Thursday, October 29, 2009

Short kwento lang

Nagpunta ako sa school ko 'nung College dahil hindi ko pa nakukuha ang year book ko ever since natapos ako. Balak ko sanang kunin na para naman may remembering..ay remembrance pala

Pag tapak ko sa iskul nag flashback sakin lahat ng pag hihirap ko para lang makatapos. Gusto ko sanang puntahan ang prof ko na nag bagsak sakin at sasampalin ko ng dollar account ko. LOL Sya ang montik ng mag paiyak sakin sa corridor, ka montikan na rin akong ma-kick-out dahil sa kagagawan nya, Shit sya! (Di parin maka move on?!) Pero wag nalang bad po iyon, galit Papa Jesus.

Matagal tagal narin akong hindi nakapasyal sa alma meyter ko, naisipan kong mag ikot ikot muna sandali bago umuwi at matulog tutal hindi naman kalakihan ang Mapua, so steady lang mag ikot-ikot. Balak ko rin mag lakad sa intramourus gaya noon nag lalakad kapag depress depressan nakaka relak kasi dun.

Inumpisahan ko na ang pag mamasid...

Ang mga alaala ng nakaraan ay nag balik. Para lang akong hinigup ng time i-space warp ni Puma Ley-Ar. Ang pinaka classic na hindi ko malilimutan ay ang CR noon, dahil pag ji-jingle bells ka ang flush ng indoro ay wala sa tapat kung hindi nasa taas ng ulo mo na merong naka usling alambre para hilain at i flush ang tae/ihi mo at may mga uling din dito na nag a-act as deodorizer. So kung jejebs ka tatayo ka pa para hilain ang alambre at iflush ang jebs mo. Sayang nga hindi pa time ng digital camera noon, ang uso pa yata ay ang 36 shots na roll film ng kodak at fuji films. Joke lang! Hindi ko panahon yun.

Kung pwe-pwesto ka naman sa may Urinal mapapansin mong merong naka dikit na bubble-gum sa pader tapos may buhok na medyo kulot tapos may nakasulat sa may bandang itaas nito "Please donate your bulbul here...". Syempre nag donate ako 'dun noon, ang sakit pala bumunot ng bulbul mag isa, Aww! at hindi dumidikit kagad sa bubble gum kelangan ko pang lawayan ng konti. Yuck! wait lang naisip ko lang alen ang mas masakit mag hila ng bulbul? Maghila ng buhok sa kilikili? O mag hila ng buhok sa ilong? O sa Patilya? Hmmm that's another story I guess.

Tuloy ang kwento...

Aba.Aba. Ang West Building at ang Physics lab na nag lalagablab sa init dati ay fully airconditioned na ngayon at fiber glass pa ang mga ding ding samantalang dati kahoy lang sila. Nag diretso naman ako sa Drawing Rooms aba aba aba airconditioned narin at bago ang mga drawing tables, at hindi na rin pwede mag yosi dati naman pag night class pwede. At ang mga CR sosyalin na, wala ng sira sirang tiles ang maayos na ang lahat! dati kelangan ko pang tumakbo sa McDo para jumebs ngayon pwede everywhere.


Lumakad din ako sa may Intramourous wall para kamustahin sina suking suking Manang Porchop at Dong & Dang's Carinderya at Pansitan, pati si Kuyang Yosi Vendor. Suki kasi nila ako. Tapos ng konting kwentuhan nag decide na akong umuwi kasi inaantok na ko.

Ang ending pala ay hindi ko parin nakuha ang yearbook ko, nawala ko daw kasi ang resibo. Hello!!!! five years na nakakalipas ala nga namang i-treasure ko pa 'yung resibo 'nun. Ang sabi ni Ateng Sungit Balik nalang daw ako pag tapos ma verify. Tae sila! Kanila na ang Year book ko! I don't give a damn! (Practise lang sa nalalapit kong pag aartista
.

Salamat sa pag Babasa ulet!


