Wednesday, April 7, 2010

Hush Hush

Hello World!

Narito na me at mag tatangkang gumawa ng book review. Nakita nyo naman sa profile description ko dyan sa tabi ng poging pektyur ko sa side bar na mahilig akong mag basa ng aklat. You know naman kashe kameng mga matatalino mahilig sa mga books, I know right?! LOL

Medyo natengga kasi ako sa pag babasa dahil busy ka-chat ang mga walang kwentang nilalang sa paligid ng universe na walang alam gawin kung hindi manakit ng damdamin ng taong umiibig. Sana naging abo ka nalang i heytchuuuu!!!! (May poot?!) Kaya naman ibinaling ko ang precious time ko sa pag babasa na kung saan eh may mapapala ako at mapapaligaya pa me ng beri beri nice, kesa naman ma-waste lang ang time ko na sa huli naman ay mag durugo lang pala ang puso ko ng tunay na tunay (Ayaw paawat sa emo?!).

Una 'kong na dampot ang book na may pinamagatang Hush Hush, gift ito sakin last Christmas. Hulaan nyo kanino galing ang book. Yeah, isa syang lamang lupa na mas known sa tawag na dwende? kelangan nyo pa ng clue? Sige last nalang... Sensitive sya.. LOL


Hokey simple lang ang story ng book. Kwento ko ng konti ha.

Nag simula ang story sa kalandian ni Nora Grey isang highschool student na may idiotic best friend na ang pangalan ay Vee. Like the usual Twilight-ish book, nag ka kilala si Patch (Isang fallen Angel) at si Nora (Isang brainy flirt Chick) sa isang Biology class na kung saan nag simula ang madamdaming love story ng mga potangena. Naging group mate si Nora at Patch sa isang activity na kelangan ng interaction ng mag-partner at doon nag simulang landiin ni Patch si Nora while si Nora naman eh pa Virgin. Sa kabilang banda ng School nila ay may darating na dalawang character, sina Jules tsaka Eliot ito. Sila 'yung dalawang kontrabida na kung saan mag kakaroon ng twist ang story dahil sa kagagawan nila.

Ano nga ba ang twist sa story?

Ganto nga kasi 'yun lapit ka bilis habulin mo ko.Joke! Bali sa bandang umpisa ng book may nag tatangkang kumitil ng buhay ni Nora Grey na medyo nadamay nga yung idiotic bff nya na si Vee tapos ma pag bibintangan sina Patch, Elliot at Jules sa mga susunod na tagpo ng aklat, different occasions ito ha. Pampa-confuse fuck lang ba, kaya pag kayo naman nag basa wag kayong papadala ng slightly bongga, Okay?! Habang nangyayari ang pag ge-guess ng readers kung sino ang may kagagawan ng krimen eh sakto namang ma didiskubre ni Nora na Fallen Angel si Patch kasi nga ginagamitan sya na hypnosis para ma sex nya si Nora, joke! Dito na mag le-level up ang pag lalanding tunay ni Nora habang nililigtas ni Patch ang buhay nya na syang magiging dahilan ng pag gro-grow muli ng Wings ni Patch dahil sa kanyang pureheart para iligtas si Nora sa tiyak na danger, obcors may wings (in tagalog slang pek -pek) dapat talaga ang Angels.

Ito ang catch, si Patch kaya' sya naging fallen angel kasi na inlove sya dati sa isang human. Wtf!!!! So Cheesy highschool shit! Hindi ko na pala kaya ang gan'tong klaseng babasahin pero ok lang naman hindi ko ma ikakailang nag enjoy ako kasi 2 days ko lang din syang nabasa. LOL

So ang totoong review ko ay (Yung kanina fake lang 'yun)...

Wag nyo nang basahin kasi na kakatamad pero kung mahilig ka sa twight-ish-kinda-a -thing na babasahin baka ma enjoy mo ang book, but not so much for me. infairness sa Author maraming namang part na nakakatawa sabi ko habang nag babasa hihihihi. Kaso lang nahirapan me ng slight kasi English.


Yun lang mga tropapits! hanggang sa muli!

Bow!

