Monday, January 30, 2012

Basahin Kung Gustong Ma-Bwiset

Wala lang gusto ko lang mag update ulet ng blog. Pwede naman diba?

Pigil na pigil akong mag emo shit sa blog kasi feeling ko ang dami na ngang problema ng mundo mag susulat pa ko ng emo fuck?

Punyeta kasi 'tong The Script na 'to, mga 30 times ko na yatang paulit-ulit na pinapatugtug yung Break Even. Naiiwan sa isip ko yung lyrics na, "I'm falling to pieces, yeah!". Kaya ayoko na! Ano ko garapon? falling into pieces pag nalalaglag sa floor. Tse!

Ang bitin ng weekend! Ang dami kasing activities, nakakapagod na nga minsan. Charut!

Sa sobrang pagod ko kanina pag uwi galing ng Church Service natulog muna me. Napuyat kasi galing sa videokehan at kwentuhan. Nakatulog ako ng apat na oras. Tinamad tuloy akong mag jogging. Ang hirap talaga magpapayat! Hindi ko na yata kaya.

Arte lang.

Pag gising ko nag mouthwash lang tapos diretso na mall para bumili ng dinner, kahit tinatawag ako ng KEPSI tsaka Burjer Keng eh pinili ko parin ang Subway. hihihihi

Umorder me ng turkey ham on a six inch honey oat bread tsaka tomato soup. AKO NA healthy! eh kasi naman nag lants kame after ng Church sa Pinoy food. Spell Sinigang and Binagoongan na babskie with half rice. Charut lang 'yung half rice.

So after ng dinner nag ikot-ikot muna ko sa mall para bumili sana ng shorts pantakbo ganyan. Kelangan na kasi. Araw-araw kasi akong nag jo-jogging, nauubos ang shorts me. Ayoko naman mag side B ng training shorts. Dugyot much.

So habang nag iikot sa mall. Kadaming tao, may show kasi sa ground floor. Napadaan ako sa isang Optical shop.

At hindi shorts ang nabili ko kundi Shades.

Punyeta talaga! Ang gastos me!!!!

On the other hand, I got a Rayban shades at napawi ang lahat ng pighati sa puso me. I'm so happy! Nasa France palang kasi ako binabalik-balikan ko na sya sa lahat ng mga Optical Shops na nadadaan ko.Dead na dead me sa shades na 'yun. Pero, iniisip ko, ibibili ko nalang ng bag si Mudrax kesa bumili ng para sa akin. Uu, ulirang anak iniisip muna ang mahal sa buhay bago ang sarili. Tsarlot. Pero this time, bumili na me bago pa tuluyang maubos ang bonus ko. LOL

Tangina ang gastos ko!!! LOL

Isang linggo akong mag didil-dil ng salt and pepper bilang parusa sa ngalan ng bwan. Ganyan.

16 comments:

  1. okay lang yun. treat mo sa sarili mo. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. supportadong supportado mo ko paps ah. Musta naman ang kambingan natin...

      Delete
  2. wahehehehe, k lang yan, isipin mo na lang na premyo mo yan sa pagpapapayats. hindi mo makakain yung shades ergo hindi ka mag-gain ng weight :D

    ReplyDelete
  3. wow rumereyban...papayat ka na talaga nyan!!! walang konek!? wag kang mag isip!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganun talaga mga artesta. Kelangan maporma paminsan minsan kahit shades lang LOL

      Delete
  4. parusa sa ngalan ng bwan. Ganyan. <<pagbasa ko diyan i remembered Sailor Moon hahaha may linya kasi sila na ganyan ang ginagamit pag nag transform na LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw gusto mo bang maparusan sa ngalan ng bwan?! ahhahaha

      Delete
  5. lagi mo naman sinasabi na nagdidildil ka ng salt every month eh :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganun talaga ang mahihirap laging nag didildil ng salt! LOL

      Delete
  6. yang shages na yan, sana yung pinambili mo binigay mo na lang sa poor. kawawa naman sila. sana binilhan mo na lang ng frap para minsan sa buhay nila nakapag-starbucks sila. charlotte!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang mga poor dapat pag pag lang ang kinakain. HIndi pwede mag frappe. tsarlots

      Delete
  7. congrats sa ray-ban dudes! :D

    ReplyDelete
  8. dahil dyan penge ng kiss... ahihihii

    ReplyDelete
  9. Gusto ko din ng aviator na rayban! Ikaw naa! Isuot mo ngayon yan pang-jogging, nawa'y magampanan ng shades mo ang role ng isang short! Ganyan! Hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa ako sa comment mo. Bwiset ka! lagay ko yung Ray-ban ko sa brip ko para short narin sya lol

      Delete