Saturday, August 13, 2011

Work Related Post (Do not read)

Hindi mo magugustuhan ang mga susunod na sulatin dahil mag ra-rant si Jepoy. Gusto ko lang magsulat dahil wala akong makausap dito. Feel free to click the small x button on the upper right hand side of your screen. Kung naka-Mac ka yung circle red on the upper left hand naman.

Sa mga panahong ganito na may crisis sa buhay ko na-miss ko ang room mate kong baboy. Sya kasi madalas kong nasasabihan ng mga kung ano-ano sa buhay buhay. Na miss ko rin mga kaibigan ko sa Church. Na miss ko family ko. Ako na na-homesick!

Anyways, gusto kong mag labas ng sama ng loob sa tungkol sa trabaho ko. Hindi ko kelangan i-explain ang technicalities ng trabaho ko or i disclose ang kumpanya ko pero gusto ko lang sabihin na na-frustrate talaga ako. Kanina nagigigil ako sa Boss ko gusto kong sampalin ng laptop tsaka monitor ang french fez nya, pero ano naman magagawa me. isa lang tayong aliping sanguiguilid sa opisina.

Mga bandang hapon naka receive ako ng invite sa email kinabahan ako kasi ako lang laman ang invited ng boss ko. Inisip ko, "Letch Yari! masasabon ako dahil late me kanina" But noooooooo, meron syang iniabot na papel at sinabing ieextend daw ang Probationary period ko (dapat kasi confirmed or regular na ko last month).

Medyo nag hang ng konti ang Pentium 1 kong processor, kelangan i-overclock.

"Okay..." Yan lang response ko sabay pirma sa papel at basa ng mga target performance action items ko. Tapos blured na lahat. Kahit nag sasalita sya ayaw nang i-process ng processor ko. Ang gusto ko lang gawin ay isak-sak ang charger ng phone ko sa ngala-ngala nya kasi lowbat na me.

Alright, being fair sa company I guess tama sila kasi wala naman akong ginawa for the past six months. As in Tengga! Nakakatamad na kaya mag twitter at mag-ubos ng oras ng walang ginagawa. Pero ang point ko lang, kasalanang ko bang wala akong ginagawa???!!! Kasalanang ko bang hindi nila ako Pinalipad ng Pransya para mag training kaagad at mag karoon actual action item para ma measure ang performance ko???!! Kasalanan ko bang wala silang define training plan sa bagong line group na gusto nilang mangyari sa Asia Pacific???!!! Lumalabas ang kamote moves sa mga ganyang nakaka demoralized na desisyon! Para sa akin ang magaling na manager na fo-foresee ang mga ganyang pangyayari. Hindi yung puro deadmeat lang at gagawa ng paraan pag nandyan na 'yung dapat gawan ng paraan.

Closed-loop feedback system dapat diba?! Kelangan ako may feedback din sa kanya! Hindi yung puro sya lang. I miss working for an American Company, kebs kahit nasa matatawag na matibay na kumpanya ako kung ganyan din naman ang mga bossing.

Oo reklamador talaga ako. Kaya nga ako nag blog eh para i reklamo ang lahat ng gusto kong ireklamo.

Pagbigay ng papel at pag pirma ko sabay tayo at walk out me. Ako na ang best in attitude! Kung hindi lang ako under bond mag sisimula ulet akong mag hanap ng bagong trabaho. Nakakairita lang! wala akong paki kahit Oil and Gas company sila. Kebs sa banga!

Yung mga action items din pala nya parang ang hirap gawin. Yung mga kasama ko ditong Engineers sa Pransya ginagawa nila 'tong pinag aaralan ko ng mga 7 years or so. Kamusta naman me???!!! Isang timba na yata yung dinugo ng ilong ko sa mga pinag aaralan namin. Hindi kaya ng Pentium 1 brain me.

Believe me thankful ako dahil may trabaho parin ako at may maayos na kalagayan. Gusto ko lang talaga mag labas ng frustration. Kesa naman mag email ako sa boss ko, una sa lahat ang hirap mag english pangalawa effort pa itranslate sa French pangatlo wala namang mababago so shutup and perform nalang ang gagawin me dahil kung hindi Next year ng January tapos ang kabuhayan showcase ko at Hello Farm Town Philippines ang eksena.

