Ako yung tipo ng taong gumagawa ng move pag safe ang next step to go. Ika nga, hindi masyadong risk taker. Nagte-take naman ako ng risk pero I make sure sa abot ng aking makakaya na mababa ang probability ng failure. Kung baga sa tambyolo ng loto. Maraming entries. More entries more chances of winning. Go!
Oo OFW me pero hindi ako masyadong nag take ng risk kasi hindi ako sumugal (technically) sa Singapore para mag hanap ng work. Hinintay kong may mag job offer sa'kin bago ako mag resign sa trabaho ko sa Pinas para lumusong sa Singapore para maging ganap na OW EP DABALYU. Oo ako na! Pero ganun talaga dapat, walang makakain na darak ang pamilya me kung pupunta ako ng Singapore nang wala pang work, wala akong pera pantustus habang nag hahanap me ng work. At lalong hindi pwedeng umuwi ng luhaan. Paano ang darak aber?!
Kung baga, failure is not an option.
Intro lang yung mga sinabi ko sa taas. Eto na talaga ang kwento. Wag kang excited.
Hindi naman kaila sa tatlong faithful readers ko na nandito ako sa Pransya para mag training nang pag indayog sa entablado nang naka supporter brip lang. Na kwento ko narin last time na na-extend ang probi period ko ng another 6 months. Kung baga, (ayaw paawat sa pag gamit ng kumbaga??!!) one year akong Probi :-( hindi ko na e-explain ang dahilan ulet dahil nakwento ko na yun dati pati pagod-na-pagod na ang puso me isipin ang lahat ng sakit at panaghoy na na-invest me para dito.
Arte lang!
sa totoo lang yung walang halong joke time, kinakabahan ako talaga.
Baket?
Kasi nahihirapan ako sa training ko dito ang hirap sumayaw ng naka squat habang kuakain ng buhay na manok at tatlong espada. Hindi kasi kaya ng cerebrum, cerebellum at oblongata me ang mga inaaral me sa totoo lang, ayokong mag paka-brainy. Hindi ko talaga sya alam.
Kanina nag install ng tools sa laptop ko yung nag tuturo sakin. Nag tataka me baket nya me ininstallan ng Oracle.
Gagamitin ko pala yun para mag extract ng tables galing sa database server. Paano ako mag e-extract ng tables kung hindi ako marunung mag SQL code?! Sabi nya, mag google daw me. Gusto ko syang itulak palabas ng bintana. Anong Google ang pinag sasa-sabi nya! Kung i-google ko kaya betlog nya! Can not!
Pero wala naman akong choice. Kaya more-more google me at trying-hard mag call ng quesries kahit kung ano-anong tables ang na call me. LOL Ang sakit sakit na ng ulo me kanina. Sa sobrang sakit bumili muna me ng kit-kat tsaka perfume para maibsan ang sakit.
Kanina habang lutang na lutang me na nag lalakad pauwi naisip ko yung gravity nang mangyayari kung hindi ko natutunan lahat ng dapat kong matutunan dito.
Una, baka hindi ako ma confirm. Pangalawa, naka work pass lang ako sa Singapore hindi ako Permanent Resident pag walang work walang reason para mag stay sa Singapore, sisipain me pauwi ng felefens. Pangatlo, paano na ang darak na kakainin ang Famili me.
Bigla me na takot. sa sobrang kong takot nag pa-picture me.
Salamat sa pag babasa *SMACK*
hahaha tawa ako ng tawa sa darak! anubeh!!!!
ReplyDeletemakakaya mo din yan! reaserch research na lang...ganyan din ako dito, karamihan nga machines namin di ko alam gamitin kaloka....
goodluck :)
comsci graduate ako pero di ko nagamit ang oracle oracle na yan dahil dumudugo ang utak ko. kumbaga nagfocus lang ako sa web design. anyway, bilang dating ofw, naranasan ko ang hirap at pagtitiis na sinasabi mo para lang may mapakain sa pamilya. shet un! hehehe.
ReplyDeleteanyway, ibang klase naman ung nagtrain sa yo at sabihing igoogle na lang? pero alam ko naman na malalagpasan mo yan bilang inspirasyon mo ang pamilya mo para ikaw ay magsumikap ng husto.
eh syempre napakarir ako sa comment dito. basta God bless you Jepoy. :D
gusto ko lang mag comment. :p
ReplyDeletetake the opportunity and learn from it, ganun naman talaga ang pinoy di ba? always remember to move forward. and regarding dun sa worries mo, i think you should start saving na rin for the rainy days (since sabi mo nga proby ka). kaya naman yan eh, basta my tyaga. pilipino ka. ibig sabihin ang lahat kakayanin. pero pag hindi na talaga kaya, umuwi na. mahal ka naman ng pamilya mo, ano't ano pa. :)
base sa iyong pinost na larawan, maaraw sa paris. bihira lang yan.. maswerte ka. :)
ReplyDeletewala naman dapat ikatakot kung kayang kaya naman.
