Saturday, August 27, 2011

Feelingerong Baboy

Hindi ko lubos maisip ano ba ang pinang-gagalingan ng lunkot ko. Dahil ba biglang lumamig ang panahon dito at isa lang ang dyaket na dala ko kaya nanunuut sa fats me ang lamig?! Oh dahil hindi ako maka withdraw ng pera kaya puro credit card ang ginagamit ko at yung allowance kong kakaramput tinitipid me? Oh dahil marami akong na mi-miss?!

Hindi ko talaga alam.

Madalas akong may moment ng ganito. Ewan ba! Tumatanda na siguro talaga me. Mag 22 na kasi me eh. LOL

Tulad kanina, may isang french girl sa opis na bumati tapos humalik sa mag-kabilang pisngi me. Eh hello?! Malay ko bang culture nila yun. Na shock me! Napakapit me sa wall at napadausdus ng dahan-dahan. Ang bango pa naman ni Ate amoy coco jam. Wrraaar! Buti nalang always me mabango. Syempre naman mataba na nga mabaho pa? Like Eiwwww!

Tapos pag upo ko sa Squater na station ko, mabagal akong nag-setup ng gamit. Bukas ng laptop, kuha ng device ek ek kunyari busy tapos check ng email. Nang biglang may naligaw na email. meron syang personal email sakin. Meron daw Donut sa pantry kuha daw ako. Akala naman ni ate makukuha nya ko sa Pa-donut-donut nya. Duhr! Hard to get kaya si Incrediblejepoy.twitter.com (Nag promote?!)

Tuloy ang kwento...

Syempre ang una kong reply sa kanya ay "Merci" yan lang kasi alam kong French word pag nagugulat me kaya kahit gusto kong mag-lumandi ng email response eh hindi ko nagawa kasi, hello?! alanganamang mag google translate pa me. Effort much?!

Syempre bago me mag-punta ng Pantry sumilip muna me sa salamin para i-check kung pogi parin ba me. Syempre naman pogi parin. What do you expect blog ko 'to eh LOL. Sa madaling salita nag punta me ng Pantry. Ang daming tao! Lahat 'nakain ng donut!

Nag email blast pala ang hindot sa lahat, naka bcc lang para personalized. Akala ko pa-naman special me. Hindi pala! I'm just an ordinary boy sitting on the corner waiting to be loved. JUK!

Dahil dun ayoko na syang pansinin. Nahurt me.

MATAMPUHIN?!

Joke lang syempre. Gusto nyo picture nya? ihhhhh wag na...

Tapos kanina bago mag-uwian dumaan sya sa station ko. Sabi nya sabay daw sya mag lunch sa Monday para mapractice ang English nya. Hmp! If I know gusto lang nya me makasama (ASSUMING??!!!). Sabi ko naman...

"Je vais y penser"

(Ang mga pangyayari ay hindi naganap nang katulad nang pagkakasulat. Hindi rin akma sa reaction ng manunulat ang kada emosyong nabasa. Hindi rin makatotohanan ang reply sa huling salita. Inshort, hango sa totoong pangyayari pero nai-tweak ng konti ang istorya. Para lang mas masaya ang kwento.)

22 comments:

  1. Homesick ata ang tawag d'yan sa nararamdaman mo. Iba pa rin kasi ang pagkaing pinoy. Isa-isahin natin, sinigang, adobo, tapos yung iba't ibang --silog, karekare, kaldereta. Ikaw na ang mag-isip ng mga paborito mo pang ulam. Bwahaha. *nang-iinggit* Mukhang hindi nakatulong ang comment ko sa kalungkutan mo. Hehe.

    Karirin mo na lang muna si Ateng French para di ka mainip at malungkot. Hehe.Homesick ata ang tawag d'yan sa nararamdaman mo. Iba pa rin kasi ang pagkaing pinoy. Isa-isahin natin, sinigang, adobo, tapos yung iba't ibang --silog, karekare, kaldereta. Ikaw na ang mag-isip ng mga paborito mo pang ulam. Bwahaha. *nang-iinggit* Mukhang hindi nakatulong ang comment ko sa kalungkutan mo. Hehe.

    Karirin mo na lang muna si Ateng French para di ka mainip at malungkot. Hehe.

    ReplyDelete
  2. Pareng Goyo hulaan ko mobile gamit mo sa pag comment noh?! Sali-saliwat eh ahahahhaha

    Kampay!