Tuesday, April 6, 2010

Blogger of the Month-April Edition

It's a new month, and it's time to feature another talented blogger (well at least in my own personal opinion) So walang kokontra, hokey!

dahil bisyo kong mag basa ng funny at personal blogs sapagkat pinanganak akong echuserong frog kaya naisipan kong bigyan ng parangal ang magagaling na blogger for me kaya nga...

Malugod ko pong ipinapakilala ang April blogger of the month sa walang kwentang blog ko. Sya ay walang iba kung hindi ang napaka landing si Great Maldito isa sa paborito kong blogger. Eto ang picture ng walang hiya! Go!


Okey una sa lahat hindi ito bayad. Talagang binabasa ko lang ang blog nya ng walang humpay. Nag ba-back read talaga kasi ako sa mga blog ng na-feature dito pati yung mga nagugustuhan kong blogs mula simula ng entry nila pinag tsa-tsagaan ko talagang basahin pero syempre bago ko iback read eh nag ka-interest muna akong basahin ang sulatin nila ala nga naman basahin ko ng wala naman akong interest edi nakatulog ako noon with matching tulo laway, parang tanga lang! Honga pala, ni nenok ko lang ang picture nya sa taas tulad ng pag nenok ko sa picture ni Chicksilog noong na feature ko sya sa aking blogger of the month. Sana wag magalit si Great Maldito.

So, baket si Maldito ang feature blogger ni Jepoy ngayon April?!

Simple lang ang dahilan April fool's month kasi, Jowk! Ang totoong dahilan ay naaliw ako sa mga sulatin nya. Matagal na akong nag babasa ng blog nya nang hindi nya ramdam pero lately lang ako naka pag koment kasi kala ko nga maldito talaga sya. At hindi nga ako na bigo, totoong maraming na de-deadbol sa maling akala dahil... Isa nga syang maldito! Chos!

Naaliw lang talaga ako sa mga sinusulat nya at meron din syang entry noon na nakapag pa teary-eye sakin. Hindi ko na makita ang link kasi binura 'ata ng Potangena ang archive nya. Basta ang eksena 'dun eh si Maldito merong slightly miss understanding with Ermats tapos nag emo emohan sya sa puntod ng erpats nya basta ganun nakaka iyak pota! pero mas maraming na kakatawa pag nga tumatawa ako habang nag babasa ng entries nya nakikita na ng ka office mates ko yung kanin sa intestine ko eh.

Sino si Maldito?

Hindi ko rin alam actually. Isa syang singaw na nagkatawang tao at nag simulang mag blog upang mag dulot ng saya sa malungkot na mga mata ni Jepoy.

Ito nga pala ang "About me" nya sa kanyang page, basahin nyo nang malaman nyo na hindi lang isang box ng dragon katol ang sinisinghot nya everyday.

"Ilang taong din akong hinamak, dinuraan at kinunan ng purit dangal ng mundong makasalanan. Sabi kasi nila, (ng mga boses sa paligid ko) pinanganak daw akong walang talent, at lalong lalo na walang kwenta. Pero sa murang edad ko, virgin na virgin sa mata ng matatanda, indi ako naniniwala.

Sinabi ng nanay ko na may future pa daw ako. Pero tinanong ko siya kung saan. Indi siya makasagot. Tinalikuran nalang ako ng bigla, pumunta ng kusina at nagsaing. Pero inisip ko na lang may kasagutan din sa mga katanungan ko. Matino akong tao, pilit ko yang pinapakain sa ego kong kasing laki ng ice berg.

Sino ba talaga ako?

Isa lang naman akong lumot dito sa mundo ng ternetz. Walang kabuhay buhay, malamya at walang kakislap kislap. (Meron bang lumot na kumikislap?) OO. Ako. At ako lang ang may kakayanan na ganyan. Arte.

Daming naghihinala kung sino talaga ang tao sa likod ng mga salita, kwento at sa likod ng blog na to. Gustuhin ko man na ilathala ang totoong buhay ko dito, indi pwede. Indi ako celebrity, indi ako dyaryo at indi ako karinderya na utang na loob, bukas sa kung sinong gustong dumakma at lamunin ang aking pagkabuo. Kidding.