ReplyDeletehay inggit pa rin me. ikaw na ang nasa pransya.
paki Hi nalang ako kay mona lisa.
bawing-bawi ka dun sa picture mo!!
ReplyDeletehindi halata na nalulungkot at namomroblema ka dyan. hahaha. basta pagbutihin mo ang training and magfocus ng mabuti! magkikita pa tayo ulit sa SG kaya di u pwedeng umuwi ng pinas! :D
Makapagcam-whore lang o, pano na iyong darak?? JUKKKKK!!!
ReplyDeleteKaya mo iyan, Jepoy, kung mapapauwi ka na sa Felefens nating mahal, naghihintay na iyong farmville mo, at iyong tupa na ipapadala ko ... LOL! :D:D:D:D:D:D:D
Naman ang ganda ganda ng background! I love it. Anyway, mukhang hindi ka naman nahihirapan kasi you gain weight nga eh (sa tingin ko lang). :P LOL
ReplyDeletekaya mo yan pre!
ReplyDeletenakakarelate ako sau. puno ng surprises ang mga lintek na employer na yan. kala nila madali lang ang lahat. hehe!
when push come to shove (na wag naman sana mangyari), prepare ka na lang. apply ka agad pagbalik mo sa sg. haha!
oo nga pala, nasa India ako ngayon, sa Bangkok airport naman ung ibang pics kasi dun ang connecting flight. tulad mo, training ako (ng two weeks) dito. :D
di ko magets kong ano yong darak???? hehehe
ReplyDeleteaw, extended ang probation period. dyahe ng slight naman yan.
ReplyDeletegrabehan naman yung training mo, sariling-sikap, wala man lang manual na ibinibigay sa iyo.
hay naku jepoy, before you know it permanent ka na at ikaw naman ang nagte-train.
ReplyDeleteilang beses ko nang napatunayan - walang imposible basta't darak ang nakasalalay. believe me. i've been there. I had it worse kasi walang umalalay sa akin. everyone was rooting for me to fail. Belat silang lahat kasi makapal mukha ko, ha ha ha!!!
go go go Jepoy!!!
natawa ako sa pagtulak sa bintana!lol
ReplyDeleteammmm...don't worry jepoy maipapasa mo din yang probation period mo! You have a BIG GOD who will supply you all the wisdom that you need..ask mo lang sya..
ayos pala pagmasakit ang ulo mo,chocolates and perfume ang gamot, di ka naman masyadong magastos ano?! lol
OK dapat pala takutin ka palagi ng imigration dyan kasi magaganda yung pictures.. hehehehe... joke lang...
ReplyDeletemadalas din akong ganyan, takot magtake ng risk sa something na di ko naman sigurado or di ko nakikita ang dulo.. kaya lang, may mga pagkakataon na kelangan sumugal para matuto at may mangyari sa mga bagay na gusto natin, or else habambuhay na lang tayo sa sulok na ating kinalalagyan..
ReplyDeletegoodluck!
natawa akoh don sa google part... sige di na akoh gano kokokmentz.. tc Jepoy.. *hugz* Godbless!
ReplyDeletebefore u complain, TRY!
ReplyDeletealam mo naman na nung dumating ako sa Sg wla ako work, nung sumabak ako sa work, wla akong alam but I tried :)
buti na lang anjan si manong gugel :)
ReplyDeleteyakang-yaka mo yan. kaw pa. Godbless :)
hindi yan! wag kang praning! hehe.
ReplyDeleteHahahaha. Ewan ko ba pero nakikisimpatya na ako kung bakit naman natawa ako sa sobrang lungkot mo eh napapicture ka. Hahaha. Ako na mababaw! Sorry naman.
ReplyDeleteEh pagsumikapan mo pa! Naiintindihan ko ang hirap umintindi ng isang bagay tapos ang nagtuturo pa sayo eh ibang lahi. Heyreeet! Pero kaya mo yan. Pag pray mo yan. God bless
naniniwala akong pag mataba..mataba ren ang utak..ako payat..payat lng utak mga gnun..haha
ReplyDelete