Monday, October 26, 2009

The Drake's Game

Una nag papasalamat ako kay Drake sa larong na imbento nya. Dahil talagang natawa ako sa laro na ito naisip kong gayahin ang na imbento nya. Likas nga akong inggitero kaya ganun. Dadagdagan ko nanaman ang mga walang ka susta-sustansya kong entries. LOL

Napaka Simple lang ng mechanics ng larong ito. Sasagutin ko lang in a split of a second ang mga questions (Parang the flash lang); kelangan mag list ako ng 3 answers sa bawat questions bali kung anu ang kauna unahang lalabas sa isip ko dapat 'yun lang ang isusulat ko. 'diba ang dali dali lang. So sisimulan ko na.

Magbigay ng tatlong bagay na makikita sa bubong

1. 4Fe + 3O2 --> Fe2O3 Alam ko maraming mag tatanung kung ano ito?! yan po ay Kalawang or Rust chemical equestion nya po yan (Parang henyo lang!)
2. Hollow blocks
3. Lola ko nag sasampay

Magbigay ng tatlong bagay na masarap gawin habang nakapikit

1. Uminom ng fit and right
2. Umiri pag Matigas ang tae tapos kasing laki ng braso ang lumalabas
3. Mag tikol


Magbigay ng tatlong bagay na ikagagalit ng mga babae

1. Tanungin kung tae ba ang ulam nya kanina kasi ambaho ng hininga nya
2. Hawakan ng bigla ang susu nya sa Mall
3. Sabihing panget sya


Magbigay ng tatlong bagay na ikagagalit ng lalaki

1. Isigaw sa puplic na isang piraso lang ang Betlog nya
2. Sabihin sa gf nya na Mamas Boy sya
3. Isigaw na puro Betlog lang sya walang titi

Magbigay ng tatlong bagay na mabaho pero masarap

1. Buro na kulay suka ng pusa
2. Sukang Basi at apple sider suka
3. Boys alam nyo na 'yun isa sa masarap at masustansya 'yun na 'yun

Magbigay ng tatlong bagay na hindi mo pwedeng gawin kapag nagdedeyt

1. Magkamot ng Betlog
2. Mag tikol sa CR
3. Makipag sex sa helpdesk ng restaurant habang kumakin ng dessert ang Ka-deyt


Magbigay ng tatlong bagay na sasabihin mo pag nautot ka sa public place

1. Sisigawan ko ang katabi ko "Tangina mo ang baho ng utot mo, shit ka"
2. Wala akong sasabihin; Makikiramdam pag mabaho ang utot mag hihimatay himatayan ako
3. Guys! Do you smell that funny smell?! Kinda baho diba Eiw

Magbigay ng tatlong paaralan na sasabihan mo pag tinanong ka kung saan ka nag-aaral

1. MIT
2. Mapua
3. MapuTek

Magbibigay ng tatlong gulay na maputi

1. Labanus
3. Radish
3. Okra... mmm 'yun laman ng Okra pala hindi ung balat

Magbigay ng tatlong gulay na hindi kinakain

1. Mushroom... ung may ring
2. Sitaw... Na may uud
3. Kalabasa...na may tae

Magbigay ng tatlong bagay na nagpapatunay na gwapo ka

1. Kelangan pa bang i memorize yan... Wala akong pimple kahit isa
2. Blogger ako (Pre raise the roof!)
3. Maraming mag kokoment sa entry ko na to (Pak u! Mag comment ka) Ahahaha

Ang saya ng laro ni Pareng Drake, kung award giving body lang ako bibigyan ko sya ng award pero dahil isa lang akong simple blogger boi kiss nalang ang ibibigay ko kay Pareng Drake..Mwah! Ahahahah.

********************************

Bago ko tuluyan matapos ang aking entry, share ko lang ang books na kinaadikan ko lately baka lang mag ka interest kayong basahin. Mystery Book ito tungkol sa isang Telephatic na si Sookie Stackhouse dito rin pala hango ang HBO series na True Blood. I like the book better so baka lang interested kayo mag basa eto picture. 299 pesos ang book isa sa National Bookstore pati sa Fullybooked.



Saturday, October 24, 2009

Kwento ko Today!

Hindi naman sa lahat na pag kakataon lagi nalang nakakatawa ang nangyayari sa buhay natin. Tulad nalang sa buhay ko minsan naiinis din ako or madalas pala, pero lagi lang akong naka smile kasi ayokong mag karoon ng pait sa puso ko, baka mamya neto ma istroke pa ko, haller!

