Thursday, April 7, 2011

Until Further Notice

Ang author ng blog na ito ay kumakain ng butong pakwan. Hindi nya mabuksan ang tabi-tabinging butong pakwan kahit basang basa na nang laway at hindi na ito malutong. kaya bare with him. Hindi sya makapag blog ng mga bagay-bagay na walang kabuluhan na maaaring magpakiliti sa maseselang bahagi ng katawang lupa nyo gaya ng kilikili at talampakan. Wag kang malisyoso!

Ang post na ito ay pag-papaalala lamang na buhay pa ang may akda. Busy lang sa pictorial and interviews. Juk!

Puro noodles kasi ang kinakain nya sa tanghalian, at tinapay na malungkot na gawa sa oat ang kinakain sa hapunan. Gusto nya kasing pumayat ng kaunti para maging hot and yummy sya.Kaya ang kinalalabasan ay sabaw na ang utak at nawalan nang kakayahang mag sulat. Dahil walang sustansya ang pagkain. Again please bare with him.

Hindi arte ang lathalang ito. Seryus kaya itwu. Duhr!

Mag iipon muna nang lakas ang may akda upang ilathala ang mga kwento ng buhay na pwedeng kapulutan ng aral tulad ng pamumulot ng tanzan at pag punas ng talampakan pag tapos mag shower. Mga ganung stuff.

Hindi ibig sabihin na isasara ng may akda ang blog dahil hello, adik kaya sya mag sulat ng mga bagay na walang kabuluhan na makakapag bigay ng konting kiliti sa tatlong faithful readers ng blog na itwu.

Mag papahinga muna ang may akda. Sana sa pag babalik eh nandyan parin kayo.

Kelan ba babalik?

Mga next week.. Chos!

Sige tae muna me. Next time ulet.

Bye *SMACK*

15 comments:

  1. this is not good. sabay may ganon.
    at bakit naman may mga next week pang notice mukhang may kaabang abang sa buhay mo jepoy

    ReplyDelete
  2. LOL. Isa ba ako sa tatlong peytpul readers mo? Ahihihihi ... Akala ko, update na ito sa buhay mo diyan sa SG! :D:D:D:D

    ReplyDelete
  3. wahehehee.

    update lang ito sa current na ginagawa ng author. :p

    bakit puro noodles lang nikakain mo? baka masobrahan ka sa noodles.

    ReplyDelete
  4. balik ka kagad kuya jepoy..mamimiss ka namin..=) ingat ka dyan sa SG.

    ReplyDelete
  5. Hoo.. Hiatus mode ka na rin. Yan talaga yung gusto kong itry ng matagl na eh. Kaya lang hindi ko magawa. Haha. Turuan niyo ako.

    ReplyDelete
  6. Nakakainis. Gusto kong magcomment sa 25 things about you. Haha. Sobrang natawa ako sa nagnakaw ka ng footlong sa canteen dahil gutom na gutom ka. Hahahahaha. Ewan ko kung bakit? Naiimagine kasi kitang nagpupuslit ng pagkain. SHET!! Hahahaha. Sorry naman, mairaos lang ang comment. Haha.

    ReplyDelete
  7. aay :( haylmishu. ingats.

    ReplyDelete
  8. toink!! :) sige lang kahit na parang mukhang walang kwenta tong post na toh... mukha lang.. may kwenta pa rin.. na-entertain pa rin ako.. bakit ganun ang bagsik mo?

    ReplyDelete
  9. Gusto kong hiramin ang "please bare with him." :)

    ReplyDelete
  10. @salbe ahahahah natawa ako, mamya aayusin ko di ko ma edit sa phone! Ikaw na ang best in English, best in literature, best in rhetorica, lahat na ng best nasayo na, ikaw na taga UP!!! It's you already! Lol

    Mahina me sa spelling at english. Please bear with me! Lol

    ReplyDelete
  11. HIATUS?! anu be?! lol

    well, maglilista ako ng mga pwede mong isulat, mashado ka kasing busy! LOL

    ReplyDelete
  12. ako ang pang 4 na masugid na readers mo..;))

    ReplyDelete
  13. thanks everyone! nakakataba ng fats! I'll see you soon...

    ReplyDelete
  14. can't wait til you get back kuya jepoy!

    :)

    ReplyDelete
  15. Matagal din akong di nakapagcomment pero nagbabasa me parati. =)
    Hope your stay there in SG will continue to be a fruitful one.

    ReplyDelete