Thursday, May 12, 2011

My Short Vacation (Silip na kung interested)

Last weekend sumama ako sa isang short get-away para makapag relaks narin ng konti. Napaka hard working ko kasi kaya dapat may bakasyon din naman kahit papaano. Since malapit langnaman ang Singapore sa States nag punta kame ng California para mag beach at mag IHOP. Juk! Napunta kame sa Bintan, Indonesia malapit lang kasi itong sa Singapore. Apat na tumbling lang at kalahating split tsaka 45 minutes ride ng ship. Ship talaga?!

Dahil wala naman akong abs walang picture na makakapag patulo laway nyo dahil balot na balot me. Nahiya ako sa ab ko.

Na relaks at nag enjoy ako sa gala na ito dahil kasama ko mga Churchmates ko kaya may halo me sa ulo buong trip.

Share ako ng konting pics para mag ka sense naman 'tong entry ko. Malay nyo hindi na ko maging humor blog maging travel blog na rin me. I guess not. Ayway highway ang unang shot ay kuha gamit ang aking telepono. Paano pa kaya kung DSLR na gamit ko noh?! Juk!

The next shot is a sunrise shot gamit ang cellfon ko. JUUUUK! maayos na camera na yan. Kinupit ko na ang mga susunod na pictures na makikita nyo. Sige makitingin ka lang. Libre lang yan.











Pero ang pinaka pamatay sa mga pictures ay ito...KumapiT you ahahhahaha

Hindi lang pacute ang picture na yan may lesson yan no. Sus! Hear no Evil..See no Evil...Speak No Evil...Yan kasi na tutunan ko sa aking pakikipagniig kay Papa Jesus.. Seriously, words are powerful so I choose to speak life... I'm trying to speak life. See no Evil hindi na me manonood ng porn at hindi na me mag sesecond look sa naka miniskirt sa mrt at naka plunging boobies sa mrt. Hear no evil, if I choose to speak life...I choose to listen to people who speak life. Gaya ni wickedmouth...

Truth is...We can't change by our own self kelangan natin si Papa Jesus. Yan ang self realization ko sa aking vacation. Yun lang powz! Alam kong hindi kayo nag enjoy sa pictures sorry naman, gusto ko lang mag update.

Dahil binasa nyo ito at tinignan ang pictures may libre kayong hug tsaka kiss *SMACK*

Wednesday, May 4, 2011

Open Letter to my MOm

Open Letter to Mom

Mama,

Happy Birthday Ma! I love you so much. This is not the most emotional letter you would be receiving from me. Well, actually mabibilang mo lang naman talaga sa kamay mo kung ilang beses ako sumulat. Sabi nga sa kasabihan action speaks louder than words.

Alam mo na hindi ako naging masamang anak. Hihihi Hindi rin naman ako naging sobrang buti. Tamang timpla lang. Ikaw din kaya hindi perfect! Umarti?! Pero kahit na hindi ka perfect given the chance of choosing another mom ibubulong ko kay Papa Jesus na ikaw ulet.

Hindi ako mahilig mag thank you sayo. Diba nga pag abot mo ng pera tatalikod kagad ako. Or kikiss lang ako okay na. But this time hindi ikaw yung dapat mag thank you sa tuwing may inaabot ako. Maliit na bagay lang yun kumpara sa nabigay mo sakin.

Mama naalala ko nung hinatid mo ko sa first day of school ko. Very vivid pa un sakin. Natapon ko yung juice sa uniform mo tsaka sa uniform ko pero sabi mo okay lang yun. Dapat wag ako matatakot sa school kasi big boy na ko. And that dapat maging valedictorian ako kasi sabi mo matalino ako.You were there the whole time hanggang sa first recitation ko. You were celebrating with me. Thank you for the encouragement. Sorry kasi best in attendance lang ako nun.

Mama everytime nangungutang ka pambayad ng tuition fee ko nung college nadudurog ang puso ko, pag nakikita kitang iniiyakan ang ibang tao pero wala akong magawa, hindi ko masabi how thankful and grateful I am kasi kahit kahihiyan na sa mga kamaganak natin can afford eh hindi ka na ngingiming mangutang. Hindi kaman kasing talino tulad ng mga nanay ng classmates ko na dean sa college or kung ano-ano pa man proud na proud parin ako sayo.

Mama Happy Mothers day pala! Alam mo mas ngayon ko navalue kung gaano ka kaimportante sakin kahit sa sobrang liit lang na detalye. Remember nung papaalis ako paunta Singapore. Umiiyak ka, iniabot mo sakin yung med kit. Kumpleto my bioflu, tuseran lahat meron. Nagamit ko sya ngayong may sakit ako. Ang difference lang walang nag papahid ng vicks sa likod ko. Pasensya ka na dahil wala akong kwenta kausap kanina. Ayoko ko kasing maiyak sa office at ayokong nararamdang naiiyak ka kaya tinapos ko na kagad yung call.

Ang daming reasons kung baket ako proud and love kita, malamang hindi mo naman mababasa to kasi hindi marunung mag internet pero at least alam ng lahat ng proud ako sayo at love na love kita. Sana iinumin mo parati yung gamot mo sa highblood. Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko sa pictures na magkasama kayo nila Papa. Pasensya na kelangan ko talagang mag abroad kahit hindi naman kailangan dahil gusto ko lang gawin to para mas ma enjoy nyo ang buhay habang malakas pa kayo.

