Wednesday, February 22, 2012

What's on my mind...Walang ka kwenta-kwentang update.

-Wala akong date 'nung nakaraang valentine's day spell sago-sago, not that I can't really have one (Confident?! Madaming Choice?! Macho?! Makinis?!) but I chose not to go out on a date. Una sa lahat, puno ng bookings ang mga hotels. LOL. Secondly, may pasok kaya! Nakakapagod, imagine galing pa ko sa dulo ng Singapore. Isang tumbling nalang at kalahating split Malaysia na. And ultimately, wala akong pera. Pak!


-Gusto kong bumili ng bagong raketa ng Badminton. Ang baba ng tension ng raketa ko, it's so pang beginnerz! Hindi tuloy umaapoy sa bilis ang aking deadly smash. hihihihi


-Wala parin akong back-spin sa Tennis ( I dunno if the term is tama) at hindi ko kayang mag laro ng Singles. kakapagod. Hindi kaya ng vulnerable kong heart and bubut kong bodeh.


- So far, ang pagbabalik alindog program ko ay doing good. Slowly getting there, ganyan. Hindi pa 'ko nag start mag gym (walang pambayad) but I really try my best to maintain an active life style 5 days a week. I swim. I jog. I play badminton. I play Tennis. Also, I try to control my food intake as well. Ganyan.


-Walking dead is back! I'm so happy! Ultimately (ayaw paawat sa pag gamit ng ultimately?!), I'm waiting for Game of thrones ang tagal. Gahhh!


-Dumating ang boss kong french bread last week. Napilitan tuloy akong hindi ma-late. Wala naman sya masyadong matinong ginawa sa office kundi tapusin ang annual review ko. Hindi ko alam kung magkakameron ako ng increase. My performance is like an Alternating Current wave form. Pero "meeting expectation" naman daw ako. Oo, parang na pilitan lang syang "meeting expectation" ang rating ko. Letche sya! masamid sana sya sa buto ng porchop ngayon!


-April is the month of peformance bonus and salary increase for my company. I am not expecting any. Pero pag nagkameron, ito na ang susi sa aking pinapangarap na trip of the year.


-Nasusuot ko na ulet ang mga longsleeves ko ng hindi nagtatalsikan ang buttones nito! Nakikita ko narin ulet ang betlog ko pag nag shower ako.


-I'm helping a friend na nag hahanap ng work dito sa SG. I'm giving all I can para maging kumportable and kanilang job searching...Ang buti-buti ng puso ko.


- I'm attending ENLI class, this is a bible class that our chuch offers for spiritual feeding. This is a one year program. So nasa first semester ako. I am enjoying the class. So many learnings that I can really apply in my life. I am a self confess Jesus freak by the way. I am a born again Christian, so I do a lot of this bible study and chuch things. And I can't help myself from blogging a little bit about this. I am a member of our Church Praise & Worship team. But having that said, it doesn't excuse me from being a normal person who does stupid things sometimes, and I am not trying to play Holier-than-thou here. Just saying. Puro English?! kaarte.


- My week is always busy, na realize ko tumatanda na ko tapos wala parin akong steady relationship na hahantong sa kasalan. Nakaka depress din minsan. pero ganun talaga. Mas mahirap pag pinilit. So lotion nalang muna ang aking sandata. Tsarlots!


-Matatapos na ang ika-second month ng 2012. Nakakaipon naman me on my first two months kahit kapurit. Kamowwwwwn! Para saan naman itong pag iipon na ito kung wala naman akong pag lalaanan? Mabuti pang idonate ko nalang ito sa Charity kung mamatay naman akong single. Charot!


- Sa totoo lang nabuburaot ako ng beri beri slight sa trabaho. Feeling ko hindi nagagamit ang full talent ko. Pero ayoko mag reklamo baka baiwin bigla. Saka na ko mag hahanap ng bagong work pag naging PR na ko. So far steady pulso lang. Hanggat sumusweldo ng karampot. Go!


-Kelangan ko ng kayakap. Mahilig akong yumakap. pag natutulog. nonood ng tv. Naglalaba. Nag tutubrush. Bagong ligo or amoy pawis. Ganyan. Si mama naiinis sakin kasi mayat-maya ako nakayap sa kanya kahit saan. Nagugusot daw yung damit nya. Sya na naka barot sa'ya sa simbahan sabay bukas ng abanico nyang pamaypay.


