Thursday, May 19, 2011

Wickedmouth's Birthday

Na pressure akong ibeat yung deadline ng birthday nya. Sana umabot 'tong post ko.

Sa mga hindi nakakaalam sa Wickedmouth and favorite humor blogger ko kasi si Badoodles hindi na active. Nahihirapan kasi akong basahin yung mga emo shit tsaka yung englishing much. Oo ako na ang slow. And just because wickedmouth dot com is my favorite blog hahayaan kong mabigyan sya ng space sa mumunti kong tahanan dito sa mundo ng mga sapot.

Si Wickedmouth ay isang aparition na nagmula sa lupa or most commonly called Surot ay dwende pala. Dwende kasi hanggang bewang ko lang sya. Kaisa-isa syang anak ng pretty mom nya na itago nalang natin sa pangalang Doris. Nag tapos si Wickedmouth ng Kursong Computer Science major in Pornography sa Saint Louis University (San nga ulet tong school mo?! Juk!) Kung masipag kang mag back read sa post nya meron syang entry na kung saan nilait-lait nya yung classmate nya sa English nung nag sit-in sya sa UB. Halos mamatay ako sa kakatawa nung binasa ko.

Si Wickedmouth ay tunay na wicked talaga. Naimbitahan kame sa isang Bible Study gathering wala syang ginawa kundi laitin si Mr Pure Energy sa kanyang peformance dahil umaakyat palang sya ng stage sumisigaw na sya. Tawa kame ng Tawa habang taimtim na na nag dadasal ang buong Church. Kahiya!

Binagyan nya ko ng book na sinulat ni Gabriel Marquez dahil pareho kameng mahilig mag basa ng books. Syempre Brainy! Ehem. Ngunit isang taon ko bago natapos ang classic book. Pang matalino. Nung sinabi kong mahirap basahin wala syang ginawa kundi laitin ang mga books na nabasa ko tulad ng twilight at kung ano-ano pang drama books. Kulang nalang isumpa nya me. Pero kung hindi nyo nalalaman si Wickedmouth ay likas na Grammar Police. Lagi nya pinpop sakin sa YM ang mga wrong grammar ng mga mapagpanggap na English blog. Bwahihihihi. Tawa me ng tawa. Muntik na nga ko materminate kasi tawa ako ng tawa nasa likod ko pala yung Boss kong walang magawa kundi mag micro manage.

Si Wickedmouth ay magaling mag sulat ng kahit na anong medium. Oo kahit chinese. Bwiset ka! Pilosopo?! Basahin nyo yung mga English post nya mapapadrop jaw kayo. Paiba iba rin yan ng template. Minsan may langaw. Minsan may tae. Minsan may sperm. Minsan may alien. Basta kung ano-ano lang. Parati nyang nilalait yung template ko. Ako lang at si Khiki ang masugid nyang mambabasa nung araw. Hindi nakakapag takang dumami dahil mas masama ang budhi mas marami readers. Juk lang!

Si Wickedmouth ay mabuting kaibigan kaya Happy Happy Birthday sa'yo hindot ka! Hindi parin ako nakakamove on sa Whatever 10 na pakontest mo 2 years ago dahil ako dapat nanalo dun ngunit kinain mo lang ang ferrero rocher. Letch!

Kelangan ko nang tapusin to dahil hindi na aabot sa 12 am LOL.

Happy Birthday alam kong nilalampaso mo na ang blog ko sa dami ng unique readers and commenters mo dahil sa sobrang inggit gusto ko na isara blog ko na tatlo lang naman ang readers.

Happy Birthday!!!!!!!


salamat pala sa pagpapakilala mo sakin kay edmilyn at ang favorite line nyang kamon pallow me, i'll vlow you. LOL

15 comments:

  1. TANGINA MO! SA DAMI NG HOT PICS KO YAN PA ANG NAPILI MO HAYOP KA! Aheytit! Palitan mo yan or else!

    Salamat naman sa isa na namang tribute na ginawa mo for me you're my biggest fan talaga as in BIGGEST. Pakyubetch. Naiiyak me!

    ReplyDelete
  2. hahahaha...naipakilala na din sa akin ng wickedmouth si edmilyn..hahaha..trade mark pala niya yan..lels..

    ReplyDelete
  3. naks! answeet lang! lels! umabot naman oh! may quota?! lels

    ReplyDelete
  4. ang sweet nyo talaga sa isat isa, at may tribute pa! siguro kung olats talaga kayo sa gurl sana kayo nalang magkatuluyan. Joke! hahaha..

    well kayong dalawa at idagdag si badoodles at paps ang inspiration ko kung bakit ako nagblog. at kayo rin mag magiging dahilan kung baket gusto kong isara. ang gagaling nyo kasi.. *teary eye.. hahahah..

    happy birthday kay boss glentot!

    ReplyDelete
  5. hahaha. ang ganda ng tribute na to! kayo na ang magiting na mag bespren sa blogosperyo! hehe :) at kahit patawa ang mga hirit mo, ay alam kong deep inside, ay malapit sa puso mo si glentot. hehe.

    keep your tandem alive and burning, jepopyski!!! :)

    ReplyDelete
  6. hahaha! katuwa naman kayo! naku di na ako eenglish baka nilalait-lait na din ako ni glentot! waaah! sorry naman..grade SEX lang ang natapos ko... #lels

    ReplyDelete
  7. Haha. Ang sweet. Naniniwala ako sa laht ng sinabi mo. Haha. Nahiya naman daw ako sa Wickedmouth na binibigyan ng tribute pag birthday. HAHA.

    ReplyDelete
  8. hahaha nakakatawa kayong dalawa ang sweet.happy birtday ulit kay glentot

    ReplyDelete
  9. ahahahah. ayun o, base si glentot sa comments mo Jepoy.

    Naku, grammar police pala yang ssi glentot. katakot. Strict sa wrong grammage. hahaha

    Ang sweet sweet ng post na to. best buddies kayo sa blogworld. Parang Buddy and sol. Parang batman and robin. :D

    ReplyDelete
  10. Haha Wag ka na magmaktol, Jepoy!! Madami ka ring fans, ikaw yata si Glentotx2!!! Bigger, better, brighter, star'struck!!!

    Happy birthday, Glenn!!!

    (magpapaka-anonymous ako at baka huntingin mo ako, kung mahunting mo ako, pasalubong po ha?!?!? masugid po ninyo akong mambabasa. Pagpalain po kayo palagi...)

    ReplyDelete
  11. kung makatanong naman to kung saan ang slu o. Iskulmate kami ni kuya glenn. hnngg! at nasabi ko bang baguio yun. lels!
    heavy happy birthday kay kuya glenn! kegwapong nilalang. aylaykhim na! lels!

    ReplyDelete
  12. happy bday ulit andoy... sana umusbong ba kababoyan friendship niyong dalawa.. ahahah

    ReplyDelete
  13. HANEPPP ginawan ni best friend ng blog post!!! hahaha!!!

    GANYAN NIO KAMAHAL ANG ISA'T ISA!

    HAPPY BDAY GLEN!
    LOVE,
    JEPOY

    ReplyDelete
  14. hahahaha, kahit puro laitan, ang sweet pa din ng dating. haha.

    ReplyDelete
  15. tarantadong glentot. hahahaha. natawa ako sa mga laitan niyo. hahaha. kiss daw kiss. hahaha. wag na uulitin ang tampuhan. nyahahaha

    -kikilabotz

    ReplyDelete