Yun lang. Salamat sa pag babasa *SMACK*




19 comments:

  1. bakit ganun? parang nalugi ka dun ah. tama ka, dapat closed loop feedback. tsktsk.

    ganun daw talaga yun. binubugbog muna ang mga bida sa simula.

    ReplyDelete
  2. Ayos lang yan, Jepoy. Pasasaan ba't mapag-aaralan mo na ang pasikot-sikot ng trabaho mo; at higit sa lahat, mahuhuli mo rin ang kiliti ng boss mo. Ganon naman yata sa lahat ng bagay... mas matamis ang tagumpay na pinaghihirapan. Iwagayway ang bandilang may apat na tala (isang araw at tatlong bituin hehehehehe). Mabuhay ka at mabuhay ang manggagawang Pilipino!!!! :D

    ReplyDelete
  3. so you are an engineer pala? sa Oil and gas?

    tyaga ka lang muna... sa halip na ikaw ang mabuang... sila ang baliwin mo...

    sumusweldo ko, ano problema dun?

    ReplyDelete
  4. Hi! Jepoy
    Nakakarelate din ako sa mga reklmo. Ganyan ata talaga ang mga prances pang asar lang. Thanks sa pag post mo ng blog na Ito kasi habang binabasa ko e parang na ibsan ang pag kaninis ko sa bago naming MD dahil same ng lahi ng boss mo. Narealize ko lang Hindi ako nag iisa hehehe. I'm an avid fan of your blogs. Pro ngayon lang me nagcomment. Hehehe

    ReplyDelete
  5. Hi jepoy!
    Thanks for your reklamo kasi sobrang nakakarelate ako. I'm working also in an oil and gas com

    ReplyDelete
  6. Hi jepoy
    Sobrang nakakarelate ako sa reklamo mo. Pang asar din kasi bago naming MD same lahi ng boss mo. Buti na Lang nabasa ko blog mo narealize ko tuloy Hindi ako nag iisa. Hehehe. Oks Lang yan basta tuloy ang pasok kaban ng cash sa ATM na pang sustento sa pamilya sa lupang hinirang. Avid fan ako ng blogs mo. TC

    ReplyDelete
  7. mas okay pa nga yan kaysa sa ibang company eh. sa mga arabs owned company, mas malala! grabe! naexperience ko na kaya nakakairita silang makasama!

    ReplyDelete
  8. Here's to hoping you feel better after this post! :) *SMACK BACK*

    ReplyDelete
  9. ganyan talaga jepoy. i feeeeeeellll for you. tarantado talaga minsan yang mga boss na yan. mala mo pa kapag hobby nila mag powertrip.. hayaan mo. manalig ka sa karma hehe.chor

    ReplyDelete
  10. At, talagang ikaw na ang nagrereklamo sa blog mo! Inaagawan mo pa ako ng papel sa blogsperyo ... JUKKKKK!!!

    Okie lang iyan, kapag bumalik ka sa Pilipinas at nag-ala-farm-town ka na, padadalhan kita ng tupa ... Bwahihihihi!

    Anonymous ba talaga iyong tatlong comment na iyon?? Baka ikaw lang din iyon ... Juk uli! :D:D:D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  11. Kebs na yan! Husayan mo na lang. Pag nagtagumpay ka at regular na tsaka mo siya tampalin ng slight. JUK. God bless Jeps.