So kanina pinag mamasdan ko ang mga langgam habang nakahiga ako sa pang mahirap kong bed, kakatapos ko lang noon mag basa ng tatlong chapters ng Sookie Stackhouse fourth book: Dead as Doornail. Minamasdan ko ang mga langgam at naisip kong Sana ginawa nalang akong langgam ni Papa Jesus para hindi ko nararanasan ang hagupit ng mundo at emo emohan na dulot ng kung anumang sirkumstansya sa buhay at higit sa lahat naisip kong ang langgam ay marunung mag save for rainy days pero ako hindi. Kaya nga ang ginawa ko nalang ay bumangon at nag punta ng MOA (Oo favorite ko ang MOA or ang Mall of Asia na mas kilala sa tawag na MUWA. Baket MUWA? Kasi 'yun ang tawag ng mga manong kunduktor sa kanto namin pati kundoktor sa baba ng MRT at LRT)

Malapit lang ako sa MUWA limang tumbling lang at kalahating Cartwheel nandun na ko kaya naisip kong pumunta doon kasi hindi ako makatulog.

Pag dating ko sa MOA tinanong ko ang sarili ko "Ano ang gagawin ko sa MUWA?" Medyo na hahawa na ako sa mga pananalita nila manong Kundoktor na BISACOL kasi sila ang kabonding ko sa yosian sa baba namin. (Ang BISACOL ay BIsayang BIcolano, FYI lang)

So tuloy ang kwento...

Pagdating ko sa North Wing ng MUWA nakita ko ang flirtness first staff, merong chika bebe na tinanong ako kung gusto ko bang mag pa member sa halagang 2K monthly through credit card, naka suut sya ng super pekpek skirts at fitness first shirt na maikli tapos pa ex ang back strap, yummy! dahil matabil ang dila ko at pag nag salita ako ng english ay para akong naka tira sa Ayala Alabang at tunog mayaman din ay nag lumapit ang mga ibang staff para tulungan si chikabebe na mag up-sale ng bonggang bongga, syempre naki usi naman ako at nag pa tour sa flirtness first dahil parang gusto ko narin mag ka six pack abs (Gudluck!)

So tinour tour ako ni Miss Chika bebe na nag ngangalang Arizona (Susyal ang Pangalan parang Amerika lang) Pag tapos nya ako itour para makita ang facilities nila, take note naka angkla ang hands nya sa may siko ko ha while we are walking around the Gym (Parang luneta lang) pero syempre wala lang sakin 'yun syempre naman malinis ang aking isip sa mga ganyan ganyan. Pagtapos ng tour tinanong na nya ako kung mag papa member na ako today at hinihingi na nya ang credit card ko.

Bigla kong naalala ang mga langgam na nag lalakbay sa tabi ng higaan ko kanina at naisip ko na kelangan mag save for rainy days dahil I'm not getting any younger anymore. Kaya sinagot ko sya ng matamis na Ayako.

Nalungkot si Arizona dahil hindi sya na ka upsale. At dali dali akong umalis dahil baka ma-pa-Oo ako ng bigla dahil sa nakakaawa nyang muka at mura nyang katawan.

Wednesday, October 21, 2009

Picture Greeting Unleashed

I am officially older than last year to say the least.

I would like to thank you all for the effort and the greetings. I have a blast 'nung birthday ko, plus when I have had the oportunity of checking my email ay talaga namang na tats ako gusto ko nga umiyak ng beri beri slight lang dahil na tats ang puso ko.

Anyway highway, This it guys!!!!! (kinikilig-kilig pa ang betlog) Wag kang ma excite, buset! Mas excited ka pa sakin.

Eto na nga ang bunga ng pangungulit ko ng isang buwan. Presenting (drum roll please) ang mga pinaka pogi at pinaka magagadang blogger friends ko na nag bigay ng time and effort para bigyan ako ng picture greeting for my birthday. Para sa readers na lately lang naparito at gustong ibuffer ang video na ito, hindi po ako ang original nitong picture greeting, ginaya ko lang po ito kay Pareng Gasul kasi likas po akong inggitero kasi.

Merong catch sa video, wait lang. Merong late na nag padala at hindi ko na naisama sa video kasi sakto namang tinatamad na akong mag edit kaya i-lalagay ko nalang ang pictures nila dito. Wag sana magalit ha.

