Wednesday, October 17, 2012

One Fine day

Hindi ko masyadong maintindihan baket ang hina-hina ng tyan ko ngayon sa gata. Ganun yata pag nagiging balingkinitan ka ng dahan-dahan, humihina ang sikmura.

Dati namang matindi ang sikmura ko sa mga kung ano-anong weird food.  Kahit nga ung fishballs nalalaglag na sa sahig kung wala pang 5 seconds kakainin ko pa ito at may nadikit na tae ng pusa. Charot lang! Patay gutom na kung patay gustom pero pag laki sa hirap bawal ang maging choosy.

Merong local dessert dito sa Singapore na kung tawagin ay Bubu Cha-Cha, don't ask me why the name was like that? Dahil hindi ko alam ang sagot, basta Bubu Cha-Cha ang tawag. Simple lang ang mga sangkap hindi complicated, kamoteng kahoy, gata ng nyog, dalawang kulay na sago, pula tsaka green, yello at asukal. Ilalagay muna ang mga solid ingrediets tapos yung gata tapos nakapatong ang Ice na pinong-pino ang pag kaka grind and then tsaaaraaaan!!!!! meron ng Bubu Cha-Cha. Ang sagwa lang ng pangalan parang tae ng cow.

Hindi sya masarap period. It's not that bad but comparing sa mga desserts natin, it's not that great.

Pero dahil trained na akong kumain ng mga ganitong uri ng dessert, nagustuhan ko narin sya eventually. Meron din silang local dessert dito na malapit sa halo-halo natin na kung tawagin nila ay Iced Katchang. Hindi rin sya masarap. Para lang binuhusan ng mga de-color na syrup tapos ma grinded mais sa ibabaw tapos kung ano-anong sangkap sa ilalim ng yelo and then presto! Meron ka nang Iced Katchang. Pangit din ng pangalan parang tutchang lang.

So ang kwento ko nga ganto.

Kumain ako ng Bubu Cha-Cha eh, merong gata. Alam na! After 5 minutes ng pagkain unti-unti ko nang naramdaman ang mga tae sa digestive system ko na nag kakarambola sa bandang pwitan ko. Gusto na nilang lumabas. Ang prublema ayokong tumae sa little India station. Hindi ako racist, ayoko lang tumae dun. Pero may magagawa ka ba kung taeng-tae ka na ng dahil sa gata ng nyog?!

Bumaba ako ng Little India station dahil ito ang the best station na feeling ko aabot pa ko sa toilet dahil kapag tiniis ko at nag-umarte pa ko para mag-hintay pa ng ilang stations, mag lalawa ng tae sa loob ng MRT at hindi ko iyon gustong mangyari. Maraming beses na 'tonng nangyayari sa'kin, naiblog ko na yung experience ko dati, this one is another thing to remember. Ikakabit ko sa Pensieve ko. Dumbledore?!

Tumakbo ako ng mabilis. Mabilis na mabilis na prang may kaharutan sa kagubatan habang na huhulog ang snow ng dahan-dahan. Tumakbo ako papuntang kubeta. Pag dating kosa Toilet sarado lahat isa lang ang bukas ng cube at squat toilet ito.  Binuksan ko ang cube at nanghina ako sa nakita ko. Yung tae wala sa Toilet nandun sa apakan ng toilet. Yung tae sa tyan ko parang bumalik sa sa lalamunan ko at naging tae ulet. Dugyot!

Ipinapangako kung hindi na ko papasok sa Toilet ng little India MRT Station. Mga tatlong araw ang picture sa ulo ko. Naalala ko sya tuwing mag lunch na me.

Thursday, October 4, 2012

Some quick Update

Apparently my love for blogging is getting lesser and lesser these days, maybe because I don't have anything to blog at all. I knowwww! That sounds crazy because there will always be something to write about but really, I dunno why anymore *Sigh*

Arte lang 'yung english part.

