Thursday, July 28, 2011

Sablay Again (Update)

Ako na yata ang pinaka Stupidness pag dating sa pagkilos ng tama sa harap ng Kras me. Sablay nanaman sa Jar. I hate et! Parang elementary umasta!!!

Ganto kasi 'yun... Iiiiiiiihhhh parang ayoko na yatang ikwento dami na kasing nagbabasa ng blog ko na kakilala me. Baka mabasa nya 'to. Nahiya meeeeeeh. Baka lumunok me ng limang blade at apat na buhay na pato pag nabasa nya 'to. I'm like...Iiiiihhhhh.

Okay... Ganto kasi 'yun.

Paalis na 'ko sa Sabado papunta ng France. Dahil wala naman akong lakas ng loob na yayain sya mag date kasi langit sya lupa me, kaya niyaya ko nalang ang buong housemate nya mag dinner LOL...At dito pumapasok ang napakagaling kong classic diskarte, pang 1950's. I HATE ET!

Pumunta kame ng housemate kong Majubis sa Flat nila kanina. Eksakto naman nandun sya nag luluto. Awwww kinilig me ng 40% nakalugay ang buhok OMAGAWDD ang ganda nya nag eexist pala ang Angel sa lupa nowadays...Nahiya meeeeeh.

Okay, syempre sinabi ko na may dinner bukas sa Somerset at pili lang ang invited kasi wala me pera pero lahat sila sa bahay invited. LOL Okay ininvite ko silang lahat pwera lang SYA...

NAPAKAHUSAY!!!!!

Lahat sila na nasa kusina natuwa na may dinner kame. Bonding din namin kasi yun bilang mag kakapatid kay Papa Dyisas. Ako nanaman ang hinaharot ng aking magagaling na ka Life Group kasi nga nandun din sya sa kusina nagluluto. Pati sya nakakachawan din nila. Nahiya meeehhh. Buti nalang hindi sya naiilang.

sabi nya, "Paano ako pupunta hindi naman ako iniinvite"

May point sya! I hate eeeeeeeet! :-(

Sabi ko, "Oi bukas punta ka ha, mga 8PM" talagang "Oi" ang ginamit kong tawag..Who does that?!

Sabi nya punta daw sya mga 8PM. Natuwa naman ang Jepoy ng lubusan.

AKO NA PATHETIC! Kayo na makulay ang lovelife parang Krayola lang...

*****************************************************************************

Update:

Kinabukasan nag handa ako. Nag shave. Nag-bihis.Nag perfume. Excited me. Sorry naman tao lang naman kinikilig kung minsan.

Pero...

hindi sya nakarating. Busy daw :-(

Mag bigti na kaya me sa Mt. Everest?!

28 comments:

  1. you have two months to gather up strength and courage. be inspired on how beautiful paris is. and of course, pray to Papa Jesus na His will be done pagdating sa lovelife mo. and who knows, baka sa paris ma-reveal sau ni Lord kung ano ang dapat mong gawin regarding ur situation with her..

    or another way around, kung atat na you: lagyan mo ng singsing ang kakainin niang steak bukas..
    hehehehe

    - joe d' mango

    ReplyDelete
  2. Hahaha. parang nag-aya lang ng tambay tumoma. Nice one Jeps. More! Hahaha. Ikaw na kasi ang yumu-Europe! God bless. :)

    ReplyDelete
  3. oi! kudos to you!!! ipagpray natin yan!

    ReplyDelete
  4. Go, Jepoy! Pakitang gilas u! Hehehe

    ReplyDelete
  5. sosyalan france..hehehe


    lumalablyf u?ayos yan!

    goodmorning at kumusta kua jepoy?

    ReplyDelete
  6. HAHAHAHAHA. katuwa naman to... life group? nag-aatend ka ba sa Victory?

    ReplyDelete
  7. teka natawa ko sa comment ni joe d' mango sa taas! infairness naka-base sya. LOL.

    enjoy the dinner date (kahit group date pa yan), ang importante makasama mo yung crush mo bago ka lumipad papuntang Paris. wag mo rin kalilimutan magpapicture sa kanya gamit yung bagong Nikon camera mo. hahaha..

    sayang wala na ko dito sa Singapore pagbalik mo, pero malay natin mag-iba ikot ng mundo di ba?! God is good. :)

    a bientot!

    ReplyDelete
  8. magaling! di man lang nag-iinvite!

    magsuot sana ng sexy na damit yung crush mo at umupo sa tapat mo nang dumami sably moments mo.

    alayan mo ng tocino at longganisa sabay sabing "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" hahahaha

    ReplyDelete
  9. una SG, now its France. :D

    malay mo bright ang crush mo at makuha niya na kaya parang latemo sya ininvite kasi nahihiya you much kasi crush mo sya :D

    ReplyDelete
  10. At least, may effort ... A for effort!! LOL. :D

    ReplyDelete
  11. nainvite mo naman pala sya kaya okay lang un. good luck sa dinner nyo pre. aja!

    ReplyDelete
  12. ikaw na ang makulay ang lovelife parang crayola lang. hahah

    ReplyDelete
  13. takte hnd ko alam kung napost yung unang comment ko. hehe. ikaw na makulay ang lovelife..ikaw na

    ReplyDelete
  14. hahahaha!

    goodluck. :)

    laking torpe?

    ReplyDelete
  15. Bagal-bagal kasi. (Ako na ang mabilis.) LOL!

    ReplyDelete
  16. since may update, update din sa comment. ma next time pa naman siguro. invite mo sya ulit.

    ReplyDelete
  17. hindi may kasabihang kapag maganda raw ang karir eh ang lablyf nman ang walang kinakarir..hehehe

    ReplyDelete
  18. uy uy! duma-damoves! kailangan talaga pag paalis na? suus! tell her na kaseee and say it like you mean it! major kembot moments! :)

    ReplyDelete
  19. aaayyyy...may next time pa naman...pero malay mo nasa France pala ang kabiyak ng iyong nguso este puso pala. :)

    ReplyDelete
  20. . . . maipadala nga itong blog post na ito sa EPIC FAIL.com.

    ReplyDelete
  21. alam mo... nahiya lang un bigla!!! crush ka rin daw kasi niya!

    ReplyDelete
  22. saw your bucket list btw-- OO PUMUNTA KANG AUSTRALIA A!

    ReplyDelete
  23. sumablay nga pero pupunta naman ng Paris saan ka pa.

    Bigating lakwatsa ito.

    ReplyDelete
  24. naku huwag kang magbigti sayang ang trip mo sa France hehe! hnd lang siya ang babae..Lol

    ReplyDelete
  25. I'm like...Iiiiihhhhh.
    Napatawa mo na naman ako.
    Pero pag aakyat ka ng Mt.Everest isama mo ko, para ako ang magdocument ng gagawin mo dun. :)

    ReplyDelete
  26. Haha... sayang yung chance. Pero, baka pwede pang humirit. Good luck!

    ReplyDelete
  27. People thank you for you comments...May update na me pero nahiya me. LOL ang landi ko lang syet! LOL

    Salamat talaga sa inyong mga comments!!! Comment lang ng comment ha!

    ReplyDelete