Mama salamat sa maraming sinigang na favorite ko. Maraming salamat dahil tumatabi ka sa akin pag mataas lagnat ko kahit masikip sa kama. Salamat kasi inuna mo pa-aiconan kwarto ko kasi alam mo ayoko ng mainit. Salamat kasi isusubo nyo nalang binibigay nyo pa sakin. Salamat binigay nyo mga materyal na bagay na halos hindi nyo naman kayang ibigay. Salamat kasi may Cake ako nung grade 1 kahit wala naman tayong pera. Salamat sa mga bagay na naibigay nyo na halos ikahirap natin para lang matugunan ang dreams ko. Hindi ko matatapos to dahil natulo na yung sipon ko. Gagawa nalang siguro ako ng mas maayos na sulat para sayo. Gusto ko lang mailabas sa pamamagitan ng lathalang malapit sa puso ko edi itong blog ko.

Mama I love you so much! Pasensya na sa mga pagkukulang ko. Tinatry ko naman punuan eh. Ingat's parati Happy Mothers day! sana nagustuhan nyo yung flowers at cake. I miss you! Kitakits soon wag ka mag pabili ng LV hindi ko kaya bilhin yun. Mwah!

Happy birthday Ma! May you have more wonderful years to come! Shopping tayo!

Love,

Jepoy mo!

Sunday, May 1, 2011

Chinese Massage

Niyaya ako ng kaibigan kong mag pamasahe sa halangang 40 SGD nung Sabado.Masakit na daw ang likod nya sa di malamang kadahilanan (Ayaw pang tanggapin na matanda na kasi)

Thank Gawwd, may nagyaya rin sakin nito. Gustong-gusto ko na kasi talagang mag pa massage. Ektwele, sa Pilipinas kasi madalas akong mag pamasahe, ito yung isa sa kwento kung gusto mo mag back track, GOW!

Dito sa Singapore sabi ng mga chismosang bangus mahal daw ang services like palinis ng kuku, pagupit at pa-masahe or spa kaya bilang isang pobre hindi na me nag hangad pang mag pa masahe. Hindi ko alam ang range ng presyo ng masahe dito pero dahil masakit na ang likod at hita ko dahil sa pag papanggap kong mag jogging at mag badminton eh pinatos ko ang 40 Sing Dollars.

At dito mag sisimula ang kwento ko. Pangalanan nalang natin ang masahista sa Pangalang Tsina. Kung baket tsina simple lang reason... taga China sya. Tanga ka?!

Hindi marunung si Ate mag English pati mga officemates nyang masahista hindi rin marunung mag English. Pagpasok nya na starstruck sya sakin. Hindi ko sure kung na starstruck sya dahil sa mataba ako or dahil sa pogi ako. Pinilit kong paniwalaan ang second option dahil blog ko ito. May reklamo? Kung meron chupi!

Iniabot ni ate ang short na gawa sa kapote. Kulay puti itwu. So sinuut ko kagad at humiga sa massage bed napagod din kasi ako sa kakalakad dahil hinanap pa namin ang lugar sa kapusuran ng Tanjong Pagar. Pag pasok ni Tsina. Sabi nya wow you're so cute. Charot! Pag pasok nya inutusan nya kong dumapa, hindi ko pa nga na gets pinag sasabi ni Tsina. Effort much.

Binilin ko kay Tsina na soft lang dahil sensitive ang bubut kong katawan. Sinimulan ni Tsina ang session sa pamamagitan ng pag smooch ng massage Oil sa aking bubut na katawan. Walang amoy yung massage oil kaya hindi ko sure kung mantika yung pinapahid nya sa katawan me na fresh and young.

Maya-maya pa sinumulan na ang paghagod ng likod ko at wetpaks sa pamamagitan ng kanyang siko. ANG SAKEEET LANG! ang talim ng siko ni Tsina ate Charo. Feeling ko biniblade ang likod ko at pwet. Sabi ko:

"Stop Et!!!"

Hindi naintindihan ni Tsina ate Charo. Minolescha parin ni Tsina ang bubut kong katawan. Sakit much! Tapos sumakay si Tsina sa likod ko. Dati yata syang matador hindi masahista. Ang lakas nya ate Charo. Sinulan nya karatihin ang Spinal ko at lower back. Sakeeeeeeeeeeeeet! Tiniis ko nalang ang inisip na hindi na ko mag papamasahe kahit kelan pag uwi ko nlang ng Pinas.

Natapos ang session namin na hinang hina ako at hilong hilo. Nakuha pa ni Tsina na mag smile. Sabi nya nung natapos na. "Sir Finish already mah"

Parang hindi ako makabangon. Saket! Kelangan ko ng kalinga at pag mamahal. Arte lang. Nag bihis na ko lumabas na ko ng massage room pag lakad ko madulas parin ang legs ko naka limutan ko palang mag brip. Bumalik ako sa kwarto na sahig yung brip ko all the time. Kahiya much!

Paglabas ko ng kwarto parang may magic ang Chinese massage. Nawala ang sakit ng katawan ko. ALABEET! Pero parang ayoko na bumalik ulet. LOL

Kinabukasan! Sobrang sakit ng katawan ko at puro pasa ang likod ko. LOL. Ito nga pala si Tsina.