Wait lang ulet, bago mo ibuffer at i-play pag pasensyahan nyo na ang itsura ng video hindi kasi ako magaling gumawa eh, lalo na 'yung mga mga fonts na lumilipad lipad all around the screen-Hindi po ako marunung 'nun kung kaya parang isang glorified power point presentation lang ang naging result ng video na ginawa ko. Pero as the old saying goes, "It's da tot dat kawnts"

Sige buffer mo na, Now na! (tapusin mo ha pinag hirapan ko yan) kung hindi langgamin sana ang itlog mo mamyang gabi.

Video Clip: Jepoy
Music: Black and God
Artist: Jepoy




Mula sa Kumpare kong si Kablogie na walang kasing kulit salamat sa iyo! Cheers Pre don't porget may kfc pag uwi mo ha :-D



Mula sa cute na cute na si Kox! I kras you na! at kahit hindi ka nag po-post parati lagi kong dinadalaw ang bahay mo, tatayuan ko na nga sana ng kandila eh, jowk lang po. Pakiss nga! Mwah!


At ang kauna-unahang naging Blogger friend ko na si Acrylique na talagang ayaw paawat ng underwear cam shots nya sa facebook! LoL Pole Salamat ng Marami sa Iyo! Apir!


Sana po ay sa susunod na taon ay mas marami akong ma collect! Again mula sa ka ibuturan ng aking puso at balunbalunan "THANK YOU SO MUCH" tats na tats ako sa ginawa nyo. Bago pala matapos itong entry ko; Sam Sparro po ang artist ng Music sa video hindi po Jepoy, Jowk lang po na ako ang artist.


Salamat sa pag basa! Balik po ulet!!!!

Wednesday, October 14, 2009

Wish List

Bago sumapit ang tunay na araw ng kaarawan ko I would like to take this opportuinity para mag tenchu (Parang Grammy Awards lang) lubos po akong nag papasalamat sa mga kaibigan dito sa blogspot sa pag se-send ng malikhaing picture greetings nyo. I really really appreciate it. Pag katapos kong mangulit ng ilang beses upang mag email kayo ng picture greetings nyo ay nakalikom ako ng 14 picture greetings sa awa ni Papa Jesas, tatlo doon ay hindi blogger so all in all meron akong na collect na eleven. 'Yay!

Ako ay nag pupugay at nag sasabing mabuhay maskuman! Thanks for spendin' time doing it.

Alrighty, Ako ay pupunta ng Europe this weekend bali kasama ang Friday hanggang Tuesday syempre naman birthday ko dapat lang na mag relaks habang kumakamal ng mga regalo tulad ng relo, pitaka, Wax, Pabango, Kwintas, Bedsheet, Unan, Kotse wish ko lang. Jowk lang ang pag punta ko ng Europe asaness naman. Gusto ko rin palang gamitin ang blog kong ito upang pasalamatan ang aking mga house mate noong college sa isang simple at humble na salo salo sa Friday's sa MOA. Masaya ako kasi kinantahan ako ng Heypi Burthday at meron pang ice cream na may candle.

Na tats ako ng bonggang bongga.

Simula pa kasi sa pagkabata ay hindi pa ako na kakatikim ng Cake na may icing pag birthday ko, 'yung tipong pag birthday mo meron kang picture na blow mo 'yung candle habang naka smile wala akong ganun ganun ang meron lang ako pag birthday ko 'noon ay kalamay.

Para sa hindi nakakaalam kung ano ang kalamay; Ang kalamay ay gawa sa malagkit na bigas na nilagyan ng asukal pwede pula o puting asukal. In English Rice Cake. Oo sawa na ako sa Kalamay kasi Kalamay pag Pasko. Kalamay pag Birthday. Kalamay pag fiesta ng Patay. Basta puro kalamay pag may occasion samin. Pero syempre thankfull parin ako kasi labor of love ang pag gawa 'nun which is 'yun naman ang important ang love (Gumaganun! Awwww). Enough of that Kalamay.

Eto ang ilan sa mga House Mates ko noong College together with their Picture greeting for me. Hindi sila kumpleto kasi yung iba deadma na kasi baka mayayaman na at ayaw ng sumama sa mga dukha.



