Wednesday, December 7, 2011

9 Days more...

I dunno whut's wrong with the world. Nahihirapan na kong mag basa ngayon. 'Yung Game of Thrones na binabasa ko nakaka tatlong sentences palang ako tulog kagad ako sa mrt. 'Nung isang araw nga habang nag babasa ako sa tren nakatulog me tapos na bitawan ko 'yung libro kumalabog ng slightly bongga tapos gumulong kay Ateng Maputi. Nahiya me puluten kasi 'di me makayuko masakit likod ko. Gurang much?! may pumulut na uncle at iniabot sakin. Ambantot lang nya amoy sya lupa. And bad ko. Behave!

Interesado naman ako sa book na binabasa ko, impaks bumili ako ng complete set sa felefens at binyahe ko pa sya papunta dito sa Singafores kasama ng pulang hotdog at longganisa na nakulimbat sa airport habang nag-kakape me. Kung sino mang kumulimbat 'nun sana nabusog nya pamilya nya.

Excited na akong umuwi. Una, ang dami kong aattendan na kasal. Quota na ko sa weddings. Lagi nalang ba ko magiging best man?! at coin bearer. Nakakasawa na. It hurts so much. Parang sugat na pinakatan ng kalamansi at nilagyan ng sibuyas at kamatis. Enseylada?! Arte lang.

Dahil excited na kong umuwi ng felefens 'ito ang mga gagawin ko...in two weeks time uuwi na meeeeeeeeeeeeey!

1. Bibili ako ng betamax, isaw, adidas tsaka helmet sa kanto namin sasaw-saw ko sa suka na may onion at hepa B
2. Bibili ako ng putobongbong sa may tabi ng San Sebastian Church. Oo, kelangan dun galeng LOL
3. Pupunta ko ng MOA LOL na-miss ko na ihhhh
4. Maglalaro ako ng beto-beto at color-color sa Peryahan sa Probinsya
5. Ipag-shoshoping ko si Mama at Papa one-to-sawa hanggang masuka sila . Ako na! exclusion ang Electronics stuff (LOL)
6. Pupunta ko tagaytay ng walang dalang mapa...Hanggang sa maubusan me ng gasolina.
7. kakain ako ng Puki-Puki
8. Kakain ako ng maraming maraming Jalibi.
9. tatambay ako sa kanto namin makikipagitara at kantahan at kwentuhan
10. makikipag bloggers eb kung hindi nanaman ako ma iindian.
11. manonood ng sine papanoorin ko lahat ng showing...
12. kakain me ng balut at mainit na bibingkang walang pulang itlog..
13. mamimigay ng tinapay sa street children
14. mag papa-spa everywhere. Lahat ng pwedeng pamasahe papamasahe meyyyyyyyyyyy. Aylaykhet!!!
15. makikipag sexy times. Juk! makikipag kita sa friends...

Na excitttttttttttttte na mey...

13 comments:

  1. ay bet ko rin ang Game of Thrones na book at saka yung series niya, kaso antagal mag release ng new sequels :(

    ReplyDelete
  2. naalala ko tuloy yung ferino's nung sinabi mong bibingka, peborit ko kse yon, at puro kain talaga ha? ganon rin kme pag umuuwi, lahat ng eat-all-u-can kinakarir haha, enjoy sa vacation!

    ReplyDelete
  3. May kasamang hepa A. STD ang hepa B, unless siguro makipagjer ka sa suka baka makuha mo yung hepa B. Hahaha. Umaapila? LOL. Ikaw na ang rich! Ikaw na ang pabalik balik lang. FINE!

    ReplyDelete
  4. wowowowow. mukang mdami kang gagawin sa pag-uwi mo ng filipins.

    question ano ang puki-puki? literal na puks ba ito?

    ReplyDelete
  5. Magpraktis ka mag dougie.

    ReplyDelete
  6. ISAMA MO AKO SA TAGAYTAY! MALAPIT LANG KAMI DUN

    PATI NA RIN SA MOA.

    GALIT AKO

    PAK!

    ReplyDelete
  7. wait, bakit puro kain? tapos dadrama sa twitter?

    hahahahaha

    ReplyDelete
  8. haha...may checklist ah! enjoy your felepens vacation! best man din ako this month. wala lang, lol haha

    ReplyDelete
  9. Same thought with khantotantra. hahaha.. anu ba yun? hehehe..

    Good luck sa byahe mo!

    silent reader pala ako ng walang kwentang pang aksayang oras na blog mo. hehehehe.

    ReplyDelete
  10. ay spell yung fully booked...

    ReplyDelete
  11. Uuwi na yu, Jepoy? Yeheyyyy! Wag mong kalimutan, medium lang mey, size 30 ang beywang, saka size 9 lang ang paa ko. Aym lavvin et! :D

    Nakatikim na rin ako ng puki-puki--iyong pagkain ha--masarap siya actually. Pero iyong isa hindi pa, masarap din un sigurado ako. LOL.

    ReplyDelete
  12. Uuwi na yu, Jepoy? Yeheyyyy! Wag mong kalimutan, medium lang mey, size 30 ang beywang, saka size 9 lang ang paa ko. Aym lavvin et! :D

    Nakatikim na rin ako ng puki-puki--iyong pagkain ha--masarap siya actually. Pero iyong isa hindi pa, masarap din un sigurado ako. LOL.

    ReplyDelete