-Sumakit ang ngipin ko ng bongga. Gusto kong kagatin ang lahat ng nakikita ko. kaya pag uwi ko ng pinas ipapabunot ko na lahat ng ngipin ko para maging bungal na me. Juk!


-bilang pang huli gusto ko mag post ng picture. Wala lang gusto ko lang. LOL

32 comments:

  1. May kwenta naman ang kwento mo hehehe

    ReplyDelete
  2. hanep sa pic. ikaw na nakabeats ay tama ba?anyway..karamihan sa mga blogger active sa sports. tsk ako ata pinakatamad. nyahaha ituloy tuloy mo lang yan kuya. go go go!=D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe beats nga. Pinagipunan ko yan ng one year ahhaha. Thanks Jaidy!

      Delete
  3. sa April na ang Game of Thrones xD!

    ReplyDelete
    Replies
    1. super duper excited for the game thrones :-D

      Delete
  4. naks. improving na ang effort mo sir. Congrats. go go go.

    natawa ako dun sa hugsy-hugsy. talagang kailangan may maihug sa paglalaba at nagtututbras. wahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks paps more more effort pa! ma hugsy kasi me. Pag nagkita tayo hugsy ko you ahahha

      Delete
  5. sana pag nagpunta ko dyan matulungan mo din ako'ng humanap ng trabaho hehehe. joke :)

    ReplyDelete
  6. naaliw ako! sana kagaya mo din akong active ng makita ko naman ng di nakaharap sa salamin si ningning! :))

    ReplyDelete
  7. Nakakatuwa naman trivial things about sa buhay mo! More stories pa and share mo naman bonus mo sa amin (feling close?) hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sure, pakita ka sakin or sabihan mo ko when you get to visit singapore. No joke :-D THanks for reading paps!

      Delete
  8. gaya ng sabi ko sa FB..huwaw wala ng double chin!!! hihihihi Bow!!!

    ReplyDelete
  9. uy proud talaga ako sa active lifestyle mo :)

    ReplyDelete
  10. Nakakatawa tong mga gantong post mo. Random stuffs. At effective pa rin sa akin yung pagbara mo sa sarili ha? hahaha. Ikaw na talaga active blogger na may active lifestyle.

    ReplyDelete
  11. Pagwapo ka na ng pagwapo. Hayys.

    Mag prend akong kadadating lang jan sa SG from Abu Dhabi. Gusto mo ng date? hihi!

    ReplyDelete
  12. Last na laro ko ng Badminton highschool pa ko. Saktong sakto, nagkayayaan kame ng officemates ko may Badminton kame mamaya. Magiging choosy rin ako sa raketa. Chos.

    The Walking Dead umaygaaaahd para syang torture panuorin pero hindi ko matigilan! As in namimilipit ako gaya nun sa last episode na tinanggal nila sa pagkaka tuhog yung legs. Jusko!

    Basta saken, ineenjoy ko maging single. Pero kasi kasi kasi gusto ko na talaga magkabuypren kaya palusot ko lang yang ineenjoy ko maging single hahahaha liching yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahhaha likes

      Delete
    2. thanks Little Miss Pataki LOL

      nakakabweset na rin ang walking dead parang walang masyadong nangyayari

      Delete
  13. hhahahah kakkatawa naman:D

    ReplyDelete
    Replies
    1. basta mapatawa lang kita masaya na mey

      Delete
  14. Jepoy, ikaw lang kilala ko na nagbabadminton at tennis! Hirap kaya nun, nakakadisorient sa wrist action. Hahaha. May ganun talaga.

    Things are getting well for you, I see.

    Cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sobrang hirap kelangan parating alternate dahil pag nababad ka sa isa sobrang disoriented na yung grip mo. The thing is my footwork really improved on tennis, as you know mataba ako kaya medyo mahirap humabol ahahhaa Thanks for reading Leo. Really...

      Delete
  15. wow...ang yomon..naka beats....ganyan ba ang sinabing kakarampot lang? che!
    buti naman at nashreshred na yung unwanted fats mo...baka pag uwi mo dito kaw na ang bagong derek ramsey...ahhahaha

    ReplyDelete