Sunday, May 1, 2011

Chinese Massage

Niyaya ako ng kaibigan kong mag pamasahe sa halangang 40 SGD nung Sabado.Masakit na daw ang likod nya sa di malamang kadahilanan (Ayaw pang tanggapin na matanda na kasi)

Thank Gawwd, may nagyaya rin sakin nito. Gustong-gusto ko na kasi talagang mag pa massage. Ektwele, sa Pilipinas kasi madalas akong mag pamasahe, ito yung isa sa kwento kung gusto mo mag back track, GOW!

Dito sa Singapore sabi ng mga chismosang bangus mahal daw ang services like palinis ng kuku, pagupit at pa-masahe or spa kaya bilang isang pobre hindi na me nag hangad pang mag pa masahe. Hindi ko alam ang range ng presyo ng masahe dito pero dahil masakit na ang likod at hita ko dahil sa pag papanggap kong mag jogging at mag badminton eh pinatos ko ang 40 Sing Dollars.

At dito mag sisimula ang kwento ko. Pangalanan nalang natin ang masahista sa Pangalang Tsina. Kung baket tsina simple lang reason... taga China sya. Tanga ka?!

Hindi marunung si Ate mag English pati mga officemates nyang masahista hindi rin marunung mag English. Pagpasok nya na starstruck sya sakin. Hindi ko sure kung na starstruck sya dahil sa mataba ako or dahil sa pogi ako. Pinilit kong paniwalaan ang second option dahil blog ko ito. May reklamo? Kung meron chupi!

Iniabot ni ate ang short na gawa sa kapote. Kulay puti itwu. So sinuut ko kagad at humiga sa massage bed napagod din kasi ako sa kakalakad dahil hinanap pa namin ang lugar sa kapusuran ng Tanjong Pagar. Pag pasok ni Tsina. Sabi nya wow you're so cute. Charot! Pag pasok nya inutusan nya kong dumapa, hindi ko pa nga na gets pinag sasabi ni Tsina. Effort much.

Binilin ko kay Tsina na soft lang dahil sensitive ang bubut kong katawan. Sinimulan ni Tsina ang session sa pamamagitan ng pag smooch ng massage Oil sa aking bubut na katawan. Walang amoy yung massage oil kaya hindi ko sure kung mantika yung pinapahid nya sa katawan me na fresh and young.

Maya-maya pa sinumulan na ang paghagod ng likod ko at wetpaks sa pamamagitan ng kanyang siko. ANG SAKEEET LANG! ang talim ng siko ni Tsina ate Charo. Feeling ko biniblade ang likod ko at pwet. Sabi ko:

"Stop Et!!!"

Hindi naintindihan ni Tsina ate Charo. Minolescha parin ni Tsina ang bubut kong katawan. Sakit much! Tapos sumakay si Tsina sa likod ko. Dati yata syang matador hindi masahista. Ang lakas nya ate Charo. Sinulan nya karatihin ang Spinal ko at lower back. Sakeeeeeeeeeeeeet! Tiniis ko nalang ang inisip na hindi na ko mag papamasahe kahit kelan pag uwi ko nlang ng Pinas.

Natapos ang session namin na hinang hina ako at hilong hilo. Nakuha pa ni Tsina na mag smile. Sabi nya nung natapos na. "Sir Finish already mah"

Parang hindi ako makabangon. Saket! Kelangan ko ng kalinga at pag mamahal. Arte lang. Nag bihis na ko lumabas na ko ng massage room pag lakad ko madulas parin ang legs ko naka limutan ko palang mag brip. Bumalik ako sa kwarto na sahig yung brip ko all the time. Kahiya much!

Paglabas ko ng kwarto parang may magic ang Chinese massage. Nawala ang sakit ng katawan ko. ALABEET! Pero parang ayoko na bumalik ulet. LOL

Kinabukasan! Sobrang sakit ng katawan ko at puro pasa ang likod ko. LOL. Ito nga pala si Tsina.



16 comments:

  1. di lumabas picture ni tsina. :p

    ahahaha. mukang may healing prowess at destructive prowess si tsina! :)

    ReplyDelete
  2. Ang hawt naman ni Maria Ozawa hehehe...Di nga xa ang nagmassage sau? LOLZ!

    Di kaya sa Thai massage ka pumasok? lol

    ReplyDelete
  3. juk lang yung pict ahahah

    ReplyDelete
  4. papa jepoy... naloka ako sa masahista na yan... kelan kaya ako magiging masahista mo..lol kahit sa binti lang ok na ako... :)))

    ReplyDelete
  5. hanggang massage lang talaga papi??? hahahaha..

    First time ko rin magpa-massage, sumaket din katawan ko pero kinabukasan naman.. ahihihi..

    ReplyDelete
  6. kahit araw araw magpamassage kung kay maria ozawa hehe..

    ReplyDelete
  7. photah ka jepoy tumawa ako ng malakas dito sa office hahahhahahah


    maria ozawa talaga LOL naiimagine ko siko nya hahahahah

    ReplyDelete
  8. waaah!kung ganyan ang masahista im sure mahaba lagi ang pila dyan sa spa na yan hihihi

    ReplyDelete
  9. i "crush" your masahista! sooo sexy mah! choosy pa?! haha!

    karamihan naman ng staff sa mga spa ek ek dito ay mga chekwaloo, isang beses ko pa lang din na-try magpa-spa/massage,di na ako umulit,feeling ko mas may career pa ako. (feelingera)

    ReplyDelete
  10. Pahamak na Tsina yan. Saktong kinakausap ako ng officemate kong babae pag click ko. langya!!! yung officemate ko pagkakita, umaktong parang wala lang.. ako din, nagrespond na parang wala lang.. pero syeet!!

    ReplyDelete
  11. na-insekyoooor naman ako kay masahista hahahhaha

    ReplyDelete
  12. ahahaha! parang gusto ko din magpamassage kay ate tsina, bahala na kung masakit!

    ReplyDelete
  13. marami pa rin bang pinay sa tanjong pagar? ahihihi!

    ReplyDelete
  14. ba naman yan! sakto nung ni-click ko yung image ni Tsina, nasa likod ng screen yung nanay ko. Thanks ha! Baka iniisip ng nanay ko ang manyak ko na! XD

    ReplyDelete
  15. buti na lang di ka niya ginamitan ng mga vacuum chuva glass na di ko alam ang tagawag sa kanya. kasi may experience din akong ganon sa isang chinese. kinabukasan naawa ako sa aking sarili parang na massacre. Itinago ko ng isang lingo ang likod ko dahil baka iba angisipin ng makakakita. ibang klase naman itong mga chinese na ito kong makamasahe.

    ReplyDelete