Gusto kong manatiling ganito. Yung indi masyadong pakipot at indi din masyadong nakatiwangwang. Maganda yung iwan ko ang mga readers ko (kung meron man) ng munting imahinasyon kung sino talaga ako.

Pangalanan niyo ako ng kung ano ano.

But I prefer you guys to call me….

The Great Maldito."

See?! Adik diba?

Wala akong badge badge shit na maibibigay ang tangi ko lang maibibigay ang dagdag na hits ng site mo at ang pinaka matindi sa lahat ang akong undying friendship. 'yun lang po!

Bow!

Friday, April 2, 2010

April fool's Day

At sinu namang may sabing isasara ko ang blog ko! Hangzarap kayang mag sulat!

Isa lamang malaking hoax iyon, Nyahihihihi!

Bunga ng celebration ng April 1. Payn, wag na kayong mag tampu-tampuhan tulad ng kaibigan kong Dwende sa paligid na lumevel up sa pag ka sensitive, pero may point naman sya ako talaga ang may-sala, Gow!

Sobrang overwhelming ang inyong mga message, sobra! si Drake gumawa pa ng special post, may mga nag txt tumawag, haist ang hirap talagang maging Artista! Chos!

Just to let you know na bati na kame ni Glentot. Hinamon nya me ng suntukan tapos hindi naman pala sya maka-palag, nag ka black-eye tuloy sya, duhr! Joke! Tinanggap na nya ang peace offering kong house and lot at sakahan. Wala na syang poot sa puso bunga ng Charm ko! Sino ba namang makaka resist sa aking makinis na kutis at pefect smile?!

Nga pala sobra akong na tats sa mga message nyo, az en! Totoong mahirap talagang iwan ang pag susulat, I believe that once a blogger always a blogger (Parang question and asnwer portion lang, Putangena!)

Dahil excited me sa bakasyon ko hayaan nyo nalang mag share ako ng konting pictures ng aming tagaytay trip kasama ang mga Poging blogger friends ko. Dumadami na ang network ko. Pwede ng mag pasara ng Bar at mag pakalasing dahil sa hapdi ng puso (Ayaw paawat sa EMO???!)

Eto ang ilan sa mga pictures:

Picture 1: Dahil gabi na nga kame dumating ng tagaytay wala ng magandang makikita sa overlooking scene sa likod namen. Ang tanging magandang scene nalang na makikita nyo ay yung naka red, super pogi! Chos!


Picture 2: Tinitesting ni Glentot ang kanyang skill sa DLSR nya bago sya nag inarte. Sinu sinu ang kasama ko dyan? From left to right Pusang Gala, Kikilabotz, Jepoy Kyot Kyot at si Andy. Fine hindi ako ang pinaka pogi dahil nandyan si Kikilabotz ako naman ang may perfect smile. Hihihihi

Picture 3: Tomguts na kame talaga pero hindi ko ma-figure out kung ano ang aking oorderin kasi gusto ko silang lahat. Fine ako na ang matakaw kayo na ang diet! Hmp!

Picture 4: Group picture namin wag nyo ng tanungin baket naka simangot si Glentot hihihihi. Si Andy naman hindi masyadong masaya. Ako naman Pogi lang hihii. Complete kame sa picture na ito habang imiinom ng house tea at iced tea. Oo sabay 'yun walang basagan ng trip!!!


Mga friends ang linggong ito ay pag gunita sa pag kamatay ng ating Panginoong Hesus. Imagine namatay sya para sa akin at para sa iyo upang tubusin ang kasalanan natin?! Isn't that amazing?! The greatest sacrifice ever done.

So ang gusto ko lang ipoint out is alisin nyo ang poot sa puso nyo, mag patawaran at mag mahalan tayo dahil maikli lang ang buhay kaya dapat masaya. Ang dami daming bagay sa mundo na malungkot. Maraming reason baket dapat tayo umiyak at masaktan.In my case mas pinili kong maging masaya. Pinili kong mag sulat ng makaka-kiliti sa singit ng mga nakakabasa ng blog na ito na nalolongkot at nawawalan ng pag asa sa buhay.

Ang masasabi ko sainyo Cheer up Bitch!

Tandaan Loves tayo ni Papa Jesas kaya smile lang okay. Salamat ng Marami sa inyong pag babasa!!!