    ReplyDelete
  12. ayos den title moh Jepoy eh... DO NOT READ... alam na alam mo na hanglinya na yan makes people wanna read it more... yep... it works! kc nag-work saken... cucurious mga tao kasama akoh pag ganyan mga title... lalo na pag sasabihin na click that X... hmm... anong meron... anyhoo... i love d' way u blog lagi... para ka reng tipo nina Supladong Office Boy at nina Kuya Drake.. at kuya Dude at sama na ren si Glentot.. parang hagnsmart smart nang dating nyo saken... anyhoo... akoh kc usually makatalak lang ang gaya nitoh one long parangraph lang ang reply... marunong naman akoh gumamit nang sentence... pero trip koh this way... nd obvious na madaldal akoh... anyhoo... *hugz*... sau... actually swerte moh nga eh... andyan ka... napapadala ka sa ibang place para sa work moh... sosyalin... 'ung iba all their life nasa pinas lang... kaw u get to go to diff. places.. sobrang sosyalin... mga sosyal kau!... bitter lang akoh... haha... lolz... nd btw what's up w/ u and glentot with sampal word... mahilig kaung manampal.. lolz.. sige na i'm out... entry na toh eh... *hugz* again Jepoy... take care... Godbless! everythin' will be aight... =)

    ReplyDelete
  13. ibuhos mo lang ang rants mo para you feel better.

    masasabi ko na lang, konting tiis na lang muna, atsaka kaya mo yan. kaw pa, e feeling ko (feeling ko lang ha), magiging sisiw lang yang suliranin sa iyo.

    keri mo yan! go lang ng go.

    ReplyDelete
  14. Pareho lang tayo ng kalagayan papsi.. pero kahit ganun? nandito parin tayo, I mean nakakaya natin. Tuloy tuloy lang sir. Makakaya yan!

    at saka Rant lang nang rant punyeta sila.. Joke..

    God bless papi!

    ReplyDelete
  15. Oks lang yan Jepoy... Darating din panahon mo... Parang kelan lang di ba...Anlayo na kaya ng narating mo!--- ASA FRANCE KA NA NGA E. hehehe i know i know dapat sana napaaga pero... at least may direksyon ka. okay? :D at alam ko you'll reach the top SOON! :D

    ReplyDelete
  16. Ayos lang yan jepoy! mabilis naman ang panahon eh kaya yakang yaka mo lang yan... hehehehe... dalasan mo pa lalo ang tweet at blogging mo para maglabas ng rants... lol... para mailabas ang negatives agad at mawala sa system mo... wehehehehehe.... Ingats lagi!

    -Xprosaic-

    ReplyDelete
  17. People I really appreciate your comment and encouragement! Gusto ko sana isa-isahin kayo mag reply pero hindi ko makita notepad sa laptop me. LOL

    Really, thank you so much for believing in me kahit hindi naman talaga tayo technically mag kakakilala. *SMACK* tsaka *Hugs*

    ReplyDelete
  18. Ganyang talga ang sila.Ako ay nasasanay na sa kanilang mga paguugali. Basta gawin mo lang ang best na kaya mo. hindi dahil sa kanil kay papa Jesus na lang.Bahala sila sa buhay nila.
    ang mahalaga yong kabuhayan showcase mo buwan buwan lang ay ibigay.
    at more travel tulad nito.ang saya diba?

    ReplyDelete
  19. Hi Besi! kaya mo yan! be strong, lahat ng company ganyan lalo na pag you're working here in SG.. ang masasabi ko lang ganyan talaga sa umpisa when you are strating to learn pa lang mga gagawin mo, masyadong masakit sa ulo, buti ka nga may training ako diretso agad sa boxing wala pang introduction... pero pag dumaan ang maraming panahon at nasanay ka na, sisiw na lang yan. minsan may time lang talga na gusto mo na mag give-up. But always think of your loved ones and a lot of people want to be in your place.. ikaw na ang nakarating sa Paris :) I'm sure kung ikaw ang may -ari ng company ganun din gagawin mo kasi ang laki ng investment nila sayo imagine all the expenses, di sila mag iinevest sayo kung wala rin silang makukuha sayo in return which is that's why tinitraining ka nila para mas magampanan mo ng maayos ang trabaho mo, imagine laki ng pay sayo pero wala ka ginagawa for the last 6 months, so now is the time na seryosong work na to.... just consider urself lucky.. ingat and wag mo kalimutan pasalubong ni KC. kahit ano! damit pambata pwede na.. wahihihi :) God bless, have faith in yourself :) take care and enjoy Paris, stop worrying about that. God will find a way. Maraming beses ka na nyang tinulungan , ngayon pa ? :) okay paalam nako haba ng nobela ko :)

    ReplyDelete