Wednesday, July 20, 2011

Wag ng Basahin-Gross!

Anak ng Guyabanong Bulok!

Nakakailang draft na ko ng mga entries wala parin akong matapos-tapos. Ang hirap talaga pag nagpupumilit lang maging writer. Kunyari brainy hindi naman. Nakaka-tatlong topic na ako. Una, masyadong personal. Scrap out sa banga ni Matet. Pangalawa, masyado boring. Itapon sa recycle bin ni Bill Gates. Pangatlo, masyadong mapanlait. Baka ma-excomulgate ako sa Church. Hindi ko kayang mabuhay nun. Mag sisikip ang dibdib me at mamatay habang dumadausdos ang likod sa wall.

Arte lang...

Alam nyo naman na mahina ang panunaw ko. At nakailang kwentong inabutan akong natatae sa kung saan mang lugar, na kwento ko na yan dito madami ng beses, kung skip reader ka eh wag mo na alalahanin. Kahapon nangyayari nanaman ang masamang bangungut na itwu Ate Charo. Mahapdi. Makirot.Masakit sa puso.

Nasa MRT palang me na mumuo na ang mga pawis me. Parang syang nag slo-slow-mo. Pati nga mga tao sa paligid parang unti-unting humuhina ang boses. Ang tanging na isipan ko lang ay iisa. Nag susumigaw ang diwa ko ng...

Kubeta!

Taeng-tae nanaman me. Masyado na yatang madaling gilingin ng digestive system ko ang regular Kimchie Nudels na tanghalian ko.

Kahapon ay swimming day ko. Oo, alam nyo naman na obese 3 ako at hindi ko pinag kakaila yun. Kaya nga nag papa-payat eh! So yun nga swimming day ko kahapon. ginagawa ko ito every after day. Dala-dala ko ang bag me at swimming gadgets. Like Lotion SP5. Facial Cream. Nail Protector. At Lip gloss. Kikay???! Sabehhhh??!!! JUK lang. May maliit lang akong dalang bag na may lamang Trunks Rush guard, twalya, Shampoo, Conditioner at gogles.

Ramdam na ramdam ko nanaman ate Charo ang bagay na ayokong nararanasan. Taeng tae nanaman me. Nabitawan ko ang bag ko. Hindi ko sya mahawakan parang lalabas na tae me. First time ko atang mararanasan itwu. This is not happening.

To cut he long shitty story short nakarating ako sa Sengkang Community Center. Nandyan yung pool. At pag talagang swerte me. Ayaw gumana ng ticketing boot. Ayaw mag dispense ng ticket. Gusto kong sigawan ang lahat ng crew.

Tabeeeeeee taeng tae na me...

Isipin nyo ang agony ko habang tinataktak ni Ate ang Ticketing Vendo. Ang bagal pang kumilos. Monting ko nang ingungut ang fez nya sa sahig.

Pag pasok ko patakbo me pumunta sa toilet walang sabi-sabi ang unang cube na nakita doon ako Jumebs ng madami. Yung parang wala ng bukas. Hayst sarap.

Pero pag ka flush me umapaw sya ng parang panahon ng Noahs Ark. YUng NOahs Ark, yun 'yung tae me...

:-(


22 comments:

  1. ewwww!! arteh lang...hehehehe! pero d ka talaga maubusan ng ganitong kwento ano...at laging sa MRT ka inaabutan ng palabas ng echos mo...lol

    ReplyDelete
  2. Ano yun barado? Bakit umapaw? Naimagine ko, shit! Dugyot. Hahaha. Another shitty story.

    Napatawa ako sa kakikayan. Hahaha. Ikaw na!

    ReplyDelete
  3. noah's ark? ahahaha

    humagalpak na naman ako sa wento mo hindi talaga makapagpigil ng bongga!!! XD

    ReplyDelete
  4. LOL! Noah's Ark talaga? 30x50x300 din ang size?! Juk!

    ReplyDelete
  5. holy shit. usapang shit.

    nakaka-trauma yung biglang aapaw galore na akala mo unli flush ang takubets... grabe.

    ReplyDelete
  6. Umapaw ang sama ng loob sa toilet..haha..dapat kasi magbaon ka ng banyo!

    ReplyDelete
  7. bwahahhaa...yucky nga lol..ung pag agos! ahahaha

    ching!

    ReplyDelete
  8. kakagising ko lang tae agad ang bumungad... shetttttttttttt!


    sabi na kasing wag nang basahin e...


    kulit much?!

    ReplyDelete
  9. hahaha WTF... ano ba naman yun... naranasan ko narin yan maraming beses na... pero di naman ako nagkaka noah's ark... hhahaha

    ReplyDelete
  10. hindi noah's ark yon...kung hindi mga dalag...hehehe

    ReplyDelete
  11. kawawa naman cleaner ng community center. tsk tsk

    ReplyDelete
  12. Jepoy, di ko ma imagine na Noah's Ark ang eksena mo sa kubeta.. natatawa ako... ang saya..

    ReplyDelete
  13. ewwwww!!barado!!! hahaha!

    ReplyDelete
  14. may suggestion ako sayo...

    adult diapers...

    hahaha

    ReplyDelete
  15. Nagpupunta ako sa blog mo hoping na may mabasa akong post na may sense. Putang ina ganito pa ang maabutan kong linya:

    "ginagawa ko ito every after day"

    LOL puki ka ayusin you!

    ReplyDelete
  16. . . . may tunog bang lumabas nung ibinagsak mo na ang epektos?

    ReplyDelete
  17. sakit sa panga kakatawa! :) bwisit na noah's ark yan. iba na ang tingin ko sa kanya ngayon. ahaha

    ReplyDelete
  18. iba ang dating ng word na success kapag talagang dumaan ka sa hirap para lang mairaos yun.

    congrats!

    ReplyDelete