Hindi kasi ako ma kakapag internet ng one week kaya ma mimiss ko ang lahat ng mga blogs nyo. Sa araw ng birthday ko naisip kong mag punta sa Bahay ng Matatandang nilimut na ng mga hapaslupa nilang anak para mag pamirienda ng konti at kumanta. Oo kasali ang pag kanta walang kokontra. Mag papalaman din ako ng tasty at mag iikot sa roxas para mag bigay ng tasty na may palamang Eden Cheese sa mga street children. At kung may matitirang budget ay idadate ko si Payne Kherington. Ang pang final ay i papasyal si Mama at Papa sa Mall at papalafangin ko sila ng bonggang bongga para marealize nila na hindi sayang ang pinang tuition fee nila sakin. LoL

Ok Mapunta naman tayo sa Wish list ko ngayon birthday ko. Malay mo may mag bigay diba. Lima lang naman ito at hindi naman mamahalin mumurahin lang sila.

1. Gusto ko ng Tshirt na ganito galing kay Mindeth ang picture click mo to para makita mo

2. Gusto ko ng Sookie Stackhouse Series na Book. Uhm, bali nasa ikatlong book na ako eh eleven yun bilhin nyo na 'yung the rest tapos padala mo nalang sakin. Sama mo narin 'yung Ink Heart kasi di ko pa nababasa 'yun eh.

3. Gusto ko ng palitan ang cellphone ko sobrang tagal na kasi. Gusto ko ng new gen IPhone

4. Gusto ko ng bagong boxer briefs kulay black at kulay green samahan mo narin ng tatlong Nike na medjas hindi knee socks ha at isang crocs na tsinelas.

5. World Peace!

Monday, October 12, 2009

Short Post lang!

Hindi ko pa po nasasagot ang mga comment sa last post ko, pasensya na sa inyong lahat na beri beri peytpul ang pag cocomment nyo sa walang kwenta kong blog. Medyo napadami kasi ang social life ko last weekend. Oo sumusocial life na rin si Jepoy. Na-realize kong hindi lang pala ang mundo ng blogosperyo ang bilog pati rin pala ang Motha Ert ay bilog din. Anu ang relasyon sa pagiging bilog ng MOtha Ert sa social life ko?! Well bukas ko na sasagutin 'di ko rin alam ang sagot eh.

Anyhow carabao, short post lang ito para sa mga kumpadre' ko dyan. Gusto ko lang ilagay ang bidyo ng nakalantari ko last night. Tignan nyo bilis na kaka anu.
Please look closely sa pag giling nya ha. After nyan dumiretso tuloy ako at ang aking mga kaibigan sa Wensha Spa upang mag full body massage. Sayap! Glentot kung nababasa mo ito nalimutan ko ang imbitasyon mo sa Bible Study, I'm churi wala kasi akong tulog.

Saturday, October 10, 2009

Kwentong MRT ngayong Byernes

Nag ma-madali akong pumasok kasi malapit nanaman akong ma-late. IELTS exam ko na kanina at kinakabahan na ko. Doon ako sa may Pasay Rotanda sumasakay.

Pag pasok sa MRT nawala na ang amoy ng pabango ko dahil na over power na ng ka-asiman ng mga people na nakikipag siksikan sa pila. Hindi muna ako sumakay sa unang tren dahil nga ito ay parang 555 sardines lang na ang nasa loob ay suka dahil ang asim ng amoy dahil sa sobrang dami ng tao. Nag mamadali ata umuwi kasi friday nga.

So tumayo muna ako at nag hintay ng pangalawang tren.

Dumating ang pangalawang tren. Medyo siksikan parin. Nag mumura na 'yung isang Manang kasi hindi pa nakaka labas ang mga tao ay pilit namang pumapasok ang sandamakmak na tao sa likod at gilid ko sabay nito ang pag tulak ng bonggang bongga sakin paharap kay Manang. E tao lang naman ako na mahina kung kaya pag tulak nila ay tinulak ko rin yung Manang, so minura nya ko ng super lutong.

"PUTANG INA KA! Hindi pa nga nakakalabas ang tao"

Si Manang high blood ata. Syempre nag sori lang ako dahil akoy model student 'nung grade three, umakyat pa nga ko ng stage 'nun eh. Anyways, sa loob ng MRT ay pumili ako ng pwesto na malapit sa pinto para pag baba ko ng Edsa Shaw diretso takbo na lang papasok ng Ortigas. Sumindi ang Aircon at lumamig ang paligid.