A couple of weekends ago, habang naka pila kame to buy lunch after ng Church service I met someone who read my blog. She noticed me. I died. Gusto kong kainin ako ng lupa sa hiya. I am not totally freferd. lols. Nahiya me ng 10%! Nahiya ako kasi madalas ang content ng blog na ito ay hindi sychronized sa faith ko and of all people, church mate ko pa! Ahahhaa nakaka-aliw!

Anyways, It's October and in three weeks time I'm gonna be celebrating my birthday. Crap! Tatanda nanaman me ng isang guhit! Parang sibuyas lang. This time of the year hindi na ko humingi ng Picture greetings from my blogger readers and friends nahiya na kasi ako dahil madalas hindi ako nakaka pag blog hop kaya I didn't ask nalang rin baka mamya wala pang magbigay ma depress pa ko sa birthday ko. Wala na ngang love life, depress pa, mataba pa. Susme! Wala ng natira kundi hotness nalang. ahaha

I scheduled my Pinas vacation on my birthday week. I'm really looking forward to see my family and friends, kalahating taon akong hindi umuwi nag tiis sa kakatrabaho para sa future namin at para matubus ang mga kalabaw ni Pudrax at pambili ng feeds na kakainin namin araw-araw. Baboy?! Tsaka magastos kasi umuwi ng Pinas pero the fact that I am coming home I just don't give a damn, na-miss ko na si Mudrax and Pudrax ko. Pagkakasyahin ko nalang kung ano meron. LoLz

Sandaling panahon lang ako sa pinas but I look forward to this vacation, I wanna set up a short bloggers EB kaso baka walang dumating. I wanna meet sana the bloggers I haven't meet na nakakakulitan ko for like long time. Para manlait narin ganyan. Si Wickedmouth na bahala dun. Kung gusto mo ko maka kiskisang siko sama ka! Mag dala kalang ng alcohol baka kasi mag ka rushes me. Juk!

Dahil mag birthday ako mimigay ako ng IPAD basta ibalance nyo lang ang equation na ito sa harap ko:

2C8H18 (l) + 25O2 (g) ----> 16CO2 (g) + 18H2O (g)

Joke! Syempre Joke din ang IPAD. LOLz

Nag punta pala ako sa Phuket, Thailand last time kasama ang mga kaibigan. The trip was almost perfect. Good for relaxation and bumming around and partying and getting laid. Charot lang 'yung getting laid. Ang pinaka highlights ng trip na ito ang pag sakay ko ng speed boat.

Baket?

It was 40 minutes ride going to the white beach kung saan kinuha ang movie ni Leonardo Di Caprio na "The Beach" ang daming tao pero ang kwento ko talaga ay ganito. Malakas ang alon, as in 'yung tipong kapit na kapait ako sa bakal. Imagine my position naka side ako habang humahampas ang malanding alon basang-basa ako pati ang beach bag ko. Hindi ko pala na kwento na mahihiluhin ako. I took the med before kame umalis. Malay ko bang dapat one hour before iniinom na yung Punyetang gamot eh, wala pang 30 minutes pumalaot na kame. Hinang hina ako. Kulang nalang humiga ako sa gitna ng speedboat. Pero tiniis ko ate Charo. Kapit na kapit ako sa bakal. After 40 minutes saktong pag dating namin sa white beach at pababa na ang mga tao. Hindi ko na kaya. Sumuka me! Dyahe Pre! Dugyot na kung Dugyot. Nasa gitna ang trash bin pumunta ako para sumuka ng wagas. Mga 6 na bugahan ito. Nakatingin sakin ang mga tourista. Pota! Suka me ng Suka at hinang-hina me.

Tapos na food poison kame. Nasa eroplano palang pauwi spell suka at pag tatae ng tubig ang nangyari. Buti nalang sa last day sya nangyari at na enjoy ko parin ang trip kahit papaano. Kinabukasan naka sick leave ako ng dalawang araw dahil kulang nalang tumira ako sa kubeta para tumae ng wagas. Halos mapakalmot ako sa tiles at sumigaw ng stop et!

Sa ngayon magaling na me. Yun lang naman. Uwian na pala namin. Next nalang ulet ang kwento.

Ingats!