    ReplyDelete
  3. ibang klase ka talagang magkuwento. nakakapagpasaya sa umaga! enjoyin mo lang ang lupang banyaga. :)

    ReplyDelete
  4. sarap! may lumalandi.Lumalamig na nga jepoy kaya naghahanap ng yayakap at ikaw ang type.

    ReplyDelete
  5. Marami din nakakamiss sayo hihi... at talagang may disclaimer! haha! Ang cute mo muah!

    ReplyDelete
  6. nagkwento ka pah! lolz... *hugz*.... Godbless!

    ReplyDelete
  7. malay mo po si ateng french na yung para sayo? :)

    ReplyDelete
  8. natawa ako sa BCC! magandang tip yan! mwaahahaha.

    ReplyDelete
  9. Pag nilapitan ka ni ate hawakan mo kagad sa dede sabihin mo its awr kultyur merci LOL

    ReplyDelete
  10. lols, natawa ako sa comment ni sir kumagcow. hahaha.

    mukang may new crush sa iyo yung si ate french. Kaso pano naman yung labstory mo sa sg? hala, baka maging torn between 2 lovers you. :D

    ReplyDelete
  11. Ang URL lang sa twitter, hindi parang sa blogger, Jepoy! LOL. Nagulat ako, akala ko napersonalize mo iyong twitter mo ... Wahihihihih!

    Pakipowt pa you kay ateh, lunch naman daw e, libre ka daw niya ng french fries para pumayat you ... JUK! :D

    ReplyDelete
  12. HAHAHA. Nakakatawa comment ni Kuya Kumagcow. LOL. Well, ikaw na ang kumikire sa office. Akala ko naman nga may pangungulila na nadadama.

    ReplyDelete
  13. @Aris

    Mapatawa lang kita pwede na kong hindi kumain ng one week bwahihihi Maraming salamat sa pag babasa. Appreciate it.

    @Diamond R

    Onga lumalamig dito, ewan ko ba pag walang araw sorang lamig. Slight lang naman koya ang pag landi wala

    lang yun sows!

    @Anonymous

    One question kilala ba kita? Kung hindi natuwa naman me bwahihihi kung kilala kita mag pakilala u! LOL

    Salamats sa pag babasa *SMACK*

    ReplyDelete
  14. @Dhianz

    Oh ayan nag rereply na me ha! Hayaan mo't mag kwento pa me pag di tinamad bwahihihi. Salamat sa pag balik-balik sa kutang walang kwenta *Smack*

    @Nekillegs

    Oi first kong nakita ikaw sa comment field. Una sa lahat welcome to the humble home of Jepoy.

    Malay nga natin pero sa totoo lang naiwan ang puso ko sa Singapore. ung dito la lang yun... bwahihihi

    I appreciate your comment so much. Mhuax!

    @Nyabachoi

    Uu gawin mo yan pang email to all para hindi ovious na nag flood ka!

    Talamats sa kumint! Tsup!

    ReplyDelete
  15. @Kumagcow

    LAPASTANGAN! Ganyan ba ang kultura nating mga Pinoy?! Bastush you!

    TSE!

    LOL

    @Khantatontra

    wala pa naman akong labstori sa SG kasi Torpe me diba puro sablay nga. Pero naiwan parin ang puso ko sa Singapore.

    Ching!

    @Michael

    Aba baket ka nangengelam?! Kahit pornsite pa ang ilink ko sa website ko wala kang paki alam. Chupi!

    Juk lang!

    Salamat sa Comment hihihi

    ReplyDelete
  16. @Yow

    Kumikire talaga?! Oo may pangungulila talaga ang puso me. I'm the boy sitting on the corner waiting to be loved nga eh.

    Bwahihihih

    Buset!

    ReplyDelete
  17. tss. ngayon nga lang po ako nag comment. pero nagbabasa ako dito since january ata? pati ung previous posts mo binabasa ko :)

    ReplyDelete
  18. asan, asan ang pictuuuure!!!??? lols!

    merci,
    apollo

    ReplyDelete
  19. Hahaha ang cute cute mo talaga Jepoy. Your posts always crack me up! Hang in there! Lapit na rin ikaw bumalik ng Singapore.

    ReplyDelete
  20. unang una, gusto ko makita picture! :P hahaha

    hala user pala o hahaha jk ! pero in fairness, kudos for being mabango always! naamoy nga kita--ambango mo! kaya nga hug ako nang hug e!

    at natawa ako... groupmessge pala ahahahahahha

    ReplyDelete
  21. parang fiction na rin pala.

    ReplyDelete
  22. wow. "exotic" ka din daw kasi, kaya ka crush ng mg puting poreyner. hahaha

    ReplyDelete