"Haist ang lamig! Sarap" sabi ko

Mayamaya pa ay nag simula ng sumatsat ang voice over ng MRT at kasabay nito ang pag sakay ng isang pamilyang koreans sa may tabi ko.

Umaandar na ang tren...

Ung nasa sa tapat ko ay kinalabit ako upang mag tanong.

"Malapit na ba dito ang Baclaran?"

"Ay Ate hindi po ito pupunta ng Baclaran, ang dulo po nito ay SMNorth Edsa, dapat po LRT ang sinakyan nyo hindi MRT"

"Panu ko pupunta ng Baclaran?"

"Ay madali lang po, bumaba na kayo now na habang Magallanes palang tapos sakay po kayo pabalik tapos doon po kayo mag LRT"

"Ganun, ano ba ang Dulo nito?"

"SMNorthEdsa po"

"Hindi ba 'yun Baclaran?"

"Hindi po"

"Sige Mamya nalang ako baba sa Baclaran.."

Hindi ko na sya pinansin di ko na kasi kinakaya. So na lihis ang tingin ko sa isang pamilya ng korean. Sa tabi ko ay nag uusap sila ng parang bahay lang nila ang MRT.

"Chingkong kholow fongah shiwitura"Aktuli yan lang ang pag kakarinig ko kasi hindi ko sila maintindihan. Baka mamya pinag kwe-kwentuhan na pala nila ako. Mamya ay sabay sabay na silang nag salita at unti unti ng naririndi ang tenga ko at isapa tumatalsik ang laway 'nung tatay natatalsikan ang kamay ko.

"Excuse me, do you speak English"

nakatingin lang sya sakin walang ni 'ha' ni 'ho'

"Ok never mind..."

Nag simula sila ulit mag kwentuhan ng parang bahay nila ang MRT. Syempre hindi naman ako pwede mag reklamo dahil pare pereho lang kaming may MRT card. So ang ginawa ko tumayo ako at pinaupo ko nalang si Ate tutal seksi naman sya para sila nalang mag kwentuhan at hindi na ako mabingi at matalsikan ng laway ni kuya.

Aba pag upo nya ay tumungo sya at inabutan ako ng card na meron nakasulat na ganito.

"Saeng il chuk ha hae!" 생일축하해!

Alam nyo ba kung anu ibig sabihin nya? click mo ko


Buti pa sya noh?! :-D

Wednesday, October 7, 2009

Boom Boom Pow!

Nakakatamad mag sulat!

Pero syempre mag susulat parin ako, pa pilit lang ng konti. Medyo naging busy lang ng ilang araw dahil oras nanaman ng IELTS test namin sa opisina. Oo every six months kasi ang IELTS test namin. Nakaka-preysher kasi ayokong bumagsak. Nakakahiya baka sabihin ng bossing ko pumepetiks lang ako sa trabaho at hindi ko na makuhang mag prepare para sa mandatory test na ito.

Pero naman, kung English at English lang din naman ang usapan eh hindi tayo papahuli dyan Parekoy, Ehem You know!

Fine! Sa totoo lang kamote talaga ako mag english mas gugustuhin kong mag solve nalang ng Calculus kesa mag English. Ay ayoko pala mag solve at ayoko din mag English nakaka nose bleed. Ang gusto ko ay mag kamot lang ng betlog lol jowk lang po! Dati nga 'noong pumasok ako sa Call Center eto ang nangyari sa first call ko.

Jepoy: Thank you for calling linksys my name is Jepoy, How may I help ya today?! (rising intonation)
Customer: You say your name was what?
Jepoy: Yes sir
Customer: No I am asking for you name
Jepoy: uhuh
Customer: Are located in India?!
Jepoy: No Sir. Are you?
Customer: *Nag disconnect*

Hindi 'yan ang paksa ko ngayon na share ko lang yan, moving on, ang totoong paksa ko ay ang picture greeting na hindi mo pa sinesend. Jowk lang po! Peace on Earth and Motha Neycha!


May mga katanungan ang ilan sa mga kaibigan ko sa akin, Share ko lang sa inyo mga tropa. Kung ayaw basahin stop na here. don't go na there. Alright?

