong matabunan yung Punyetang ka-pokpokan kong emo post. Kinikilabutan ako pag binabasa ko ulet. Ayoko naman burahin kasi ang landi ko naman kung buburahin ko eh, pinost ko na nga tapos delete-delete shit pa.

Duhr!

Bukas lilipad na ako muling papuntang Singapore. Hindi naman masyadong nakakalungkot slightly bongga lang. Matanda na kasi Parents ko at ayoko na sanang iwan sila kasama ang napakabait naming helper pero, ok pa naman sila kaya gow! tsaka gusto kong iwanan ang lahat ng masakit na alala sa pinas.

Umemo bigla ulet?!

Dumating ako sa Pinas noong 16 at nag init kagad ang ulo ko sa Airport palang. Hindi ako umaarte-arte na hindi ako sanay sa Manila ganyan pero, nag init talaga ulo ko dahil dalawang oras akong nag hintay sa Airport para sa Sundo dahil sa traffic. Fine, given, December kaya traffic pero, diba?! Pero bilang isang mabuting puso at tunay na model citizen and prince of friendship kalma lang me, ayokong gumawa ng eksena dun dahil sa nakapag hintay ako ng 2 hours. Maharlika much?!

Isang batalyon ang nag sundo sakin, which I like. I love my family so much. Kaya nag jollibee kameng lahat kagad, shempers naman buong-buo pa ang dolyares ni Jepoy. So yun nga, nag punta kame ng Jalibi at hindi ako natuwa. Putanginang chicken joy hindi malutong tapos ang lungkot ng Jolly hotdog parang pinakuluang churizo. Ako na reklamador. Alam nyo yan.

Edi sabi ko, ibalot ang jollibee at ipamigay sa street children! Lipat tayo ng kainan. Pak!

so kumain kame sa hooters. LOL

Tapos umuwi na kame sa kabundukan.

Kinabukasan. Ginising ako ni Mudrax mag grocery daw kame. Hello double hello alas-sais palang ng umaga grocery kagad??!!

"Mama sarado pa Mall wag kang excited..."

"Nak mahirap ang parking..."

"Ma kalma. Mamya ng hapon"

Edi nung Hapon.

"Nak dun mo naman kame pag groceries sa S&R, dun daw nag shopping sila Kris Aquino. Baka may artista"

"Ma may membership dun sayang din ang 700 na membership"

"Nak one year naman 'yun. Tsaka puro states sides daw ang bilihin"

"Ma pag state sides mahal 'yun dun nalang tayo sa favorite mong SM Super Market"

"Nak ang daming tao kasi dun, nahihilo ako.."

"Umarte??!! Sige na nga S&R pag lumampas ng 10k ikaw mag babayad ha?"

"Wala kong pera"

"Cancel na..."

"Sige wag na tayo mag groceries"

"Matampuhin??!! Sige na po game"

Ending...

Lampas ng sampung libo at ako nag bayad. Day 2 Wasak kagad ang bulsa.

Finish... Bukas naman 'yung karugtong nakakatamad mag kwento kasi na eemo nanaman ako bigla.

Tanginang yan!

15 comments:

  1. wow 10k! ang laking gastos grabe

    ReplyDelete
  2. Chuchal si mudrax, ikaw na ang maperang maharlika. :D Shopping to the max, as in, 10K? Gudlak! LOL. :D

    ReplyDelete
  3. Awts.. nakaka badtrip nga naman yang trapik na yan. parang wala na yatang solusyon yan.. liban na lang kung magkaroon ng laban si Pacquiao araw-araw. LOL.

    aw, nadisappoint ka ke Jolibee.. :(

    natawa ako ke mommy mo.. alas sais pa lang ha, grocery na agad. hehe.. at ang mahal.. 10k ang nagastos? huwaw.. gravity!

    anyway, minsan lang din naman yan.. tsaka Christmas din naman. hehe..

    happy new year, Jepoy!

    ReplyDelete
  4. curious ako papsi don sa nagpapaemo sayo, ano kaya un? gusto kong payohan ka sana eh.

    ReplyDelete
  5. sa wakas pwede na ulit mag comment, pero aminin, nag enjoy ka pren sa pinas kahit andaming gastos, at ano b nman ang 7h sa limpak limpak na pera ni jepoy?

    ReplyDelete
  6. yey,pede na magcomment. lols. :D

    natawa naman me sa mudrax mo. ayaw sa sm supermart. hehehe

    honloki ng budget nio for grocery. 10k. pang-isang buwan or more na ata yung binili nio. ehehe

    ingat sa byahe pabalik ng SG.

    ReplyDelete
  7. nalala ko nanay ko...

    spoiled brat yung nanay ko sakin kaya relate much ako sayo...kung makademand eh parang may ari ako ng malaking piggy bank..LOL

    ReplyDelete
  8. Kung sa tingin mo na ang na-serve sa iyong pagkain sa isang restaurant ay substandard, pwede mo itong ireklamo at pa-palitan. Wish ko rin makapag-grocery na hindi big deal ang 10k na bill. Idol na kita.

    ReplyDelete
  9. sus, barya lang sau yang 10k na yan. kaw pa!

    salamat sa post mo, napatawa ako after a fucking bad day.

    ReplyDelete
  10. Kelan mo ba dadalhin ang peyrents mo dito sa SG para isasabay ko na din si Momski...

    ReplyDelete
  11. homaygawd, true laki gastos sa pinas pag nauwi. dapat may baon at least 100k kung 1 week ang bakasyon mo..ewan ba mahal na din talaga bilihin sa pinas. at least nag enjoy ka naman kapiling magulang mo. Heypi new year.

    ReplyDelete
  12. hang yaman ni jepoy hehe
    ok lng yan atleast masaya si mader dear mo,,,once a year lng naman yan^^

    ReplyDelete
  13. . . . tangena, saan makikita ang pinakamalapit na hooters sa pinas? pupuntahan ko yan!

    ReplyDelete
  14. Winnur si mudrax.
    I-book na ng one-way-ticket to Singapore at ipag-shopping sa Mustafa.
    Natuwa ba sya sa perfume? or nilait nya?

    ReplyDelete
  15. "Nak dun mo naman kame pag groceries sa S&R, dun daw nag shopping sila Kris Aquino. Baka may artista"

    Iba talaga kapag big time. 10K!

    ReplyDelete