1. Jepoy baket ang taba mo?

Sagot: Eh Ikaw baket ang panget mo letche! Jowk lang! nasobrahan ako sa Ahm nung baby ako kaya lumusug ako.

2. Jepoy anung masasabi mo sa climate change?

Sagot: Putang inang question yan walang kwenta. Siguro ibig sabihin nagagalit si Motha Neycha sa atin.

3. Jepoy masarap bang humigop ng sabaw ng sinagang na mainit?

Sagot: Oo basta habang hinihigop mo ito ay naka pikit ka na parang may humihimas ng betlog mo. Letcheng question yan, walang kwenta.

4. Jepoy baket hindi ka mag artista ang cute cute mo kasi?

Sagot: Dapat ganyan ang mga question. Answer is don't mention it [insert byutipul eyes here]

5. Baket hindi nag sesend ng Picture Greeting ang mga tropa mo?

Sagot: Not so sher Pre, tanungin nalang natin sila. Txt kita bukas k.

Para sa inyong katanungan na gusto nyo ng kasagutan mag comment lang sasagutin natin yan next time mga tropa.



*************Salamat sa Pagbasa************************

Saturday, October 3, 2009

Prayer ni Jepoy

Dear Papa Jesas,

Ako po ay na ninikluhod sa inyong trono ng blessing na patnubayan ang aking bansang sinilangan sa pag dating ni Kuya Pepeng. Promise po mag papakabait na ako. Hindi na po ako ma lalate sa opis kahit one minute at hindi ko na po uunahin ang pag bloghop pag dating ko sa Opis. Sana po ay patawarin ninyo ako sa mga Sins na na ka hurt sainyo ng bonggang bongga. Minsan po talaga ay medyo matigas lang ang ulo ko katulad ng pinaka mamahal ninyong Israelites noong panahon ni Lolo MOses. Nabasa ko po sa banal na kasulutan na madalas nilang nakakalimutan ang himalang pag sagip Ninyo sa Ehipto na kung saan minagic nyo ang dagat at nahati ito para makatawid sila ng safe, naging matakaw din po sila dahil noong pinaulan ninyo ng pag kain (nakalimutan ko na po ang term dito parang Am ata 'yun not sure po) at sinabi nyong kumuha lang ng tama ay naging greedy ang mga Menggoy at nag store ang mga ito sa kani-kanilang kabinet, kinabukasan tuloy ay inamag at nabulok ang lahat ng ito, hindi kasi sila nakinig sa instructions nyo ang titigas ng ulo parang ako po minsan. Salamat po sa peytpulness Ninyo mula pa noon hanggang ngayon.

Itinataas ko po ang aking hands sa pagpupuri sa inyong pangalan tanda ng aking pag suko sa inyong Powers. Pasensya narin po kayo dahil hindi na ako nag lea-lead ng praise and worship t'wing Sunday Worship Service dahil sa busyness ko ay na lilimutan ko ang tunay na reason baket ako na bubuhay sa Mother Earth- Para papurihan ka ng bonggang bongga.

Inilalapit ko po sa inyo ang mga Dam sa ilang sulok ng Pilipinas at ang marurupok na bahay ng mga katulad kong hampas lupa sa lahat ng sulok ng Filifins. Bigyan nyo po kami ng more more wisdom para more more mind over nerbyosness ang magaganap sa pag hagupit ni Kuya Pepeng. Hayaan nyo rin po na mag tulungan kami para more more love and bayanihan ang magaganap.

Sana rin po ay mag padala ng picture greeting ang aking mga kaibigan sa Birthday ko. Ingatan nyo po si Mama and Papa and utol and relatives ko sa Pampangga kung saan ay Signal number 1 na. Sasabihin ko po kay Mama ko na wag na mag tapon ng basura sa creek para hindi na kame bahain.

Pero kahit anu pa po ang mangyari maganda man o ugly, masakit man o matamis, mapait man o hindi ay hayaan nyo na hindi mag bago ang love ko sa Inyo dyan sa Mansion nyo sa Heaven habang binabantayan nyo kami dito sa Mother Earth. Papa Jesus I love you po.

Nag mamahal Nyong anak,
Little Drummer Boy